Chapter 12
Chapter 12
Our sleep over with the pets was epic. Nagalit si Saph kay Apollo, ang pagkahulog ko sa pool, ang pag pass this phone na tiktok namin, at ang paspasang pagtakbo namin patungo sa mga kwarto namin.
I was falling of to sleep nang maalala ko ang mga pets namin. Nanlaki ang mata ko at napabalikwas ng bangon. I hurriedly stood up and ran to the door to knock my friend's doors.
I went to Heazel's door to knock first. Magkatapat kasi ang mga kwarto namin. Sapphire's house consist of 20 rooms. And we occupy the 7 rooms including the master's bedroom where Saph sleeps.
*Tok *tok
"Heazel" I called. She opened the door after a minute. Her eyes was slightly open. She fell asleep already, I see. Oo nga naman it's already 11:45 in the evening.
Kinusot niya ang mga mata niya at humikab.
"Oh bakit?" She asked.
"Ang mga alaga natin sa baba kunin natin, o kaya i-check?" Sabi ko. Agad naman siyang tumango at lumabas ng kwarto. Saka niya ito sinara. Tapos ay kinatok na namin ang kwarto ng ibang HBNHB (half breed na high breed. Lol)
Lahat kami ay bumababa palang sa hagdan ng may marinig kaming ingay sa baba. We all stopped marching down. Nagtinginan kaming lahat.
"Sinong nasa baba?" Tanong ni Clyde. Naka kunot ang noo.
We're all thinking the same except Juliene who profusely answered.
"Baka multo yun!" She said exaggerately in a whisper.
I rolled my eyes the others groaned in frustration.
Heto na naman po tayo sa pagiging slow ni Juliene'
"Baka naman magnanakaw na yan ha!" Sabi naman ni Gaeve. Mga exage talaga tong dalawang to.
Pero sa isip ko, paano kaya kung totoo ang hula ni Gaeve at may nakapasok na magnanakaw dito sa bahay ni Saph. Tapos nakawin ang cute naming pets? Wag sana mahal ko ang baby ko!
Akmang may magsasalita sa amin ng makarinig kami ng ingay na parang sa cellophane at binubuksan.
Nanlaki ang mata ko.
"G-guys paano kung t-totoo" sabi ni Heazel. Kinakabahan. Maybe she's referring to what Gaeve said. But to my dismay she answered...
"Paano kung may multo nga dito sa bahay ni Saph? Sa kadami dami ba naman ng kwarto at secret doors ni Saph hindi imposibleng may multo nga dito." She said.
Lumapit siya sakin at kumapit sa braso ko. My forehead creased. At a time like this she always go to Earl ang clung into his arms like a gecko, acting that she's so scared even if she's not.
Tinapunan ko ng tingin si Earl na nakalahad ang braso kay Heazel. He's prepared. He always knew what could happen if Heazel got scared. But this one is different. Lumayo ang loob ni Heazel sa kanya. I feel pity towards Earl. Pero kasalanan niya naman ehh. Or maybe not.
"Zhen" she said. "Natatakot ako."
I rolled my eyes. Kung magnanakaw yan hindi yan makakapasok dito. Secure ng bahay ni Saph. At nandito din ng dalawang halimaw na pusa niya. Sina Callisto at Apollo. Nakakatakot ang dalawang yun. Laya alam ko na hindi magnanakaw ang nag iingay sa sala.
Nakarinig na naman kami ng kalampag.
Dahan dahan kaming bumaba sa hagdan. We were doing our best not to make any noises.
Nauna si Clyde sa amin.
Sinilip niya ang maliit na siwang hagdan. Pero bago niya pa magawa yun ay may isang halimaw nang tumalon sa kanyang harapan na ikinagulat at ikinatili naming lahat. Lalo na si Clyde.
Napatili siya na para bang makakita ng isang karunaldumal na krimen.
Napahawak siya sa tapat ng puso niya sa gulat.
Si Callisto pala. Tumalikod naman agad si Callisto at bumalik sa sala.
"Tangina naman Callisto, gusto mo ba akong atakihin sa puso?!" Sabi ni Josh.
Ok na sana ehh. Ok na. Kaso langang sumabat pa ang isip bata at slow na si Juliene.
"Ha? Paano ka naman maatake ni Callisto sa puso kuya Clyde? Eh nasa loob ng ribcage mo ang puso mo? Tapos ang laki din ni Callisto para makapasok sa puso mo. Ang tanga mo po kuya. Tsk tsk tsk." She said. Inambaan siya ni Clyde ng sampal. Pero parang panakot lang, kasi pumikit siya na naka dikit ng mariin ang bibig. Kinakalma ang sarili para wag masampal si Juliene. Nagmulat siya at ibinaba ang kamay.
"Ang sarap mo na talagang sampalin, Juliene. Alam mo ba yun?" Inis na sabi ni Clyde.
"Hehe. Hindi ko po alam kuya, Clyde. Ang alam ko lang po kasi cute ako. Hihi."
"Sapakin mo na kasi agad, Kuya Clyde. Huwag kang matakot. Support kita." Pang encourage naman ni Gaeve dito na tumatawa.
Napalingon naman si Juliene kay Gaeve na nasa tabi niya.
"Hindi mo ako kakampihan? Akala ko ba Bestfriends tayo?" Naka pout na tanong ni Juliene dito.
Di naman ito sinagot ng huli at nag flying kiss na lamang.
Napatawa nalang si Cerisse at Gaeverielle.
Si Heazel naman ay nakakapit parin sakin.
At si Earl ay nakapamulsa lang at chill an nakatayo sa gilid ni Clyde.
"Tama na nga yan. Tara na. Tignan na natin kung anong nagyari sa baba." Aya ko sa kanila.
Clyde glared ay Juliene. Nag peace sign naman si Juliene sa kanya . Malapad ang ngiti.
Nang bumaba kami nakita namin sina Callisto at Apollo na nagliligpit.
Namangha ako sa nakikita ko, maging ang iba kong kasaam ay ganoon din. Sino ba naman ang makakaisip na marunong mag ligpit ang mga hayop?
Kinakagat nila Callisto at Apollo ang mga pinggan na may konting lamang pagkain at nilalagay sa tray ng marahan. Gamit ang matataas at matutulis na pangil ay iniipit nila ang mga baso sa gitna para mailagay din sa malalim na tray. Inilibot ko ang paningin ko. Nakita ko ang tatlong teacup puppies ni Saph na nagliligpit din ng mga chips at pagkain na nagkalat sa sahig at inilalagay ito sa dustpan. Maging ang mga supot ng chitchirya ng pinag kinain namin kanina ay nasa dustpan na.
Manghang mangha ako sa nakikita. Ang dalawang fox na sina Vespera at Svetlana naman ay nagtutulungan sa pag aayos ng carpet na nagulo kanina.
Si Navulia lang ata ang hindi ko makitang tumutulong. And speaking of Navulia, wala siya dito. Si Soheila kasi, ang pusa ni Saph ay natutulog na sa taas ng cabinet.
Out of curiosity ay sumunod ako kina Callisto at Apollo na dala dala na ang tray patungo sa kusina. Iniwan ko muna ang iba sa sala na nakatanga parin sa mga alaga ni Saph. She really trained her pets well.
Nang makarating kaming tatlo sa kusina ay isinampa nilang dalawa ang kalahati ng kanilang kalahating katawan sa lababo at ipinatong nilang dalawa ang tray doon.
Napakunot ang noo ko. Ang mga alaga namin ay natutulog na kanina sa isang panig ng sala na nalalatagan ng soft matress para sa kanila.
Naglakad ako papunta sa cr ng kusina ng may marinig akong malakas na lagaslas ng tubig.
Idinikit ko ang aking tainga sa pinto para makumpirma kung totoong may tunog na nanggagaling doon. Hindi ko na namalayan na sumunod pala sa akin ang iba pa.
Inabot ko ang doorknob. I slowly twisted it and pushed it open.
And guess what I saw? Ang hambog na aso ni Sapphire na kanina ko pa hinahanap. Nasa sink siya ng cr. Nagkahiga. Punong puno ng tubig ang sink may konting bula din doon.
Nanlaki ang mga mata ko.
'Patay ka sa amo mo Navulia! Naisipan mo pang magswimming sa sink ng banyo!'
IT'S BEEN days since our sleepover party happened. Natatawa talaga ako kay Navulia. Kala mo kung sino. Hindi magtagal noong nakita namin siya doon sa sink ay dumating si Saph. She was on the garden all the time. At hindi namin alam yun. Akala namin ay umalis siya. Our pets was so happy to see each other. At natuwa din ako doon.
"3 days." Sambit ko. 3 days have passed pero hindi ko parin nakikita si Nathan.
I don't want to admit it pero miss ko na siya.
"Ayy. Ano ba yan. Bakit ko ba siya iniisip?" I asked myself. I tapped my face lightly. It's better if I will not see him anyway..
Alam ko din sa sarili ko na wala akong masasabi kung magkita man kami. Every time I remember him, the thought that we were making out almost having s*x in an unfamiliar room always comes to my mind.
I blushed. I told myself to forget it pero ayaw talagang mawala sa isip ko.
I know it did not happen literally but I can't help myself not to remember that scene in my dreams. How I returned all his kisses. The pleasure he's giving me. All the moans that escaped my lips. And calling his name with desire.
'Ano kay pagtinawag niya ako? Ano kaya ang mararamdaman ko?' I question myself.
If you're asking where I am right now, I'm on the cafeteria, eating my lunch alone. Heazel invited me to eat lunch with her and Jade but I declined. Baka masapok ko lang silang dalawa doon. Sa una ang sweet tapos pag tumagal at nagkasawaan na mang-iiwan.
'NASAAN ANG HUSTISYA?!'
"Psst. Zhen." A voice called me. I know that voice, it's Nathan's. Maybe I'm just imagining things. I shrugged and continued eating. Fave ko pa naman ang ulam ko ngayon. Caldereta and beef steak. Yeheyy!
Lalo na at iniisip ko siya.
'hindi mo siya iniisip LANG, pinagnanasahan mo siya!' my thoughts exclaimed.
Beefsteak naman! Nakakawalang gana. Pati ba naman ang utak ko ayaw makisama sa akin?
Traidor na braincells to.
Nakakabwisit na ha!.
"Psst. Zhen!" Tawag ulit sa akin ng boses ni Nathan. Pinulpok ko ng mahina ang ulo ko gamit ang notebook ko. Nakarinig naman ako ng tawa.
Kumunot ang noo ko.
'At sinong gago naman ang pagtatawanan ako? Ha! Sa ganda kong ito? Pagtatawanan niya ako?' I roamed my eyes around the cafeteria looking for Nathan. But I did not see him.
I shrugged again and eat.
May tumawa ulit but never mind na. Gutom ako eh.
I was busy eating until someone put his tray in the table and sat at the vacant chair in front of me.
I looked up. A bolt of electricity ran through my veins. My heart beats faster than the usual.
Only one person can make my heart go crazy.
"Hi" he greeted me. Smiling. My heart went Boom! "Zhen" I blushed
He's in front of me now and I don't know how to react and what to react. Kanina lang iniisip ko siya, ngayon nasa harap ko na siya.
Sana all diba? Wala naman siguro kaming mental telepathy.
I'm flushing red right now. Nahihiya ako ng konti pero okey lang. I'm still gorgeous naman.
Inangat ko ang isang kamay ko at napahilot ako sa batok ko. Still looking at him shyly.
Maybe he's already wondering why I'm not being stubborn.
"H-hello" nauutal na sabi ko. Namimilipit ata ang dila ko! Shet!
Mag tongue twister kaya muna ako?
He smiled. "Where are you these days? Bakit hindi ata kita nakikita?" He asked habang kinukuha ang kutasara at tinidor na nasa tray niya na may lamang pagkain.
'Bakit, miss mo ko?' I wanna ask him.
"Uhm." Sabi ko. Binaba ko na ang kamay ko.
'kalma, Zhen. Kalma' I chanted.
I don't want to look affected.
"Dito lang sa Univ. Hectic kasi ang schedule ko ehh. Hahah" pagsisinungaling ko sabay tawa. Buti nalang at hindi ko nautal. I was really trying my best to speak casually as if I'm not nervoushaving him in front of me. Na kanikanina lang ay iniisipan ko mg kahalayan. Argh!
"Ahh. Ganun ba? Pero second sem palang naman. Paanong hectic ang schedule mo?" Nagtatakang tanong niya. Hindi siya kumagat sa pain. Oh no!
'what to do! What to do?' pagpapanick ng utak ko.
I come up with something.
"Uhm. Kasi yung mga professors namin grabeng magbigay ng activity, assignment, tsaka reports ehh. Hahaha. Masyadong marami." Sabi ko. Kinakabahan na ako. Kapag hindi pa siya kumagat talagang hindi ko na. Alam ang gagawin ko. Huhuhu
'anong klaseng rason ba yan Zhen?' sabi ng utak ko.
Leche flan!
Parang pinakinggan ako ng tadhana.
Biglang nag ring ang cellphone ko.
"S-sandali lang ha? I just need to answer this." I said. Gosh! Hahalikan ko talaga kung sino man ang tumawag sa akin pag nagkita kami.
I hurriedly picked my phone up from my bag. I looked who the caller, it was Ash my cousin.
I pressed the answer button then spoke.
"Hello, Ash" Bati ko sa kabilang linya.
I took a glance at Nathan who's busy eating in front of me he raised his eyes to meet mine as he heard me say Ash' name.
"Hello 'couz. Nasaan ka? Nasa school ka ba?" He asked.
"Opo, I'm at school why? Need anything?" I asked him. I'm a bit shy because Nathan stopped eating and just continue to stare at me with his curious eyes.
"Punta ako diyan. Pwede?" he asked me with his excited voice. Napangiti ako.
I saw Nathan's forehead knott in my peripheral vision.
"Oo naman. Hintayin kita dito" I retorted.
"Sige. Paki bilisan na din. Malapit na ako sa gate niyo. Bye." Sabi niya.
"Bye" I bid. Pinatay ko na ang tawag at humarap kay Nathan. He was eating silently now.
"Uhmm." Pagkuha ko sa attensyon niya. He raised his head to look at me.
"Hmm?"
"P-pwede na ba kong mauna? Someone's waiting for me kasi. Let's just talk next time" mahinay kong pagkasabi, not to sound impolite.
"Oh" he shrugged. "Sure" he shortly said and nod.
"Sige. Mauna na ako ha?" I put my phone inside my bag and put the bag on my shoulder. I stood up and hold the tray up.
Mabuti nalang at tapos na akong kumain.
I bid goodbye again as I began to leave, holding the tray while walking to the big table where we put our used dishes and trays.
I went out of the Cafeteria and ran towards the gate. Alam ko na pagtawag palang sa akin ni Ash ay nasa gate na siya.. He's always like that. Alam niya kasi na kumakain ako. Hindi ko man sinabi but he knew. Alam niya ang schedule ko ehh. He's studying at different school, on a all boys school. He is a 4th year highschool student. Same as Gaeverielle.
He always slack off, kaya nag desisyon ang mommy at daddy niya na ilagay siya sa all boys school. He always makes a girl cry. Thrice a week, maybe? He's a well known playboy. A happy go lucky guy. Bagay din sila ni Juliene. Ayy mali pala. Hindi pala sila bagay. Pareho silang tao.
As I reached the gate I was right. My cousin was already there. Leaning against his Ferrari F60 America wearing his Lacoste shades.
'Ang yabang. Sarap niyang ibalibag. Kung 'di lang kita lab malamang nakabulagta ka na sa sahig ngayon. Hmmpp'
He stand straight when he saw me. My brow shot up. "Ano na naman ang kailangan mo Asher Kyle? Mambababae ka na naman ba dito? Tapos ako ang idadamay mo? Tapos papagalitan ako nina tita Jaz at tito Kylo? Wag ako Ash. Wag ako!" I litany said.
He laughed heartily. He nodded at the guard who opened the gate for him. The guard smiled. Kilala na siya ng guard dito. Dito din kasi siya nag aaral noon. Kaya malaya siyang makakalabas pasok dito.
He walked towards me. Inakbayan niya ako. I rolled my eyes then I crossed my arms over my chest. He's making me pissed.
He did not answer me instead he....
"Tara na?" Aba ang kapal. Siya pa ang ganang mag aya? Bwisit na to.
WE WERE walking down the hallway, marami akong babaeng naririnig na impit ang tiling pinapakawalan. Ang iba binabati pa si Ash and declaring how much they love my assh*le cousin. What a pity for those girls who wants to be played by him. Tss.
He's cooly walking. As if he owns the space. Parang hindi lang takot kay Ara nang I love you, Ara ni ate Jamille Fumah. Hahaha.
I remembered the day when I asked him to read ate Jamille Fumah's story I love you ara. It was already 1am yet I pushed him to read the story. I laughed hard nang Chapter 5 palang ay sumuko na siya. He almost wept. I keep on laughing at his horrored face. He's been imagining na nasa labas ng pinto niya si Ara, nasa baba ng kama, nasa aparador at kahit sa banyo at kung saan-saan pa. Sana pala when we skyped that time I took a screenshot of his face to show my friends and this girls 'hey. Eto pala ang lalaking gusto niyo. Takot sa multo'
But I did not have one. It did not cross my mind that time and I all I did was laugh at the sight I'm seeing.
Kaya naman everytime na may gusto ako at wala akong mautusang iba, siya ang inuutusan ko. Si Ara ang panakot ko sa kanya. Hahaha. I'm so evil!
Bumalik ang isip ko sa present ng may mabunggo ako. It was Ash.
"Ah! Aray" He stopped walking. He looked back at me ng mabunggo ko siya.
"Anyare sayo?" He asked me. Kinutusan ko naman siya. Napa aray siya. Serves him right.
Nabunggo ako ehh. Paano nalang kapag nabawasan ang ganda ko?
"A-aray, ate zhen!" He wailed. Piningot ko na din siya sa tenga. He's making me stop by getting my hand that's gripping his ears harshly.
His eyes were teary, namumula na din ang tenga niya. Kaya I decided to let it go.
"Alam mo ba na masakit ang pingot mo ate?" He wailed like a kid. He did not mind those girls who keeps on gawking at him like a moron.
I shrugged my shoulders. I chuckled lightly.
"Hindi naman masakit ahh? Di ko nga naramdaman ehh." I said that made him growl and stomped his feet.
My smile widened upon witnessing how my cousin shows his childish side. He's cute. No! Let me rephrase that, he's handsome. Nasa lahi namin yan.
Wala atang pangit sa lahi namin ehh.
"Ate" he called me.
"Hmm?" I hummed. I thought he's going to ask me something serious, kasi his facial expression shows seriousness, but....
"Sino sa mga chikababes dito ang pwede mong ireto sakin?" He asked, seriously.
I almost strangle him to death. What I did was slapped him hard. Napa aray naman siya ay napahawak sa pisngi niya.
"ATE! THAT HURTS YOU KNOW?" He shouted, hawak hawak padin ang pisngi niya.
"Shut up! And to answer your question hindi ko alam! Kasi ako palagi ang nauunang nananampal." I shouted back.
He pouted. I snarled.
"Gago ka talaga eh noh? Ilang beses ko na bang sinabi sayo na 'wag kang at 'wag mong paglalaruan ang mga babae! Isipin mo naman na may nanay ka, may kapatid, may tiyahin, at may maganda na gorgeous kang pinsan na babae. Paano nalang kung yang mga ginagawa mo gawin din sa amin ng ibang lalaki? Anong ma-fe-feel mo? Ha? Isipin mo nga! Nasaan na ba ang isip mo nai-tae mo na ba?" Litanya ko.
I won't tolerate him on doing these kind of things. Ayaw ko na may nasasaktan siya. Kasi alam mo na may karma. And karma strikes hard.
"Magagalit ako syempre! Wag lang nilang gagawin sa inyo yun kundi baka mapatay ko sila." He said.
"Yun naman pala ehh. Alam mo naman pala. Eh ano nalang ang nararamdaman ng mga pamilya ng babaeng naikama at napaiyak mo ha? Sige nga!" I asked him angrily.
"But I'm still a virgin, ate!" Pagtatanggol niya sa sarili niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Magrarason pa oh! I'll kick your balls later sige!"
His lips slightly opened but no words came out. That's when I knew he was defeated. I turned my back at him and started walking. He followed my trail. His head bowed down. Still thinking about what I said.
'Dapat lang noh!'
-----------------
PLAGIARISM is a crime
Don't steal!
©️ MysteriousGleam
All rights reserved 2021
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro