WTSGD 3: Playing with Friends
Rudeness is
the weak person's
imitation of strength.
CHAPTER 3 - Playing with Friends
INIS NA GINULO ni Janus ang kaniyang buhok at saka naikuyom ang palad nang lumabas sila sa Office of the Student Affair. Isang buntonghininga naman ang pinakawalan ng kabanda at kaibigan niyang si Oddity.
Hindi pumayag ang director ng school na sumali sila sa Battle of the Bands sa Townsquare. At ang kinakainis pa niya ay hindi man lang nito sinabi ang dahilan sa pagtutol.
Naihilamos niya ang palad sa mukha nang mapagtanto ang sitwasyon. Sigurado siyang may kinalaman na naman dito ang ama niya. Ito lamang ang kilala niyang may malakas na koneksyon na maaaring may pakana ng lahat.
"Damn it! That bastard!" singhal niya nang makapasok sa kanilang classroom at padabog na naupo.
Lunch break na kaya iilan na lamang ang tao sa loob ng classroom nila. Sumunod naman sa kaniyang pumasok si Oddity. Nang makita ni Kohen ang pagpasok nilang dalawa, nilapitan sila nito.
"Hindi na-approve?" Bakas sa boses nito ang pagkadismaya kahit hindi pa sila nakasasagot.
They both nodded as he sat on his respective chair while Oddity sat on the chair beside him. Hindi nila ito kaklase ngunit kilala naman ito sa classroom nila kaya walang problema kapag pumapasok ito roon.
Mariing napapikit si Janus nang makita ang reaksyon ni Kohen saka naikuyom ang kamao. Palagi na lamang nadadamay ang mga kabanda niya sa walang kwentang palabas ng kaniyang ama.
His father hates him and his music. He can do everything just to make him stop. Sigurado siyang ito ang may pakana ng lahat.
Oddity tapped their shoulder. "Don't mind them. We'll join the battle whether they approve it or not," he assured.
He breathed deeply and nodded at him. He needs to do something for his band. Masyado nang malayo ang narating nila para mag-back out pa. Alam niya kung gaano kahalaga ang battle of the band na iyon para sa mga kaibigan. Vera sacrificed her parttime job for their practices. Oddity spends his time more in music room even though we was needed in their publication.
"Tama na 'yan. Magagawan din natin 'yan ng paraan," Kohen said. "Chicken wings tayo mamaya?"
"Libre mo!" Oddity said, mocking.
Nakangiti lamang ang dalawa sa harap niya ngunit alam niyang nag-aalala rin ang mga ito. Kahit si Kohen na alam naman niyang walang balak sumali sa mga ganoong tournament ay mas naging committed dahil alam nitong mahalaga sa kanila iyon. Hindi niya puwedeng baliwalain lamang ang mga ito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makasali sila sa battle.
Hindi na nilingon ni Janus ang dalawa at nagsimula nang maglakad patungong cafeteria. Ilang segundo lamang nang maramdaman niyang sumunod na rin sila. Kakaunti na lamang ang mga tao sa corridor dahil lunch time. Nauuna siyang naglakad samantalang nag-aaway pa rin ang dalawa sa likod niya kung saan kakain.
"Bads! Bads!"
Sabay-sabay silang napalingon sa likuran nang marinig ang pagtawag ni Vera, ang drummer ng banda. Her long straight her was flowing naturally as she approached them. Hinihingal itong lumapit sa kanila.
"Makasigaw, Vera. Ang lapit namin, oh," paninita rito ni Kohen, pero hindi ito pinansin ni Vera.
She faced them with her worried black eyes. "Si Riella . . . binu-bully na naman ni Cabrera!" she said, still panting.
Mabilis na bumigat ang tensyon sa kanila. Wala niisang umimik ngunit mabilis silang tumakbo patungo sa classroom nina Riella at tama nga ang ibinalita ni Vera. Naroon na naman ang anak ni Congressman Cabrera at Mayor Ynares na akmang sasampalin ang kabanda at bagong bahista nila na si Riella. Pumikit lamang ito at hindi lumaban, ani mo'y naghihintay ng sampal.
Naiiling na tiningnan ni Janus si Haidee. Ang anak ni Mayor Ynares. Nagtama ang mata nila at gumuhit sa mata ni Haidee ang kaba nang makita siya. Spoiled bratt.
Tinapunan din ni Janus ng tingin ang babaeng nakatabi niya noong isang araw sa bus. Naroon lamang ito, nakatayo at walang ginagawa. Pinapanood lang nito kung paano i-bully si Riella ng mga kaibigan niya.
He bore his look on her, trying to remember her name. Right! Her name is Kara. Umiling siya habang tinititigan ito. Akala niya ay iba ito sa kanila.
Naunang pumasok si Oddity upang harangin ang sampal na dapat sana'y dadapo sa pisngi ni Riella.
He followed him and glared at the two bullies. Haidee looked down when their eyes met.
"Bads," ani Riella nang makita sila.
Tinulungan nila itong tumayo na noo'y gulat na gulat pa. Muling nilapitan ni Oddity si Steffy at saka tinitigan nang masama, makaraan ang ilang segundo ay nilampasan nito at naglakad palabas ng silid.
He was about to follow him when he saw Kara staring at him with irritation in her eyes. Bago lumabas ay nilapitan niya ito. Bahagya itong nagulat sa ginawa niyang paglapit, pero agad ring nakabawi dahil sinalubong nito ang tingin niya.
"Stop playing nice with your friends," aniya at saka tuluyan nang lumabas para sumunod sa mga kabanda.
NAIWANG TULALA SI KARA sa pintong nilabasan ng kuya niya dahil sa sinabi noong bokalista ng Empty.
What does he mean? She was playing with her friends? Is it because she let Haidee and Steffy bully Riella?
Gago na nga, judgmental pa.
She was also shocked. Kagagaling lang niya sa CR at pagdating niya ay pinag-iinitan na nina Steffy ang bago nilang kaklase mula sa ibang section. She was about to intervene, but her Kuya Ei came.
"Kara! Ano ba! Sasama ka ba o tutulala na lang diyan?" sigaw ni Steffy sa kaniya.
Agad-agad naman siyang lumapit sa dalawa. Pagdating nila sa cafeteria ay napakahaba ng pila. Kakaunti na lang din ang tables na bakante. Naunang naglakad si Steffy at lahat naman ng nasa pila ay pinasingit sila.
She felt bad for that. Pare-pareho silang estudyante. Those students were also hungry. But here she was, bypassing them because of Steffy and Haidee's privileges. Pakiramdam niya ay hindi na rin siya iba sa mga ito. Nagiging kagaya na siya nila.
Steffy and Haidee was about to order when Ms. Emily called her. Umalis siya sa pila at nilapitan ito.
"Kara, pakikuha naman iyong cake and balloons for Ms. Anne. Nasa fridge sa faculty. Thank you," sabi nito saka siya tinalikuran at bumalik sa table ng mga teachers.
Muntik na siyang mapairap sa inasta ng guro. Iyon ang isa sa pinakaayaw niya, na palibhasa kasama ka sa principal's list ay maaari ka nang utos-utusan ng mga guro. Idagdag mo pa iyong mga estudyante na iniisip na sipsip ka.
She just heaved a deep sigh and shrugged her thoughts off. She knew she couldn't do anything about it.
"Kara, iwan ka na namin," ani Steffy at saka hinila si Haidee para maghanap ng table.
They were holding their orders. Hindi man lang siya ibinili ng pagkain like what other friends do. Well, what would she expect? It's Steffy and Haidee.
Tahimik siyang lumabas ng cafeteria at naglakad papuntang faculty. Habang naglalakad, malungkot na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.
"It's okay, Kara, kaysa naman maging mag-isa ka," she just told herself.
Humugot siya ng malalim na hininga. Is it really okay? Look at her now, mag-isa siya. Hindi man lang siya sinamahan ng mga ito.
Nang makarating sa faculty ay kinuha niya kaagad ang cake at balloons. Mabagal lamang siyang naglalakad dahil hindi niya alam kung paano bibitbitin ang mga iyon nang sabay-sabay.
Tirik na tirik din ang araw kaya nakaramdam na rin siya ng pagod. Dahan-dahang tumulo ang pawis niya. May kalayuan din ang faculty sa cafeteria kaya hindi na siya sigurado kung makakapag-lunch pa siya.
Bahagya siyang napahinto nang maramdaman niyang kakalas na ang itinali niyang balloons sa sa palapulsuhan. Hindi niya ito magawang hawakan dahil sa dala niyang cake. Tuluyan na itong kumalas sa kamay niya kaya't napapikit na lamang siya.
Agad rin niyang iminulat ang mga mata nang makaamoy ng panlalaking pabango. Isang kamay na may hawak na balloons ang bumungad sa kaniya.
It's him. Janus Valderama.
Matagal siyang napatitig sa kay Janus nang kunin nito sa kaniya ang dalang cake. He looked at her for a moment with brows shotting up. Iniabot nito ang lobong hawak niya kanina saka sandaling nagpakawala ng matipid na ngiti.
"Matutunaw na 'ko," sabi nito na nagpabalik kay Kara sa kaniyang sarili.
Ramdam niya ang pag-akyat ng kaniyang dugo sa mukha. Sinamaan niya ito ng tingin saka kinuha ang lobo. Nagsimula na itong maglakad, pero nanatili siyang nakatayo roon, naguguluhan.
"Why are you doing this?" tanong niya, sapat lang iyon para marinig ni Janus.
Huminto ito sa paglalakad at nilingon siya. "Alin?"
"This." Bahagya niyang itinuro iyong cake. "Bakit mo ako tinutulungan?" she asked, because she's confused as hell.
The other day, tinanggihan nito ang pagkanta sa piece niya at kanina, j-in-udge siya nito nang hindi man lang alam ang totoong nangyari. Tapos ngayon, tinutulungan siya nito . . . for what?
He glanced at her and smirked. "Because you're Oddity's sister." Humakbang ito palapit sa kaniya. "And you look desperate."
He knew about her relationship with her brother? Napailing na lang siya. Bakit nga naman siya nito lalapitan? Malamang, dahil kapatid nga siya ni Oddity. Nothing more. Nothing less. Pero bakit parang may bumara sa dibdib niya?
She forced a smile. "Do I?"
Tinawid nito ang natitirang espasyo nila. Akala niya ay may gagawin ito kaya bahagya siyang umatras. Kumunot ang noo niya nang walang paalam na inilagay nito ang suot na earphone sa kanang tainga.
Janus Valderama and his gestures. Damn!
"Hindi ba uso sa 'yo ang magpaalam?" Ganoon din ang ginawa nito sa bus. "I can thoughtfully accept your earphones, you know?"
He just smirked and started walking. Sinabayan niya iyon para hindi maalis ang earphone na nakasuot sa kaniya.
"I thought that I could always count on you,
I thought that nothing could become between us two.
We said as long as we would stick together"
He's really a fan of Simple Plan, huh? Dahil alam naman niya ang kanta ay pinili niyang hindi iyon ibalik sa lalaki.
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila habang naglalakad pabalik ng cafeteria. They were walking side by side with an earphone in their ears.
Pakiramdam niya ay huminto na ang oras dahil sa sobrang bagal nito. Paano nga ba siya napunta sa ganitong sitwasyon? The last time she checked, she was not even associated with this guy? And what did he say? She looked desperate?
"So thank you for showing me,
That best friends can not be trusted. And thank you for lying to me,
your friendship and good times
we had you can have them back."
Naramdaman niya ang pagsikip ng dibdib dahil sa lyrics ng kanta. Was it written for her? Bakit parang natatamaan siya? What's up with Janus? Parang sa tuwing may pinagdadaanan siya, to the rescue ang playlist nito?
She heaved a deep sigh as the lyrics of the song cut through her. She felt betrayed! Sa tuwing may kailangan o problema ang dalawa ay palagi naman siyang nandoon. Pero bakit kapag kailangan niya ng tulong mula sa dalawa ay palagi silang wala?
Nag-iinit ang kaniyang mga mata. Tumingin siya sa taas para pigilan ang pagtulo ng luha niya. Ayaw niyang si Janus pa ang makakita na umiiyak siya.
Desperate, huh? Yes, she is. She's desperate to have a real friend. She just want to have a friend. Was it too much to ask?
Ilang minuto pa silang naglakad bago makarating sa bukana ng cafeteria. She felt conscious nang mapansin ang tingin ng iba niyang schoolmates.
Namilog ang mata niya nang makasalubong nila sina Haidee at Steffy. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na may gusto si Steffy sa bokalista ng Empty na kasama niya ngayon.
Tinaasan siya nito ng kilay at halatang-halata sa mukha nito ang iritasyon. She bit her lower lip.
Alam naman niyang wala siyang ginagawang masama at tinulungan lamang siya ni Janus, pero hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng takot.
Hinarap siya ni Janus, kinuha nito ang earphone na nasa tainga niya at saka iniabot ang cake. "Your friends in name are here," sabi nito at saka naglakad palayo sa kanila.
Tumingin siya kina Steffy, pero masamang tingin ang ibinato nito at saka siya nilampasan.
She wanted to cry but she just can't. Alam niyang walang mangyayari kung iiyak siya. Ginusto niyang manatili sa kanila kahit ganoon ang turing sa kaniya. Magtitiis na lamang siya.
Ibinigay na niya ang cake at balloons sa table nina Ms. Anne. Tiningnan niya ang relo at matatapos na ang lunch break. Wala pa siyang kinakain simula kanina. Huminga siya nang malalim.
"Great! No lunch for now, Kara."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro