Chapter 8
Chapter 8
Bumangon ako at niyakap ang tuhod ko. Nakatitig ako sa kawalan ng bigalang bumukas ang pinto. I looked up.
"Gising na pala ang Prinsesa namin." Nakngiting bungad ni Kuya Luke.
His smile was so calming and reassuring. Para bang sinasabi niya sa akin na everything's alright.
Lumapit siya sa akin. Nakita ko na may dala siyang tray na naglalaman ng mga pagkain.
"Buti naman at gising ka na. You've been asleep for many hours now." He said. Nang makalapit na siya sa akin ay umupo na din siya sa kama ko. Inilapag niya ang tray na dala niya sa hita ko. He smiled at me. He leaned towards me a little then he patted my head.
I smiled back.
"Kuya paano ako napunta dito? Nasa guidance office lang ako kanina ehh. I mean kami. Tapos si Saph.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Naalala ko si Sapphire. Ano na kaya ang mangyayari sa kanya?
She did something inappropriate. She's my friend, yes. Pero alam ko na mali ang ginawa niya.
'alam na kaya ng mga friends namin ang nangyari? Maybe?'
Mga tsismoso at tsimosa sila ehh. Kaya malabong hindi nila alam ang nangyari.
Kuya Luke put his hands down from my head. Itinukod niya ang mga kamay niya sa kama. He looked up at the ceiling.
"Nahimatay ka." He chillingly said.
"Alam ko kuya. Pero what happened afterwards? Si Sapphire? Si Nathan? Sina sira Dela Paz at Prof. Lopez? Kumusta sila?" I worriedly uttered.
Napabuntong hininga nalang si Kuya.
"You're really fond of worrying about others." He stated.
"Hindi mo man lang ba itatanong kung ilang araw ka nang tulog?" He asked me. He looked at me. Shock was written on my face.
"Ha?" Kumunot ang noo ko. "Ano ka ba kuya? Wag kang magbiro. Hapon pa lang oh." Sabi ko. Bahagya pa akong tumawa. But he did not do the same. So totoo nga?
Inalis ko ang tray ng pagkain sa hita ko. Inilapag ko ito sa side table ko dito sa kwarto.
I looked for my phone to see the date. Nang makita ko kung anong petsa na nanlaki na naman ang mga mata ko.
'nakalimutan ko kung anong petsa nung nahimatay ako.'
Bumaling ako kay kuya na ngayon ay nakadapa na sa kama ko. He's hugging my human teddy bear. Maya-maya ay niwrestling niya na ito.
"Take that bear! Watahh! Pugsh! Blag! Bang!" Napataas naman ang kilay ko. Baliw ba siya?
"Kuya" tawag atensyon ko sa kaniya. He's not listening. Nire-wrestling niya padin si Blueberry ko.
He always do that. Minsan nga pupunta lang siya dito sa kwarto para awayin ang baby Blueberry ko. Wala siyang awa! Sinasaktan niya ang anak ko! Dapat siyang kasuhan ng Teddy bear abuse!
"Kuya" mas nilakasan ko pa ang pagtawag ko sa kanya. Pero balewala padin.
"Take that! Hahaha! Ang hina mo naman na oso ka! Wahahaha. Di mo ako matatalo." He stood up. Raised his both arms. Tinalunan niya si Blueberry (the human bear) ko at dinaganan.
I put my two hands on my hips. I breathe a heavy breath then..
"LUKE LYANDIER PETERSTEIN!" I shouted.
Napabalikwas naman siya ng bangon. Bababa na sana siya sa kama ng pumulupot ang kumot ko sa isang paa niya. Kaya nahulog siya sa kama. Sumubsob ang mukha niya sa sahig.
"Aray ko!" Naiiyak na sabi niya.
Isip bata talaga. Bagay sila ni Juliene. Kung si Juliene bata na isip bata si kuya naman matandang isip bata. Tsk.
"Ano iiyak ka?" I rolled my eyes.
"Ikaw na nga ang nag-masacare kay baby Blueberry ko, tapos ikaw pa ang iiyak? Ano nalang si baby Blueberry ko, lasog-lasog na ang katawan niya sa nga pinaggagawa mo. Kailan ba noong nahimatay ako?" Mahaba kong litanya.
Hinimas himas niya ang mukha niya. Nagpout pa siya. Akala mo naman ang cute niyang tignan. Eh mukha naman siyang gorilla.
"Sinong nagsabi sayo na iiyak ako? Tss. Noong Thursday po mahal na Princessa ng mga witch." Ismid niya sa akin. I rolled my eyes.
I looked at the phone again. It's currently October 19, Friday, and the time is 4:07pm.
Maghahapon na noong napatawag kami sa guidance.
Magdadalawang araw lang pala ako nawalan ng malay. Parang praning naman to si kuya. Noon nga ilang araw akong walang malay.
Someone poured blood on my locker's door.
Sa sobrang takot ko nahimatay ako noon.
"Mag-i-isang araw palang naman pala akong walang malay ehh." I cooly said.
My brother glared at me. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Anong mag-i-isang araw LANG?" he emphasizes the word 'lang'
"hoy! Mag-i-isang araw na yun oi. Ang haba na yun. Isipin mo naman na ilang oras lang ang normal na tulog nang isang tao? Diba 7-8 hours lang? Eh yung sayo? Ilan? Ha? More than 12 hours." Bumusangot ang mukha ni kuya.
I chuckled. Nilapitan ko siya. I hugged him.
"I love you kuya. Kahit tanga ka at nakakainis minsan mahal na mahal kita." I said sweetly. I even kissed my brother on the cheeks. He chuckled.
"I love you too our dear princess. Nang-insilto pa nga." He said and returned my hug. "Hindi ko na tatanungin pa kung anong nangyari at naguidance kayo. And to answer your question awhile ago the answer is, I don't know." Bumuntong hininga siya.
Napakalas ako sa pagyakap ko sa kanya.
"Ha?" I asked him.
He looked at me.
"Hindi ko alam." He stated again.
"Basta ang alam ko lang ay tinawag ako ng isang classmate ko. Sinabi niya na nasa clinic ka daw. Tinawag ko na din si Vin. Then we hurriedly ran towards the clinic. Grabeng kaba ang naramdaman namin. Nang makarating kami doon, your friends are also there. Maging yung lalaking kasama mong naguidance. Grabeng pasasalamat namin sa kanya. Kasi noong nahimatay ka daw kahapon, bigla ka agad niyang binuhat at dinala dito sa clinic. That guy was so worried about you, you know?" He said.
Nagulat ako sa sinabi ni kuya. Talaga? Nag alala sa akin si Nathan?
Naalala ko tuloy noong malapit na talaga akong mawalan ng malay. Imbes na pabayaan niya akong matumba sa sahig he catched me.
Napangiti ako.
Nilingon ako ni kuya. He raised a brow..
"Kinikilig ka ba?" Tanong niya sa akin. Nakataas parin ang kilay niya.
Agad kong binura ang ngiti sa labi ko. Tinusok tusok niya naman ang tagiliran ko.
"Oyy. Kinikilig siya." Tumayo si kuya. Nilahad niya ang kamay niya sakin.
Lumuhod kasi ako kanina sa sahig ng yakapin ko siya. Inabot ko naman agad yun.
"Hindi kaya kuya." I blushed. Nakita yun ni kuya pero hindi niya na ako tinukso pa.
"Nga pala. Saan si kuya Vin? Tsaka bakit ka nandito? Diba may klase ka ngayon?" Tanong ko sa kanya. Para maiba ang topic.
"Umabsent ako. Mas importante sa akin ang kapatid ko. Ang grade kaya yang habulin ni kuya. Pero yung kalagayan ng kapatid ko?" He darted. "Hinding hindi ko yan kayang tiisin. Palagi man tayong nag aaway love naman kita. You're my sister, and we love you very much. Kahit bitter, pilosopa, at kahit takas ka pa sa mental love na love kita. Kapamilya ata tayo!" Pagamamalaki ni kuya. Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.
He continue hugging me. We stayed hugging hanggang sa may kumatok sa pinto.
"Luke, are you in there? Zhen?" It's Mommy's voice. Siya ang kumakatok.
"Yes mom." I answered still hugging my childish brother.
Agad namang bumukas ang pinto. My mom smiled upon seing me and my brother hugging. Palagi nalang kasi kaming nagbabangayan ni kuya ehh. There's no day na hindi kami nakakapag asaran. Kaya ganun nalang ang reaksyon ni mama ngayon nang makita niyang nagyayakapan kami ng kapatid ko.
"So, our Princess is awake now?" Tuliyan ng pumasok si Mommy. Hindi lang siya nag iisa. Kasama din niya sina kuya Vin at Daddy.
"Mom, umabsent din po ba kayo sa trabaho nyo?" I asked Mommy.
Her lips form a line upon hearing what I said. Then she smile shyly.
"Mom." Banta ko sa kanya kasi alam ko magsisinungaling na naman siya.
"Fine. Oo. Pero hindi naman talaga yun absent na absent talaga ehh. It's our company after all. Secretary ako ng Daddy mo. Your father is the CEO kaya okey lang." Ngumiti siya sa akin.
Yes! Mommy is my Dad's secretary. Ayaw pa sanang pumayag ni Daddy. Pero dahil naka leave ang secretary niya sa kadahilanang buntis ay wala siyang magawa nang puntahan siya ni mommy sa office. Naka secretary attire. Pero parang hindi siya sekretarya kung titingnan mo nung nag gate crash siya sa office ni dad.
She wore her seductive red satin spaghetti strapped dress and paired it with a black coat and red stilleto.
Natawa nalang ako nang maalala yun.
Kuya Luke released me from his hug. Nilapitan ko naman si kuya Vin at Daddy. I hugged Daddy first. Daddy returned my hug. He kissed my head and uttered his 'I love you'. I also hugged kuya Vin. Baka magtampo pa siya ehh.
"Awh. My daughter is so sweet. Anong nakain mo anak?" Pabirong tanong ni mommy. Napatawa din ako. Maging sina kuya at daddy ganun din.
"Well, mom hindi pa nga yan kumakain ehh. I brought her food. Pero lumamig nalang ang pagkain hindi niya parin natikman. Ang sama niya. Pinaghirapan ko pa namang lutuin yan. Napaso pa nga ako. Look Mom oh. See." Sabi ni kuya ng naka pout sabay pakita nang daliri niyang may bandaid.
'Baliw' I mouthed at my brother.
"Atleast baliw na maeffort."He stuck his tongue out.
Napatawa nalang kaming lahat sa inasal ni kuya.
"Family hug?" Daddy asked. Agad naman kaming nagsilapit sa kanya at nag family hug.
I really love all of them. And I am glad na sa kanila ako napunta.
Bahala nang talikuran ako ng buong mundo, wag lang ng pamilya ko.
LUNES ngayon and I am currently at the school. Mag isa akong naglalakad papunta sa meeting place namin ng mga kaibigan ko.
Nang makita ko na sila agad akong naglakad ng mabilis para madali akong makalapit sa kanila.
"Hey guys!" Masayang bati ko sa kanila.
They all looked back. Our eyes met.
"Zhen!" Sigaw nilang lahat. Except Sapphire. Wala siya eh.
Tumakbo silang lahat palapit sa akin. Yumakap sila sa akin.
"We miss you girl." Exage na sabi ni Gaeve. Napatawa nalang ako.
"Kung sana dinalaw niyo ako sa bahay edi hindi niyo ako mamimiss." Sabi ko.
Bumitiw silang lahat sa akin.
"Hoy babae. Wag ka nga." Mataray na sabi ni Heazel. Kahit kailan talaga tong babae na to sobrang emotera.
"Ilang beses ka naming pinuntahan sa bahay niyo noh? Kaso lang nagpapaka-sleeping beauty ka pa. Nag aantay la pa siguro sa Prince charming mo. For your information walang prinsipe ang mga witch." Heazel said laughing.
All of us laughed too. Well si Earl ngumiti lang.
Sinabi nga sa akin ni kuya na ilang beses nila akong dinalaw sa bahay.
"Heazel!" Narinig naming pagtawag ng kung sino kay Heazel.
I looked at her. Hindi siya nakalambitin kay Earl. Malayo siya sa love of her life niya.
Nilingon ni Heazel ang tumawag sa kanya. Sa gulat ko lang nang makita ko na tumakbo si Heazel palapit sa tumawag sa kanya. It was Jade. Did something happen noong wala ako? Parang grabe naman ata? Ilang araw lang akong nawala ahh.
"Babe!" Sigaw ni Heazel habang tumatakbo palapit kay Jade.
Tumatawa si Jade habang sinasalubong niya ang papalapit na si Heazel. Nang makalapit na sila sa isa't-isa agad silang nagyakap.
They are currently talking to each other at the moment.
"Ang sweet naman nila. Diba Juliene?" Humahagikgik na sabi ni Gaeve kay Juliene.
"Oo nga ehh. Nakaka-inggit sila."
Sagot naman ni Juliene.
I looked at Earl's direction. His eyes looked sad and hurt.
'Ayan kasi pakipot ka pa ehh. Naunahan ka tuloy ng iba.' gusto kong sabihin sa kay Earl.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko pala si Clyde. Umakbay siya sa akin.
"Noona. Anyeong." He greeted me.
I looked at him and smiled too.
"Anyeong dongsaeng." I greeted him back.
"Ok ka na ba, noona?" He asked me. I nodded as response.
"Buti naman." He said again.
We looked at Heazel and Jade who's walking towards us while holding hands.
'Wow ha? HHWW talaga sila? Yuck! Nakakasuka! Nakakadiri! Nakakahabag!'
Heazel looked at me smiling. I acted na nasusuka ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Clyde na nakaakbay parin sa akin.
Heazel rolled her eyes and mouthed 'bitter' at me.
"Duh. It's better to believe that forever doesn't exist kaysa naman sa magpakatanga sa kakapaniwala!" I exclaimed in a low voice. Pero narinig parin ni Clyde.
"Ang bitter mo, Noona. Hahaha" tawa niya sakin.
"Sige tawanan mo ako. Sasapakin kita!" I said. He laughed lightly. Clyde raised both his hands, sign of his defeat.
I rolled my eyes. Mataray na naman ako ngayon. Naku naman!.
I said to myself.
Nang nakalapit na sila Heazel at Jade sa amin agad namin silang nginitian.
We became silent for seconds. Narinig naming bumuntong hininga si Heazel. I know she's about to drop a bomb in front of us.
"Guys?" She started. All of our attention are on her. She looked at Jade.
Jade give him a courageous smile for her to continue what she was about to say.
All of us are waiting for her to talk.
"Uhm.. J-jade is... is currently.. courting me!" Boom. There it is. Napasinghap ang iba sa amin. I glanced at Earl. His eyes were glued on the wall.
Kitang kita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga mata niya. I saw his hand turn into a fist.
He si hurt I know. Dahil ba sa pride? Pero kung mahal niya naman si Heazel bakit niya ito binalewala noon? Bakit hindi niya pinapansin ang mga efforts na ginagawa ni Heazel para sa kanya? What's his reason?
'Shit! Fuck this thing called Love. It's full of lies!'
Kaya nitong alipinin ang mga nakakaramdam ng love. Tama lang talaga na ayaw kong ma-inlove.
"Talaga? Nagliligawan na kayo? Kayo na?" Paniniguradong tanong ni Cerisse.
"Ahm. Hindi pa naman talagang 'dating' g-getting to know each other palang kami."
Nahihiyang yumuko si Heazel. Jade hugged her.
Namumula si Heazel.
Hindi ko alam kung ano ba ang totoong nararamdaman ni Heazel para kay Jade. But I hope na hindi niya lang ginagamit si Jade. Na sana ginagawa niya ang lahat just to love Jade at hindi para pagselosin lang si Earl.
Ayokong may gawin si Heazel na panakip butas. Oo bitter ako. Pero ayaw ko na may masaktan na tao si Heazel. Kasi alam ko na hindi mo maaabot ang tunay na saya pag may tao kang nasaktan para lang makamit mo ang gusto mo.
Hindi sapat amg pagsisisi. Sana alam ni Heazel yun.
Pumalakpak naman sina Juliene at Gaeve. They supported the two. Pinaharap ni Jade sa amin ang nahihiyang si Heazel. Namumula parin ito.
"So, legally, kayo na?" Cerisse asked the two of them.
"Uhm. Maybe next week. Ipapakilala ko na si Heazel sa family ko." Jade said while smiling. He's looking at Heazel lovingly. Nakangiti naman si Heazel na nakatingin din kay Jade.
"Oiee. Ang tinginan inlove na inlove." Tukso ni Clyde sa dalawa na mas lalong ikinamula ni Heazel.
"Clyde! Arghh!" Naiinis na tantrum ni Heazel.
"Hahah. Look at your face." Tawa ni Clyde.
Tinuro-turo pa nito ang mukha ng dalawa.
Nakita ko kung paano tumiim ang tingin ni Earl kay Clyde. They're Bestfriends. Kaya alam ko na hindi inaasahan ni Earl na pati si Clyde ay makikitukso din kina Jade at Heazel.
Earl looked at me. Parang binabantayan niya kung ano ang sasabihin ko.
I raised both my brows at him. Para bang nagtatanong ako sa kanya.
Earl shook his head. He looked at the new couple in front of us.
"Kailan lang kayo nagsimulang magligawan?" Pang-uusisa ni Julienne sa lovers.
"Noong sabado lang." Sagot naman ni Jade.
"Ahh." Tumango-tango siya. "So, ikatlong araw niyo na pala ngayon? Hala sana all nagtatagal!" Juliene said dreamily.
Nilingon siya ni Gaeve sa sinabi niya.
"Anong nagtatagal? Matagal na ba ang more than two days? Tapos nagliligawan palang sila hoy!" Gaeve asked Juliene. Her arms folded in front of her chest. Nakataas pa ang kilay niya kaya nagmumukha na talaga siyang suplada.
Nakikinig lang ako sa kanila. My hands are on my pocket.
"Oo naman." Sagot ni Juliene.
"Matagal na kaya ang dalawang araw. Basta more than 1 madami na yan. Lalo na sa oras. Basta more than 1 minutes matagal na yan." Pag eexplain ni Juliene kay Gaeve.
Napatawa kami sa sinabi niya.
Mas lalong kumunot ang noo no Gaeve.
"Duh! It's not 1 minutes. It's 1 MINUTE. Walang 's' kasi hindi pa siya more than one. Tss. Argh. Nakakairita. Papasok ba si ma'am? May P.E ba ngayon? Argh kairita sino may pulbo diyan? Ahh. Wala?" Sabat naman ni Gaeve.
Napakamot naman sa uli niya si Juliene.
"Ganun pala yun? Hahaha yung lines mo. Sa tiktok galing yun diba?" Sabi niya na ikinatawa naming lahat. Except ulit kay Earl na ngayon ay nakatitig kay Heazel.
"Oo nga pala, Zhen. Ok na pala yung sa activity report natin. Nakapag report na kami. The sabi ni Prof. Villaflor ok na daw yung pati sayo. Sabi namin na lahat tayo ay may ginawa sa activity. Tinanggap niya naman. Kaya no need na para mag approach ka sa kanya para sa report pero kung gusto mo siyang pasalamatan mamaya, pwede mong gawin yun."
She said. I just nodded at her. Smiling lightly.
THE WEEK turned out well.
Maybe sa akin lang. Si Earl hindi na namin masyadong nakakasama. Alam kong gusto niya lang lumayo kay Heazel. Alam kong nasasaktan din siya.
Si Sapphire naman she's distancing herself from us. Simula noong naguidance kami hindi na siya gaaning nagsasasama sa amin. Minsan na lang. Always na silang M.I.A ni Earl. Pero hindi naman daw sila magkasama according to Earl. Ayaw na ayaw kasi ni Sapphire na nilalapitan siya ng iba ang gusto niya siya ang unang lumalapit sa amin.
And of course,
Yung about naman sa disciplinary action na dapat natanggap namin dahil sa comosion na ginawa namin noong Thursday ay hindi natuloy. At walang may dumating na disciplinary action sa amin. I don't know kung paano nangyari basta ang alam ko lang ay talagang wala. I even went to the guidance office to ask kung no ang dapat naming gawin but Sir. Dela Paz said is that we need no study our lessons well. At hindi na daw kami makakatanggap pa ng disciplinary action.
Isang linggo ulit ang matuling lumipas.
It's Saturday now. At nandito ako sa favorite kong tambayan.
Ang ganda dito kasi makikita mo ang magandang view ng sunset. It melts my heart. Nandito parin ako sa village namin. Malayo-layo nga lang sa bahay.
Pero worth it naman ang lakad mo pag nakarating ka na dito.
I haven't seen Nathan.
'Saan kaya siya nagsususuot? Bakit hindi ko yata siya nakikita?' I asked myself.
"Ano ba yan. Bakit ko ba siya naiisip? Eh hindi nga kamo close ehh. Tss" I said to myself.
Napapansin ko these days, palagi kong kinkausap ang sarili ko. Am I going crazy? Pero sabi ng mga scientist nakakatalino daw yun. At healthy din daw ang pagkausap sa sarili.
'How come? Hindi ba mukha kang tanga nun?' I asked myself.
"Ayy ewan. Basta ang importante maganda ako. Hindi ako kapalit-palit dahil maganda ako. Hindi ako kakabet-kabet dahil maganda ako, hindi kapanget-pangit dahil maganda ako!" I said to myself again.
"Talaga ba?" I heard someone said.
I felt goosebumps. His breathing fan against my ears. My heart beat so fast. Only one person can make me feel this.
I looked back. There I saw Nathan'd handsome face. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. One wrong move our lips will touch.
"N-nathan" I whispered.
--------------------
PLAGIARISM is a crime
Don't steal!
©️ MysteriousGleam
All rights reserved 2021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro