WTSGD 36: Unhealed Scars
CHAPTER 36 - Unhealed Scars
HINDI NA MABILANG ni Kara kung ilang beses siyang kinakabahan sa tuwing makakasalo niya sa hapag ang ama. She remembered when she was a child, no one talks when they were eating. It was like a mortal sin to talk when they were with their dad. Maybe that was the reason why both Oddity and her didn't develop a deep relationship with their father. Palagi itong wala dahil sa trabaho at kapag kasalo naman nila ay minsan lamang itong magsalita.
"How's your job, Kara? Nakapagpasa ka na ba ng letter sa sinasabi ni Twyle na psychological clinic?" her dad asked as he sipped his wine.
His features showed signs of aging. Mas nadepina ang wrinkles nito sa gilid ng mga mata at maging sa noo. His hair was black, but a few of them shows the gradient of gray to black. Her dad was wearing a black suit and tie that shouts dominance.
Tumigil si Kara sa paghiwa ng steak dahil sa tanong ng daddy niya. They were having dinner at their new house in Quezon City. It was a family dinner, but her dad also invited Twyle. Hindi iyon ang unang beses na nakita niya si Twyle nang personal dahil naidala na ito ni Oddity sa New Jersey nang magbakasyon ito roon nang isang linggo.
She wiped her lips gently before she looked at her dad and answered.
"I already sent my resume, Dad."
Tumango ito saka ibinaba ang wine glass niya. "I already told you, you can start in our company if they won't allow you to perform your profession here without a permit."
"Dad, let Kara handle it. She's 25. I'm sure she also wants to make her own career path. Right, princess?"
Kara pouted at her brother's remarks. Right! She's 25 yet he still calls her princess.
Inirapan niya ang kuya saka ibinaling ang tingin sa ama. Ngumiti siya saka umiling. "Don't worry, Dad. I already got an email from PRC regarding my license. I'll drop by on Tuesday to fix it before I go back to Mystown," she assured.
Twyle gave her a cheerful smile then glanced at their father. "Tito, I'm sure they'll respond within a week. Nakausap ko na ang kaibigan ko tungkol sa resume ni Kara," she said in a positive note.
Twyle is almost as same age as her. She's a petite girl but with a well defined curve. Mas lalo iyong nadepina dahil sa suot nitong maroon na body con. She has a mocha straight hair with bangs. Para siyang Koreana dahil sa height niya at sa pagkasingkit ng mata niya. Hindi tuloy maiwasang titigan ni Kara ang fiancèe ng kuya niya.
"Thank you talaga, Twyle!" she said, "malaking tulong 'yon para makapagsimula na 'ko."
"No worries. Basta sagot mo 'yong wedding song namin, ha!" paalala nito.
Her father raised his brows. "You're writing them a song?"
Kara nodded then continued eating her food.
"Oo nga pala, princess. Did I mention to you that it's Janus who'll sing your composition?"
Kamuntik nang mabulunan si Kara dahil sa biglaang pagbanggit ng kuya niya sa pangalang iyon. Kara tried to compose herself. Kahit pa nga biglang nanlamig ang batok niya at sobrang lakas ng tahip ng puso sa narinig, pinilit pa rin niyang magmukhang kalmado.
Damn. Bakit ba siya biglang kinabahan? Matagal na panahon na ang nakalipas. Naka-move on na siya! Or that's what she convinced herself?
"You didn't mention," sagot niya saka sandaling sumimsim ng wine. Oddity was taken aback. Sandali siyang nakakita ng guhit ng pag-aalala sa mata nito kaya pabiro siyang tumawa. "But don't worry, I can work professionally. I promised, right?"
Oddity looked at her for a second. Tinatantiya ang reaksyon niya at tila binabasa ang nasa isip. Nang ngumiti siya ay tumango ito na parang nakuha ang nais iparating ng mga mata niya. "Okay then. It's settled!"
Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa kisame ng kwartong tinutuluyan. Kara tried to convince herself that six years was fucking long to forget all of her feelings for him. Ngunit sapat nga ba ang anim na taon para makalimot sa lahat ng sakit? Kauuwi pa lang niya para ituloy ang iniwan niyang buhay sa Pilipinas, ngunit bakit napakabilis naman yatang magbuhol ng landas nila?
Noong ikatlong taon niya sa New Jersey ay sinubukan niyang mag-entertain ng manliligaw, ngunit kalaunan ay tumigil din siya. It's not that she can't forget him, it's just that she wanted to fix herself first. Ayaw niyang muling pumasok sa relasyon nang hindi pa buo ang sarili.
She doesn't want to fall in love just because she's lonely nor she needed someone to save her. She already learned her lesson and it was Janus who taught her that. She was wrong for expecting him to save her when she was at her lowest.
At ngayong hindi maiiwasang muling magtatagpo ang landas nilang dalawa ay pinal pa rin ang desisyon niya. Uunahin muna niya ang sarili bago ang lahat.
The next few days, Kara was busy fixing her license. Akala pa nga niya ay hindi na siya makakukuha ng permission to work, mabuti na lamang at nadala niya lahat ng kailangang papeles. Pagod siyang humiga sa kama nang makauwi galing sa PRC.
Sa bagong condo niya sa Makati siya umuwi dahil nga gusto niyang masubukang mamuhay nang mag-isa. Her condo has two bedrooms and it was big enough for one person. Kakaunti pa lamang ang gamit sa loob noon dahil kalilipat pa lamang niya. Her father didn't contradict her decision because they were also busy in expanding their business.
Hindi namalayan ni Kara na nakatulog na siya dahil sa pagod. She just woke up when she got a call from Javaid. Naiinis pa niya iyong sinagot dahil sa pagkabitin sa pagtulog. She looked at her side clock and it's seven in the evening.
"You're composing a song for him again?" bungad nito sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo. Minsan na nga lang itong tumawag ay mukhang masesermonan na naman siya.
"Kay Kuya?"
"Kay Janus, sleepy head!" Rinig niya ang iritasyon sa boses nito kaya pinili niyang ang sasabihing salita. She knows how Javaid get angry and she doesn't want that now. Gusto niyang matulog!
"It's for Kuya Ei not for him."
"Eh bakit pumayag ka na siya ang kakanta? I can sing it! Best friend rin ako ni Oddity! Do you still have feelings for him?" May pagdududa sa tono ng pananalita nito.
Napailing na lang si Kara saka tinalukbong ang comforter niya sa ulo. "Mas best friend niya si Janus kaysa sa 'yo!"
"At bakit pinagtatanggol mo pa?"
"Sinasabi ko lang! At saka that was six years ago, Javaid Azriel! Can you hear yourself!?"
"Naninigurado lang ako." Narinig niya itong humugot ng malalim na buntonghininga. "Huwag mong pigtasin ang pasensya ko, Kassandra Maeve! Umayos ka riyan, ha! Kung hindi, isusumbong kita kay Gramps para pasunurin ka rito sa Barcelona," dagdag pa nito.
Napairap na lamang si Kara sa ilalim ng comforter. Patay sa kaniya ang Kuya Ei niya pagnagkita sila. Sigurado siyang ito na naman ang nagsumbong kay Javaid. Ang sarap nilang pag-untugin ng kuya niya. They keep on saying that it was her dad who's controlling, pero parang mas malala pa silang dalawa.
After Javaid's call ay hindi na rin siya nakatulog. Bumangon na lamang siya para magluto ng hapunan. Matapos maghapunan ay ch-in-eck niya ang email para tingnan ang response ng pinagpasahan niya ng resume.
She can't help but to smile when she read the acceptance letter of the clinic she applied for. Katatapos lang din ng interview niya noong nakaraang araw, ngunit may acceptance letter na siya. Hindi tuloy niya alam kung dahil ba iyon sa connection ni Twyle o dahil sa background niya.
The start of her work is next week. At dahil Friday pa lamang ay wala siyang magawa sa condo niya kaya pinili na lamang niyang sorpresahin ang Kuya Ei niya. Her brother's birthday will be next week. Hindi siya makakasama sa celebration nito dahil pinlano nila ni Twyle na mag-out of town kaya ngayon niya naisip na sorpresahin ito.
She was wearing a silky satin old rose cami dress with a white turtle neck for the inner and a white Balenciaga. Her brown wavy hair was on a half braided bun and she also applied her light makeup.
She bought a dark forest cake, her brother's favorite, then went straight to their company in Manila. Because of the boom of their business, even their company expanded and had a branch here in Manila. But even though it's only a branch, most of their transaction was in Manila rather than in Mystown, that's why her father decided to bought a new house.
Pagkapasok ni Kara sa elevator ay labis ang tahip ng dibdib niya. She was holding helium balloons, a wine, and a cake that's why she's having trouble pressing the button to sixth floor where her brother's office was located.
A guy with a familiar figure also went in. He was wearing a gray button down, black pants and a white sneaker while holding a white paper bag. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa dami ng lobong hawak niya at dahil na rin siguro sa suot na facemask at sunglass, natatabingan nito ang mukha ng lalaki. The guy pressed which floor he's going and when she saw it's on sixth floor, hindi na siya kumibo.
Bahagyang lumingon sa kaniya ang lalaki, ngunit hindi pa rin niya kita ang mukha nito. Bigla siyang kinabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Which floor are you, miss?"
Napaawang ang labi niya nang magsalita ito. That voice! That familiar cold voice sent shiver down her spine. Tila natutop siya sa kinatatayuan at parang bibigay na ang tuhod niya. Hindi siya nagsalita. Hindi siya makapagsalita dahil sa labis na kaba na dulot ng presensya nito. Sumara ang pintuan ng elevator at naiwan silang dalawa sa loob.
Palihim ni Kara na sinilip ang pigura ng lalaki at hindi nga siya nagkamali. That's him! It's freaking him! Mabilis siyang napaiwas ng tingin nang gumawi sa banda niya ang tingin nito. Hindi ba siya nito nakilala? Sapat ba ang mga lobong hawak niya para hindi siya nito makita?
Parang ang bawat segundo ay naging minuto kay Kara. Sa sobrang bagal noon ay hiniling na lang niyang lumubog sa lupa o lamunin ng pader. Hindi pa siya handa. This isn't the moment that she was preparing for. Hindi ngayon. Damn it!
Nang unti-unting bumukas ang elevator ay unti-unti ring lumuwag ang dibdib ni Kara. Her feet were still rooted on the floor. Hindi siya kumibo. Bahala na ang kuya niya sa birthday nito! Sa bahay na lamang niya ito sosorpresahin. She can't stand to be in the same building as him.
Janus stepped out of the elevator. Akala niya ay makahihinga na siya nang maluwag, ngunit mas lalong sumikip ang dibdib niya sa binitiwan nitong salita.
"The length of your hair suits you."
Kara almost screamed in her father's office. Mabuti na lamang at sa board meeting pa ito, kung hindi ay sigurado siyang magtataka ito sa kung ano ang ginagawa niya sa office nito. Pinatong niya ang dalang cake at wine sa isang table saka pinakawalan ang hawak na balloons. She rushed to the sofa and tried to scream her frustration on a pillow.
What the hell was that, Kassandra Maeve? Pakiramdam niya ay napahiya siya sa huling sinabi nito kahit wala namang nakakainsulto roon. "Suits you? Malamang!" sarkastiko niyang tinuran sa sarili.
"Who are you talking to?" a small sweet voice asked her from her back. Mabilis niyang nilingon iyon at nakakunot ang noo sa kaniya ni Twyle.
Nakagat niya ang labi dahil sa pagkapahiya. Damn, bakit nga ba niya kinakausap ang sarili? Ganoon na ba siya ka-loner? She signaled Twyle to come near her and she did. Naupo rin ito sa sofa na inuupuan niya.
Hinawakan niya ang dalawang kamay nito saka tinitigan ito sa mata. "Can I ask you a question? I don't have someone to ask, eh. Okay lang ba?"
Tumango ito at ngumiti. "Of course, what is it?"
"What would you do if you saw someone . . ." She bit her lips. "Someone from your past?"
Twyle raised her brow but didn't ask a following question. Sandali itong natahimik bago siya sinagot. "Past, right? Then chin up. Show him how brave you are and how unaffected you are with his presence. Ikaw na rin ang nagsabi, past na. Lumipas na. Tapos na. You don't need to be bother, actually. Just be yourself."
Napangiti siya sa sagot nito. Bakit nga ba siya natatakot na makita at makasalamuha ito? She knew their past didn't end well, but if she will avoid him, she will look like she's still affected. She isn't. Nagulat lamang siya sa pagkikita nila sa elevator. 'Yon lang 'yon, kumbinsi niya sa sarili.
"A'ight! Chin up and be yourself, Kara!" she said to herself.
"That's my girl," ani Twyle na pumapalakpak pa.
"Tara. Let's surprise Kuya Ei," aniya saka hinila ito sa office ng kuya niya.
Kara's heart raced when they reached her brother's office, but she calmed down when she saw that there's no sign of the guy she was hiding to. Lumuwag ang dibdib niya at unti-unti ay nakalanghap siya ng hangin. Why does his presence still affect her? Hindi na dapat. Matagal na iyon at kumbinsido siyang ipagsawalang bahala na lang iyon.
The surprise for her brother went right. Natuwa ito sa pakulo nilang dalawa ni Twyle. Laking pasalamat na lang talaga niya at hindi nagtagal si Janus sa office ng kuya niya. Pero hindi pa rin niya maiwasang isipin, kung nagtagal ba ito at naroon ito, itutuloy pa rin ba niya ang surprise sa Kuya Ei?
Napabuntonghininga siya. She bet she would. Hindi na dapat siya magpaapekto rito dahil matagal naman na ang nangyari sa kanila o baka nga nalimutan na rin iyon ni Janus. He is a successful singer now, and he already made a name for himself. Sino na lang ba siya kumpara sa mga babaeng nakasalamuha nito sa showbiz?
She's not degrading herself, but she knows the standard of the society. At wala siyang balak makipag-compete sa mga iyon. She knew to herself that she was enough and someone out there will probably chose her rather than the typical beauty the society standardized.
Lunes ng umaga ang simula ng trabaho niya. Katatapos lamang siyang i-orient ng supervisor nila. Sa Outpatient Therapy and Assessment Unit siya napunta because of her previous work that she was more on counsellings. T-in-our muna siyang isang head nila sa SLV Psychological Wellness Clinic. Malawak ito kagaya ng inaasahan niya dahil isa ito sa top 10 performing psychological clinic sa bansa.
"This is your office." Ipinakita sa kaniya ni Mrs. Jannah Velasquez ang isang kulay puting silid. Para lamang iyong living room kung saan maaari mong kausapin ang pasyente nang mas komportable. May maliit na shelve at isang office table para sa kaniya. Not bad for her.
"And this is the files Mrs. Ferreras turned over before she left for America." Tumango si Kara saka iniabot iyon. "There's patient X in your file, means confidential. You need to introduce yourself to him bago niya ipagkatiwala ang case niya sa 'yo. Nasa schedule mo na ang lahat. Kapag may tanong ka, nasa kabilang office lang ako," dagdag pa nito.
Half day siyang in-orient sa lahat ng mga dapat niyang tandaan. Hindi kagaya ng schedule niya sa dating pinagtatrabahuhan na clinic sa New Jersey, mas maluwag ang sa ngayon at mukha ring hindi mas mabigat. Magdiriwang na rin sana siya, ngunit napakunot ang noo niya nang may isang pasyente roon na kailangan niyang puntahan sa bahay.
Home based? Eh?
Sa halip na magreklamo ay nanahimik na lamang siya. Hindi naman iyon ang unang beses na nakatagpo siya nang ganoon. May iilan rin siyang kina-counsel-an na kailangan talaga nilang puntahan sa bahay, ang karamihan ay mga PWD kaya wala siyang magagawa. What made her raise her brows was that the file which Mrs. Velasquez was talking about was the homebased. Bigla tuloy siyang na-curios doon.
Base sa schedule ni Kara, tatlo lang ang pasyente niya sa hapong iyon. Both of the two patients alloted 55 minutes, but the last one, the confidential, was given three hours on her sched. She was on her way to the address that was written on the file. Marahil kasama na roon ang traffic kaya ganoon. Sa Makati kasi ang office nila at ang pupuntahan niya ay somewhere in Katipunan.
She sighed when she reached the front door of the condominium. Kinakabahan siyang nag-doorbell at hinihiling na sana ay mabait naman ang pasyente niya.
Busy siya pagbuklat ng folder para suriin ang case na hawak niya. Wala man iyong pangalan, pero nakalagay naman doon ang history at progress ng treatment. Cognitive-Behavioral Therapy for Substance Use Disorder ang treatment na nakasaad roon na ang ibig sabihin ay substance dependent ang pasyente niya.
Sandaling kinabahan si Kara dahil sa impormasyon na iyon. She's walking in the home of a substance dependent without anyone. Dapat pala ay nagsabi siya kanina kay Mrs. Velasquez.
Nakagat niya ang labi nang bumukas ang pinto. Humigpit ang hawak niya sa hand bag at folder na hawak. She maintained her calm appearance, but her insides are in rampage.
Kara was stupefied when Janus' deep eyes looked at her and parted his lips. Naguguluhan itong tumingin sa kaniya at sa kung ano man ang ginagawa niya sa harapan ng pintuan nito.
Well, siya rin.
"What the hell . . ." Hindi tinuloy ni Janus ang tanong.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa folder na hawak saka iniangat ang tingin kay Janus. Labis ang tahip ng puso niya nang suriin siya nito gamit ang mata. Natigil ang tingin nito sa ID na suot niya saka kumunot ang noo. Hindi na hinayaan ni Kara na makapagsalita ito at pinangunahan na niya ito ng tanong.
She has thousand in mind, but her question narrowed into one.
"By any chance, are you . . ." She bit her lips. "Are you patient, X?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro