Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter : 21

21: Wickedness

Why do I exist?

Why am I alive?

When I thought about this I could find no answer. But as I live I need a reason, otherwise it's the same as being dead.

Nakaharap ako sa salamin at nakatitig sa aking bagong kulay ng buhok. Ibang tao na ang nasa harapan mo ngayon, Deina.

"Bagay sa 'yo." Biglang sumulpot si Breyden at ang malapad nitong ngiti sa akin.

"Bakit itim na uli 'yang buhok mo?" nagtatakang tanong ko.

Sinuklay niya pataas ang buhok niya gamit ang kaniyang mga kamay. "Try to experience lang," pangisi-ngising sagot nito.

"Ano pa kayang puwede kong gawin? Baka may suggestion ka?" Napahalukipkip siya ng kamay at halatang napa-isip ng malalim.

"Kalbohin na lang kaya kita?" Napangiti ako nang malapad sabay harap sa kaniya.

Napataas ang isang kilay nito sa akin. "Ayoko nga! Mas lalo akong magmu-mukhang may sakit."

"Trim haircut na lang?" suhestiyon ko.

"Oo, 'yon na lang, bawas lang a!" usal nito.

"Pero hindi pala ako marunong," pagbawi ko. Napakunot ang noo nito sa akin.

"Okay lang kahit pangit na gupit, tara!" Hinablot nito ang kamay ko palabas ng kuwarto.

Bumaba kami at kumuha ako ng gunting at suklay. "Sa labas tayo," ani Breyden. At nauna na siyang lumabas ng cabin.

Nagtataka ako at wala na naman sina Amary at Third. Saan na naman kaya sila nagpunta. Paglabas ko'y nakaparada ang kotse ni Third, siguro nasa ilog lang ang mga 'yon.

Lumapit ako kay Breyden na nakaupo sa harapan ng kotse at handang-handa na ang sarili para gupitan. May tuwalya pa talagang nakapatong sa mga balikat nito.

Nasa kalagitnaan na kami sa paggu-gupit nang magpaalam si Breyden na papasok saglit para umihi.

Paupo na sana ako sa harapan ng kotse nang biglang takpan ang aking bibig ng malapad na kamay. Nagpumiglas ako pero agad ako nitong tinalikod paharap sa kotse, halos i-mudmod niya ang mukha ko sa unahan ng kotse. Hinawakan niya ang kamay ko at inipit sa likod ko.

"Asan ang amo mo?" Isa pang lalaki ang sumulpot sa aking harapan. Iba pa ang lalaking nakahawak sa aking bibig at kamay, hindi ko makita ang mukha nito.

Pilit akong nagpupumiglas pero napakalakas ng lalaking pumipigil sa akin. Ang laki rin ng kaniyang mga palad halos masakop nito ang aking mukha para hindi ako makahinga ng maayos.

"Asan si boss Charles?" Paglinaw ng pakay nito. Mga tauhan ba sila ng hayop na 'yon. Hindi pamilyar ang mukha at boses nila sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong papalabas ng cabin si Breyden, gusto ko siyang pigilan na huwag lumabas ngunit hindi ko magawa. Nabaling ang atensyon namin sa paglabas ni Breyden ng cabin.

Napangiti ang lalaki sa aming harapan. Nagulantang naman si Breyden sa kaniyang naabutan. "Breyden? Nandito ka rin pala?" Bahagyang nagulat ito nang makita si Breyden.

"Flyn? Anong ginagawa niyo kay Deina? Bitawan niyo siya!" Nakita ko ang galit at takot sa mga mata ni Breyden habang nakatingin siya sa akin.

"Deina? Ikaw pala 'yong kinababaliwan ni boss Charles." Tinignan niya ako sa aking mukha pababa sa aking katawan. May kakaiba sa kaniyang mga tingin sa akin, parang wala rin sa wisyo ang isang ito.

"Ashton! Bitawan mo si Deina!" Lalapit na sana si Breyden sa amin pero hinawakan siya nang puwersahan ni Flyn sa kaniyang mga balikat.

"Ilabas niyo muna si boss Charles! Dito siya huling pumunta at alam naming ang babaeng 'yan ang pakay ni boss Charles kaya imposibleng wala si boss dito!" Tinulak niya si Breyden palayo sa amin pero pilit pa ring sumugod si Breyden.

"Wala rito si Charles!" Sinuntok ni Breyden si Flyn sa panga pero agad nakabawi ng suntok si Flyn sa sikmura pa mismo ni Breyden. Kinatumba ito ni Breyden at doon na siya tinadtad ng sipa sa katawan.

Napaiyak ako nang makitang namimilipit na sa sakit si Breyden. "Nasaan ang gagong si Third!" bulyaw nito.

Kinagat ko ang kamay ng isang lalaki kaya nabitawan niya ako bigla, tumakbo ako para pigilan ang palipad na suntok ni Flyn kay Breyden kaya nasalo ito ng aking panga. Dumugo ang bunganga ko sa sobrang lakas at sakit ng suntok pero hindi ako nagpatinag at hinarang ko ang aking sarili para hindi niya masaktan si Breyden.

"Deina, takbo!" Naririnig ko ang hirap sa paghinga ni Breyden. Mahina na ang katawan ni Breyden para makalaban pa.

"Ako na lang ang saktan niyo, pabayaan niyo na si Breyden," pakiusap ko.

Hinatak ni Flyn ang buhok ko at pinipilit ni Breyden makatayo kahit hirap na hirap na ito, sumugod na rin ang isang lalaki sa amin sabay dakma ng damit ni Breyden at hinawakan niya ito para hindi makagalaw.

Tuluyan naman akong hinatak ni Flyn sa gilid ng kotse ni Third. Hindi na ako nagpumiglas para hindi nila saktan si Breyden. Kailangan mabaling ang atensyon nila sa akin at hindi kay Breyden. Sa ganitong paraan lang ang naiisip kong gawin para maisalba ko ang buhay ng taong pinoprotektahan ko.

Wala na rin namang halaga sa akin ang katawang ito kahit ilang beses pa nila itong sirain. Sa impiyerno rin ang bagsak ko kasama ng mga hayop na taong 'to.

Nakita ko na pinadapa nito si Breyden at tinapakan pa ang likod pero hindi naalis ang tingin ni Breyden sa akin.

"Don't look at me babe, just close your eyes." I whispered.

Pinipilit niya pang gumapang at magpumiglas pero wala na talaga siyang lakas. Nakagusot ang mga kamay niya sa kaniyang damit malapit sa kaniyang dibdib.

Kailangan niya ng tulong ko. Hirap na hirap na siyang huminga. Bumuka ang mga labi nito na tila'y may gustong sabihin. Nakita ko ang pagdaloy ng mga luha nito sa kaniyang mga pisngi.

Hinawakan ako ni Flyn sa aking ulo at pinaluhod sa kaniyang harapan. Mabilis niyang naibaba ang kaniyang pantalon at tinulak ang mukha ko sa kaniyang pagkalalaki pero bago pa nito tuluyang ipakain sa akin ang bagay na iyon ay biglang may tumalsik na dugo sa paligid, pag-angat ko ng aking mukha ay nakita kong tumatagas na ang dugo sa nakanganga nitong mga labi at natumba na lamang ito bigla.

Bumungad sa akin ang nakakapangilabot na mukha ni Third. Hawak-hawak nito ang malapad na kahoy na punong-puno ng dugo.

Tumakbo si Third at sinugod ang isa pang lalaking katabi ni Breyden. Malakas na puwersa niyang pinalo sa mukha ang lalaki na kinawalan ng balanse nito kaya nagkaroon ng tiyansang pagtatadyakan at paghahampasin ng kahoy ni Third ng paulit-ulit ito.

Lumapit na rin si Amary kay Breyden at sinuotan nito agad ng oxygen mask. Inalalayan niya itong tumayo at makapasok sa loob.

Duguan ang mukha at katawan ni Third nang lumapit siya sa akin at inilabas ang panyo sa kaniyang bulsa para ipunas sa aking mga labi. Tumulo bigla ang mga luha sa aking mga mata. Marahan niya akong binuhat papasok sa loob ng cabin. Ikinawit ko na lamang ang mga kamay ko sa kaniyang leeg at sumandal sa kaniyang balikat.

"Okay na ang lahat. Huwag ka ng umiyak, pinatay ko na sila."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro