Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter : 16

16: Sweet Act

Habang naghuhugas ako ng mga plato lumapit sa akin si Amary at nilapag ang mga baso sa tabi ng hugasan. Kinuha niya ang basahan at sinimulang magpunas ng plato.

"Hanggang kailan mo balak bilugin ang ulo ni Breyden?" mahina ang kaniyang tinig ngunit may diin sa kaniyang pananalita.

Hindi ko siya binigyan pansin at pinagpatuloy ko lang ang paghuhugas. "Stop using him. I know ginagamit mo siya laban sa akin. Hindi ko inagaw sa 'yo si Third, he loves me and I love him too," aniya pa.

"And Breyden?" ani ko.

Napahinto ako sa paghuhugas. Kinuha ko ang malinis na pamunas at pinunas sa aking mga kamay, nilapag ko sa hugasan at lalakad na paalis sa aking puwesto.

Hinawakan niya nang mahigpit ang aking braso. She glared at me. "I'm warning you. Don't you dare to use him or else---"

"Or else what? Kill me? Go! Do it if you can." Pinandilatan ko siya ng aking mga mata saka ko tinanggal ang kamay niya sa aking braso.

Salubong sa akin si Breyden nang paalis na ako sa kusina.

"Nag-aaway ba kayo?" pagtatakang tanong ni Breyden.

Ngumiti naman ako kay Breyden saka kumapit nang mahigpit sa braso nito. "Of course not babe." Lumingon pa ako kay Amary para bigyan siya ng magandang ngisi galing sa aking mga labi. "We are like sisters, right Amary?"

She smiled bitterly. "Yes, we are."

Ngumiti ako pabalik kay Breyden. "See?"

"Halika! Magpahangin tayo sa labas." Hinatak ko agad si Breyden paalis sa kusina at lumabas kami agad ng cabin.

"Saan tayo pupunta? Malamig na rito," takang tanong ni Breyden.

Hindi pa kami tuluyang nakakalayo nang huminto ako at itulak siya pasandal sa puno. Niyakap ko siya agad at isubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib saka ko inamoy ang suot niyang damit. Pinikit ko ang aking mga mata habang nilalanghap ang kaniyang amoy.

"Okay ka na ba talaga?" he asked.

Kumawala ako sa pagkakayakap ko kay Breyden. "I'm no good for you."

Kinuha sa akin ni Breyden ang mga kamay ko at pinagdikit ito saka hinalikan ng kaniyang malambot na labi. "Nobody looks good in their darkest hours. So I'm no good for you as well."

Ipinatong niya ang kamay niya sa aking ulo sabay ginulo ang buhok ko. "Pasok na tayo, mabilis ako lamigin." Saka ngumisi.

I nodded. At naglakad na kami pabalik ng cabin. Pagpasok namin ay naabutan naming naghahanda na si Amary ng hapunan at mabilis namang kumilos si Breyden para tumulong, sakto rin na bumaba si Third galing second floor at bagong ligo ito. Wala pa siyang saplot sa pang-itaas niya.

Pumuwesto na kaming apat at kaniya-kaniya na sila sa pagkuha ng pagkain habang nakatingin lang ako sa kanila.

"Wala akong nilagay na lason d'yan Deina, kumain ka na." Ngumiti pa ito sa akin bago sumubo ng pagkain.

Ngumiti rin ako sa kaniya. "Alam ko. Nakakaawa ka naman kung makukulong ka lang dahil sa pag-lason sa 'kin."

"Exactly! Ayoko sirain ang pangalan ko ng dahil lang sa katulad mong---"

"Ano? Katulad kong ano? Ituloy mo!" Tumayo ako at napatingin ang dalawang lalaki sa amin ni Amary.

Tumayo rin si Amary. "Ipokrita!" bulyaw sa akin ni Amary kaya lumipad ang mga palad ko sa pisngi niya. Lumagatok iyon at ikinamula nang pisngi niya.

Mabilis na lumapit si Third at hinatak ang mga kamay ko palabas ng cabin.

Pilit kong inaagaw ang kamay ko kay Third. "Nasasaktan ako! Ano ba Third!" Nang maagaw ko'y naglakad ako pabalik sa cabin.

Hinabol ako ni Third at hinawakan ang aking balikat sabay pinaharap sa kaniya. Ikinawit ang kaniyang kamay sa aking leeg palapit sa mukha niya.

"I killed Charles," bulong nito sa aking tainga.

Nanlaki bigla ang mga mata ko.

"Hindi nila puwedeng agawin ang pagmamay-ari ko. Hindi ako papayag na saktan ka nila." Nasilayan ko muli ang maamong mukha ni Third, parang kay tagal na panahon kong hindi ito nakita.

"Pero Third nangako kang pababayaan mo akong gawin ang gusto ko!" usal ko.

"Oo. Pero masyado ka na yatang nag-eenjoy, nakakalimot ka na sa responsibilidad mo. Pinapaalala ko lang sa 'yo na panandaliang kaligayahan mo lang 'to, once na may ginawa kang hindi ko gusto, alam mo na kung anong mangyayari sa kaniya."

"I can cut his throat too."

"It never last forever Deina, Your happiness is just like drugs. Temporary high," malumanay niyang sabi sabay alok ng kaniyang kamay sa akin.

Inabot ko na lamang ang aking kamay at hinawakan niya ito nang may higpit. Inilabas niya ang panturok sa kaniyang bulsa saka inilapit sa aking braso. Nang maramdamang pumasok na ang karayom sa aking balat ay pumikit na lamang ako para damhin ang likidong dumadaloy sa aking pagkatao.

Sinuklay ko ang aking buhok pataas sabay singhap ng sariwang hangin.

Ramdam ko na ang pag-iiba ng aking mundo. May mga ulap na naman sa paligid ko at umiikot pabaliktad ang paligid na para bang nakasakay ako sa roller coaster.

Lumanghap pa ako ng hangin. Pumikit sabay dinilat uli ang mga mata at nakita ko sina Third at Breyden.

Galit ang mga mukha nila sa isa't isa. Nagsasalita sila ngunit wala akong marinig na kahit ano, parang nabingi yata ako. Tinaas ko ang aking mga kamay para hawakan ang aking mga tainga at sabay tinapik-tapik ito ngunit wala pa rin akong marinig na kahit ano.

Tumawa na lamang ako saka umupo sa damuhan habang pinanonood sila Third na nagtutulakan. Nakakaaliw silang panoorin para talaga silang mga bata nagawa pa nilang maglaro sa dilim.

Natumba silang dalawa pero mabilis na nakatayo si Breyden. Pumalakpak ako at natawa uli dahil walang kalakas-lakas si Third pagdating kay Breyden. Kung sabagay, mas malaki ang pangangatawan ni Breyden at mas matangkad pa ito kaysa kay Third.

Galing-galing ng babe ko. Duguan na ang mukha ni Third buti nga sa kaniya.

Masaya na sana ang mga nangyayari nang biglang sumulpot ang bruhang si Amary. Nilapitan niya agad si Third na nakahiga sa damuhan. May malay pa ito. Bakit hindi pa siya natuluyan.

Magiging masaya na sana ako kung mawala na siya sa mundong ito. Isa siyang malaking pasakit sa buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro