Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WTSGD 30: Hurtful Past

CHAPTER 30 - Hurtful Past

"SABAY NA TAYONG pumasok, princess," nakangiting sinabi ng Kuya Ei niya nang buksan nito ang pinto ng van.

Gusto niya itong gantihan ng ngiti, ngunit hindi niya ginawa. Hindi niya ito kinibo at nag-iwas lang ng tingin sa bintana. She heard Oddity's deep sigh before he closed the door. Tanaw ni Kara sa bintana ang malungkot nitong mga mata nang muli itong sumulyap sa harapan ng van.

Time doesn't fix everything, neither do words. The accident happened four years ago and his brother hid it all to her. Kahit nakokonsensya siya sa malamig na pagtrato rito, hindi niya magawang magkunwari na ayos lang ang lahat.

Alam ng kuya niya ang lahat ngunit pinili pa rin nilang magsinungaling sa kaniya. Paano siya magpapatuloy kung wala siyang alam kahit ano sa nakaraan niya? It's still a part of her life. Simula nang malaman niya ang totoo, parang may butas sa kaniya na gusto niyang punan ng kasagutan.

Paano ang tatay nila? Buhay pa ba ito? Nanagot ba ito sa kawalanghiyaang ginawa nito? Ano ba talaga ang nangyari noog gabing iyon? Janus also mentioned someone sabotaged his mother's car. Who was it? May kinalaman nga ba talaga si Mayor Ynares? At kung mayroon nga, bakit?

Mariin siyang pumikit at humugot ng malalim na hininga bago bumaba si Kara ng sasakyan. Tinungo muna niya ang classroom ni Javaid. Javaid was taking Humanities and Social Sciences. Grade 12 rin ito kagaya ng Kuya Ei niya. Magkatabi lang ang building nila kaya roon muna siya dumaan bago pumasok sa unang klase niya.

Javaid was talking to some of his friends when he saw her standing near their door. Kakaunti pa lamang ang kaklase nito na naroon at wala pa rin ang guro nito. Saglit na namilog ang mata nito nang makita siya ngunit agad ring tumayo at lumapit.

"Kara," he said, she can hear uncertainty in his voice.

Bahagya itong tumingin sa mga kaklase nito saka tuluyang lumabas ng room at sinarado ang pinto.

"Uhm . . . anong ginagawa mo rito?"

"Let's talk after class, I'm ready to listen about the truth. If it's okay?"

Sandaling gumuhit sa mata ni Javaid ang pag-aalala. "Are you sure you're ready?" he asked calmly.

Pero iba ang naging dating ng tanong na iyon sa kaniya. Para bang ayaw talaga nitong malaman niya ang totoo.

"Try me, Javaid. Four years was fucking long to be ready," malamig niya sinabi saka tinalikuran ito.

The whole day went smooth. Pumasok na ang Empty sa school kaya hindi naging ganoon kalungkot ang araw ni Kara. Although Riella and Vera were busy because of the classes that they missed, their presence was enough to make her day.

Palabas na si Kara ng classroom nang magpaalam ang dalawa sa kaniya. They needed to take a quiz on Pre-Cal same goes to Janus and Kohen. Kailangan kasi nilang humabol lalo na't next week na ang finals kaya wala nang oras ang mga ito. Mabuti na lamang at pinagbigyan ang mga ito ng teacher nila ro'n.

Tumango lang siya saka iniwan ang dalawa at dumiretso sa parking lot. Iyon kasi ang t-in-ext na location ni Javaid kung saan sila magkikita. When she reached the right wing of the parking, a black Sedan parked on her front.

Bumaba ang bintana noon at hinarap siya ni Javaid. "Hop in," he said and opened the shotgun seat.

Nang makasakay na siya ay agad iyong minaneho ni Javaid palabas ng school.

"Sa condo ko na lang tayo mag-usap." Bahagya siya nitong tiningnan saka nagpatuloy. "Baka kasi maraming paparazzi kapag sa labas."

She just nodded and focused her gaze outside the window. The scene of random houses flashed in her eye, fast and blurry—just like her life. Who would have thought that she has a fucked up life?

She recalled the times where all she wanted was to make her daddy proud. To make him look at her with contentment and love. But thinking of it now, she wanted time to turn back where she didn't know it, where she doesn't have any idea who she was. Because thinking of her, being an unwanted child right before she came to this world was much more painful than being a disappointment.

Kara's grip on her phone tightened when Javaid stepped on the break and a loud screeching sound of the wheel echoed. Her heart was pounding as she found it difficult to breathe when she saw a white Lexus and an old jeep crashed together.

The movement in her environment suddenly slowed and a loud sound breaker racked her ear. Itinakip niya ang dalawang palad sa magkabilang tainga para hindi iyon marinig ngunit nagpatuloy iyon. A hazy memories of her dreams replayed in her mind, as the breaker remained.

The clouds were gray and it screamed bad weather that day. She was with a guy in his mid 40s. The guy has a well defined muscular body with a big scar on his right arm. May mga sirang sasakyan sa paligid. Nasa isang malaking talyer sila.

The guy was busy fixing something in a black Volkswagen Jetta's hood while she was busy writing on her music book, sitting inside the backseat of the car when a woman came.

The woman has long, black hair; black, enchanting eyes, and almost pointed nose with pale lips. She was wearing faded mom jeans and a gray sweater.

Sandaling nag-usap ang dalawa saka sinarado ng lalaking kasama niya ang hood ng kotse. Iniabot nito ang susi sa babae at binuksan ang pintuan ng backseat kung nasaan siya.

"Kara, labas ka na. Nandiyan na ang may-ari ng kotse," anito sa kaniya. Tahimik siyang lumabas habang yakap ang music book.

Before the woman departed, the guy signaled her to come closer and she did.

"This is Kara," the guy introduced her, "my daughter."

Kara gasped as her hand clutched her heart. It's beat started to race with a combination of fear and anxiety. Nakaramdam siya ng marahang pagtapik sa kaniyang balikat na agad niyang nilingon.

Sinalubong siya ng nag-aalalang mga mata ni Javaid na nakatayo sa gilid ng kama. May hawak itong baso ng tubig at iniabot sa kaniya. "Drink first."

Tiningnan niya ito nang may halong pagtataka. Ang huling naaalala niya ay nasa kotse sila at may aksidente.

"Anong nangyari?" tanong niya saka kinuha ang hawak na baso nito.

Naupo ito sa dulo ng kama na hinihigaan niya. "Nawalan ka ng malay kahapon matapos iyong aksidente. Dadalhin sana kita sa hospital, pero mukhang okay ka naman na kaya rito kita dinala sa condo ko."

Maagap siyang bumaba sa kama. "Kahapon? Dito ako natulog?" nanlalaki ang mata niyang tanong.

Tumango lamang ito sa kaniya. Agad niyang inilibot ang mata para hanapin ang bag. Baka hinahanap na siya sa kanila.

"Alam ba ni Kuya?"

"I already texted him. Kagagaling lang niya rito kanina bago pumasok sa school."

Mabilis na nagsalubong ang kilay niya. "Teka, ano? Iniwan ako ni Kuya rito?"

Javaid bit his lower lip and nodded. He slightly glanced into the window that made her curious.

"I'm sorry, Kara. Puno kasi ng press sa baba nitong condominium. Hindi namin alam kung paano ka ilalabas," sabi nito habang kamot-kamot ang batok.

Mabilis siyang tumayo at naglakad palapit sa bintana para kumpirmahin iyon. Puno nga ng mga press iyon.

"May isang residente kasi ang nakapag-picture nang iakyat kita rito. Alam mo naman ang showbiz, baka gawin na naman nilang issue ito."

Tumango lamang siya saka hinarap ito. "Hindi ako makauuwi?" ngiwi niyang tanong.

"Hihintayin lamang naming humupa ang tao sa labas then I will go first tapos sa exit na kayo dadaan ni Oddity, kaso mamayang hapon pa iyon after ng klase niya. For now, you're stuck with me," anito saka pinisil ang ilong niya.

Tumayo si Javaid saka pumasok sa isang walk-in closet. Paglabas nito, inabutan siya nito ng isang white shirt at gray na sweat pant.

"Magpalit ka muna." Tinuro nito ang isang pinto sa kaliwa ng walk-in closet. "Doon 'yong comfort room. Magluluto muna ako ng breakfast."

Tumango lang siya kaya naglakad na ito palabas ngunit bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ay muli siya nitong nilingon.

"We'll eat first before we talk." He gave her an assuring smile. Pinihit nito ang doorknob saka tuluyan nang lumabas.

Nakahinga siya nang maluwag nang mawala na si Javaid sa paningin niya. Knowing that he is her brother is kinda weird to her. Kaya pala ganoon na lamang siya kakampante kapag ito ang kausap niya kahit pa noong unang beses pa lang nilang nagkita. It's because he was her brother.

Huminga siya nang malalim saka inayos ang kama ni Javaid. Sana lang ay maging maayos ang pag-uusap nila. Gusto na niyang tuldukan ang nangyari sa nakaraan niya, pero hindi niya iyon magagawa kung wala siyang alam tungkol doon.

Pagkalabas niya sa kwarto ni Javaid ay bumungad ang living room nitong may eclectic na design. Black and white ang mga furniture at may gallery wall ito kung saan may iba-ibang sketches from different places.

"Make yourself at home," ani Javaid nang makita siya.

Naghahanda ito ng kape. Samantalang may toasted bread, bacon at pritong itlog na sa dining table. Ibinalik ni Kara ang tingin sa gallery wall ni Javaid.

"This one is good." Tinuro niya ang sketch ng dagat ng Lennon. It was a sunset and there was a girl and a boy sitting on the sand.

"I drew it," he said.

Agad niya itong nilingon pero ngumisi lamang ito sa kaniya at naupo na sa hapag.

Naglakad na rin siya palapit dito. "You did?" hindi makapaniwala niyang usal.

He nodded and placed a mug in front of him. Doon siya naupo at kumuha ng makakain. "Let's eat."

"So you will take architecture in college?"

Javaid took a sip in his coffee and nodded.

"Sa Manila ka na mag-aaral?" nagtatakang tanong niya. Wala naman kasing ibang school na nag-o-offer ng architecture dito sa probinsya ng Zemira.

"Actually, I already applied to UCLA for that. Last January ko natanggap ang acceptance letter nila that's why I came here in Mystown to see you," seryoso nitong saad sa kaniya.

Muling naalala ni Kara ang biglaang pag-transfer nito sa school nila this semester. Ang alam kasi niya ay sa TIP Manila ito nag-grade 11 at first sem ng grade 12.

Uminom siya ng tubig saka pinunasan ang bibig gamit ang table napkin. She need to ask everything to him, because that's what she really came for.

"Why did you transfer all of a sudden because of me?" lakas loob niyang tanong.

Humugot ito ng malalim na hininga saka siya tuluyang hinarap. A fierce look flashed in his hazel eyes. Eyes before that had always been kind.

"Gramps wants me to take you home when I come back."

"What? Who want you what?" naguguluhan niyang tanong. Kara can't grasp the topic.

His forehead furrowed as he laid his back on the chair. "Damn, paano ko ba ito sisimulan?" kagat-labi nitong tanong. Muli itong humugot ng malalim na buntonghininga saka nagsimulang magkuwento.

"Remember the accident?"

Tumango siya at bumuga ng marahas na hininga. Kailangan niyang ihanda ang sarili sa malalaman.

"We are on our way to police station. Nahanap na kasi si Dad ng mga pulis matapos niyang magtago nang dalawang araw matapos magsampa ni Tita Janah, mama ni Janus, ng kasong rape—"

She cut him off. "Teka, teka, hindi ko maintindihan. Bakit naman ang mama ni Janus ang magsasampa ng kasong rape sa ama natin?"

Javaid sighed. "It's because Tita Janah was there when dad raped your mother. Best friend ni Tita Janah si Tita Kareena. She just never had the courage to tell the police because dad has a large contact to the authorities," he said, shrugging. "You know . . . retired chief of police."

She just nodded, she doesn't know anything about him, though. At hindi niya alam kung gugustuhin pa niyang makilala ito.

Javaid continued. "He tried to threaten her that he would kill his son if she told him. Tita Janah kept that secret for 12 years before she decided she has to tell it."

"Kung ayaw nitong magsalita dahil sa banta sa anak niya, bakit biglang nagbago ang isip nito?" nangungunot noo niyang tanong.

"Because Mayor Ynares won the election candidacy that year. Tita Janah was certain that Janus' father would protect him and . . . ." Sandali itong natahimik at tanaw niya ang pagkuyom ng mga palad nito, "because of what happened in the shop."

"Anong nangyari?" tanong niya.

"What happened in the shop was our reason why we don't want you to know about your past. If we can protect you from hiding it to you, we will. But you learned it the hard way. Unexpected."

Muli itong humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili saka hinawakan ang kamay niya. Tiningnan siya ni Javaid na parang nahihirapan itong banggitin ang kasunod na mga salita. Nakagat ni Kara ang ibaba ng labi niya para ihanda ang sarili sa bigat ng katotohanan. Kailangan niyang maging matapang at harapin ito.

Pinisil niya ang kamay ni Javaid para magpatuloy ito. Malungkot ang mata na nagpatuloy ito sa pagsasalita. "It was because of the trauma dad put you in when he tried to . . . ." He looked away, "when he tried to rape you."

Unti-unting bumigat ang dibdib ni Kara na parang may malaking batong nakabara doon. Inalis niya ang kamay sa pagkakahawak ni Javaid at itinakip ito sa bibig para pigilan ang nagbabanta niyang pag-iyak.

"Tita Janah returned to the shop that day. She saved you from father's grip. Kaya niya muling pinabuksan ang kaso ni Tita Kareena dahil ayaw niyang mangyari sa 'yo ang nangyari sa best friend niya. But it was too late. He killed her," Javaid said.

"He killed her by sabotaging her car. And you are there when he did it. Sapat ka nang testigo para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mama ni Janus, pero nakalimot ka." Unti-unting humina ang boses nito.

Parang pinipiga ang puso ni Kara nang malaman ang totoo. Wala man siyang naaalala sa ngayon, nakumpirma niyang ang ilang parte roon dahil sa ilang mga bumabalik. Kahit nakaupo sa upuan ay parang nawalan ng lakas ang mga binti niya.

"You had an amnesia because of the accident, and somehow we felt relieved because you did. Araw-araw ka noon umiiyak dahil sa nangyari. We can't stand to see you suffer again," Javaid continued.

Nanginginig niyang kinuha ang baso ng tubig para uminom, pero maging ang kamay niya ay walang lakas para gawin iyon. Binitiwan na lamang niya iyon sa takot na maibagsak. Ramdam niya ang dahan-dahang pagpatak ng mainit na likido sa pisngi niya.

Natulala siya sa pinggan habang libo-libong tanong ang naglalaro sa isipan niya. "How did you know all of it?" Nanginginig pati ang boses niya nang banggitin ang mga salitang iyon.

"Because Gramps was the guy who investigated Janus' mother's murder case," Javaid said hesitatantly.

"And he wants me to take you home becausefather is still on the loose," he added.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro