WTSGD 2: Living With Her Passion
CHAPTER 2 - Living With Her Passion
"DAMN!" KARA CUSSED when she read the text from the guy she's meeting up.
Nag-cancel ito ngayong araw dahil may importante raw itong pupuntahan. Gusto na niya itong murahin, pero hindi niya ginawa. What the hell! Nagbyahe siya simula Mystown hanggang Lennon para makipag-meet, tapos bigla siya nitong hindi sisiputin? Sayang ang 30 minutes niyang pag-upo sa bus!
Humugot siya ng malalim na buntonghininga saka pumara ng tricycle. Para naman hindi masayang ang pinunta niya sa Lennon, naisipan niyang dumalaw muna sa Guardian Angel Home for Children bago umuwi. Isa iyong orphanage na matagal na niyang sinusuportahan gamit ang perang napapanalunan niya sa mga songwriting competition na sinasalihan.
Mabilis na nagsitakbuhan ang mga bata sa ampunan nang makita si Kara. Naglalaro ang mga ito ng pantintero nang dumating siya.
"Ate Kara!" Naunang yumakap sa kaniya si Tristan.
Mahigit tatlong taon na rin ang nakalipas nang magsimula siyang dumalaw sa orphanage na ito kaya napalapit na rin ang mga bata sa kaniya. Isa-isa niyang iniabot ang mga dalang pasalubong at saka sila ginantihan ng yakap.
"Kumusta? Nagpakabait ba kayo?"
Hindi niya maiwasang mapangiti nang una-unahang tumango ang mga ito at isa-isang nagkuwento sa kaniya.
"Ate Kara! Binigyan ako ng star ni Sister Cristina kanina." Iniharap ng batang babae kay Kara ang braso at ganoon din ang ginawa ng iba pang mga bata.
She smiled at them, grateful that she had the time to visit them again. Mahigit isang buwan din kasi siyang hindi nakapunta dahil sa dami ng gawain sa school. Mabuti na lang at foundation day nila, nagkaroon siya ng oras para dumalaw. Na-miss na rin niyang makipaglaro sa mga bata at hindi na rin siya nakakapagturo sa mga ito kaya ganoon na lamang ang kaniyang tuwa.
"Ang astig naman po. Sabay kayong dumalaw ni Kuya Axl."
She raised her eyebrow questioningly. "Who?"
"Si Kuya Axl po. 'Yong nagtuturo sa 'min sa choir. Mabait din po iyon kagaya n'yo," sagot ng isang bata habang binubukasan ang dala niyang pasalubong.
She slightly nodded her head and and smiled. Mabuti naman kung ganoon. Hindi lang siya ang may mabuting loob na nagmamalasakit sa mga batang ito.
"Ate . . . Ate . . . ." Shakira held the hem of her shirt. "Crush daw po ako ni Tenten. 'Di ba po, bawal 'yon?"
Bahagya siyang natawa sa itinanong sa kaniya ni Shakira. Isang eight-years-old na bata sa ampunan.
She laughed as she spoke, "Hayaan mo na, Shakira. Bata pa kayo, at saka hindi pa oras sa mga ganiyan."
Tumango naman ang mga ito at 'di kalaunan ay nagturuan na ng crush.
"Ang mga batang 'to talaga." Namaywang siya. "Mag-aral muna kayo, saka na iyang crush-crush."
"Ikaw, Ate Kara? May nagka-crush din ba sayo no'ng bata ka pa?" tanong naman ni Buboy, mas bata ito kina Shakira nang dalawang taon.
Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa tanong na iyon. She bit her lower lip. Mayroon nga ba?
Simula kasi nang maaksidente siya ay wala na siyang maalala. She has an amnestic syndrome—retrograde amnesia to be precise. She got into an accident five years ago when she was 12 years old and have forgotten her childhood memories.
May iilang bumabalik, ngunit hindi naman ganoon kahalaga para pagtuunan ng pansin. Ang tanging alaala lamang na kumuha ng pansin niya ay ang ampunang ito. Ewan ba niya, liban sa panaginip na iyon, madalas din niyang napapanaginipan ang ampunang ito.
"Ate Kara. . . ."
She went back to reality when Shakira called her.
"May nagka-crush din po ba sa inyo noong bata ka?" inosenteng tanong nito. Sa halip na sumagot, ginulo lang niya ang buhok nito at nginitian.
She stayed in the orphanage hanggang alas siyete ng gabi. Mabuti na lamang at namalayan niya ang oras.
"Mag-ingat ka, Kara. Salamat sa pagdalaw!" paalala sa kaniya ni Sister Cristina, ito ang namamahala sa ampunan.
"Mauna na ho ako, sister." Kumaway siya at saka nagsimula nang maglakad palabas ng ampunan saka pumara ng tricycle papuntang terminal.
Nang makasakay na siya sa bus, hindi pa rin maalis sa isip niya ang lalaki sa bus kanina.Tumatak sa kaniya ang mata nitong malungkot at ang litanya nito sa kaniya. She shook her head to erase the thought. Hindi dapat niya iniisip ang lalaking iyon.
He's just a lonely guy na fan din ng Simple Plan at medyo cute. Nah. She admits, he's handsome, lalo na ang nunal nito sa baba ng kaliwang mata.
Ano naman kung guwapo ito?
He's not her type. Ang gusto niya sa lalaki ay iyong palaging nakangiti, may sense of humor at positive ang views sa life. Kabaliktaran ng lalaking iyon.
Kamuntik na siyang mauntog sa unahang upuan nang pumreno ang bus driver. "RoseVill! RoseVill!"
"Mayro'n ho!" inis niyang sagot saka bumaba ng bus.
"Dahan-dahan naman po sa pagpreno!" sigaw pa niya sa driver bago iyon tuluyang umalis sa harapan niya.
"Kaskasero! Hmp!"
Nang makarating sa tapat ng bahay nila, she expected na wala na naman ang daddy niya, pero nagulat siya nang makita ang kotse nito. Naroon din ang driver nitong si Mang Bart.
Nagtataka man dahil sa biglaang pag-uwi ng ama ay nagdesisyon siyang pumasok, kaso mula pa lang sa pinto ay nakita na niyang itong nag-aabang habang nakahalukipkip na nakatayo.
"Why did you refuse the scholarship in LA?" bungad nito sa kaniya.
She looked down and bit her lower lip. There was a pinch in her heart. Ang scholarship na ibinigay sa kaniya ng Arion International School ang tinutukoy ng ama.
"Dad, let me explain," pakiusap niya. "I just thought that I could do better if dito ako magka-college." Her voice was trembling as she stated her reasons.
Iyon naman talaga ang totoo. Hindi naman sa ayaw niya ng scholarship, alam kasi niyang mataas ang expectation ng daddy niya at mahihirapan lamang siyang abutin iyon kapag doon siya nag-aral.
"Kung hindi pa pala sinabi sa'kin ni Hector na si Ismael ang sumalo ng scholarship na tinanggihan mo'y hindi ko pa malalaman."
Nanlilisik ang mga mata nito habang titig na titig sa kaniyang mata.
He pointed his finger on her face with disappointment written all over his visage. "You're such a disgrace."
Kara bit her lower lip as she felt it again. Her father, constantly reminding her that she's not good enough. That she will never be good enough.
Unti-unting tumulo ang luha sa pisngi ni Kara dahil sa bigat ng kaniyang dibdib. Para itong pinipiga sa tuwing nakikita niya ang pagkadismaya sa kaniya ng ama.
"I'm sorry, Dad."
"You will take that scholarship."
Her eyes widened. "But, Dad—"
"Whether you like it or not," he said with finality.
Kahit anong gawin niya ay palagi nitong pinapangunahan ang mga desisyon niya. She wiped her tears using the back of her hands and bit her lower lip to stop herself from making a noise while she's sobbing.
Gusto niyang sabihin na hindi siya masaya. Gusto niyang sabihin na ayaw niyang mag-aral sa LA, na gusto niyang i-take ang music rather than science, na gusto niyang gawin ang bagay na mahal niya.
Pero paano? It's useless. Her decisions mean nothing for her dad. The thing that fuels her lonely soul is just a trash for him. She cried, silently. She cried because of the despair of doing nothing to fight back. Wala siyang magawa. It's her dad.
"Kara!"
Bumukas ang gate nila at iniluwa noon ang kuya niyang nagkukumahos para makalapit sa kaniya.
"Kuya Ei," sambit niya at saka niyakap ito.
Matapos siya nitong yakapin ay hinarap nito ang kanilang ama. Bakas ang galit sa mga mata ng kuya niya. Hindi ito umiwas ng tingin kahit nanlilisik na sa galit ang mata ng daddy nila.
Oddity hid her behind his back. "Kara refused the scholarship because she doesn't want it. Ano bang mahirap intindihin do'n, Dad?" pagtatanggol nito sa kaniya.
Nakaramdam si Kara ng tuwa dahil palaging nariyan ang kuya niya para ipagtanggol siya. Hindi siya nito iniiwan. Oddity is her knight in shinning armor ever since.
Her dad eyed him with disbelief. "It's a big opportunity! She will throw it away just like that? I just want her to be successful." Nanginginig ang panga nito dahil sa galit.
Oddity nodded, agreeing to his stand. "It is! It is a big opportunity. But, Dad, have you asked?" Huminto ito at tumingin sa kaniya. "Is Kara happy that you planned half of her life?"
Ibinalik nito ang tingin sa kanilang ama. "Dad, for once, tanungin n'yo naman kung anong gusto namin." Parang pinipiga ang puso niya nang marinig ang boses ng kuya niyang punong-puno ng hinanakit.
"Yes, Kara will be successful if she accepted that scholarship. She will be successful if she set aside her passion. But being successful means living a life with plans," he said, then breathed deeply. "Have you ever asked what she wants to do with her life? She wanted to do music. She wanted a life living with her passion."
Hinawakan ni Oddity ang kamay niya at saka nagsimulang maglakad. Nilampasan nila ang kanilang ama, pero bahagya itong tumigil para magsalita.
"Look at you, Dad." He faked a laugh. "You're successful, but are you happy?" he mocked.
"Oddity!" sigaw ng kanilang ama, pero hindi iyon pinansin ng kuya niya at saka hinila na siya nang tuluyan paakyat sa taas.
Huminto sila sa tapat ng kaniyang kwarto.
"Thank you, Kuya!" Niyakap niya ito habang tuloy pa rin sa pag-agos ang luha niya. She might look childish with the way she hugged her brother, but she doesn't care. She wants his comfort. "Hindi ko alam ang gagawin 'pag wala ka sa tabi ko," she said as she sobbed on his chest.
"Anything for my princess," he whispered while caressing her back.
After that fight, she just locked herself in her room. Wala siyang ganang bumaba para kumain. Naramdaman na lamang niyang bumigat ang talukap ng mata niya dahil sa pag-iyak.
"Talaga, Kuya?" tanong ni Kara sa batang lalaki na tinatawag niyang kuya.
Tumango ito habang nakatingin sa daan at nagmamaneho. "Yup, tumawag sa'kin si Tito Johann. Magkita raw tayo sa police station."
Namilog ang mata niya. "Nahanap na siya?"
Her brother nodded. "Nangako ako sa 'yo, 'di ba? Na makikita rin siya ng mga pulis."
"Salamat sa pagtupad ng pangako mo, Kuya." Masaya niya itong nginitian.
Makalipas ang ilang sandali ay isang malakas na busina ang namayani sa daan na tinatahak nila. Isang malakas na banggaan at sila ang laman ng kotseng iyon.
Pilit na iminulat ni Kara ang kaniyang mata ngunit tanging ingay galing sa mga taong nakapalibot sa kanila ang kaniyang narinig. Pilitin man niyang imulat ang mata, pero patuloy sa pagbigat ang mga talukap nito.
Mabilis ang paghinga ni Kara nang magising mula sa isang masamang panaginip. Kinapa niya ang pisngi at may tumutulo roong luha. Mabigat din ng kaniyang paghinga at tila naninikip ang dibdib niya.
She took a deep, steadying breath. "That dream again."
It felt real. She felt different emotions as if she was there when the accident happened, as if it was a lost memory trying to resurface.
Nilingon niya ang orasan na nasa bedside table, alas sais na ng umaga. Humihikab siyang tumayo sa kama saka dumiretso sa banyo para mag-ayos ng sarili.
After a minute or so, she looked in the mirror to see if she's done. She made a half bun out of her short, wavy hair and wore a high-wasted faded short, white tees and her favorite maroon low-cut Converse.
She went downstairs, planning to eat breakfast. Nakaupo na sa dining table ang kuya niya. He's dressed casually. Medyo magulo rin ang buhok nito, mukhang maaga ring nagising.
"You're early, princess." Kumunot ang noo nito nang makita ang suot niya. "Hindi ka pupunta sa shop?"
Tuwing weekends kasi tumutulong sila ng kuya niya sa shop ng daddy nila. His father runs an automotive business. Isa iyon sa pinakakilalang auto shop sa buong bayan ng Mystown at maging sa buong probinsiya ng Zemira.
She shook her head and walked towards the empty seat. "Next week na lang ako, Kuya. Ikaw na bahala magpaalam kay Dad, may gagawin kaming group project," she lied, she had other plans for today.
Nabitin sa ere ang pagsubo ni Oddity at tiningnan siya nang may pagtataka. "Project for?"
She pouted because of his shot up brows. "May shoot kami sa Lennon, for Media Literacy."
His expression softened, he put down his utensils and then drink his coffee. "Magpahatid ka na lang kay Mang Bart, I'll use the Civic. Ako na bahala kay Dad."
Her eyes gleamed and she smiled widely. Tumango siya kay Oddity. After their breakfast, bumalik siya sa kwarto para kunin ang music book at laptop niya. Hinintay muna niyang makaalis ang Kuya Ei bago bumaba at nagpahatid kay Mang Bart sa kabilang bayan.
Pagpasok niya sa Paper & Cup, um-order muna siya ng cheesecake and macchiato bago umakyat sa upper deck ng shop. She loves the ambiance of the place, it felt cozy. The black and rustic interior adds up to the soothing mood of the café.
Nilabas niya ang music book niya at saka t-in-ext ang lalaking ka-meet. Nag-reply ito na malapit na kaya inabala na lang muna niya ang sarili sa pagtapos ng iba pang kantang nasimulan na niya.
Her eyes widened and her heart pounded when a guy sat on the chair in front of her. His hair was still messy and he's still wearing that frosty look.
"You—You're the guy on the bus!" she said, taken aback.
He smiled, but his eyes was still cold. "So, you're the client, huh?" he said, looked amazed.
Her brow creased, still confused. "You're the guy I'm supposed to meet here?"
"Yes, Ms. Sandoval." He smirked. "Let's get to business, shall we?"
Nag-aalangan man, tumango pa rin siya. She gave the music score that she wanted him to sing. Janus studied it for a minute as his brows slowly creased.
"A song for your dad?" he asked her, still looking at the piece.
She didn't answer him, she just nodded and took a bite on her cheesecake. Hindi niya alam, pero naiirita siya sa paraan ng pagsuri nito sa gawa niya. Parang sinusuri nito ang buong pagkatao niya sa isang kanta.
"I'm not going to sing it."
Her brows raised as she pressed the table napkin on her lips. "Pardon?"
"I can't sing your piece. Let's cut the deal." Tumayo na ito at handa nang umalis.
Her lips parted. "Wait—why?" She grabbed his wrist to stop him.
He narrowed his eyes. "I just don't feel like singing it." Inalis nito ang paghawak niya sa kamay nito. "And your piece sucks," he said and then walked down the café.
She glared at his back as her annoyance flared. Sino ito para maliitin ang pinaghirapan niyang isulat na kanta? Binuhos niya lahat ng gusto niyang sabihin sa bawat lyrics noon. She breathed heavily and sat again on her chair.
"Gago!"
Nag-aksaya siya ng dalawang araw para magpabalik-balik sa Lennon para sa gagong lalaking 'yon?
Damn, he's getting on her nerves!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro