Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter : 15

15: Hypocrite

Pagmulat ng aking mga mata'y nakita ko agad ang artipisyal na bulaklak sa tabi ng bintana. Napangiti ako nang bahagya, kahit sa simpleng bagay lang na ito'y mapangiti ako.

Bumukas ang pinto at niluwa nito ang taong kanina pang tumatakbo sa isip ko. May dala itong tray na may pagkain. Lumapit siya sa akin at bumangon ako sa pagkakahiga. Nilapag niya ang dalang tray sa maliit na table sa tabi ng aking kama sabay umupo siya sa tabi ko.

"Okay ka na ba?" ani Breyden. May pag-aalala sa kaniyang mukha. Tumungo lang ako at kinuha niya na ang mangkok sa mesa. "Kumain ka muna para lumakas ka, luto ni Amary 'yan para sa 'yo."

"Subuan na ba kita?" tanong nito. Hindi pa ako sumasagot ng kumuha na siya ng soup at bahagya pa itong hinipan saka inilapit sa aking bibig.

Sinubo ko na lamang at tinuloy-tuloy niya na ang pagpapakain sa akin. "Paano ka nauntog sa puno? O baka naman inuntog mo talaga sarili mo sa puno?" ngiting sabi nito na para bang nagbibiro pa.

Hindi ako sumagot at sinubuan niya ako uli. "Bakit ba ang hirap para sa 'yo magsabi ng totoo, ha?" Naging mapakla ang mga ngiti niya sa akin.

"I'm not here to judge you or pointing out your mistakes. I know I might be a burden too, but you don't have to deal with this alone. As long as I'm here I will help you." Hinawakan ni Breyden nang mahigpit ang aking kamay.

"Let me help you," sinserong saad niya pa. Ang mga mata ko'y biglang namugto konti na lang ay papatak na ang mga luha ko.

Napayuko ako para sang-ayunan ang alok niya at akmang yayakapin niya na sana ako nang biglang pumasok si Third sa kuwarto. Galit na galit ang kaniyang mukha. Lumapit siya sa akin at hinawakan nang mahigpit ang aking mga kamay saka ako hinatak. Halos kaladkarin niya ako paalis ng kama pero agad namang pinigilan iyon ni Breyden at hinawakan ako nang maigi sa kabilang braso.

"Let her go!" pag-awat ni Breyden kay Third na pilit pa ring hinahatak ang kamay ko pero hindi bumitaw si Breyden sa pagkakahawak sa braso ko.

Napangisi naman si Third sa tinuran ni Breyden. "Don't tell me napikot ka na rin ng babaeng 'to? You want her too?" natatawang tanong ni Third.

"Oo," madiing tugon ni Breyden at hindi rin siya nagpatinag sa masasakit na tingin ni Third sa amin.

"She's a fucking slut! Nakipagtalik siya kanina sa walang hiyang si Charles!" bulyaw ni Third sa akin.

Napatingin sa akin si Breyden, mukhang kilala niya rin 'yong hayop na lalaking 'yon.

"Hindi ako nakipagtalik sa kaniya! Sapilitan niyang ginawa 'yon sa akin! Maniwala ka Breyden." Inagaw ko ang kamay ko kay Third at hinawakan ko ang mga kamay ni Breyden, tinitigan ko si Breyden na para bang nagmamakaawang tuta para ako ang paniwalaan niya.

"Napakahusay mo talagang umarte, nanlilimos ka pa ng simpatya ni Breyden. Napakasinungaling mo!" sumbat ni Third. Nakatitig lang si Breyden at hindi man lang umiimik. Tila naguguluhan din ang kaniyang isip kung sino sa amin ang nagsasabi ng katotohanan.

"Don't listen to him," bulong ko kay Breyden. At tila nagpapaawa pa rin ang aking mukha.

"Third, please lang tigilan mo na si Deina," mahinahong wika ni Breyden. Sumilay naman ang ngiti sa aking mga labi ngunit hindi ko ito pinakita kay Breyden.

Natawa uli si Third at sa pagkakataong ito mas malakas na ang kaniyang pagtawa. "Bro, don't try to sex with that slut baka magka-hiv ka rin, sina Flyn at Ashton nagkasakit na dahil sa babaeng 'yan!" Nanlilisik akong tinignan sabay dinuro ni Third.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Breyden. "No! That's not true, believe me! Please! Breyden, please!" Luluhod na sana ako nang pigilan ako ni Breyden.

"Puwede ba huwag mo nga kaming artehan! Pok---" Hindi pa tapos sa pagsasalita si Third nang suntukin siya bigla ni Breyden sa kaniyang pisngi na halos ikatumba niya.

"I told you to stop! 'Wag mong kalimutang naging gago rin ako Third, at kaya ko uli gawin 'yon kung kinakailangan. Sa uulitin mo pang saktan at pagsalitaan ng hindi maganda si Deina, ako na ang makakalaban mo!" Nakakuyom pa rin ang mga kamao ni Breyden sa galit.

Napahawak si Third sa kaniyang pisngi at halatang nasaktan ito ng sobra napailing-iling pa ito saka ako hinatak ni Breyden palabas ng kuwarto.

Lumingon pa ako kay Third at ngumisi, tinignan niya rin ako at ngumisi rin pabalik.

Pumasok kami sa kabilang kuwarto ni Breyden. Pinaupo niya ako. Bago pa siya magsalita'y pumasok din si Amary. "What's going on?" nagtatakang tanong nito sabay lapit sa amin.

"Dito na siya matutulog kasama mo, doon na ako sa kabilang kuwarto," paliwanag ni Breyden.

"Ayoko! Dito ka lang kasama namin," may takot sa aking pananalita.

"Ano ba kasing nangyayari, Breyd?" usal ni Amary. Halatang naguguluhan na rin ito.

"Sige, rito na lang ako para mas mabantayan ko kayo," tugon ni Breyden sa akin. Kayo? Tss! Ako lang dapat. Bakit ba laging kasama ang babaeng 'yan.

"Pinagsasalitaan ni Third ng hindi maganda si Deina," tugon naman ni Breyden kay Amary.

Napatingin sa akin si Amary na para bang hindi naniniwala. "Sige, ako na ang kakausap sa kaniya." Naglakad si Amary palabas ng kuwarto. Napairap ako sa ere ng makaalis na si Amary.

"Magpahinga ka muna. Babantayan kita," saad ni Breyden. Pumuwesto na ako sa kama at kinumutan naman ako ni Breyden.

"Dito ka lang sa tabi ko baka bigla siyang pumasok. Don't leave me, OK?" Nagpaawa ako uli para hindi niya ako iwan.

Ngumiti ito. "I won't leave you. Take a rest na babe." Hinawakan niya ako sa aking noo at hinimas ang ulo ko pataas at paulit-ulit.

"Thank you babe." Ngumiti ako nang matamis saka ipinikit na ang aking mga mata.

Akin ka lang Breyden. Hindi ako papayag na maagaw ka sa akin ni Amary. Kaya kong gawin ang lahat maalis lang siya sa buhay mo o kahit sino pang umagaw sa 'yo mula sa akin. Handa akong pumatay.

I'm yours, you're mine.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro