Chapter : 10
10: Boyfriend
Sinarado ni Amary ang pinto ng cabin at humarap ulit sa akin. Hinatak niya ng konti ang sweater na suot para takpan ang kaniyang katawan sabay halukipkip ng kamay.
"You like him?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya at nakatingin siya sa hawak-hawak kong bulaklak. "Don't stress him out—"
"He likes you and I don't like him," agad kong sabi.
She just smirked. "I already know. And I love him too." Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa sinabi niya. Gusto niya rin pala si Breyden pero napakalambing niya pagdating kay Third halos balewalain niya nga lagi si Breyden na parang multo dinadaan-daanan niya lang.
"Let's go inside, masyado ng malamig dito." Pagyaya niya sa akin sabay nauna na siyang pumasok. Sumunod na rin ako at umakyat agad ng kuwarto ko, nilagay ko ang bulaklak sa basong walang laman saka nahiga na rin at natulog.
Madaling araw na nang maalimpungatan ako dahil sa paghaplos ng mga kamay sa baywang ko.
Napakunot ang noo ko. "Anong ginagawa mo rito?" bulong ko.
"I just want to sleep with my girlfriend," mahinang wika ni Breyden sabay ngiti sa akin. Napasilip ako sa kabilang kama at mahimbing pa rin ang tulog ni Third.
Hinawakan ni Breyden ang pisngi ko at iniharap sa kaniya. "Keep your eyes on me," bulong niya at nagtinginan kaming dalawa.
"Good night, babe." Pinikit niya ang mga mata niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin saka dinikit ang noo niya sa noo ko.
Habang pinagmamasdan ko siyang mahimbing na rin ang tulog ay nakaramdam na rin ako ng pagkaantok hanggang sa nakatulog na rin ako.
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko at napatingin ako sa bintana nakita kong nakapatong na roon ang basong pinaglagyan ko ng bulaklak. Nandoon pa rin ang artipisyal na bulaklak.
Bumangon ako at mag-isa na lamang ako sa kuwarto. Dumiretso ako ng banyo at agad na naligo, bigla akong nabuhayan sa lamig ng tubig parang nagye-yelo sa lamig. Nangatog agad ang buong katawan ko parang nagsisi pa akong naligo agad. Minadali ko na ang pagligo at lumabas ng banyo saka nagtungo sa kabinet para maghanap ng maisusuot. Napansin ko ang kulay puting bestida na regalo pa sa akin ni Third, agad kong kinuha at sinuot.
Pagbaba ko'y wala silang tatlo kaya nagtungo na lamang ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Habang nagtitimpla biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko.
"Good morning girlfriend, it looks good on you." Pinatong niya ang ulo niya sa aking balikat sabay tumungo para tignan ang suot kong bestida.
Napalingon ako sa paligid. "Breyden! Baka makita nila tayo," ani ko. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin at ngumiti.
"So what? Are you scared?" tugon niya. Inalis ko agad ang pagkakayakap niya sa akin at humarap sa kaniya sabay sandal sa harang ng hugasan.
Tinitigan ko siya nang masama pero nakangiti lang siya sa akin. Inangkin niya uli ang baywang ko at marahang hinatak palapit sa kaniya. Bago pa ako tuluyang maangkin ng mga bisig niya ay hinawakan ko na ang mga braso nito para pigilan.
He kissed my forehead. Matagal at napapikit pa kami pareho sa ginawa niya.
"I missed you." Napamulat ako sa bulong niya sabay kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Binuksan niya ang refrigerator at kumuha ng frozen foods. Nilagay niya sa lababo at binuksan ang gripo. Pinagmamasdan ko lang siyang kumilos habang umiinom ako ng kape.
"Nasaan sila?" tanong ko. "Pumuntang supermarket," tugon niya habang naghihiwa ng sibuyas.
Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang kaniyang ginagawa. "This is my special recipe, steak with mushroom gravy," pagmamalaki niya sa akin.
"You need to eat more, okay? Huwag kang magpa-sexy," aniya at pinandilatan pa ako ng mga mata sabay ngiti. "Sexy na talaga ako," usal ko.
"Let me check." Hinawakan niya ang kamay ko sabay ikot niya sa akin. "Sexy na rin pero maliit, kaya kailangan mong kumain ng marami para lumaki ka." Binitiwan niya ang kamay ko at bumalik uli sa kaniyang ginagawa.
"Anong maliit?" I raised an eyebrow.
Napangiti siya habang nagluluto. "Height mo, bakit may iba pa bang maliit bukod sa height mo?" Ang ngiti niya'y napalitan nang pagngisi. Napa-irap na lamang ako sa ere.
Nang matapos na siyang magluto sabay na kaming kumain.
"Ang sarap ng luto 'ko 'no?" tanong niya sabay dinagdagan niya pa ang kanin sa plato ko. Kumain lang ako ng kumain dahil masarap nga naman ang luto niya.
Nang matapos na kaming kumain pumunta kaming ilog. Nahiga siya agad sa tumbang puno at ginawang unan ang kaniyang mga palad saka pina-cross ang kaniyang mga paa.
Ako naman ay naupo sa damuhan at niyakap ang mga binti. Nakatitig lang ako sa ganda ng ilog habang siya naman ay pinagmamasdan ang kalangitan.
"Pangit ba 'ko?" pagpukaw ko ng katahimikan.
Narinig ko ang malakas na tawa ni Breyden kaya napalingon ako sa kaniya. "You are beautiful in your own way, you only need to accept that. And the moment that you've decide to be yourself, you'll realize that you're beautiful inside and outside." Tumagilid siya nang paghiga paharap sa akin.
Sa totoo lang wala naman talaga akong pakialam kung anong tingin sa akin ng ibang tao.
"Bakit ka nagsulat ng suicide note?" tanong ko uli.
Naglaho bigla ang ngiti ni Breyden sa kaniyang mga labi. "I have raging battle inside of me and it hits me pretty hard. I feel like I'm just existing in life and not living. It drives me insane," aniya.
"Actually, we all are, and it's a choice. We always have a choice. It's the choices that make us who we are or what we really want, and we can always choose to do what is right," paliwanag ko.
"But in my case... I don't know. As much as I want to do it right, nothing is going to change," tugon niya. Bumigat bigla ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
"It's already done. I can't turn back time or blame it to anyone. I guess, this is my fate." Ngumiti siya ng mapakla. Nakita ko ang nagtutubig niyang mga mata.
"I couldn't avoid it, but I could control the way to respond to it. After all, fate brought me to this place to have my own freedom."
Naupo siya at mas umaliwalas na ang kaniyang mukha dahil sa ngiti niya sa kaniyang mga labi.
"I want to feel alive. I want to feel present and awake. I want to feel the sun on me, the wind on me and things around me. I want to live."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro