Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WTSGD 22: A Father's Love

CHAPTER 22 - A Father's Love

ILANG SANDALING NATULALA si Kara habang pinapanood si Janus na maglakad palayo sa kinaroroonan nila. Hindi niya inakala na makikita niya ito sa ganitong lugar. She knew he doesn't believe in God kaya't malaking palaisipan sa kaniya ang pagtulong nito sa orphanage.

Alam niyang kahit sino ay maaari naman tumulong, naniniwala man sa Diyos o hindi. Ang ipinagtataka lang niya ay dahil church-affiliated pa rin ang ampunang ito.

Maybe he has a reason.

"Simula nang mawala ang ina ng batang iyan, dito na siya dinala ng DSWD dahil hindi raw nila kilala ang ama niya. Janus is an illegitimate child based on his birth certificate," pagkukwento ni Sister Cristina. Napansin siguro nito ang matagal niyang pagtitig kay Janus.

"Dito po siya lumaki?" Her voice sound astonished. She heart fragment of Janus story but he never mentioned he lived in this orphanage.

Sister nodded and continued. "Ilang taon iyang tumira dito bago namin nalaman na anak pala siya ni Mayor Ynares. At dahil wala pa sa tamang edad si Janus ng mga panahong iyon, napunta rito ang kustodiya ng bata." Bumuntong-hininga ito at ngumiti nang malungkot. "Dahil sa galit ni Janus sa papa niya'y mas pinili nitong bumukod at mamuhay nang mag-isa."

Napatulala siya sa mga naglalarong bata sa harapan nila habang nagkwekwento ito. Para siyang napahiya sa sarili dahil sa panghuhusga niya rito. She remembered his eyes when they're in the bus. The eyes she saw was full of sorrows and pain. Ngayon, alam na niya kung bakit ganoon na lang itong magsalita noog mga panahong iyon. She can't blame him. He went through a lot.

"Pero nalaman ni Mayor Ynares na hanggang ngayon dumadalaw pa rin si Janus dito. He knew how important this orphanage to Janus that's way he bought this land."

Napalingon siya kay Sister Cristina. "Kung gayon, si Mayor Ynares na po ang may-ari ng lupang ito?"

"He bought the land for us to stay here. . . For Janus sake. Kahit na malaki ang galit ni Janus kay Mayor, Mayor Ynares still cared for him. Ang kaso lang. . . hindi niya alam kung paano tatayong tatay nito. Lahat kami ay saksi kung paano sikapin ni Mayor na kunin ang loob ni Janus ngunit hindi iyon naging madali. Janus is angry. Sinisisi niya si Mayor sa pagkamatay ng mama niya. At hindi namin siya masisisi sa bagay na iyon. Si Avy ang tumayong ama at ina niya sa mahigit na labing dalawang taon. Hindi madali ang naging pagkawala nito."

Saksi si Kara sa pait ng ngiti ni Janus kapag nababanggit ang tungkol sa mama niya. Hindi lang gasgas ang iniwan noon sa kanya kundi isang malalim na sugat. He can't blame Janus for feeling those emotion toward his father.

"Ngayong nanganganib ang ampunang ito. . . sinisisi na naman ni Janus ang papa niya."

Nangunot ang noo ni Kara. "Why? What happened po?"

Sister Christina pressed her lips together as if fighting back her tears. "Congressman Cabrera is forcing Mayor Ynares to sell this lot. Noong nakaraang linggo lang ay kinausap kami ni Mayor na nais niya kami i-relocate sa Liora. Siya ang gagastos ng lahat. Cong. Cabrera is blackmailing him na ipapatanggal si Janus sa Arion International School kapag hindi ito pumayag na ibenta ang lupaing ito. Nais ni Cong na pagtayuan ang loteng ito ng industrial buildings."

"Bakit nagagalit po si Janus? It's for his sake also."

Ngumiti ng mapait si Sister. "Hindi marunong makinig ang taong sarado ang isip Kara. Isa pa. . . ayaw ring ipasabi ni Mayor kay Janus ang dahilan kung bakit niya ibebenta ang lupang ito."

Lumukot ang kaniyang kilay. "Hindi ho ba illegal ang ginawa niyang 'yon? Wala po bang magagawa ang mga simbahang sumusuporta dito sa ampunan."

Umiling ito. "Matagal nang nanghihina ang simbahan na sumusuporta rito sa ampunan. Iilan na lamang ang nagpapadala ng tulong sa mga batang nandito. Gustuhin man namin na mag-raise ng fund para bilhin na lang kay Mayor ang lote pero wala kaming magawa." As cued, Sister Cristina's tears splashed freely from her cheeks.

Kara's annoyance flared. She clenched her fist. Hindi siya makapaniwala na kayang gawin ni Congressman ang lahat ng iyon para lang sa sarili nitong kapakanan. Pati ang mga walang kasalanang tao ay nadadamay. Alam ba ng taong bayan ang ginagawa ng sinasamba nilang congressman? Fudge! Magpaparehistro na talaga siya at hindi niya ito iboboto.

"Nang tawagan namin si Axl at nalaman nito ang gusto ng papa niya na ilipat na lang kami, nagpunta kaagad siya rito para tumulong. Napakabait ng batang 'yon. Kahit anong sabi namin sa kaniya na pumasok na lang siya ng school ay ayaw pa rin niyang magpapigil. Nangako siya na ibabalik niya ang lupa sa amin. He wants to buy this lot from his dad."

Realization hit her. That call . . . marahil iyon ang dahilan kaya hindi ito pumapasok sa school. Naikuyom niya ang kamao. Damn you! Congressman! Hindi na siya magtataka kung bakit ganoon na lang ang ugali ni Steffy. Tunay ngang may pinagmanahan ito. She want to spit on his face. Nakakahiya itong politiko.

"FINALLY!" ani Kara saka kinuha ang pinakahuling pahina ng p-in-rint niyang dokumento at inilagay sa puting folder.

Mabilis siyang lumabas ng music room pagkatapos mag-print. She was planning to propose an event to Sir Jannick. Aside from being a manager of Empty, ito rin kasi ang adviser ng music club na bilang lang din naman silang miyembro.

Kumatok muna siya sa faculty bago pumasok. "Sir Jannick."

Nilingon siya nito at saka sinenyasan na lumapit. He smiled at her. "Yes, Kara?"

"Puwede ko po ba kayong makausap?"

Kumunot ang noo nito. "About what, Ms. Sandoval?" tanong nito habang inaayos ang iilang gamit.

Inilahad niya sa harap nito ang ginawang proposal. Mabilis iyong kinuha ng guro at binasa. Nasa ikalawang pahina pa lang ito nang kumunot ang kaniyang noo.

"A fundraising event?" Astonishment was evident in his voice.

"Yes, sir. There is an orphanage who needs assistance, but Mayor Ynares declined to help. I included the name of the orphanage there." She smiled awkwardly. "I want to help them using the funds that Empty will raise during the mini concert."

Tumayo ito at naglakad palabas ng faculty na sinundan naman niya. Nang makarating sila corridor ay doon siya nito kinausap.

"I like your idea, Kara, but," Lumingon muna ito sa paligid saka pabulong na nagsalita, "I'm not sure if the Office of the Student Affairs will approve it," he said worriedly.

She sighed deeply. Bakit nga ba nakalimutan niya si Mr. Yamato? Mabilis lang iyong makakapagsumbong kay Mayor Ynares.

"Hmm." Nginitian siya nito. "How about we make this event outside of school?" he suggested instead.

Excitement rushed through her veins. She smiled at him. "Sounds good, sir."

Her brother's eyebrow raised. "A fundraising event for an orphanage?" tanong nito habang binabasa hanggang dulo ng proposal na ginawa niya.

"Kara wants to help an orphanage, and she thinks we could plan a small concert for you, guys!" said Sir Asenjo.

Napakamot naman sa batok si Kohen. "May manonood naman ba sa'min, sir? Baka langawin lang."

She chuckled. "Imposible namang wala, Kohen. Sa galing n'yong 'yan?"

Sigurado naman kasi siyang may manonood sa mga ito. Sa galing ba naman nilang tumutog? Idagdag mo pa ang kaguwapuhan ng tatlo? She smirked. Imposible.

"Count me in, Kara." Vera winked at her.

"Pero hindi naman kami gano'n kasikat para sa isang concert," nag-aalalang tanong naman ni Riella.

Sir Jannick smiled at her. "It's an exposure sa inyo, guys. Lalo na't for a cause naman ang gagawin ninyo. Ayaw n'yo bang tulungan ang orphanage na sinasabi ni Kara? Let's just give it a try."

Pinagdaop din niya ang kaniyang palad at humarap sa apat. "Please, guys . . . pumayag na kayo. The orphanage badly needs our help."

Iyon lang kasi ang nakikita niyang paraan para makapag-raise ng pondo. It's a win-win situation naman sa Empty dahil sa exposure at makatutulong pa sila.

"How about Janus? Aber! Hindi kumpleto ang banda kung walang bokalista." Kohen snorted.

Nginitian niya ito nang matamis. Sigurado siyang papayag ito dahil para naman sa orphanage ang gagawin nila.

"I'll convince him."

KARA hesitantly knocked on Janus' apartment. She's here to convince him regarding the fundraising event, but her heart was thumping so fast. Kakausapin lang naman niya ito, bakit ba ayaw kumalma ng puso niya?

Napalunok siya ng sariling laway nang biglang bumukas ang gate at iniluwa noon si Janus. Shirtless.

Her heart skipped a beat. Pinasadahan niya ang kabuoan nito. Mabilis niyang iniwas ang tingin sa katawan nito.

"Anong ginagawa mo rito?"

She stared at him. Hindi siya magpapatinag dito.

"A...a-no." Lumunok siya. Bakit ang guwapo nitong tingnan kapag basa ang buhok?

Nakaramdam siya ng hiya nang ngumisi ito. Bakit ba kasi siya nabubulol.

"A...a-bout sa orphanage," she said. "Puwede ba kitang makausap?"

Bahagya pa itong nag-isip habang pinupunasan sa harapan niya ang basang buhok gamit ang towel na nasa balikat.

Nang-aakit ba siya?

Niluwagan nito nang kaunti ang gate para papasukin siya. Nang maisara na iyon ni Janus ay pumasok ito sa loob, na sinundan naman niya. Itinapon nito ang sarili sa sofa saka siya hinarap.

Wala ba itong balak mag-T-shirt?

"Now talk. I'm listening."

She heaved a deep sigh, calming herself. Kinuha niya sa bag ang folder ng proposal na ginawa saka naupo sa sofa. His chestnut brown eyes widened as he read the proposal.

"We will organize an event to help the orphanage."

Nilingon siya nito. "And?" he said in a matter-of-fact tone.

"Empty needs you." His eyes glistened, but he looked away. Itinuon nito ang mata sa center table.

Kahit pilit nitong itago iyon ay nababasa na niya ang emosyon sa mga mata nito. It was like he doesn't want to open up himself to them. Gusto nito palaging sarilihin ang problema and she hates that fact.

Her heart ache every time she sees that emotion in his eyes. That he was scared to open himself up because of the fear of betrayal. She knows that she can't blame him, though. But caging himself in pain and sorrow is not good either.

"I'm quitting the band."

Napasinghap siya. "Why?" Hindi siya nito sinagot.

Damn you, Mayor Ynares! Kasalanan niyang lahat ito. Kung sana nagkaroon man lang siya ng oras para ipaliwanag ang lahat kay Janus! He could have helped him.

"Bakit ka magki-quit? Dahil sinabi niya? Stop being irrational, Janus."

"It's none of your business." He gave her a frosty look.

Hindi siya nag-iwas ng tingin. "Akala ko ba, hindi ka na magpapaapekto sa kaniya?"

"Just leave."

Naalala niya ang sinabi nito sa kaniya noong nasa McDo sila. 'It's your life, you should have control over it'. But look at him now, he's letting his father affect him.

"How coward of you! You kept on telling me to be brave and stop on doing what others dictate me to do but look at yourself now," she whispered.

Janus ran his finger through his hair as a sign of frustration. "Fuck! Akala mo ba, madali sa'kin 'to, Kara? Empty na lang at ang ampunan ang natitirang pamiya ko. I can't risk that fucking fundraising dahil baka pati sila, idamay ni Ynares. Iyon lang naman ang gusto niya 'di ba? Ang tumigil ako sa pagbabanda. Quit from Empty, quit from my music." His voice broke slowly.

"Baka sakaling kapag ginawa ko iyon, tumigil na siya. I can't risk anyone's life because of this passion. Kung iyon ang paraan para tigilan na niya ang panggigipit sa ampunan, then so be it." His tears splashed freely from his cheeks. He let out a fake laugh. "I can throw away my dreams just to protect those people I love. Just to make him stop!"

Seeing him at this state, willing to sacrifice the things that his soul has craved for is unbearable. Kara's heart melted at the sight of him vulnerable. Mariin niyang ipinikit ang mata, muling iminulat saka tinawid ang pagitan nilang dalawa para yakapin ito.

A tremendous pain gripped Kara's chest seeing the sorrow in Janus' eyes. Janus, giving up in music is the least thing that she expects. She knew, playing music is not just a dream for Janus, it was his passion-a part of him.

"Don't." She pressed her lips together. "Don't give up on music, Janus. Sa tingin mo ba, matutuwa kami sa desisyon mo? No, we won't. Music is engraved in your soul. You're not Janus Valderama without music. Stop battling this war alone. Nandito kami. Nandito ako. We will help you get through this. Please, stop pushing us away. Hindi mo kami kalaban," she said. "Nandito kami at hindi ka namin hahayaang lumaban nang mag-isa. Stop building a wall and caging yourself in fear and hatred. Please . . . stop fighting alone."

They stayed quiet for a second as his silent sobs filled the room. Kumalas ito sa pagkakayakap niya. Tumitig sa mga mata niya nang puno ng pait. "Until when? Because the last time someone told me he'll be by my sight, he left me without saying goodbye."

Kara bit her lips as she heared his doubts. "Hangga't kailangan mo kami. We're here. We're not going anywhere. So please stop giving him control over you."

Muli isang butil ang bumagsak sa pisngi ni Janus. He wiped it with his hand and sighed. A deep and calm one.

He then cupped her face, brushing his index finger againts her cheeks. "I'm sorry for pushing you away." He stopped and looked at her. "I won't. I won't stop playing music, " he said and gave her an assuring smile.

"I'm sorry." Tumango siya at kinagat ang labi. Mariin siyang tinitigan ni Janus nang ilang segundo bago bumaba ang tingin nito sa labi niya.

"But I'm not sorry for doing this."

Kara's heart slammed in her chest, shuddered and stopped when he closed their distance and pressed his lips against her.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro