Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter : 18

18: Truth Be Told

Habang nagmamaneho si Amary pabalik ng cabin, ako at si Breyden naman ay nasa likuran at nakapatong ang ulo niya sa aking mga hita. Pinagmamasdan ko siyang mahimbing pa ring natutulog.

I still can't believe.

Muling tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Pumatak sa mukha ni Breyden ang luha ko kaya nagising ito, pinunasan ko naman agad ang mga mata ko.

Ngumiti ako sa kaniya. "Hey, magpahinga ka lang. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa cabin." Tumungo lang ito at pinikit na uli ang kaniyang mga mata.

Nang nakarating na kami sa cabin, pinauna ko na si Amary pumasok ng cabin at ako na ang gumising kay Breyden at nang magising na ito bago ko pa mabuksan ang pinto ng kotse ay pinigilan niya na ako.

"I told you to leave. Why are you still here?" Nakatingin lang siya sa harapan ng kotse.

"Come with me. Let's leave this place," ani ko. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niyang nakalapag lang sa aming kinauupuan.

"I can't," tipid nitong sagot saka tinanggal ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ko.

I smiled bitterly. "Why? Dahil ba kay Amary?"

"I can't leave her with Third, she needs me more than I do." Biglang tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya, tinagilid ko ang mukha ko saka ko pasimpleng pinunasan ito para hindi niya mapansin.

"Okay. Then I will stay."

Tumingin siya sa akin. Nakita ko ang pagtutol sa mga mata ni Breyden. "You have to save yourself! He will ruin your life!"

I let out a heavy sigh and then forced a smile. "He already did," I paused. Holding back my tears. "And living without you is no living at all."

Napabuntong-hininga rin ito. Damang-dama ko ang bigat sa kaniyang kalooban. Isinandal niya ang ulo ko sa kaniyang balikat kaya napahagulgol na ako sa iyak.

"Shh... Don't cry babe. Everything will be alright." Hinaplos-haplos niya ang aking likuran at sinandal ang kaniyang ulo sa aking ulo.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakaiyak. At sa loob kami ng kotse inabutan nang liwanag, nagising ako na ganoon pa rin ang aming puwesto. Halos sabay lang kaming nagising ngunit wala sa amin ang gustong kumalas sa isa't isa.

"Are you scared of dying?"

Ramdam ko ang paggalaw ng kaniyang mukha sa ibabaw ng aking ulo. "Are you?" usal ko uli.

"I'm not afraid to die. I'm afraid of not living my life. I spent too much time stressing and not enough time making progress. I'm scared of investing all my time in doing my treatment, I'm sick of it," he chuckled.

"Are you dying?" Inalis ko ang ulo ko sa pagkakasandal sa kaniyang balikat para tignan siya.

"Remember that we all going to die someday. Paunahan lang 'yan, at mauuna muna ako. OK?" pabiro niyang sagot.

"Susunod ako sa 'yo, OK?" ginantihan ko rin ng biro. But deep inside, I really mean it.

Natawa siya nang malakas. "Sira ka talaga, medyo tagalan mo ha? Kasi gusto ko magkaroon ka pa ng sarili mong pamilya. Magkakaanak ka pa ng mga guwapo at magaganda," ani niya sa akin.

"Mukhang masaya nga 'yon, tapos ikaw ang tatay," tugon ko kahit pilit ang ngiti sa aking mga labi.

Sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi bago siya napasang-ayon sa aking sinabi. "I will be a good husband to you and a loving father to our children," aniya.

"That's sounds like a great plan," ani ko.

"It is. Tara na, pasok na tayo sa cabin." Binuksan niya ang pinto ng kotse saka lumabas at sumunod na rin ako sa kaniya.

Pagpasok ni Breyden sa loob ng cabin. Dumiretso ako agad papuntang ilog. Hinubad ko kaagad ang suot na rubber shoes at dahan-dahang itinapak ang mga paa sa malamig na tubig.

Nagtampisaw ako at dinama ang lamig nito sa aking buong katawan. Nilublob ko ang aking sarili sa ilalim ng tubig saka pinikit ang mga mata. Umahon lang ako nang makaramdam na mauubusan na ako ng hininga.

Nahiga ako sa damuhan habang hinahabol pa rin ang aking paghinga. Pinagmasdan ko ang mga gumagalaw na ulap sa kalangitan at mga ibong nagliliparan. Napakaganda nilang tignan.

Last night, I dreamed that I become a bird. I was flying high into the sky. That feeling of just you with your free self which makes you happy.

All I can see at the top of the world is... My freedom.

Sumilay na rin ang haring araw kaya naisipan kong magpainit saglit para matuyo ang aking damit.

Pagbalik ko ng cabin umakyat ako agad at pumasok sa kuwarto namin ni Third. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama pero agad siyang napatayo at lumapit sa akin.

Nagulat ako nang yumakap siya sa akin ng mahigpit. "Where have you been? I miss you so much."

"I'm tired. I want to sleep." Inalis ko ang mga kamay niya sa pagkakayakap sa akin. Lumapit ako sa kama ko saka humiga at tumagilid. Pagbagsak ng aking mga talukap, bumigat ang kama at gumapang ang kamay sa aking baywang. Hinigit nito ang aking baywang at dinikit sa kaniyang katawan.

Bagsak na bagsak na talaga ang katawan ko kaya hindi ko na nagawa pang igalaw ang sarili. Hanggang sa tuluyan ko na ipahinga ang aking utak at katawan.

"Don't betray me, or else, I'll rip your heart out with my own hands. I swear it, Deina," he whispered in my ears.

"I'll kill you..."

"I'll kill you..."

"I'll kill you..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro