Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter : 17

17: Damsel In Distress

Ginising ako ni Third. Ang daming galos sa kaniyang mukha, namamaga rin ang kaniyang kaliwang pisngi. Ano bang nangyari sa kaniya at parang nabugbog ang mukha nito. Matamlay akong bumangon sa kama at tulalang umupo na parang wala pa rin sa aking kamalayan.

Tumabi sa akin si Third at kinuha ang kamay ko, nilapag niya sa kaniyang hita at kinuha ang pangturok na nakalapag sa table. Habang hawak-hawak ang pangturok sa kaliwang kamay hinawakan niya uli ang kamay ko at hinahanda na ito para turukan.

Napangiti ako nang mapatingin sa artipisyal na bulaklak.

Bago pa tuluyang maiturok ni Third sa akin ang drugs ay agad itong inagaw ni Breyden sa kamay ni Third.

"Have you gone insane? You're going to kill her!" he shouted. "Don't treat her like shit! You psycho!

Mukhang wala rin si Third sa kaniyang diwa marahil ay nauna na itong turukan ang kaniyang sarili. Nakatitig lang sa amin si Third nang hilahin ako ni Breyden palabas ng kuwarto. bumaba kami at mabilis na lumabas ng cabin.

"Get in the car," utos ni Breyden. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang may inaayos siya sa harapan ng kotse. Nang mapansin niyang hindi ako gumalaw sa aking puwesto'y hinila niya ang kamay ko papasok sa loob ng kotse.

Pinaandar niya ito at umalis kami kaagad. Tahimik kaming bumiyahe. Saan nga ba kami patungo? Malayo na rin ang aming biniyahe nang biglang huminto ang pagtakbo ng kotse kaya agad lumabas si Breyden para silipin ang makina.

Ilang minuto pa ang lumipas at nag-aayos pa rin si Breyden ng kotse. Nakita kong patapon niyang binitawan ang hawak na tools sa loob ng makina.

Nagsisigaw na lang bigla ito at pinagsisipa ang kaniyang kotse.

"Shit! Fuck you!" he shouted at the top of his voice. Lumabas ako ng kotse at nakita ko siyang napayuko sabay hawak sa kaniyang mga tuhod.

We are stranded in the middle of nowhere.

"Ngayon pa nagloko itong kotse ko! Shit talaga! Shit!" his voice was full of anger. Pinagsisipa niya uli ang kaniyang kotse sa galit.

"Breyden," lumapit ako at inawat siya sa pagwawala. Niyakap ko siya nang mahigpit mula sa kaniyang likuran. "Stop, you need to calm down."

"Deina," he called my attention.

"I can't protect you forever."

Nang marinig ko iyon ay napalunok ako sa aking lalamunan at marahang kinalas ang pagkakayakap sa kaniya. Humarap siya sa akin at bakas sa kaniyang mukha ang matinding hinagpis.

"Okay lang Breyden, hindi mo obligasyong protektahan ako." Hinawakan ko ang kaniyang sugatang mukha saka ngumiti nang mapakla.

He kissed my hand.

Tears were in his eyes but he tried to look brave. "None of us know how long our lives may be. But we can live our life doing good things, and leaving our marks behind."

"I will let you fly free. Leave this life with no regrets."

My eyes brimmed with tears. I feel a lump in my throat. I couldn't speak as much as I want too.

"Make a beautiful life for yourself, no matter what it takes."

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kaniyang mukha saka binitawan ang aking mga kamay.

"Run Deina! Don't turn your back."

He started gasping for air and fell on his knees.

"Breyden---" Lalapit na sana ako nang bigla niyang iharang ang kaniyang mga kamay sa akin at doon na siya tuluyang natumba.

Natulala lang ako sa kaniya at hindi ko alam ang dapat kong gawin. Naghihingalo pa rin ito habang nakatingin sa akin, pumapatak ang mga tubig mula sa kaniyang mga mata.

"Breyden... Let me help you," naiiyak kong sambit. Nangangatog na ang mga kamay ko sa nerbyos.

Bigla na lang may kotseng huminto sa aming harapan ngunit hindi ko makita ang taong nasa loob nito dahil sa sobrang liwanag ng ilaw ng kotse. Napakurap-kurap pa ako upang matitigan nang maliwanag ang taong lumabas mula roon.

Si Amary. Tumakbo siya at mabilis na lumapit kay Breyden. "Breyd!" Hinawakan niya ang ulo nito at sinandal sa kaniyang katawan.

"Bakit nakatayo ka lang d'yan! Kunin mo 'yong bag sa likod ng kotse niya, magmadali ka!" bulyaw nito sa akin kaya dali-dali akong tumakbo sa likod ng kotse at pagbukas ko'y nagulat ako sa aking nakita.

"Deina bilisan mo!" Bigla akong na-alarma sa sigaw ni Amary kaya binitbit ko agad ang bag at mabilis na itinakbo ito sa kanila.

Nilapag ko ito sa kanilang tabi. "Buksan mo 'to bilis!" Agad ko namang binuksan ang binigay niyang nakasilyadong puting plastic. Oxygen mask ang laman nito.

Inilagay niya ito sa bandang ilong at bibig ni Breyden. Kumakalma na siya sa paghinga at nagiging normal na uli. Nawala na rin ang pangamba sa aming mga mukha ni Amary at nakahinga na kami ng maluwag.

Inalalayan namin si Breyden papasok sa loob ng kabilang kotse. Inayos ni Amary ang puwesto sa paghiga ni Breyden bago ito iwanan sa loob.

Sumandal ako sa harapan ng kotse at dumukot sa aking bulsa, kinuha ko ang sigarilyo. Sinindihan ko ito sabay humithit saka ko binuga sa ere. "Quit smoking, it's not good for the health," bungad ni Amary sabay sandal din sa harapan ng kotse.

"Is he sick?" Nilaglag ko ang sigarilyo at saka ko tinapakan.

Palinga-linga si Amary sa paligid. "Buti pala sinundan ko kayo. Kung hindi, baka sisihin ko lalo ang sarili ko dahil pinabayaan ko siya."

"Answer me," seryoso kong sabi. Tumingin ako sa kaniya at nakatingin na pala ito sa akin.

Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Mukhang wala siyang balak sabihin sa akin kung ano ang sakit ni Breyden.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.

"Lung cancer, stage four."

"He decided to stop his maintenance or any other medication. We are letting him do what he wants to do even if it is against to us."

"But still, I have to take care of him."

Lumingon ako kay Breyden at payapa na itong natutulog. I did not expect this. It shocked me. My heart skipped a beat and it hurts so bad.

"Just act normal."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro