Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter : 20

20: Dye

Sinundan ako agad ni Breyden papunta sa kuwarto. Sinarado niya ang pinto at tumingin sa akin ng seryoso.

"May kinalaman ba kayo ni Third sa pagkawala ni Charles?" diretsahan nitong tanong.

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Deina, anong ginawa ni Third kay Charles?"

"How would I know?" Lumingon ako sa bintana para umiwas ng tingin kay Breyden.

"Alam kong may alam ka. Sabihin mo sa akin 'yong totoo, hindi ka naman talaga nauntog sa puno, si Charles may gawa no'n sa 'yo 'di ba?"

"Galit na galit si Third nang malaman niyang may ginawa sa 'yong hindi maganda si Charles. Nakita kong may sinusunog na damit si Third ng gabi ring 'yon. Did he kill him?"

"Isusumbong mo ba siya sa police?" tanong ko. At muling ibinaling ang paningin ko sa kaniya.

Nagkatinginan lamang kaming dalawa. "Kapag naaalala ko ang ginawa sa 'yo ni Charles, baka may magawa rin akong hindi maganda sa kaniya."

Inangkin ako ng mga bisig ni Breyden. "Hindi ako magsa-salita kung 'yan ang gusto mo, hinding-hindi kita ipapahamak. Kakampi mo ako, Deina."

Namugto ang mga mata ko sa sinabi niya kaya sinuklian ko siya agad nang mahigpit na yakap. Hinaplos-haplos niya pababa ang aking buhok.

"Gusto mo bang pumuntang bayan?" Binitawan niya ako saka ngumiti sa aking harapan.

"Sira 'yong kotse mo," paalala ko.

Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Oo nga pala, dinala kanina nila Third sa talyer. Kotse na lang ni Third ang gamitin natin."

I nodded. At nagkaniya-kaniya na kaming punta sa banyo para makaligo. Bumaba kami ni Breyden pagkatapos naming makapagbihis.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Amary sabay tingin sa pananamit namin.

"Sa bayan, gusto mo bang sumama?" pagyaya ni Breyden kay Amary.

Napalingon naman si Amary kay Third. "Kung sasama si Third." Napatingin si Third kay Amary habang kumakain siya.

Hinawakan ni Amary ang kamay ni Third. "Sumama ka na, please!" pakiusap nito.

Napabuntong-hininga pa si Third bago magsalita. "Okay, fine."

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Amary at dali-dali itong umakyat sa pangalawang palapag. "Kukunin ko lang ang wallet ko!" masayang sambit nito.

Nauna na kaming lumabas ni Breyden at pumasok ng kotse. Sa backseat kami naupong dalawa.

"Bakit kasama pa sila?" nakasimangot kong tanong at natawa naman si Breyden sa inasal ko.

"Ayaw mo ba? Gusto mo bang masolo mo lang ako?" biro niyang sagot. Inirapan ko lang siya at nanahimik na lang sa puwesto ko.

Tahimik na ako pero nasisilayan ko pa rin ang pilyong ngiti ni Breyden sa akin. Lumabas na rin sina Amary at Third. Pumuwesto si Third sa manibela sabay paandar ng kotse.

Tanging ang boses lang nina Amary at Breyden ang umaalingawngaw sa loob ng kotse. Kapansin-pansin ang kanina pang pananahimik ni Third at naka-sentro lamang ang kaniyang paningin sa daan. Malamang at nababagabag na ang isip nito tungkol kay Charles.

Nang makarating kami ng bayan ay pinarada ni Third ang kotse at saka lumabas na kami para maggala-gala. Pinagbabawal kasi ang sasakyan sa loob mismo ng pamilihan. Kahit malawak ito at mahaba-haba ang kalsada.

Ikinawit agad ni Amary ang kaniyang kamay sa braso ni Third at nauna na silang maglakad, sumunod naman kami ni Breyden.

Nagkalat sa paligid ang iba't ibang mga paninda kaya masayang maglibot-libot at mamili. Habang natingin sina Amary at Third sa mga damit, kami naman ni Breyden tumingin sa mga antique na bagay.

Kinuha niya ang aking kamay sabay suot sa akin ng pulseras na gawa sa kahoy at may maliliit na hugis dahon ang disenyo nito.

"Guys tara!" pagtawag ni Amary sa amin. May mga bitbit na supot na si Third habang hawak-hawak uli ni Amary ang braso ni Third. Parang hindi na mapaghiwalay ang dalawang ito sa sobrang dikit sa isa't isa.

"Gusto mo ng ice cream?" tanong ni Breyden nang mapatingin ako sa mga batang nabili ng sorbetes.

Lumapit siya at bumili nga naman. Dalawa ang binili nito. Inabot niya sa akin ang isa at ang isa nama'y binigay niya kay Amary.

Habang naglalakad kami at kumakain ng sorbetes. Biglang hinawakan ni Third ang kamay ni Amary na may hawak na sorbetes sabay inilapit sa kaniyang bibig at tinikman ito.

"Third!" pagsuway ni Amary.

"Tinikman ko lang. Masarap pala," tugon ni Third at sumilip ang ngisi sa mga labi nito habang nakatitig kay Amary.

Napahinto kami sa paglalakad dahil bumili si Breyden ng pagkain kaya sinamahan ko na lamang. Puro pagkain talaga ang nasa-isip nito.

Nakita rin namin sa tabi ang iba't ibang pangkulay sa buhok kaya naengganyo si Breyden na tumingin.

"I want to dye my hair," ani nito. "Do you want to try it too?"

Tumingin naman ako sa mga kulay.

"I've always wanted to try blonde," ani ko. Inabot sa akin ng tindero ang maliit na bote.

"Maganda ang pagka-blonde niyan miss, babagay sa kaputian mo," mungkahi ng tindero sa akin sabay ngiti.

"Gusto ko rin niyan!" saad ni Breyden sa tindero. Pati ba naman kulay ko sa buhok gagayahin.

"Bagay din sa akin 'yan kasi medyo maputi rin naman ako," dagdag niya pa. Inabutan na lang din siya ng tindero ng boteng katulad sa akin.

Masaya itong kinuha at binayaran ni Breyden. Para siyang bata na tuwang-tuwa sa nabiling laruan. Nauna akong lumabas at nilibot ko agad ang paningin para hanapin sila Third.

He pulled her close, and kiss her lips. That was the first time I saw Third kissing someone on the lips.

Naramdaman ko ang mainit na haplos sa aking baywang. "Selos ka?" tanong ni Breyden sa akin pagtingin ko sa kaniya.

"Baka ikaw," ani ko sabay irap.

Natawa naman siya sa tinuran ko. "Not anymore babe. I already have you." Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa aking ulo. Bahagya akong natulala sa sinabi niya.

I already have him.

Nang makauwi na kami, kinulayan ko agad ang buhok ni Breyden. "Pogi na ba ako? Natatakot ako baka mahumaling ka lalo sa akin," pagbibiro nito sa akin.

Napangiti naman ako ng bahagya. "Hindi rin makapal ang mukha mo 'no?" Napansin ko na lalong pumuputla ang kaniyang mukha.

Natawa siya nang malakas. "Bilisan mo para ikaw naman ang kukulayan ko," reklamo nito.

"Yes sir," sagot ko.

I don't want to lose you, Breyden.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro