Chapter : 11
11: Care less
Pagkapasok namin ni Breyden sa cabin bumungad agad sa amin ang seryosong mukha ni Third. Nakakunot ang noo ni Third sa suot kong damit na ngayo'y hindi maalis-alis ang kaniyang paningin.
"Why are you wearing that stupid dress?" iritableng tanong ni Third. Hindi ako sumagot at nakatayo lang ako sa harapan niya, pati si Breyden ay hindi rin umalis sa tabi ko, tahimik siyang nakatingin kay Third.
"Take it off," madiing saad ni Third.
"Umakyat ka na Deina at magpalit," usal ni Breyden. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
Humakbang na ako pero biglang hinatak ni Third ang strap ng dress ko, sa lakas ng paghatak niya naputol ito. "Dito mo 'yan hubarin!" sigaw niya.
Nagulat ako sa ginawa niya halos makita na ang kalahati ng bra ko, nakaramdam ako nang matinding takot sa tono ng kaniyang boses. Pinaharap ako ni Third sa kaniya at tinitigan nang galit niyang mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko at mistulang nablanko ang isipan ko.
"What the fuck Third! It's just a dress, don't overreacted," sumbat ni Breyden. Inagaw niya ang kamay ko kay Third at hinatak ako paakyat sa second floor. Nakita ko kung papaano ako titigan ng masakit ni Amary habang nakaupo siya sa sala pero binalewala ko na lamang.
Pumasok kami agad sa kuwarto at pinaupo niya ako sa kama. Agad siyang nagtungo sa aparador at naghanap ng kung ano. Bumalik din siya agad at inabot sa akin ang damit.
"Suotin mo muna 'yan." Tumalikod siya kaya nagbihis na lang ako.
Hinubad ko ang dress at sinuot ang shorts at t-shirt. Ang laki sa akin tignan pero mas komportable itong suotin at naamoy ko agad ang pabango ni Breyden sa damit na 'to.
"Done?" tanong niya.
"Yes," tipid kong sagot saka humarap na siya sa akin at umupo ako uli sa kama.
Lumuhod siya sa aking harapan at pinagmasdan ako. "Okay ka lang?" tanong niya sabay hawak sa mga tuhod ko.
I just nodded.
"I have no patience for people who set themselves above others, kahit si Third pa 'yan. It will never happen again, I give you my word," he said. Tumayo siya at hinalikan ako sa noo.
Inalok niya ang kaniyang kamay sa akin. "Halika na, let's eat!" Nakangiti niyang pagyaya sa akin.
Bumaba kami at naabutan naming umiinom sina Third at Amary ng alak. Hindi pa ako tuluyang nakakaupo nang patungan ako sa mesa ng alak ni Amary.
"Let's drink." Tinaasan ako ng kilay ni Amary at talagang inaalok niya ang alak sa akin.
"Can we eat first?" saad ni Breyden kay Amary. Halata kay Amary ang pagkalasing. Namumula na ang mga mata nito pero maganda pa rin siyang tignan.
Tumabi lang sa akin si Amary habang kumakain kami ni Breyden. Nang matapos na kami kumain, si Breyden na ang nagkusang nagligpit ng aming pinagkainan saka naghugas na rin. Kaya kinuha ko na lang ang alak sa mesa at ininom ito.
Nakatingin lang sa amin si Third habang umiinom kami ni Amary ng alak.
"Tama na 'yan, matulog na kayong dalawa," pag-awat sa amin ni Breyden after maghugas.
"Ikaw ang dapat matulog Breyd, take a rest!" ani Amary. Nilaklak niya uli ang alak sa bote.
"Sige na Breyden magpahinga ka na, ako na ang bahala sa kaniya," wika ko. Tinitigan ni Breyden saglit si Amary na halatang hindi papaawat sa pag-inom.
"Okay, sleep na rin kayo after that," sagot ni Breyden. Umakyat na siya sa second floor at naiwan na lamang kami nila Third.
Tinuloy pa namin ang pag-iinom hanggang sa ipinatong na ni Amary ang ulo niya sa mesa.
"Who are you, Deina?" Naniningkit ang mga mata ni Amary habang ako'y kaniyang pinagmamasdan.
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya mukhang nakakahalata na rin siya. Pero, sino nga ba talaga ako? Kahit ako mismo'y hindi rin kilala ang totoong pagkatao ko. Sino nga ba si Deina?
Nang tuluyang bumagsak si Amary sa kalasingan. "Third, tonight is your lucky night. Gawin mo na ang gusto mong gawin sa kaniya," wika ko.
Lumapit si Third sa amin. "You know what to do Deina, ayoko ng may sagabal. Masama ako mabitin and you know that," paalala ni Third.
"Don't worry, ako na ang bahala sa lahat," sumilay sa mga labi ko ang ngising nakakaloko. "One more thing Third, 'yong pinangako mo sa akin." Hinawakan ko ang isang kamay niya saka ko hinalikan.
"Yeah, yeah, yeah, I know sweet heart. Basta umayos ka lang sa mga plano natin. Paano ba 'yan? Titikim muna ako ng sariwa." Saglit kaming nagtawanan sabay binuhat na ni Third si Amary at inakyat sa second floor.
Ilang minuto akong uminom at nag-isip-isip bago umakyat at nagtungo sa labas ng kuwarto namin ni Third. Nasisilip ko si Third mula sa maliit na uwang ng pinto kung paano niya halayin ang walang kamalay-malay na si Amary.
I felt pity for her.
Napatalon ako sa gulat nang biglang may marinig na lumabas sa kabilang kuwarto. Bumungad sa akin ang naniningkit na mga mata at magulong buhok nito. Bahagya pa itong napapikit at kuskos ng kaniyang nanlalabong mata upang titigan nang mabuti kung sino ang nasa kaniyang harapan.
"Bakit ka nandiyan?" ani Breyden.
Napalunok ako sa aking lalamunan nang hindi agad makapagsalita sa tanong niya. Pigil na pigil ko ang sariling may masabing hindi dapat. Hindi niya puwedeng malaman dahil masisira lahat ng plano ko.
"You look kind of pale. Are you feeling okay?" Nagtugma ang makakapal niyang kilay bago humakbang palapit sa akin na lalo ko namang kinabahala.
Kailangan may gawin ako. Kailangan ko siyang pigilan. Lahat gagawin ko para hindi niya malaman.
Bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay nagkusa na akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at mabilis na nilapat ang mga labi ko sa mga labi niya.
Wala na akong pakialam sa posibleng mangyari dahil buhay ko ang nakasalalay dito.
At hindi ako makakapayag na dahil lang sa kaniya'y masisira ang mga pinaghirapan ko.
His kiss takes all my worries and pain away for a moment. Every dead part of me become alive again. I can barely forget my very existence in this world.
And after this kiss, I will face the deepest and darkest night of my life.
Let this be my memorable last first kiss.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro