Chapter : 19
19: Letter
Pinagmamasdan ko si Breyden na nakahiga sa paboritong puwesto niya, ang tumbang puno.
Lumingon si Breyden sa kinatatayuan ko. Natawa ako nang mapansin ang magulo nitong buhok, agad akong lumapit at hinawakan ang ulo niya para ayusin ang kaniyang buhok. Ginapang ko ang mga kamay ko sa buhok nito saka sinuklay gamit ang mga kamay ko. Humahaba na ang mga hibla nito. Hindi gaya ng una kong kita sa kaniya, maikli pa lang ito at hindi pa umaabot sa kaniyang leeg, miski ang patilya niya'y manipis pa noon hindi gaya ngayon na may kakapalan na.
"I can't sleep because my mind keeps racing," I said.
"What bothers you?" he asked. "Me?" he guessed while looking at me.
"Of course not!" I defended.
"Don't worry about me babe, I'm fine."
"I'm not," usal ko uli.
"Okay, sabi mo e." He smirked.
Bahagya kong tinulak ang mukha niya palayo sa akin. Hinatak naman niya ang baywang ko pabalik sa kaniya. Nakatingala ito sa akin at nakatungo naman ang mukha ko sa kaniya sabay hawak ko sa tumutubong balbas nito sa pagitan ng kaniyang ilong at labi.
"I wrote you a letter last night, but don't read it yet." Binitawan niya ang pagkakahawak sa aking baywang saka lumapit sa damuhan at naghukay gamit ang kaniyang mga kamay.
Lumapit ako at tinulungan na siya sa paghuhukay. "Dito ko ibabaon," aniya.
Pinahid ko sa magkabilang pisngi niya ang basang buhangin. "Okay. Sir," tugon ko.
His brow furrowed as he glared at me. "Very good! Ma'am." Ginantihan niya rin ng punas ang mga pisngi ko ng putik.
Binaon niya na sa hinukay namin ang sulat na kinuha niya sa kaniyang bulsa at sabay tinakpan uli ng buhangin. Tinusukan niya lang ito nang maliit na kahoy upang magkaroon ng palatandaan.
"Let's go home," pagyaya ko, sabay hila sa kamay niya pabalik ng cabin.
Habang naglalakad kami bigla siyang umupo at tinapik-tapik ang kaniyang likuran. "Sampa ka sa likod ko," alok niya sa akin.
"Huwag na baka sumakit pa ang likod mo, mabigat pa naman ako," tugon ko.
"Sige na, gusto ko lang masubukang may maisampang babae sa likuran ko," pagpupumilit niya sa akin. Hinatak niya ang aking kamay at ipinatong sa kaniyang mga balikat. Kumapit na lamang ako at hinawakan niya na ang magkabilang hita ko. Tumayo at nagsimula nang maglakad.
"Bigat mo nga," wika niya.
"Sabi ko sa 'yo e, ibaba mo na lang ako," ani ko.
He chuckled. "Biro lang. Kayang-kaya naman. Kumakain ka pa ba? Ang gaan mo e."
I rolled my eyes. "Balak ko na ngang hindi kumain e, para makasunod sa 'yo."
Biglang bumagal ang paglalakad niya. "Stop saying that Deina, hindi 'yan magandang biro," sagot nito.
"Hindi ako nagbibiro, seryoso ako na susunod ako sa 'yo," desidido kong sabi. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakapit sa kaniyang likuran.
Napabuntong-hininga na lamang siya at hindi na umimik hanggang sa makabalik na kami ng cabin at Ibinaba niya na ako.
Hinatak ko ang kamay niya paakyat sa pangalawang palapag. Saka dumiretso papunta sa kuwarto nila ni Amary. Pagkapasok sa loob ay dinala ko siya papasok ng banyo sabay sarado ng pinto.
"Huwag mong sabihing sabay tayong maliligo?" Sumilay ang pilyo niyang ngiti. Pinaupo ko siya sa toilet bowl.
Kinuha ko ang shaver at shaving cream niya sa lababo saka lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang baba niya at tiningala sa akin. Naglagay ako ng shaving cream sa aking palad sabay pahid nito sa ibabang bahagi ng mukha niya.
"Mukha na ba akong estranghero kaya-" I cut him out.
"Shh..." mahina kong sabi at pinagpatuloy ko lang ang pag-aahit sa kaniyang balbas.
When things change inside you, things change around you. It gives me strength to have somebody to fight for. I can never fight for myself, but, for Breyden, I can kill.
Even if the world will go against us. You will always have me. Even if distance separates us. You will always have me. You were the only one who didn't treat me like a trash. You were all I had. I promise to protect you 'till the day after forever.
From this day on, I will choose my battles wisely.
Nang matapos ko na siyang ahitan naghilamos na rin ako ng mukha saka lumabas na kami ng kuwarto at bumaba para kumain dahil ramdam na namin ang pagkagutom.
Tinulungan kong magluto si Breyden at sakto pagtapos naming makapagluto'y dumating na rin sina Amary at Third.
Sabay-sabay na kaming naghanda at kumain. At habang tahimik kaming kumakain biglang may kumatok sa pinto.
"Tao po! Police ito."
Nagulantang kaming apat sa aming narinig. Agad na tumayo si Breyden para buksan ang pinto.
"Good morning police officer, ano pong kailangan niyo?" bungad ni Breyden sa armadong police.
"Good morning din, may gusto lang sana akong itanong. May nakapagsabi kasi na rito raw huling nakitang nagpunta ang lalaking nagngangalang Charles Adler? Baka kilala niyo siya? Ito lang din naman ang nag-iisang cabin sa lugar na 'to kaya posibleng dito nga siya magtungo." Pasilip-silip ang mga mata ng police sa loob ng cabin at napansin niyang marami kami sa loob.
So hindi nga nagbibiro si Third. He really killed that stupid asshole. That's a relief.
"Schoolmate namin siya," pagsingit ni Third sa usapan.
Napakunot ang noo ng police. "Sigurado ba kayong hindi siya nakarating dito sa cabin?" usal uli ng police.
"He never showed up, wala rin kaming idea na pupuntahan niya kami rito," tugon ni Third.
"Mga bakasyonista ba kayo? Ngayon ko lang kayo nakita rito sa lugar," usisa uli ng police.
"Yes chief, and this is my father's cabin," ani Third.
"Ano po bang nangyari kay Charles?" pagtatakang tanong ni Breyden. Kinabahan naman ako bigla dahil alam kong alam niyang nagkita kami ni Charles.
"Missing. Ilang araw na siyang nawawala, at ang lugar na ito ang huling sinasabi nilang pinuntahan ni Charles," paliwanag niya. "Kaya kung magpakita siya sa inyo o may malaman kayong importanteng impormasyon tungkol sa kaniya, tawagan niyo agad ako o ang pamilya niya." Inabot niya kay Breyden ang calling card niya.
"Sige po officer," ani Breyden.
"Sige, maraming salamat sa oras niyo," paalam ng police sa kanila Breyden at napangiti pa ito bago sumakay sa kaniyang kotse at lisanin ang lugar.
Hinablot ni Third ang calling card sa kamay ni Breyden sabay ginusot ito at hinagis sa basurahan.
"Fuck you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro