WTSGD 27: Music Camp
CHAPTER 27 - Music Camp
"KARA, UTANG NA loob, dalian mo!" sigaw ni Oddity sa labas ng kwarto ni Kara. Napairap na lang siya habang sinasarado ang maliit niyang maleta.
She was wearing a yellow off shoulder dress, paired with her white converse and she half-bunned her hair. She looked at herself on the reflection on her phone, nang masiguro niyang maayos na ang hitsura ay bumaba na rin siya ng kwarto.
Masamang nakatingin sa kaniya si Oddity. "Kahit kalian, napakakupad mo!" singhal nito.
Her Kuya Ei was wearing a white polo with green palm trees print, a khaki short and a black Birkenstock. Sinuot muna nito ang kaniyang sunglass saka kinuha ang bitbit niyang maleta.
"Oo na, Einstein! Tara na," aniya saka hinarap si Manang Lourdes. "Manang, aalis na po kami." Tumango lang ito kaya lumabas na sila ng bahay.
Kohen was leaning on his blue Volkswagen Kombi. Hinubad nito ang suot na sunglass nang makita sila.
Kohen rolled his eyes. "Tagal n'yo, bads! Si Vera susunduin pa natin." Hindi na nila ito pinansin saka nagmadali nang sumakay sa van.
Nakaupo si Riella sa tabi ng bintana kaya roon din siya umupo. Samantalang ang Kuya Ei niya ay naupo naman sa likod nila. Sinulyapan niya si Janus na katabi ng kuya niya. Nakapikit ito habang nakasandal ang ulo sa pillow na nakalagay sa bintana, mukhang masarap ang tulog nito kaya ibinalik na lang niya ang tingin sa harapan.
"Time check?" tanong ni Kohen, ito ang nagda-drive.
Riella immediately looked in her watch. "10 a.m. pa lang, Kohen. 'Wag mainit ulo, makararating din tayo," sagot nito at halatang naiirita na.
"'Yong traffic kasi, bads." Hindi na lang sila umimik.
Holy week kasi kaya may punto naman si Kohen. They are going to Subic para dumalo sa Music Summer Workshop na roon gaganapin. Nakakuha kasi ang Empty ng invitation mula sa organizer ng event na kung puwede silang tumugtog. At ang talent manager na tinutukoy ni Sir Jannick ay isa sa mga organizer noon.
After nilang masundo si Vera ay dumiretso na sila sa Subic. At dahil matagal pa naman ang biyahe, sinuot muna niya ang earphones sa tainga saka ipinikit ang mata.
Kara woke up when the van stopped. Kinukusot niya ang mata nang mapabangon siya dahil nakaunan siya sa balikat ni Janus. Nagtataka niya itong tiningnan.
Nasa likod ito kanina, kaya marahil ay lumipat ito ng upuan. Pinaggigitnaan na siya nina Riella at Janus. Nilingon niya ang kuya niya na nasa likod at ginawang kama ang mahabang upuan. Si Vera naman ay sa harap naupo, katabi ni Kohen.
Nag-inat ng kamay si Kohen saka sila nilingon. "Nandito na tayo, guys!" sigaw nito.
Inayos muna nila ang mga gamit saka hinintay si Sir Jannick na sunduin sila. Along national highway lang ang pinagparadahan nila kaya hindi naman na nahirapan si sir na hanapin sila.
Sir Jannick rented a transient house. Isang malaking nipa house iyon na may pagka-modern ang interior. May tatlong air conditioned room, maliit na sala at dalawang common comfort rooms. May terrace sa taas kung saan makikita mo ang view ng dagat at sa baba noon ang dining table at dirty kitchen.
Kasama niya sa kwarto sina Vera at Riella, samantalang sina Kohen, Oddity, at Janus naman ang nasa katapat nila. Bandang alas tres na ng hapon sila nakarating kaya pinili muna nilang magpahinga.
Nagising si Kara ng bandang five na ng hapon. Nilingon niya ang higaan nina Vera at Riella, pero wala na ang dalawa. Pinusod muna niya ang buhok saka nagpalit ng highwaisted short, black tank top at ang puti niyang Birkenstock bago bumaba.
Naabutan niya si Janus sa kitchen na umiinom ng tubig. Mukhang kagigising lang din nito dahil magulo pa ang kaniyang buhok.
Naupo siya sa dining table saka ito nilingon. "'Asan sina Kuya?"
Ibinaba nito ang baso sa sink. He lifted his shoulder in a half shrug. "Baka nandiyan sa tabi-tabi. Nag-aya sina Vera magpa-picture, eh."
He looked at her and offered a glass of water na tinanggap naman niya. Muli itong umakyat sa taas, after a minute or so, bumaba ito at nakapagpalit na ng damit. He was wearing a white plain shirt and an army green short. Kahit napaka-simple ng damit nito ay malakas pa rin ang dating nito sa kaniya.
He massaged the back of his neck. "Want to roam outside?" nahihiya nito tanong.
Pinigilan ni Kara na matawa habang tumatango. Nauna siyang maglakad palabas ng transient house. Wala pang ilang minuto ay nasa dalampasigan na agad sila. The sun is about to set kaya hindi na masyadong masakit sa balat ang init ng araw. Mas dumami na rin ang mga tao na naliligo, kumpara kanina noong mainit pa.
"Kara." Mabilis niyang nilingon si Janus sa likod. She heard the sound of the click in his phone. Nakangiti ito habang tinitingnan ang ninakaw nitong picture niya.
"Hoy! Ang daya!" She pouted, saka nilapitan ito. "Patingin!"
Janus chuckled and raised his hand para hindi niya iyon maabot. "Alam mo bang masamang tinatalikuran ang mga mahahalagang tao sa 'yo?"
Gumuhit ang kunot sa kilay niya. "Bakit?"
"Kasi raw, kailangan mo pang libutin ang buong mundo para makaharap mo ulit ang taong 'yon."
Napatulala siya kay Janus. Hindi niya alam na maririnig niya ito sa kaniya. "Wala naman akong balak gawin 'yon," she said while staring at him. Nakataas pa rin ang kamay nito para hindi niya maabot ang cell phone.
"You sure? Even if you have to?" he asked.
Bigla siyang napaisip. Sigurado nga ba siya? Will she turn her back on them? Her father, her Kuya Ei, Empty, and Janus?
Humugot siya ng malalim na hininga saka naupo sa buhangin. She looked at the sunset while Janus also sat beside her.
Umiling siya. "I don't think so, even if I have to," she said in low tone, "pero 'pag pinagtabuyan n'yo 'ko, baka magbago isip ko." She chuckled slightly. "I don't want to push myself on others, not again. I already learned my lesson," she said, referring to Steffy and Haidee.
Sandaling napuno ng katahimikan sa pagitan nila. She took a glance at Janus' phone, now that he lowered his guard, she caught it in her hand.
"Gotcha!" Janus just chuckled, at hindi na tinangkang agawin pa iyon sa kaniya.
Pagbukas niya ng cell phone nito, hindi niya mapigilang mapangiti. Naka-wallpaper na kasi kaagad ang picture niya na kinuha nito kanina lang. The photo was aesthetically pleasing, she looked pretty and the background of the sea adds up a nice mood.
"Pa-airdrop."
Kinuha ni Janus ang cell phone nito sa kaniya. Akala niya ay i-e-airdrop na nito sa kaniya ang picture, pero umusog ito papalapit sa kaniya. He put his hand in her shoulder and readied his camera. "Let's take a selfie."
She tried to stifle a laugh before posing. Nakailang kuha sila ng picture, ang pinakapaborito niya ay iyong bigla siyang hinalikan ni Janus sa noo. She stilled for a sec that made him laugh.
After airdropping their photos, she captured a photo of the sunset and posted it on her IG along with their pics, with a caption: 'believe in the magic of watching a sunset with the one you love.'
"Balik na tayo?" She nodded.
Naunang tumayo si Janus at inilahad sa kaniya ang kamay na tinanggap naman niya. Sandali niyang pinagpag ang mga buhangin saka sila naglakad. She gasped when Janus grabbed her hand and intertwined with his. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang naglalakad sila pabalik ng transient.
Naabutan nila sina Oddity at Sir Jannick na nakikipag-usap sa lalaki, hindi niya iyon maaninag dahil medyo malayo pa sila. Nang makalapit na sila napaawang ang bibig niya at mabilis na nilingon si Janus na nakatingin nang matalim kay Javaid.
Humigpit ang kapit nito sa kamay niya. He was tensed.
"Janus, calm down," she whispered as they walked near them.
"Princess." Her Kuya Ei looked at her then his stares traveled down to their hands and grinned.
"Hi, Kara!" Javaid waved his hand. Pansin niyang mabilis na nawala ang ngisi sa labi ng kuya niya. Strange.
"Hi, Javaid!" She smiled at him. "Isa rin kayo sa magpapa-workshop?" she asked. Hindi naman na nakakapagtaka iyon. Lost then Found is one of the rising artist in their generation.
Javaid nodded. "Yep! We are here para sa music workshop bukas. Nakapag-register na kayo?"
She heard Janus tsked and murmured something kaya pinisil niya ang kamay nito. 'Seloso.'
"Mga tamad iyang mga 'yan. Inuna pang matulog. Bukas na lang daw dahil maraming tao sa booth." Si Sir Jannick ang sumagot, tumango naman si Javaid.
"'Asan pala mga kabanda mo?" she asked.
Sasagot sana si Javaid sa tanong niya nang nagtatawanang dumating sina Riella at ang kabanda nito na si Jettro. She noticed that Javaid's feature darkened. Nang mapatingin si Justine sa kinaroroonan nila, mabilis na nagpaalam si Javaid sa kanila.
"Ay, ba't daw umalis?" tanong ni Riella nang makalapit sa kanila. Nagkibit balikat silang tatlo samantalang naka-poker-face pa rin si Janus.
***
Kinabukasan ay maagang nagising sina Kara para magpunta sa location ng music workshop. Marami-rami na rin ang mga dumating na mga participants at may iilan ding mga kilalang tao ang dumalo.
"'Asan kaya si Kuya Idol?" bulong ni Riella sa kaniya habang nililibot ang mata sa buong venue.
"Isa raw ang Lost then Found sa magpapa-workshop mamaya," ani Sir Asenjo na ikinaliwanag naman ng mukha ni Riella.
"Omg! Sana si Kuya Idol magturo sa'kin!" kilig na kilig pa nitong saad.
"As if mapapansin ka no'n," pambabara ni Kohen. Pareho silang natawa ni Vera nang bahagya itong sapukin ni Justine.
"Ikaw nga, lapit na sa 'yo, 'di ka pa rin pinapansin," biro ni Riella na mabuti na lang ay hindi na narinig ni Vera. Kohen just rolled his eyes saka sila tinalikuran.
Alas nwebe pa lang ng umaga, pero tirik na tirik na ang araw. She tried to fan herself using her hand when Janus approached her. He was wearing a white shirt, cargo short, and his old Skool Vans. Inalis nito ang suot na puting baseball cap saka ginamit para paypayan siya.
"Still hot?"
Her brows knitted. "Huh?"
"Lutang!" Janus chuckled and flicked her on her forehead. "Maalinsangan pa?"
Umiling siya saka umiwas ng tingin para hindi nito mapansin ang hindi niya mapigilan na pagngiti.
Damn, parang nagwawala na naman ang mga paru-paro niya sa tiyan.
After nilang magpa-register, binigyan sila ng name tags at ng numbers. Dumiretso na sila sa loob, halos mapuno ang buong lugar dahil sa dami ng tao na um-attend. Naupo sila sa bandang kaliwa, may tent doon kaya hindi sila maiinitan. She sat in the middle of Janus and Riella who's beside Sir Jannick. Magkakatabi naman sa harapan nila sina Oddity, Vera, at Kohen.
Samantalang may mini-stage sa harap, at may parang panel naman sa isang tent na nagbibigay ng komento para sa mga nagpe-perform. Hindi na nila naabutan ang simula, pero nasabihan na sila ng isang organizer kung ano ang gagawin.
May isang bowl doon sa harapan ng panel kung saan bubunot ang mga ito ng magpe-perform. Magbibigay sila ng komento hinggil sa performance ng bawat participant.
"0068," banggit ni Kuya Champ sa numero na nabunot niya.
Champ De Lima is the vocalist of the band 12:30. Halos alam niya ang kanta ng banda nito dahil madalas iyong patugtugin ng kuya niya.
Champ looked around when a girl with violin stood up and walked to the stage. May iilang nag-boo rito dahil karamihan sa mga nandoon ay mga nagbabanda. Mga mas gusto ng rakrakan.
"Judgmental," rinig niyang saad ng kuya niya sa mga nag-boo roon sa babae.
When the girl started to play, natahimik ang mga ito. She played the official sound track of Kimi No Nawa, entitled Sparkle.
Hindi maalis ni Kara ang mata niya sa babae. The way she slide her bow on the strings, her vibrato and adlibs, 'perfect'. Para itong isa talagang performer, buong performance nito ay nakapikit ito na tila kabisado ang bawat tipa ng daliri sa strings. Halos walang masabi ang mga panel dito because her performance screams perfection.
Nang bumaba na ito sa stage, bahagya siyang napatingin sa kuya niya dahil sinundan nito ng tingin ang babae. He even shook his head, tila alam nitong ganoon ang kalalabasan ng performance no'ng babae.
She raised her brow when she heard Janus tsked. Umiiling itong nakatitig kay Oddity.
"Kilala 'yon ni Kuya?" she asked in a low tone.
Janus smirked, sandali itong natahimik na parang may biglang naalala. "Kilalang-kilala," he answered.
Muli niyang tiningnan si Oddity. When her Ate Jodi, Oddity's girlfriend died, hindi na ito halos lumingon sa babae. Sobrang laki ng pinagbago nito, he almost wasted his life. But Oddity's gaze to that girl was different.
Muli niyang nilingon iyong babae. Sana lang, hindi nito saktan ang kuya niya.
***
"092!" banggit ni Champ sa numero na nabunot niya.
Mabilis niyang nilingon si Janus saka nginitian. "You can do it!" Janus nodded and stood up.
They went to the stage and prepared. After a minute or so, some plucking of the guitar strings and the opening of the song began. Pamilyar na pamilyar sa kaniya ang tugtog na iyon. It's Iris by Goo Goo Dolls.
When the song reached the chorus, Janus looked at her. "When everything's made to be broken, I just want you to know who I am."
Pagkatapos nilang mag-perform ay nagpalakpakan ang mga audience na halatang nagustuhan ang performance nila. She gave them a huge thumbs up to let them know how great their performance was.
Nang makababa sila ng stage ay nilapitan sila ni Sir Jannick. He whispered some words to Janus and Oddity that made their brows knit. A guy wearing a black suit and a girl who's wearing a corporate attire came.
Summer na summer, naka-formal? Hindi niya maiwasang isipin. Ilang sandali, nagkipagkamayan ang dalawa sa Empty. Akala ni Kara ay babalik na sina Janus sa inuupuan niya ngunit sumunod ang mga ito doon sa lalaking naka-suit saka umalis sa venue.
She was about to follow them, dahil ayaw niyang maiwan when her phone vibrated. Dalawang message iyon galing kay Janus at sa Kuya Ei niya na huwag daw siyang aalis dahil babalik ang mga ito.
Nakakunot ang mata niya habang nakatitig sa phone. She was left alone. Saan kaya pupunta ang mga iyon? Nawala na ang focus niya sa mga nagpe-perform.
She's playing Adorable Home when someone interrupted her.
"Excuse me, miss. May nakaupo pa po ba rito?" She was the violinist girl. Ang tinutukoy nito ay ang upuang inalisan nina Janus kanina.
Muli niyang nilingon ang inuupuan noong babae kanina. Maiinit na roon kaya siguro ito lumipat. Wala sa sariling umiling siya.
"No. You can seat," she said. Ayaw naman niyang maging rude.
She smiled at her brightly. "By the way, my name is Jersey," pakilala nito saka naglahad ng kamay na mabilis naman niyang tinanggap.
"Kara," tipid na sagot niya.
Jersey has a warm, blonde hair. Her eyes were a bit small and has mocha color, her skin was kinda pale and she has pointed nose. Sa tingin niya a mas matangkad ito nang kaunti sa kaniya. She's wearing a bohemian maxi-skirt, a white tank top paired with her long dream catcher necklace and a vintage ankle strap sandals.
She looked sophisticated and carefree.
"Kasama mo sila, right?" she asked while giving her a sweet smile.
"Sino?"
"Iyong Empty?"
Kara nodded and slipped her phone in her pocket. Mamaya na lang siya maglalaro, ayaw naman niyang maging rude sa harapan ni Jersey. Mukha naman kasi itong mabait.
"Talagang nagustuhan nina dad 'yong performance nila sa fundraising event sa Centro Novak. So they came here to watch them play and offered them a contract," she said.
"I think they'll become a star, someday. Especially Janus, he's a freakin' hot when he sing," dagdag pa nito na parang kinikilig.
She smiled at her awkwardly. "I know," she said then looked away.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro