WTSGD 28: Alone or Lonely
CHAPTER 28 - Alone or Lonely
"ONCE AGAIN, WE are Empty."
Pinindot ni Kara ang pause button saka nag-scroll down para basahin ang mga comment. Pinapanood kasi niya ang video ng Empty noong fundraising nila. Noong unang beses na pinakita iyon ni Sir Jannick sa kanila ay nasa four million views pa lang, ngayon ay magse-seventeen million na.
'I want more from this band!'
'No doubt, it's a pure talent.'
Ilan lang ang mga iyan sa nababasa niya sa comment section. May iilang negative ngunit mas marami pa rin ang positive tungkol sa kanila. Hindi niya maiwasang mapangiti. Alam niyang malayo ang mararating nila, and she wants to be by their side when they achieved their dreams.
She sipped her milk tea saka tiningnan ang relo. May tatlumpung minuto pa bago ang susunod niyang klase. Humugot siya ng malalin na hininga saka tumingin sa mga tao sa baba ng rooftop.
"The heck! Ang boring!"
"Plank ka muna." Mabilis siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses.
Javaid sat beside her. Pareho silang nakasandal sa water tank room.
"Wala kang klase?" she asked.
"Nah. Absent si Mr. Pasinabao." Tumango siya saka muling tumingin sa malayo.
Nabalot sila ng katahimikan. Nabasag lamang iyon nang mag-ring ang phone niya. A text from Janus. Saying hindi na sila makapapasok ulit dahil sa isang appointment nila sa Phantom Oak.
Humugot siya ng malalim na hininga. Napansin iyon ni Javaid kaya napalingon ito sa kaniya.
"Bigat no'n, ah."
Ngumiti siya nang pilit. "Hindi na naman sila makapapasok. Gano'n ba talaga 'yon? Napapabayaan na nila 'yong pag-aaral nila."
Javaid chuckled slightly. "It's a matter of priorities naman. Pero may iilang rules sa company na kasama sa pinirmahan nila. And excuse naman sila for now." Bahagya nitong ginulo ang buhok niya. "'Wag ka nang malungkot. Sasamahan na lang kita every lunch."
She smiled at him and shrugged. "You don't need to. Nami-miss ko lang sila, I'm not quite used to it, having no one around. Na sanay na rin siguro ako sa presensya nila. I miss Empty."
Saglit itong natahimik at natigilan. "I know the feeling. You'll get used to it, Kara." A glimpse of sadness flickered in Javaid's eyes.
Bigla niyang naalala ang nakaraan nito sa Empty. Iniwan niya ito.
"You miss them?" she asked and bit her lower lip.
Saglit siyang tinitigan ni Javaid, tila nag-iisip ng kung ano ang isasagot sa tanong niya.
"I always do . . . but I made a big mistake. Alam kong hinding-hindi ako mapapatawad ni Janus dahil doon." Ngumiti ito ngunit alam niyang pilit. "This is better, you know, watching them from a far."
"And yet you're not moving on."
Natahimik ito. Rinig na rinig ni Kara ang ingay sa baba ng rooftop dahil sa katahimikan.
"I don't think you're waiting for Janus' forgiveness. You can't move on dahil hindi mo pa rin napapatawad ang sarili mo sa kung ano mang nagawa mo."
"It's because I don't deserve forgiveness . . .," he whispered, sadness was evident in his voice.
"We are a product of our past but not a prisoner of it. You have to move on, Javaid."
"How? Kung araw-araw bumabalik sa'kin ang nangyari noong gabing iyon. Kung hindi ko sana minaneho ang kotseng iyon, hindi sana nangyari iyon. Hindi sana miserable si Janus kung nag-ingat lang ako."
Kotse. Aksidente.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kara dahil sa narinig. A series of flashbacks from her dreams replayed to her. Nasapo niya ang noo para mawala ang sakit noon. Her body was shaking with fear.
"Hey, Kara. Are you okay?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Javaid ngunit hindi na niya ito nasagot.
Her brother. The crash. The commotion of the people. Lahat unti-unti bumabalik sa kaniya.
"Kuya . . . ." she whispered and a tear fell from her eyes.
Javaid closed their distance and wrapped his arms around her. "Sshh . . . it's alright. Calm, down." Rinig niya ang frustration sa boses nito na tila siya ang nahihirapan.
Kara closed her eyes. Is it her memories that's coming back? Hindi niya maalala ang mukha ng kuya niya noong nangyari ang aksidente. Pilit niyang inalala ngunit mas lalong sumasakit ang ulo niya.
Hindi lang iyon isang panaginip. It's her lost memory.
Kumalas siya sa yakap ni Javaid. "I'm sorry," she whispered. Bigla siyang tinubuan ng hiya dahil doon.
His worried eyes faced her. "It's nothing. Okay ka na?" he asked.
Tumango siya. "I just had an episode. I'm sorry if—"
"Stop saying sorry, Kara. It's okay."
Tumango siya saka tumayo. Kailangan na niyang bumalik sa klase. Javaid also stood up.
"Baka may klase na rin kami."
Nauna itong maglakad palabas. Nakapamulsa ito na parang walang nangyari. Nang nasa hallway na sila, kakaunti na lang ang estudyante roon kaya hindi na sila pinagtitinginan.
"Javaid!" she called him.
Bahagya itong huminto at nilingon siya. Naglakad siya palapit dito.
"Try to forgive yourself," aniya saka naglakad na patungo sa classroom nila.
Kahit hindi man sabihin ni Javaid. Alam niyang kaya hindi ito maka-move on ay dahil sinisisi pa rin nito ang sarili sa kung ano man ang nangyari sa mama ni Janus.
Javaid was in the wrong place and wrong time when the accident happened. Sana lang ay piliin itong patawarin ang sarili dahil wala namang may gusto ng nangyari. Pareho silang mga biktima ng masakit na kapalaran.
TWO WEEKS HAD passed ngunit hindi pa rin pumapasok ang Empty sa school. Hindi na rin niya naabutan ang Kuya Ei niya dahil maaga itong umaalis at late namang umuuwi. She miss them.
Nakakunot noong nilapag ni Javaid ang tray ng pagkain nito sa harapan niya.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo!" anito saka sumubo ng spaghetti.
Hindi niya iyon pinansin dahil dumating ang mga kabanda ni Javaid. Naupo ang mga ito sa kabilang table. "Hindi mo talaga sila tatabihan?" Nginuso niya ang table nina Ravi.
"Mabubuhay sila nang wala ako, Kara."
"At ako hindi?" Nakataas ang kilay niyang tanong.
Simula nang maging busy ang Empty, mas madalas na niyang makasama si Javaid. Tinupad nito ang sinabing palagi siya nitong sasabayang kumain ng lunch. Kahit pa nga naiilang siya sa mga titig ng kaklase ay hindi na lang niya iyon pinapansin. Masaya rin kasing kasama si Javaid.
"Yeah. I guess you can't," pabiro nitong saad.
Umiling siya saka ngumisi. "Eh? Nabuhay ako nang ilang taong wala ka. Kakayanin ko ng wala ka!"
Pabiro lamang ang pagkakasabi niya noon, pero mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Javaid. His face darkened. Yumuko ito saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Hey," she called. Hindi na kasi ito muling nagsalita.
"Hmm?" he said, giving her a small smile but she could see it was fake.
"May problema ba?" Umiling lamang ito at pinagpatuloy ang pagkain.
When he finished, he immediately stood. "Mauna na 'ko, Kara," he said in a cold voice saka naglakad palabas ng cafeteria.
Naiwan siyang nakatulala sa iniwan nitong upuan. May nasabi ba siyang masama? Bigla-bigla na lamang nagbago ang reaksyon nito. Mabilis siyang tumayo saka sinundan ito. Nasa hallway na si Javaid nang maabutan niya.
"Hoy, Javaid!" Hindi siya nito pinansin at mas binilisan ang paglalakad.
"Hindi mo ba ko papansinin?" aniya habang lakad-takbo itong hinahabol ngunit hindi ito lumingon.
"Javaid! Ano ba!?" Malapit na ito sa gate. Napapagod na siyang habulin ito kaya binagalan niya ang paglalakad.
"Javaid Azreil Rossier! Sorry na!" she shouted in annoyance. Saka lang ni Kara napagtanto na marami pa ang tao sa paligid niya.
Javaid looked at her with awed expression. Maging ito ay nagulat sa ginawa niyang pagsigaw. Sinamaan niya ito ng tingin saka naglakad palapit. Ang kaninang nakaawang nitong labi ay napalitan ng ngisi.
Nakaharap na ito sa kaniya habang pinipigilan ang pagtawa. Parang gusto tuloy niya itong hampasin dahil sa kahihiyan.
"Pffft!" Hindi na nito napigilan at humagalpak na ito ng tawa. "You're so cute when you're frowning," anito at saka kinurot ang pisngi niya
Umirap siya. "Niloloko mo lang yata ako, eh. Galit-galitan, huh?" Bahagya niya itong hinampas sa dibdib.
"Cute mo, eh." Muli siya nitong pinisil sa pisngi na mas lalo niyang kinainis so she did the same. Pinisil din niya ang pisngi nito.
Javaid's face turned red that made her smile. "Mukha ka ng kamatis!" She chuckled.
Mabilis siyang nagtaka nang magbago ang ekspresyon sa mukha ni Javaid. Nakatingin ito sa likuran niya.
"Tabi." She felt a shiver down to her spine when she heard a familiar cold voice.
Mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses at sinalubong ang masamang tingin ni Janus. She paled and her heart started to race. Para siya nitong tinutunaw dahil sa tingin nito. Janus gave her a frosty look. Nilipat nito ang tingin kay Javaid. He glared at him. His lips was pursed together and his jaw tightened.
"Janus," she called him, nanginginig ang boses niya.
His expression hardened. "Tabi!"
Mabilis siyang umatras para bigyan ito ng daan. Nilampasan siya nito ay tuloy-tuloy na naglakad.
Sumikip ang dibdib niya at nakaramdam siya ng kirot doon. Ngayon na nga lang ito pumasok, nagawa pa nitong magsungit.
Nilingon niya si Kohen ngunit nakangisi lamang ito at parang nagustuhan ang napanood.
"Jelly Axl!" Kohen muttered. Nakapamulsa ito habang nakasandal sa gate.
"What?" naguguluhan niyang saad.
"Kanina pa kasi nag-aaya 'yon na pumasok kami dahil maaga naman natapos 'yong appointment. Baka raw kasi wala kang kasama, kaso hindi yata natuwa sa nadatnan niya," anito saka naglakad na ulit para sundan si Janus.
"I guess, Janus was jealous," she heard Javaid whispered.
Huminga siya nang malalim. Mukhang kailangan niya itong kausapin. Wala namang namamagitan sa kanila ni Javaid kagaya ng iniisip nito. She needs to talk to him.
Bumalik muna siya sa klase at matapos iyon, dumiretso kaagad siya sa music room. Akala niya ay nandoon pa rin ang Empty, ngunit walang tao roon kundi siya. Bumagsak ang balikat niya, malungkot na ngumiti. Mukhang dapat na siyang masanay sa pagiging busy ng Empty.
"Class dismissed!"
Walang ganang tumayo si Kara, wala siyang kasama mag-lunch. Nag-text kasi kanina si Javaid na may kailangan itong ayusin sa studio.
She ate her lunch alone. Matapos ang klase ay naisipan niyang bisitahin sina Riella sa Phantom Oak. Hindi na siya nagpaalam na pupunta dahil alam niyang hindi siya papayagan ng kuya niya.
Pagpasok niya ng Phantom Oak ay hindi niya maiwasang mamangha sa interior noon. Para iyong museum sa entrance. May mga exhibit ng mga gitara at mga posters ng mga sikat na banda na pinasikat ng company. Napatitig siya sa Lost then Found poster na isa sa pinakamalaki. Javaid's eyes was full of passion.
"Pogi ko, 'no?" She heard a familiar voice.
"Javaid!" she exclaimed.
"Na-miss mo kaagad ako?" he asked, teasing.
Umiling siya. "Si Kuya ang dinadalaw ko, 'no. Hindi ikaw." Saglit na natigilan si Javaid ngunit mabilis din itong nakabalik.
He gave her a slight smile. "Hatid na kita sa quarter nila?"
Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Busy ba sila?"
"Ngayon yata ang recording nila, not sure, though."
Tumango-tango siya. Hindi rin kasi niya alam kung saan matatagpuan ang Empty. Mabuti na lamang at nakita niya si Javaid.
Nagsimula na itong maglakad at sinundan naman niya. Umakyat sila sa 7th floor saka huminto sa isang kulay navy blue na pinto. May nakalagay roon na 'Empty' na para bang para talaga sa kanila ang kwartong iyon.
"Here! Dito ang quarter nila," tinuro nito ang pinto.
She smiled at him. "Thank you! Here you can take this!" Saka siya kumuha ng isang cream sandwich sa dala niya at iniabot kay Javaid.
"Aww! May bayad talaga, huh?" He chuckled and patted her head. "Thank you rito!" anito saka siya kinurot sa pisngi.
Nasa ganoong posisyon sila nang biglang bumukas ang pinto na katapat at iniluwa noon si Janus. His feature was clouded with annoyance. His forehead creased and his jaw clenched. Masama siya nitong tiningnan at saka nilampasan.
Humugot siya ng malalim na hininga saka nilingon si Javaid. "Salamat sa paghatid, Javaid."
Ngumiti lang ito. "I'll go ahead." Paalis na sana si Javaid nang tawagin ito ng kuya niya.
"Rossier."
Mabilis na may nabuong tensyon sa pagitan ng dalawa. Pansin kaagad niya iyon dahil sa tinginan nila.
"Pasok ka na sa loob, Princess. I'll just talk to Javaid."
Tumango siya kay Oddity saka pumasok sa loob ng quarter. Nakangiti siyang sinalubong nina Vera at Kohen.
"Omg! Kara! I missed you!" Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa kaniya ni Riella na ginantihan naman niya.
"Damn. Na-miss ko kaingayan mo, Riella!"
Kohen chuckled. "Ako? Hindi mo na-miss?"
Umiling siya para tuksuin ito. "Puro mischief dala mo, eh!" Lumukot ang mukha ni Kohen na ikinangisi naman niya.
"Napakasama mo, Kara!" Kohen pouted.
She laughed at him. "Oo na. Oo na, Kohen. Mukha kang aso, tama na. Pft!"
Bahagya siyang napalingon kay Vera nang hilain nito ang buhok niya nang bahagya. "Gaga ka! Miss ka na namin, Kara!"
Hinila rin niya ang buhok nito. "Mas na-miss kita, bruha ka rin." They both bursted into laughter.
Kahit naman nasanay na siya sa katahimikan, talagang nakaka-miss pa rin ang dalawa. Para bang hinahanap-hanap niya ang panggugulo ng mga ito lalo na kapag may klase sila. Nami-miss na niya ang antuking si Vera at ang makulit na si Riella.
"Wala na 'kong kasabay mag-lunch!" She pouted and hugged Riella and Vera.
Natahimik ang buong room nang pumasok si Janus at nakakunot na naman ang noo nito. Kasunod nitong pumasok ang isang babaeng halos kasing-tangkad niya. Pamilyar ang mukha nito sa kanya. Ilang sandali lang nang mapagtanto ni Kara na iyon ang babaeng violinist na nakasama nila sa camp.
"Janus! Here. Ipinagdala kita ng vegetable salad," anito sa maarteng tono na nagpakunot nang noo niya.
Naupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Janus habang patuloy sa pag-abot ng dala niyang tupperware. Hindi alam ni Kara, pero biglang kumulo ang dugo niya sa babae. Sino ba siya?
"Para sa'min ba 'yan?" tanong naman ni Kohen habang nakatingin sa dala niyang ice cream sandwich para sa kanila.
Tumango lang siya at iniabot iyon isa-isa sa kanila. Isa na lang ang natitira at para na iyon kay Janus. Hindi alam ni Kara kung iaabot pa niya iyon, pero sayang naman.
"Janus," aniya saka iniabot dito ang natitirang ice cream sandwich.
Janus stared at it blankly. Napasinghap siya nang bigla iyong tabigin no'ng maarteng babae.
"Really? Ice cream? Are you trying to ruin his voice?" Tinaasan pa siya nito ng kilay saka muling iniabot kay Janus ang dala nitong vegetable salad. "Mas okay ito sa kaniya," maarteng sabi nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. "I'm not asking you," aniya sa malamig na boses at muling iniabot ang tinabig nitong ice cream sandwich.
Parang kinurot ang dibdib niya nang hindi iyon kinuha ni Janus. He grabbed the vegetable salad instead of her ice cream. She agreed that ice cream can ruin his voice, but can he take it instead? She felt a lump in her throat when Janus stared at her blankly. Mabilis na nang-init ang mata niya.
"Great!" Umiwas siya ng tingin.
Natahimik ang buong quarter dahil doon. Walang may balak magsalita. Mabilis niyang inayos ang gamit niya saka itinapon ang ice cream sandwich sa trash bin na nasa kaliwa ni Kohen.
"I'll go ahead, guys. I need to review," she said to Riella and Vera without bursting into tears.
Ramdam niya ang nag-aalalang tingin ng dalawa kaya pinilit niyang ngumiti. "I hope to see you soon."
"Take care!" Riella waved at her, pero hindi na niya pinansin.
Nilampasan niya si Janus na matiim na nakatingin sa kaniya. "Hatid na kita." She heard him stand up.
Mabilis siyang umiling. "Kaya kong umuwi nang mag-isa," she said in a cold voice saka pinihit ang doorknob at lumabas.
Gusto na niyang magmura, pero pinigilan niya. Siya na nga itong nag-abalang dumalaw tapos gano'n pa ang gagawin niya. P'wede naman niyang tanggapin at hindi kainin, ah. Mas pinili pa talaga nito ang pagkaing dala noong babaeng maarte. Kumukulo ang dugo niya. Kung p'wede lang niya itong tirisin ay ginawa na niya.
Pinahid niya ang takas na luha gamit ang likod ng palad saka naglakad palabas. Kumunot ang noo niya nang makitang pumasok sina Javaid at Oddity sa quarter ng Lost then Found. Ayaw man niyang mag-eavesdrop, hindi niya mapigilang lapitan iyon. Her curiosity was pulling her. Matagal na siyang may napapansing hindi maganda sa pagitan ng dalawa.
Mabagal siyang naglakad palapit sa qurter ng LTF. Parang nagkakarerahan ang dibdib niya sa bilis ng tibok ng puso noon. Nang makalapit na siya, bahagyang bukas ang pinto.
Her heart pounded a zillion times when her eyes started to wet again because of what she heard.
"Kara needs to know . . .," Javaid said in a low tone. "She needs to know that I am her brother."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro