Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

'Aray ko po' yun nalang ang naging daing ko ng dinamba ako ng isang malaking halimaw.

Oo, ang isang pusang halimaw.

Narinig ko ang tawa ng mga kaibigan ko na naka salampak sa carpet.

"Naman! Alis! Apollo! Umalis ka sa likod ko. Ang bigat mo!" Naiisis na sambit ko sa liger na ginugulong-gulongan ang likod ko.

"Apollo, isa!" Umalis naman agad ang halimaw ng bilangan ko na siya. He growled at me.

I stood up. I glared at Apollo who's looking cute. I hissed at him

'Edi ikaw na ang cute na halimaw' ismid ko

"Nasaan ba ang amo mo?" Tanong ko sa Liger na nasa harap ko na para bang mabibigyan niya ng sagot ang tanong ko.

Hinimas-himas ko ang balahibo niya. Para naman siyang maamong pusa. He purred like a little cat under my palm. That makes me smile.

I looked at my friends na nakikipaglaro na ulit sa mga alaga nila. Mga snob na high breed. I rolled my eyes. Nagulat ako nang may tumutulak sa akin. I looked at Apollo. Sinamaan ko ito ng tingin pero hindi parin siya natinag. Instead mas milakasan niya pa ang pagtulak tulak sa akin. Naging sunod sunuran naman ang katawan ko da pagtulak niya. Kaysa naman sa madapa na naman ako magpadala nalang ako pero sinasaway ko parin siya.

"Apollo, stop! Hey! Ikaw na halimaw ka" Apollo growled. Patuloy parin sa pagtulak sa akin gamit ang ulo niya.

Naman ehh. Nang lumingon ako sa likod ko nakita ko na gusto niya akong dalhin sa pool.  I fought back. Ang lamig na kaya. Ano gusto niya mag night swimming kami?

"Apollo! Hey. Tama na. Apol-----" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa tubig. Pagkatapos noon ay nakaramdam ako ng isang malaking alon. Alam ko na tumalon din ang halimaw sa pool.

Agad naman akong umahon. Suminghap ako ng hangin.

Naramdaman ko na may bagay na dumampi sa mga balikat ko.

Inis na inis ako. Basang basa ako.

Sumampa naman ang halimaw sa likod ko. Tuwang-tuwa dahil pareho kaming basang dalawa. Inalis ko ang mga kamay at paa ni Apollo na nakapulupot sa akin.

Umahon ako mula sa pool.

Sumunod naman sa aking ang walang hiyang Liger. I stomped my foot heavily and fast. Hinabol naman ako ni Apollo.

Tumigil ako at nilingon ko siya.

"BAKIT KA SUMUSUNOD SAKIN HA?! HINDI MO BA ALAM NA INIS NA INIS AKO SAYO?! HA?" Sigaw ko sa halimaw na nasa tabi ko.

Tumakbo naman siya papunta sa kwarto ni Saph.

"ABA! AT MAS NAUNA KA PA SAKIN DIYAN HA?! HINTAYIN MO AKO! APOLLO!!" sigaw ko kay Apollo na mabilis na tumakbo.
Napalingon naman sila Clyde, Earl, Cerisse at Gaeve sa akin.

"Noona, bakit basa ka? Di mo naman sinabi sa amin na pool party pala ang meron at hindi sleep over" Tumatawang sabi no Clyde. I glared at him. Tinikom niya naman ang bibig niya bago nag act na nag zip ng bibig.

Tumawa naman ng mahina ng ibang mga high breed na half breed.

Nagmartsa na ulit ako patungo sa direksyon ng kwarto ni Saph. At nang nasa harap na ako ng kwarto niya ay agad ko itong binuksan.

There, I saw Sapphire sleeping in her comfy California king sized bed. Nasa tabi niya ang isa pa niyang Liger na si Callisto na nakadapa sa kalahati ng katawan ni Sapphire. Si Marioline naman at Yvaine ay natutulog din sa tabi ni Sapphire. Niyayakap niya ang dalawa niyang cute na puting Teacup na puppies.

Naalala ko naman na galit pala ako dahil basa ako. Kasi nga ang halimaw niyang Liger ay tinulak ako sa pool kani-kanina lang.

I huffed.

"SAPPHIRE GUMISING KA DIYAN! HINDI MO BA ALAM NA TINULAK AKO SA POOL NG MAGALING NA ALAGA MO HA?! AKALA MO NAMAN KUNG SINONG CUTE, EH DAMBUHALA NA YAN. BAKIT MO KASI BINEBABY? GUMISING KA DIYAN NANDITO NA KAMING MGA BISITA MO. MAMAYA PA ANG SLEEP OVER OY! ANONG ORAS PA LANG, TULOG KA NA?!" sigaw ko. Dumampot ako ng unan at hinampas siya ng hinampas ng hawak kong unan.

Pupungas pungas naman siyang bumangon.

"Tsk. Ano ba yan! Ang ingay naman!" Sabi niya sabay kamot sa ulo niya.

Namaywang naman ako sa harap niya. Tinulak niya ang katabi niyang si Callisto. Nahulog naman ang natutulog na Liger.

"Bakit nandito 'to?" Tanong niya sakin matapos mahulog ni Callisto mula sa kama niya.

I rolled my eyes.

"Ewan ko sayo. Alaga mo yang mga yan tapos ako tatanungin mo?!" Sagot ko naman.

She just shrugged. She looked at me from head to foot. She crossed her arms in front of her chest. Naka-upo parin siya sa kama niya. Her legs also crossed. I looked at Callisto who's still sleeping soundly on the carpented floor.

"Why are you wet? A.F.A.I.K (as far as I know) sleep over ang gagawin." She said. Her face still blank. Still no emotion. Minsan nagtataka na talaga ako kung bakit ganyan siya eh. Kung bakit palagi siyang walang ekspresyon. "Nakajacket at  nakajogging pants ka pa" dagdag niya.

"Kasalanan to ng alaga mong halimaw na leon na tigre, Saph. Ang walang hiya! Tinulak ba naman ako sa pool! Hindi mo ba pipaliguan yun? Bakit sabik na sabik sa tubig?!" Naiinis na singhal ko sa kanya

"I always make sure that all of them took a bath everyday." She retorted.

"So, what now?" She questioned.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"By the way, where's Apollo?" She asked ne again.

"Shit! Oo nga. Saan na ba yung halimaw na yun?"

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Saph. She tugged her blanket away from her feet. And stand up.

She walked towards the wall and pressed something in there that makes the wall pushed open. Nanlaki ang mga mata ko.

'She have a secret door?!' I shouted in my mind.

After the door open her brow raised. Naglakad ako patungo sa tabi niya. My eyes widened upon seing who's inside.

It was Apollo. Ang malaking fan ni Saph sa loob ng secret room niya ay umaandar. And what's more na hindi ko maabsorb ay si Apollo. Nakangangang nakaharap sa fan na nagpapatuyo. Ang gulo ng kwarto. Nakakalat ang napakaraming tissue sa paligid. Ang mga lalagyan ng wet wipes ay sira na.

Nakaramdam ako ng takot ng nilingon ko si Saph. Her body shouted Rage.

'Patay kang Apollo ka! Wahahahha' tawa ko sa isip ko.

Saph walked towards Apollo's direction.

Nang naramdaman ni Apollo na may tao sa likod niya ay lumingon ito. Parang pusa namang tumiklop si Apollo ng makita ang galit na mukha ni Saph.

"APOLLO!" Galit na singhal ni Saph.

Dahan-dahan naman akong humakbang papalayo sa mag-amo.

'ayaw kong madamay sa galit ni Sapphire noh! Baka itapon niya pa ako palabas ng bahay niya'

***

"Ate, Zhen." Tawag sa akin ni Gaeve habang kumakain kami ng snacks.

"Oh?" Sagot ko ng hindi siya nililingon. Nilalantakan ko parin ang pagkain sa harap ko na chips, potato fries, nacho's, almond pies, pizza, spaghetti, strawberry and many more.

"Anong nangyari kanina? Bakit bad trip ang mukha ni ate Saph nang lumabas sila ni Apollo sa kwarto niya?" Mapang usisang tanong sa akin ni Gaeve. Naalala ko na naman ang nagyari kanina. Nang makalabas ako sa kwarto ni Saph ay agad akong pumunta sa kotse at kinuha ang bag ko na may lamang damit at agad na nag palit sa banyo.

Nagsilapitan naman ang iba pang tsismoso at tsismosa sa amin.

"Oo nga naman, Zhen. Bakit parang galit si Saph? Tapos bakit parang pusang maliit si Apollo na nakasunod sa kanya kanina?" Sabat naman ni Heazel na kakarating lang kasama si Juliene.

"May period ba si Ate Saph ngayon? Bakit ang suplada niya ata ngayon?" Sabat pa ni Juliene.

I cleared my throat. I ready myself to answer their questions. "Ganito kasi yun. Blah blah blah blah blah" inexplain ko sa kanila amg lahat mg nangyari. Mataman naman silang nakikinig sa akin hanggang sa matapos ako.

"So ayun na. Nagalit na si Saph." I said, to end my story.

All of them nod. Nagets nila lahat ng sinabi ko.

"Kawawa naman pala si Apollo. Sigirado ako, pinaglinis na ni Ate Saph yun doon kanina." Sabi naman ni Clyde.

"Paano naman? Eh wala namang kamay si Apollo?" Tanong naman ni Juliene kay Clyde.

"Nakalimutan mo na ba? Trained ang lahat ng alaga ni Sapphire dito." Sagot naman ni Clyde.

Juliene nods. Uupo sana siya sa while na white fur blanket na nasa lapag ng sumigaw si Earl.

"HOY! WAG KANG UMUPO DIYAN!"

Lahat kami ay nagulat ng sumigaw si Earl.
Nilingon namin siya.

"Ha? Bakit?" Tanong ni Juliene. Hindi natuloy sa pag upo.

"Nandyan sila Yvaine, Selene at Marioline. Diyan sila natulog kanina. Pag yung tatlong yun naupuan mo patay ka talaga kay Sapphire." Banta ni Earl kay  Juliene.

"Weh? Bat hindi ko makita? Sige nga!" Hamon ni Juliene kay Earl na prenteng nakaupo lang sa one seater sofa.

"Sige ba. Anong prize kapag nandiyan nga ang tatlo sa kumot na yan?" Earl asked. Challenging Juliene.

Natahimik naman kaming lahat. Naghihintay sa isasagot ni Juliene.

She put her finger under her chin. She's thinking.

'May isip pa pala tong isang toh?'

"Hmm. 10 pesos. Game?" Sagot ni Juliene.

Without thinking ay sumang-ayon agad si Earl.

"Marioline, Yvaine, Selene! Come here little cutties" malakas pero malambing na pagtawag ni Earl sa tatlong puppies.

Nanlaki ang mga mata namin ng makitang may tatlong ulo na umangat mula sa white fur blanket.

Agad namang tumayo ang tatlo at tumakbo papunta kay Earl na yumuko sa tatlong puppies na nasa harap niya. The three wag their little tails. Halos hindi na makita amg buntot dahil sa kapal ng kanilang mga balahibo. Ngayon ko lang natandaan na malapit ko din pala silang naupuan dito noon. Nung kakabili palang sa kanila ni Saph sa Pet shop.

"Asan na P10 pesos ko?" Earl asked Juliene. Nakalahad pa ang palad nito sa harap ni Juliene na parang nanlilimos.

'Mukhang pera talaga!'

"JULIENNE, paki abot naman nung fries." Heazel pleased at Juliene.

Agad namang kinuha ni Juliene ang fries at binigay kay Heazel.

"Thank you" -Heazel

"Welcome"

"ZHEN!" I heard Sapphire called me from the kitchen. I stood up and went there. I saw her in front of the refrigerator. Kinukuha niya ng Red Velvet Cake that she baked hours ago.

'okey na ba yang kainin?' I asked myself. I took a glimpse of my watch to see what time is it. It's already 10:38 in the evening.

"If you're thinking if we can eat this cake then my answer is yes. Almost 5 hours already passed." She said without looking at me. Her back's still facing me.

Nang makuha niya na ang cake ay agad niya akong inutusan na kumuha ng juice sa ref. It's still open, hindi niya kasi isinara kanina. I hurriedly get two pitcher of Juice then I closed the ref tightly. Making sure that it's closed. The strawberry and lemon flavored juice.

I tailed her until we both reach the sala. She walked to the sala's large table then put the cake in the middle part of the table. The others cheered seeing the red velvet cheese cake.

Naririnig ko pa ang tahulan ng mga aso namin at pusang alaga namin.
They're also eating there dog food that we served them a while ago.

I roamed my eyes around the place that my eyes can reach. Something caught my attention. It was Apollo. Nakadapa lang ang kawawang Liger sa gilid. His food is on his side. He's not even looking at it. Hindi siya nakikipag kulitan sa iba. He looks so sad. That may be Sapphire's punishment for him because of the mess he made hours ago. I pitied him. He just keeps on looking at Callisto that's laying down on the floor while the other puppies and kittens are playing bouncing on his stomach.

Callisto looks so happy while Apollo , here on the side looks so jealous of what he's seeing. I took a glance at Asterelle who's playing with Saph's two foxes, Vespera and Svetlana.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Apollo. Inilapag ko ang hawak kong pitsel sa lamesa pagkatapos ay nilapitan io si Apollo.

"Hey" I said when I reached his side. The big feline raised his head to look at me. I smiled down at him. But he did not bulge.

I pouted.

Apollo growled sadly in a whisper and his head bowed down again.

I sat down beside him then touched his head. He purred sadly.

"You can play with them." I said to the feline. He shift his head sidewards. Para bang sinasabi niya na hindi pwede. Na kapag umalis siya sa pwesto niya ay mamamatay siya.

I continued touching his head.

"Play with them. Ako ang bahala sa amo mo." I said. Cheering him up.

"I already forgive you for what you did earlier. I know na namiss mo lang talaga ang kagandahan ko kaya mo ako dinamba at tinulak sa pool." I laughingly said that makes him growl harshly.

'Aba! Attitude ka? Ikaw na nga ang tutulungan ikaw pa ang may ganang umismid?' I want to shout at him.

Nakakainis siya ha! I'm being nice here!

Dumapa ako sa likod niya at niyakap siya. He did not move even a muscle.

"Punta ka na doon. Play ka na. Ako nang bahala kay Saph. Sa amo mong antukin!" I encourage the liger.

He looked at me. His eyes glittered with happiness. He brushed his head over my cheeks. I giggled upon feeling his thick fur touching my skin.

I sat back up. "Go" I whisperly said. Apollo stood up. Agad siyang lumapit sa iba pang mga hayop na masayang naglalaro sa malaking sala ng mansion.

(As you wished. Bibigyan na kita ng POV. Ayaw ko namang bumalik ka sa Mental. LOL)

Juliene's POV

Hanggang ngayon dinadamdam ko parin ang 10 pesos na talo ko kay kuya Earl. I eyed him angrily. Bakit ba kasi kasing balahibo ng mga aso ni Ate Fire ang kumot sa sofa niya? Yan tuloy nabawasan ng 10 peses ang pera ko.

So sad. Pambili ko na sana yun ng whisper with wings na napkin!

Ubos na ang stock ko sa bahay. Pero sige na nga lang. Hihingi nalang ako ng napkin sa lola kong mag menopause na. Hihihi.

Nananakit na ang mga mata ko sa kakasama ng titig kay Kuya Earl na hind din naman ako tinatapunan ng tingin mula pa kaninang maibigay ko sa kanya ang 10 pesos ko. Ang sakit din naman niya sa  eyes ehh. Kaya okey lang. Hindi naman siya gwapo ehh. Ang pangit niya! Bakit ba baliw na baliw si Ate Earl sa kanya? Pabagsak akong humiga sa sofa.

'Pero diba may boyfriend na si Ate Earl? Si Jude ba yun? June? Jade? Ah basta letter J ang start ng name niya.'

Dumapa ako mula sa pagkakahiga ko. I sighed heavily. Pinagmasdan ko si Porshia my pet cat na nasa tabi ko at nilalaro ang buhok ko. Ang iba namang mga kasama ko ay nilalantakan parin ang pagkain. Mga patay gutom! Pero mas patay gutom namannako. Hihihi!

I suddenly though of an idea. Napaupo ako ulit.

"Tama! Magtitiktok nalang ako!" I exclaimed happily. Some of them looked at me. I got their attention pero si Gaeve lang ang lumapit.

She walked towards me in a hurry then sat beside me.

"Sige tik tok tayo! Sigurado ako dadami agad ang views at likes niyan dahil sa kagandahan ko." Sabi ni Gaeve while flipping her hair.

Mangha naman akong nakatingin sa kanya. Gandang ganda.

"Sabi ko ako lang. Hindi ka kasali, Gaeverielle." I said that made her pout cutely again.

"Pasali ako!" Pangungulit niya sa akin. I heaved a sigh ang nod.

"Yehey!" She shouted.

"Sige. Ahmm. Ano kaya ang ititik tok natin?" I think deep. An idea hit me! I clapped cheerfully.

"Pass this phone nalang!" Agad kong bulalas.

"Game ako diyan!" Gaeve automatically replied. Giggling.

"Sige ba!" -Earl

"Alright! Aja!!" -Ate Zhen

"Araaattt naaaa!" -Heazel exclaimed. Nag action pa siya ng 'tara'

"Like ko yan." Sabi naman ni Ate Cerisse. She's swaying her head from left to right. Sa harap lang talaga siya namin nagiging makulit.

"Bilis na!" Kuya Clyde demanded.

Napatawa naman ako sa kanila. Kung kanina ay halos hindi sila nagsasalita dahil sa kakalantak ng pagkain, ngayon ay ang hyper na nilang lahat. Except ulit kay Ate Fire. Na nakapikit. Nahakalukipkip siya habang naka dekwatro.

Nasa tabi niya ang tatlong dahilan ng pagkatalo ko ng ten pesos. Sila Yvaine, Selene at Marioline. And by the way, yes I am calling her ate Fire. Why? Kasi para siyang nagliliyab na apoy. She have the beauty that can make you feel the burn on your skin once you go near her. She's freaking hot. At isang tingin niya palang sayo with her emerald green eyes ay maaakit ka na. Although contact lenses o kaya naman yung liquid na pinapatulo niya sa mata niya para mag-iba ang kulay ng pupil ng eyes niya.

Masayang bumaling si ate Zhen kay Ate Fire. Parang kanina lang badtrip na badtrip siya kay Apollo ah. Ngayon ayos na ulit siya? Edi ayos! Hahaha.

"Saph, sali ka ha?" She asked her.

Ang iba naman ay nag-uusap na kung ano ang sasabihin at kung kanino ipapasa ang cellphone ko mamaya.

Ate Fire just shook her head out of dissapproval.

'Ate bakit ang kill joy mo?!!'

                 

SAPPHIRE's POV
.
.

They all looked at me when I shook my head to say no on their childish acts.

I'm not really fond of doing that. I don't do tiktok either. Yes, I'm watching the contents of that app but I'm just contented doing that. Nothing more. Ayaw kong maging sikat. Even though I'm a highly paid model.

"Ayy! Ang KJ mo naman ate Saph!" Ungot ni Gaeverielle. She even pouted her lips. Acting cute.

I did not mind her or them. I just continued napping again.

I felt a presence coming near me. Alam ko na si Clyde yun.

As he sat down he drapped an arm around my shoulder.

'oh brother. Eto na' I want to say, but held myself of bursting out.

"Noona." He called. I open my left eyez to see his face. His tantalizing blue eyes is the first thing I see as I opened my eyes.

"What?" I answered and open boyh of my eyes.

"Sali ka" He grinned widely.

"Please." Kinuha niya ang kamay niya na naka dantay sa shoulder ko so that he could put his hands together in front of his lips to sign please.

I rolled my eyes.

"K" that's what I answered then closed my eyes again. "Pero ako dapat ang huli" I said then smiled evily at them.

Para naman silang nagulat sa sinabi ko. Nagtulakan sika kung sino ang mauuna sa video. They've been pushing each other na para bang kakainin ko ang mauuna. They just want to dudge my harsh words. That's all.

"Ahh. Juliene, ikaw nalang pala ang mauna. Ikaw naman ang naka-isip na magtiktok tayo diba? Kaya ikaw na ang mauna. The spotlight is all yours." Gaeve said passing the phone to Juliene. Nanginginig pa ang boses niya sa bilis niyang magsalita. She's nervous. I know.

Nanlaki naman ang mata ni Juliene sa sinabi ni Gaeve.

"B-bakit naman ako? Cute lang ako! Hindi ako maganda. Kaya dapat maganda at magaling kumanta  ang mauuna. Si ate Cerisse nalang. Maganda siya ehh. Sabi niya pa nga yun!" Juliene said aggressively then passed the phone on Cerisse's hand.

"Oyy! Oyy!! Bakit ako? Anong kinalaman ng boses ko sa pagvi-video ha? Si Clyde nalang" sabi naman ni Cerisse passing the phone to Josh.

Tiningnan muna ni Josh ang cellphone na nasa kamay niya. Para bang may multong lilitaw sa screen kung titigan niya. "A-ayoko! Ako na nga ang pumilit kay Noona na sumali tapos ako pa pauunahin niyo? Bakit hindi nalang si Noona, mas nauna naman siyang mag-aya kay Saph ah? Noona mianhaeyo." Paghingi ng tawad ni Clyde kay Zhen, the. Handed her the phone.

Nanlaki naman ang mata ni Zhen.

"Ayaw kong mauna. Single ako!" Zhen said abruptly. Napatingin naman sa kanya ang iba.

"SINGLE DIN KAMI" they all said in chorus. Glaring at Zhen. Napakamot naman siya sa batok niyan.

Napailing nalang ako. My head is already throbbing. Naiinis na ako sa nakikita at naririnig ko. They would not die hearing my question. I'm just participating because they want me to. My question would not kill them.

I leaned on the sofa. Looking at them incredulously. They look like fools in my eyes. 

"Idiots" I hissed.

"Ako na nga lang!" Earl shouted. Annoyance is on his voice. Alam kong naiirita siya sa pasahan. Kinuha niya ang cellphone sa kamay ni Zhen.

"Sana yun nalang ang ginawa niyong video" I said louder than a whisper.

"Ayy. Nagre-record na pala." Malakas na bulalas ni Earl.

He looked at me naughtily. He faced the screen of the phone and said a few words fast.

"Pass this phone sa kinatatakutan niyo sa barkadahan!" He fastly said. Then threw the phone to me. I fastly cathched it. Baka mabasag. Sayang din. He ran fast upstairs and so as the others. They hurriedly ran towards their own room here in my house and closed the door loudly. Leaving me and their pets behind. Unconsciously I faced the screen too. As what Earl said earlier it was recording. Sa gulat ko ay na upload ko ang video. Mapamura nalang ako.

"Fucking shit!"

                                 ****

Zhen's POV

Dala ng takot namin na baka magalit si Sapphire sa ginawa ni Earl ay agad kaming nagsitakbuhan sa kanya kanya naming mga kwarto para magtago.

We're all afraid of her and her undying rage. Nakakatakot na nga ang awra niya na hindi pa siya galit ano pa kaya kung magalit pa siya? It will be a bloody night for me.

Oh maybe not only for me but also for the others. Lahat kami ay iniiwasan na magalit si Saph.

Speaking of galit, magagalit din kaya si Nathan sa akin kung malaman niya ang kahalayan na napanaginipan ko? Yung tungkol sa nag-aano daw kami pero hindi natuloy kasi ginising ako ni kuya!?

Ayaw ko mang maalala yung panaginip ko na yun ay sumasagi parin talaga siya sa isip ko. That dream always makes me blush everytime I remember it.

'Hayy! Nathan, ayaw kong mahulog. Ayaw kong umiyak. Ayaw ko na matulad sa mga babaeng umiiyak dahil sa pag-ibig. Pero sana kung mahulog man ako sayo, sana. Maraming sana. Sana, saluhin mo ako. Ayokong bumagsak ng walang sasalo sa akin. Masakit yun. Alam ko'

-------------------------
PLAGIARISM is a crime
Don't steal!

©️ MysteriousGleam

All rights reserved 2021

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro