Chapter : 1
1: Cabin
Kalmadong tinutok ni Third ang hawak na baril sa nguso ng lalaking namalo sa puwet ko. Hindi pa ito nakontento at dahan-dahan niya pang binabaon sa loob nang bunganga ng lalaki ang baril hanggang sa mabilaukan na ito.
Nakasandal lang ako sa pader at nakahalukipkip ng kamay habang pinanonood ang pelikula ni Third na pinamagatan kong, "Nang dahil sa puwet".
Sexy dangerous. That's how I describe Third. At dahil sa katangian niyang 'yon marami ang gustong umangkin sa kaniya pero head over heels pa rin siya sa isang babaeng nagngangalang, Amary.
Amary Chandler. 19 years of existence. Color peach panty. Bukod doon wala ng iba pang nabanggit si Third sa akin about sa pagkatao ng babaeng 'yon.
"Run! Run before I blow this thing in your little brain!" pananakot ni Third. Tumakbo naman nang mabilis ang lalaki palayo sa amin.
He tried to keep a straight face and then suddenly burst into laughter. It was an exaggerated laugh.
I blinked at him speechlessly. May nabiktima na naman si Third using that toy gun. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses niyang ginamit ang toy gun niya para ipanakot sa mga taong gusto nitong pagtripan.
Sinama ako ni Third papunta sa bagong hideout niya. Malayo-layo rin ang biniyahe namin bago ko matanaw ang nag-iisang cabin dito sa gubat. Pagkahinto ni Third ng kotse agad akong lumabas at nilibot ang mga mata sa lugar. Sobrang tataas ng mga puno at berdeng-berde ang kulay ng mga halaman nito, rinig na rinig din ang paghuni ng mga ibon sa paligid. Binalingan naman nang mga mata ko ang cabin, up and down ito at may kaliitan nga lang pero maganda naman ang pagkakagawa at mukhang matibay.
"New home," he whispered. Sabay naming pinagmasdan ang kabuuan ng cabin pero nauna siyang pumasok sa loob at naiwan akong nakatingin pa rin sa istruktura nito.
Freedom. That's all we want. We have the right to reach for the dreams that we dream.
But unfortunately, my little dream is like reaching the rainbow in the sky. It will never happen.
Yeah, it sucks.
Sumunod na rin ako at pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babae kausap ni Third. She's pretty. I'm not good at describing people so, nevermind.
"Oh, hello!" nakangiting bati sa akin ng babae at isang malapad na ngiti lang din ang tinugon ko sa kaniya.
Nabaling ang mga mata namin sa taong bumaba sa hagdanan. Halatang bagong ligo lang dahil sa basang buhok nito na tumutulo pa sa kaniyang suot na puting t-shirt. Sumilip ang mga ngiti sa labi niya nang makalapit kay Third. Napa-fist bump pa sila bago mag-bro hug thing.
"New girlfriend?" tanong nito. Bahagya siyang napatingin sa akin.
Natatawang sumagot naman si Third. "Fuck no, she's my cousin."
Napangiwi ako sa sagot ni Third pero hindi ko na lang iyon binigyan pansin.
"It's kind of surprising, for eight years nating magkaibigan ngayon ka lang nagpakilala ng kamag-anak mo." Tumawa siya nang napakalakas. Nakakainsulto ang bawat halakhak niya na sinabayan pa ni Third. Kung pagbabarilin ko kaya silang dalawa ng toy gun.
"Hey stop it," pagsuway ng babae sa dalawa.
Binaling ng babae ang tingin sa akin. "By the way, what's your name?" Ngumiti siya nang napakatamis.
"Deina, how about you?" I responded.
"Amary," tipid niyang sagot. Kaya pala nagpunta rito si Third dahil kasama pala ang babaeng ito.
"And this guy..." Sabay hatak niya sa braso ng lalaki. "He's Breyden."
Nagtinginan kami pero agad din niyang iniwas. Mga tingin na ang ibig sabihin ay walang interes.
"Hey people," Third calling our attention. "We have our own rules here."
"Rule no. 1, no gadgets." Bahagya kaming nagulat lahat sa sinabi ni Third.
"You've got to be kidding me? Hindi ko na yata kaya mabuhay na walang phone," reklamo ni Breyden.
Tinignan naman siya ng seryosong mukha ni Third. "Ok, fine." Breyden shrugged his shoulders then rolled his eyes.
"Rule no. 2, no one will leave in this place until all of us agreed," ani Third.
Napakunot na naman ang noo ni Breyden. "How about the goods, our stocks? We need to buy."
"Bibili pero babalik Breyden," mariin na sagot ni Third. Pinagmamasdan lang namin ni Amary ang dalawang lalaki habang nagtatalo.
"Rule no. 3, whatever happens here, never tell anyone. Walang dapat na makaalam except sa ating apat."
"To disobey a rule is to choose to deal with the consequences, punishment will be given. So, brace yourselves. Are we clear here? Any violent reaction, Breyden?" Tumingin si Third sa amin ni Amary at huli kay Breyden.
"None," tipid na sagot ni Breyden.
"Good," ani Third.
"What's the punishment?" tanong ni Amary.
"You won't like it, so don't try breaking the rules." Isang ngisi ang pinakawalan ni Third sa kaniyang mga labi.
"Let's celebrate our first day here tonight," pahabol pa ni Third, kaya biglang sumaya ang mood ng lahat.
Naging busy sina Amary at Breyden sa pagluluto habang kami naman ni Third ay nakatoka sa pag-aayos ng mga stocks.
"Third, saan ko ilalagay mga natirang beer? Puno na sa refrigerator." Tinaas ko pa para makita niya.
"Just put in the bar table, cous," tugon niya na kinataas naman ng isang kilay ko.
Napatingin siya ulit sa akin nang hindi ako gumalaw. "What? Cous?" Parang may pang-iinis ang tono ng pananalita niya. Alam kong pinagti-tripan niya ako sa pagtawag ng gano'n.
"Fuck you," I rolled my eyes.
He smirked. "Fuck me later." Then he winked. Binuhat niya ang isang kahon at pumunta sa kitchen.
Asshole.
Lahat kami ay nasa sala na, kumakain at umiinom ng masarap at malamig na alak. Parang nawawala ang panunuyo ng lalamunan ko sa bawat paglaklak ko ng alak. Drinking alcohol reduces my stress, It makes me feel happy and confident at the same time.
"Guys, let's dance!" Tumayo si Amary at naglagay ng compact disc sa cd player.
We could leave the Christmas lights up 'til January
Humarap sa amin at tinaas ang dalawa niyang kamay kasabay ang paggalaw ng kaniyang malambot na baywang.
This is our place, we make the rules
Nabaling naman ang atensyon ng dalawang lalaki sa kaniya at pinagmasdan ang bawat paggiling niya.
And there's a dazzling haze, a mysterious way about you, dear
Have I known you twenty seconds or twenty years?
Pinadaanan ni Amary ng kaniyang mga kamay ang gilid ng katawan niya hanggang papunta sa kaniyang mga hita at marahang tinataas kunwari ang laylayan ng kaniyang bestida na hanggang hita niya lang.
I saw Third adam's apple working up and down.
Can I go where you go?
Napapikit pa si Amary habang sinasabayan ang tugtog. Hindi na naalis ang mga titig ni Third sa kaniya na para bang hinuhubadan na ito sa kaniyang isip.
Can we always be this close forever and ever?
Hindi na napigilan ni Third ang kaniyang sarili at tumayo na rin siya saka lumapit kay Amary sabay hawak sa baywang nito.
And ah, take me out, and take me home
You're my, my, my, my lover
Kumapit naman si Amary sa leeg ni Third saka sinandal ang ulo sa dibdib nito at marahan na sinabayan ang tugtog. Nabaling naman ang paningin ko sa isa na tuloy-tuloy sa paglaklak ng alak. Seryoso niyang pinagmamasdan ang dalawa sa pagsasayaw.
Jealousy is a disease. Get well soon, Breyden.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro