Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter : 22

22: Two Red Lines

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Breyden. Dalawang araw na itong masama ang pakiramdam. Nakahiga lamang ito at suot ang kaniyang oxygen mask.

Nang magising siya'y nagtinginan lamang kaming dalawa. Bakas sa mukha nito ang labis na hirap sa kaniyang kalagayan, ngunit pilit pa rin niyang tinatago ang sakit na nararamdaman. Alam kong ayaw lang niyang maging pabigat sa mga tao sa paligid niya.

Bumuka ang mga labi nito ngunit walang boses na maririnig.

"I-I'm... Sorry..."

Bumigat ang aking pakiramdam at halos pigilan ko ang mga luhang gusto ng kumawala sa aking mga mata. Minabuti kong lunukin ang sakit sa aking dibdib para hindi niya makita ang labis kong kalungkutan sa kaniyang kalagayan.

"Deina! Tara na," pagtawag sa akin ni Amary sa labas ng kuwarto. Hinawi ko ang buhok ni Breyden pataas sabay hinalikan ko siya sa kaniyang oxygen mask katapat ng kaniyang mga labi.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "I'll be right back," ani ko at naglakad na ako palabas ng kuwarto. Lumingon pa ako saglit, nakatingin pa rin siya sa akin pero unti-unti nang pinikit ang kaniyang mga mata. Napasinghap pa ako nang malalim bago tuluyang isarado ang pinto.

Umalis kaming tatlo nina Third at Amary papunta sa supermarket, pero bago magtungo roon ay dumaan muna kami sa talyer para kunin ang kotse ni Breyden. Si Amary ang nagmaneho ng kotse ni Third at si Third naman ang kay Breyden.

Pagdating namin sa supermarket ay dali-daling lumabas si Amary sa loob ng kotse at napasuka sa tabi. Lumabas ako at lumabas din si Third sa kabilang kotse sabay lapit kay Amary.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Third at inalalayan si Amary.

"Deina pakuha ng tubig sa loob ng kotse," utos nito. Kinuha ko naman agad at saka inabot din sa kaniya.

Muling sumuka si Amary at napakapit sa mga braso ni Third saka kinuha ang bote ng tubig. "Bigla akong nakaramdam ng hilo," ani Amary. Namutla ang mukha nito at halata ang matinding panghihina.

"Are you preg---" naputol bigla sa pagsasalita si Third. Halata ang pagkagulat sa kaniyang mukha.

Kumunot ang noo ni Amary. "Pregnant? How?" She eyed him warily.

Kitang-kita ang pangamba sa mga mata ni Third na ikinatuwa ko naman. "Kami na lang ang mamimili, maiwan ka na rito," saad ni Third. Inalalayan niya agad si Amary papasok sa loob ng kotse.

"A fish is caught by it's mouth," I murmured. Third glared at me and I just let him see the evil smirk on my face.

Pagpasok namin sa loob ng supermarket. "I'll buy her pregnancy test," ani ko. Hindi sumagot si Third at dumiretso lang ito sa may nakahilerang mga alak.

Kumuha lang ako ng mga importanteng kailangan namin at mga pinasabay ni Amary saka pumunta na sa counter. Lumapit na rin si Third tulak-tulak ang cart, napakaraming alak ang kinuha nito.

Pagbalik namin sa parking lot sumakay ako sa kotse ni Third kung saan nandoon si Amary, at si Third naman sa kotse ni Breyden dumiretso. Habang nasa biyahe kami ni Amary hindi ko maiwasang tignan siya habang nagmamaneho.

"Don't look at me like that." Nasilip niya ako sa rear-view mirror.

"He raped you twice," I looked straight into her eyes. Nanlaki ang mga mata nito sa mga salitang lumabas sa aking bibig.

Mas humigpit ang paghawak nito sa manibela at rinig ko ang kaniyang mahinang paghagulgol na tila pinipigilan pa nito.

Nang makarating na kami sa cabin, tinignan muna niya ang kaniyang sarili sa salamin ng kotse bago lumabas. Inabot ko naman agad sa kaniya ang isang supot. Pagpasok namin sa cabin ay dumiretso agad siya sa banyo.

Si Third ang nagluto ng aming pananghalian, habang ako naman ay nag-aayos ng aming mga pinamili.

Maya-maya'y lumabas na rin si Amary ng banyo at dumiretso paakyat sa pangalawang palapag at kasabay no'n ang pagbaba ni Breyden.

"Hindi ka pa masyadong magaling bakit bumangon ka na?" tanong ko. Lumapit naman siya kay Third sa kusina at tumulong sa pagluluto.

"I'm fine, don't you see this?" Inangat niya ang kaniyang kamay at pinakita ang biceps nito.

Inirapan ko siya. "I don't." Sabay nilabas ko ang dila ko para inisin siya pero ginantihan niya ako sa pag-ikot din ng mga mata niya sa ere.

"Guys! Let's celebrate Christmas tomorrow, what do you think?" ani Breyden.

"Month pa lang ng april, dude," tugon ni Third habang naghihiwa ng patatas.

Lumingon naman si Breyden kay Third. "I know, but I am no longer here in december." Natigilan kami ni Third sa aming ginagawa at napatingin kami pareho kay Breyden. Double meaning agad ang pumasok sa isip ko dahil sa kaniyang sinabi.

Isang ngiting malapad lamang ang sinukli ni Breyden sa amin.

"I'm going to buy fireworks and Christmas decorations, who wants to come?" ani uli nito.

"I'll go with you," biglang sambit ni Amary pagbaba ng hagdan.

"Okay, let's go!" Pinauna ni Breyden maglakad si Amary saka siya sumunod. Lumabas na sila ng cabin at naiwan kami ni Third sa loob.

Nauna na kaming kumain ni Third. Tahimik lamang kami at tila natutulala siya habang kumakain. Malakas ang pakiramdam ko na pareho kami ng iniisip ngayon. Nababagabag na rin ang isip ko kung ano nga bang resulta sa pregnancy test ni Amary.

Ilang oras din ang lumipas bago nakabalik sila Breyden. Umalis itong nakangiti kanina pero pagkabalik nawala lahat ng ngiti nito sa mga labi. Sinalubong ko agad sila sa labas ng cabin at halata ang pamumugto ng mga mata ni Amary.

Tama nga ako. Sumama si Amary para sabihin lang ang tungkol sa kaniyang kondisyon. Hindi na dapat niya sinabi dahil alam niyang hindi ito makakatulong para kay Breyden, dagdag pasakit lang ito sa kaniyang nararamdaman.

Nauna nang pumasok si Amary sa loob ng cabin at lumapit naman sa akin si Breyden. "Walang christmas tree?" nakangiting sambit ko.

"Tell me everything, I'm going to fucking kill that bastard!" He exclaimed, angrily.

I stared at him without uttering a word.

"She's pregnant," he sounded frightened.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro