WTSGD 8: Lost Then Found
CHAPTER 8 - Lost Then Found
TAHIMIK NA KUMAIN si Kara kasabay ang kaniyang Kuya Ei at ang ama. Tanging kaluskos lamang ng mga kutsara at tinidor ang maririnig na ingay sa loob ng kusina.
Nabasag lamang ang katahimikan nang magsalita ang kanilang ama, "Today is your exam, right?"
Maingat siyang tumango samantalang ang Kuya Ei naman niya ang sumagot, "Yes, Dad."
Napunta ang atensyon ng kanilang ama sa kaniya dahilan para mapatigil siya sa pagkain. Ibinaba nito ang hawak na dyaryo at saka binigyan siya ng matatalim na tingin.
"Don't disappoint me this time."
Tumango lamang siya at saka ipinagpatuloy ang pagkain dahil alam niyang may kasalanan pa siya rito. She needs to make him proud. Tama na ang kunsumisyon na naidulot niya rito nang tanggihan niya ang scholarship from Los Angeles.
Ayaw na niyang muling makita ang dismayadong mukha ng kaniyang ama. All she really wants is to make him proud. Kaya mas pinagbubuti pa niya ang kaniyang pag-aaral para wala na itong masabi pa sa kaniya.
Matapos kumain ay inayos na niya ang kaniyang gamit sa school saka lumabas. Napataas ang kaniyang kilay nang maabutan niya si Mang Arthur at ang kuya niya na naghihintay sa gate.
"Sumabay ka na ngayon, baka ma-late ka pa," nakapamulsang saad ni Oddity at saka pumasok sa loob ng sasakyan.
Nakangiti niya itong tinanguhan at saka naupo sa tabi nito. Hindi rin kasi nito gusto na naglalakad siya tuwing umaga. Siya lamang ang may gusto dahil para na rin ma-exercise ang kaniyang katawan.
Ilalagay sana niya ang earphone sa tainga nang mapakunot ang kaniyang noo sa napansin. "Fundamentals of Automotive Servicing? May ganiyan ba kayong subject?" tanong niya nang makita ang aklat na binabasa nito.
"Nope. Dad wants me to learn our business," walang buhay nitong sagot. Tinitigan lamang niya ang kaniyang kuya habang seryoso pa ring nagbabasa.
Oddity is the pianist of Empty, Editor in Chief of their school publication and take note, being an over achiever in their batch. He was indeed a multi-tasker. Tapos idagdag mo pa ang will nito to learn their family business. Paano nito nagagawang i-handle ang lahat ng iyon?
He was really the reincarnation of Einstein, she bet.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago huminto ang sinasakyan nila. "Kara, Oddity, nandito na tayo," ani Mang Arthur kaya't napatigil siya sa pag-iisip.
Inayos niya ang kaniyang gamit. "Mauna ka na."
Tuwing magkasabay kasi silang pumapasok ay hindi sila sabay na bumababa sa sasakyan. Iyon ay dahil alam nilang pagtsitsismisan at pag-uusapan sila ng mga schoolmates.
Nang makababa na ang Kuya Ei niya ay pinanood lamang niya ito sa bintana ng sasakyan habang pinagkakaguluhan ng kanilang mga schoolmates.
He really changed a lot.
Makaraan ang ilang minuto ay bumaba na rin siya para magtungo sa kanilang classroom, ngunit napukaw ang kaniyang atensyon dahil halos lahat ng babae sa kanilang paaralan ay naglalakad patungo sa entrance ng school. Bago makarating sa classroom ay nasalubong niya si Riella habang tuwang-tuwang pababa ng hagdan.
"Anong mayro'n?" nagtataka niyang tanong dito dahil para nang may earthquake drill dahil sa bilis bumaba ng mga kababaihan sa building nila.
"May transferee daw," walang ganang sagot ni Vera habang pinapaikot sa kaniyang daliri ang hawak nitong drumstick.
"So?" nakataas ang kilay niyang tanong.
Lumapit naman sa kaniya ni Riella at saka hinawakan ang kaniyang kamay. Kumikinang ang mga mata nito, ani mo'y hindi makapaniwala. "Si Kuya Idol, Kara! Si Kuya Idol 'yong transferee!" Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi nito.
"Kuya Idol?"
Walang gana siyang sinagot ni Vera, "Iyong bassist ng Lost then Found. Javaid Azriel kasi ang pangalan. Weird raw pakinggan kapag Azriel dahil Azriella siya. Ayaw naman niya ng Javaid kasi iyon daw ang tawag ng lahat kaya Kuya Idol ang tawag niya rito."
Javaid? Parang narinig na niya ang pangalan nito. Alam niya ang bandang Lost then Found dahil isa iyon sa mga bandang sikat ngayon sa kanilang henerasyon, ngunit wala siyang kilalang miyembro nito. Bilang lang din ang kanta nilang pinapakinggan niya dahil sa mas gusto niya ng punk rock.
Napailing na lang siya sa kahibangan ni Riella. Ipagpapatuloy sana ang pag-akyat nang bigla siya nitong higitin sa braso.
"Sama ka, Kara! Ipakikilala ko si Kuya Idol!" tuwang-tuwang saad nito. Hindi pa man siya nakaka-oo ay hinila na kaagad siya nito. Samantalang si Vera ay walang ganang sumunod sa kanila.
Maraming kababaihan ang naroon at talaga namang naghihintay sa pagdating ng sinasabi ni Riella na Kuya Idol. Muli siyang tumingin sa kaniyang relo dahil balak pa sana niyang mag-review sa library, ngunit kukulangin na siya sa oras dahil sa paghila sa kaniya ni Riella.
Nawala ang kaniyang atensyon nang isang pamilyar na black Toyota Corrola ang huminto sa kanilang harapan. Namilog ang kaniyang mata nang makita kung sino ang lalaking bumaba roon. Javaid?
May dala-dala itong bag ng gitara sa kaniyang kanang kamay habang nakasuot ng earphone at sumasabay sa pagkanta. Hinagod nito ang kaniyang buhok na magulo at saka ngumiti sa kaniyang mga fans.
Nang magtagpo ang kanilang mata ay bahagyang namilog iyon nang ilang sandali at nang makabawi ay nginitian siya nito dahilan para lumipat sa kanila ang atensyon ng kaniyang mga ka-schoolmate, maging nina Riella at Vera.
Namilog ang kaniyang mata nang maglakad ito palapit sa kaniya.
"I never thought we'll meet again this quickly," sabi nito at saka ngumiti nang bahagya.
Hindi niya alam ang isasagot niya sa lalaking nasa harapan dahil sa sobrang sama ng tingin sa kaniya ng mga schoolmates niya. Bahagya rin siyang tumingin sa kaibigang si Riella, bakas ang pagkagulat at pagtataka sa mukha nito kaya't mas lalo siyang naging maingat sa isasagot dito.
"We're on the same school. Of course, we'll meet. It is inevitable."
Gumuhit ang makahulugang ngiti sa labi nito at tila namangha sa pagka-sarcastic ng tugon niya rito. Sa hindi malaman na dahilan ay napangiti rin siya sa naging reaction nito. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay napakalapit ng loob niya rito.
Muli itong tumingin sa mga fans nitong nakatingin sa kanila at saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Nang makaalis ito ay kung ano-ano ang narinig nilang usapan sa paligid.
Sa halip na bigyan pa iyon ng pansin ay hinila na niya ang dalawa para umakyat sa kanilang classroom. Marami-rami rin kasi ang kailangan nilang aralin.
"Kara! Kilala mo si Kuya Idol?" pangungulit sa kaniya ni Riella.
Tinanguan lamang niya ito saka naupo sa kaniyang upuan at inilabas ang mga aklat na nais niyang aralin.
Gumuhit sa labi nito ang may pag-asang ngiti. "Hala, paano mo nakilala? Pakilala mo 'ko, please!" sabi nito at saka mabilis na lumapit sa upuan niya.
Magsasalita pa sana ito para kulitin siya, pero ibinukas na niya ang kaniyang libro at saka itinapat sa mukha. "Mamaya na please, Riella! Kailangan kong mag-review," aniya rito dahilan para mapahalakhak si Vera.
"Mag-review ka na kasi, Riella! 'Wag mong guluhin si Kara."
Padabog itong naupo sa tapat na mesa ni Vera na kasalukuyang kinakalkal ang cell phone niya. "Anong balita kay bads?"
Nalipat naman ang atensyon ni Kara kina Vera nang marinig ang tanong ni Riella. Tutok na tutok ang kaniyang mata sa librong binabasa, ngunit ang tainga niya ay nasa kabilang mesa. Tahimik niyang pinakinggan ang usapan ng dalawa.
"Wala pa rin daw balita—" Napahinto ito dahilan para mapatingin siya. Unti-unting gumuhit sa gilid ng labi ni Vera ang ngiti. "Teka! Nag-chat si Kohen! Pumasok daw si Janus!"
Namilog ang kaniyang mata at saka napatayo sa upuan. Nakaramdam siya ng tuwa nang marinig ang sagot ni Vera. Mabuti naman kung ganoon, akala niya ay babalewalain na lamang nito ang lahat.
"Kara, may problema ba?" Napunta sa kaniya ang atensyon ng dalawa.
Para naman siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan. "Huh? W...w-ala!" aniya at saka muling naupo sa upuan.
Ano bang problema niya? Bakit masaya siya na pumasok ito? Naramdaman niya ang mabilis na pag-init ng kaniyang mukha. Muli niyang kinuha ang aklat na binabasa at saka mabilis na itinakip sa mukha. Gusto na lang niyang hilingin na lumubog sa lupa. Mabuti na lamang at hindi napansin ng dalawa ang pakikinig niya sa usapan ng mga ito.
Matapos magsagot sa huli nilang exam ay masayang ipinasa ni Kara ang kaniyang test paper. Karamihan kasi roon ay talaga namang na-review niya. Panatag din siya dahil alam naman niyang ibinigay niya ang best sa pag-aaral.
"Badtrip! Bakit erasure means wrong? Wala akong tama." Nakasimangot si Vera na lumabas ng classroom nila.
"Kara! Feeling ko, bagsak ako sa lahat," giit naman ni Riella.
Napailing siya rito saka ngumisi. "Inuna mo pa kasi 'yang Kuya Idol mo. Bahala ka kapag hindi ka nakapasa," panunukso niya kay Riella kaya't mas lalong lumukot ang mukha nito ngunit mabilis ding nakabawi.
"I still can't believe! Schoolmate natin si Kuya Idol!"
Sa halip na pansinin ang sinabi niya tungkol sa hindi nito pag-aaral nang mabuti ay si Javaid na naman ang bukang bibig nito.
"Wala ka namang pag-asa roon, eh. 'Wag ka nang umasa, maraming fangirl 'yon."
Akala niya ay madidismaya na ito, ngunit mas lalo pa itong ngumiti. "May connection na kaya kami ni Kuya Idol! Hindi talaga ako titigil hangga't hindi niya ako napapansin," determinado nitong saad.
"Tama na nga 'yan, Riella. Ano na kayang balita kay bads?" ani Vera kaya napunta ang atensyon nilang dalawa ni Riella roon.
"Punta tayong music room?" aya nito ngunit ngumiti lamang siya at saka umiling. Hindi pa siya handang makita si Janus matapos ang engkwentro nila kahapon.
NAPALINGON SI JANUS sa pintuan kung saan pumasok sina Vera at Riella. Ilang minuto pa siyang natulala roon bago mapagtanto na hindi nila kasama ang hinahanap ng mata niya.
"Bads!" Mabilis na lumapit sa kaniya ang dalawa. Makaraan ang ilang sandali ay kasunod rin na pumasok sina Oddity at Kohen.
"Anong nangyari sa 'yo bads?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Kohen. Sa halip na sagutin ang tanong nila ay umiling lamang siya at saka kinuha ang gitara.
"Jam?" aniya sa kanila at saka ngumiti para hindi na mag-alala ang mga ito. Magsasalita pa sana si Riella para magtanong ngunit pinutol na iyon ni Oddity.
"Simple Plan?"
Tinanguan niya ito at saka inayos ang kaniyang gitara.
Sa kanilang lahat ay si Oddity ang alam niyang nakakikilala sa kaniya nang lubos kaya't laking pasasalamat niya na sinuportahan nito ang pag-iwas niya sa tanong ng mga kabanda. Nawala ang pangamba niya nang ngumiti si Riella at kinuha ang bass guitar samantalang nag-free-roll naman si Vera.
Hindi siya sanay na ipakita ang emosyon niya sa ibang tao. Para sa kaniya, dalawa lamang kasi iyon. Either they don't care or they care too much. At pareho niyang ayaw iyon, ayaw niya na nag-aalala at walang pakialam sa kaniya ang mga taong malalapit sa kaniya.
Napailing si Janus nang makitang nagtatawanan at panatag na ang mga ito. Hindi nila kailangan ng drama para ipakita na may pakialam sila sa bawat isa. Iyon ang dahilan kaya't hindi niya magawang iwan ang mga kabanda.
Tama si Kara, dapat ay inalam muna niya ang mararamdaman ng mga ito bago siya nagdesisyon nang ganoon.
Nang matapos ang kanilang pag-eensayo ay nauna nang nagpaalam sina Vera at Kohen, samantalang si Riella ay dadaan pa raw sa daddy niya bago umuwi kaya't sila na lamang dalawa ni Oddity ang naiwan sa loob.
"I saw him earlier . . . your father," panimula nito na kumuha sa kaniyang atensyon.
Sa halip na sagutin ay kinuha niya ang kaniyang gitara at saka inilagay sa bag nito. Sinimulan na rin niyang maglakad palabas ng silid. Ramdam niya sa kaniyang likuran ang pagsunod ni Oddity.
"You act cool as if you're not affected, but I know you are." Nagtatagis ang kaniyang bagang nang lingunin ang kaibigan at saka binigyan ng matatalim ng tingin.
"He's not my father!" sagot niya rito, pero isang nakalolokong ngiti lamang ang ibinato nito sa kaniya.
Binilisan niya ang paglalakad dahil sa naiirita na rin siya sa kaibigan.
"Come on, you can talk to me," sabi nito habang lakad-takbo siyang hinahabol.
"Back off, Sandoval!" malakas at may diin niyang asik, ngunit hindi pa rin papatalo sa kaniya ang kaibigan.
"Not until you tell me what really happened."
Isang masamang tingin ang pinukol niya rito. "Why should I tell you? Are you my girlfriend now?" aniya rito kaya't isang mahinang sapok ang natanggap niya rito.
"Hindi mo naman sinabi Valderama, gusto mo lang pala akong maging jowa," sabi nito at saka humagalpak ng tawa.
Maging siya ay hindi na rin naiwasang hindi mapatawa sa kapilyohan ng kaibigan. Ngayon na lamang kasi ito nakapagbiro sa kaniya nang ganoon. Simula kasi nang mamatay ang ex-girlfriend nito ay tila namatay rin ang masayahing Oddity na nakilala niya.
Matapos tumawa ay sumeryoso ang mukha nito at saka siya tinapik sa balikat. "Pero seryoso, bads, ano talagang nangyari?"
Isang buntonghininga ang napakawalan niya sa ere. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kaniya kaya't ayaw niyang ipaalam ang totoo, ngunit kung hindi naman siya magsasalita ay lalo lamang siya nitong kukulitin.
"I heard them clearly." He clenched his fist. "Mayor Ynares and Mr. Yamato, they're holding the band because of me! He still wants me to quit from the band."
Oddity gritted his teeth as his feature darkened. Nahulaan na niyang ganito ang magiging reaksyon nito.
"Your father is insane! Kaya ba hindi ka pumasok dahil doon?"
He forced a smile. Noon pa man ay kontra na talaga ang ama niya sa pagbabanda. Sa tuwing may mga performances sila ay hindi na bago ang magkaroon ng problema dahil sa lakas ng impluwensya nito.
"Yeah," tamad niyang sinabi ngunit mabilis na nagbago ang timpla ng kaniyang mukha nang maalala si Kara. Unti-unting sumilay sa labi niya ang tipid na ngiti.
"But thanks to that girl. I realized something," he whispered to himself.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro