Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WTSGD 19: Bad Dreams

CHAPTER 19 - Bad Dreams

The guy in his mid 40s came closer to her. He has a masculine body and he was wearing worn out jeans and a black polo.

"Kara, 'wag kang magsasalita. Wala kang sasabihin," sinabi nito habang sapo ang noo.

Tuliro ito at mukhang walang alam sa kung ano ang dapat gawin. He ran his fingers into his hair and walked back and fort. Tumango siya habang yakap ang Spongebob na laruan.

"Si Kuya, Papa . . . nasaan si Kuya?"

Muli siya nitong nilingon at tumaas ang balahibo sa batok niya nang bigyan siya nito ng makahulugang ngiti.

"Ligtas si Kuya,  kung wala kang sasabihin. Aksidente ang lahat . . . aksidente," paulit-ulit na sinabi nito habang niyuyugyog ang balikat niya.

"Papa, nasasaktan po ako."

Dinalaw na rin siya ng kaba nang makita ang mata ng lalaki na namumula at handa nang gumawa nang masama. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak nito nang tingnan siya mula ulo hanggang paa, ngunit masyado iyong mahigpit.

Her tears splashed freely down her cheeks when the guy pointed a sharp knife to her neck.

"Wala kang sasabihin. Wala kang naaalala. Aksidente ang lahat."

SUMINGHAP SI KARA sa gulat at napabangon nang makarinig ng dalawang katok mula sa pintuan. Pawis na pawis siya at napakabilis ng tibok ng kaniyang puso. Tears are streaming from her eyes. Hirap na hirap niyang hinabol ang kaniyang paghinga. Laking pasasalamat niya at ilang sandali rin ay naging normal iyon.

Isang masamang panaginip na naman . . .

Mariin niyang pinikit ang mga mata saka kinalma ang sarili. Nang muli niyang marinig ang magkakasunod na katok at ang boses ni Manang na puno ng pag-aalala, tinungo niya ito at pinagbuksan.

"Manang? Bakit po?"

Lumukot ang kilay nito habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.

"Ayos ka lang ba? Narinig kita kaninang umuungol. Akala ko'y binabangungot ka na," may guhit ng pag-aalala sa boses nito.

She nodded. "Opo, masamang panaginip lang po." Ngumiti siya nang pilit sa matanda upang mabawasan ang pag-aalala nito. "Ayos na po ako."

Huminga ito nang malalim, tila nawala ang bigat sa dibdib. "Mabuti naman kung gano'n. Sige na, mag-ayos ka na ng sarili. Ihahanda ko na iyong pagkain sa baba."

Tumango siya at tumalikod na ito. Unti-unti itong lumiit sa paningin niya at nang pababa na ito sa hagdan ay humakbang siya upang habulin ito.

"Manang," tawag niya.

Muli siya nitong nilingon nang may pagtataka sa mata. "Bakit, anak?"

"P'wede ho bang magtanong?"

Bahagya nitong inayos ang salamin saka tumango kahit may guhit ng pagtataka ang mata.

"What really happened that night . . ." Humugot siya ng malalim na hininga. "That night when when we had the accident?"

Naaalala kasi niya, kapag nagtatanong siya ng tungkol doon sa kuya niya ay palagi nitong iniiba ang usapan. Palagi nitong dahilan ay, huwag niyang pilitin ang sarili na makaalala.

Namilog ang mata ng matanda at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Mas mabuti pang ang daddy mo na lang ang kausapin mo tungkol diyan, anak," sinabi nito at saka nagpaalam na para bumaba.

Sa kilos pa lamang nito ay tingin niyang may alam itong hindi niya nalalaman. Ramdam niyang may tinatago o pinagtatakpan ito sa kaniya, dahil kung wala ay bakit ayaw nitong sagutin ang tanong niya? Mukhang kailangan niyang kausapin ang kuya niya sa bagay na iyon.

Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng isang faded jeans, kulay itim na T-shirt at ang kulay puti niyang converse. Biyernes naman kaya't hindi nila kailangan magsuot ng uniporme. Inilugay niya ang hanggang balikat na buhok at saka isinuot ang salamin.

Nang makuntento siya sa kaniyang hitsura ay bumaba na siya. Matapos mag-agahan ay nagpahatid na siya sa paaralan.

Habang naglalakad sa corridor ay nadaanan niya sina Steffy na binu-bully ang isang babaeng taga-kabilang seksyon. Umikot ang mata niya nang masaksakihang wala ni isa sa mga estudyanteng nasa corridor ang tumulong o sumuway man lang kina Steffy.

Hindi ba dapat wala na lamang nambu-bully para wala nang nade-depress at nagpapakamatay? Bakit ba may mga kagaya nina Steffy na sa pananakit ng iba nagiging masaya? Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ni Kara. Hindi niya akalain na naging kaibigan niya ang mga ito. Napakatagal pala niyang nagpakatanga sa dahil sa ideya niyang 'huwag maging mag-isa.'

Huminga siya nang malalim. Hindi na niya maaaring ibalik ang nakaraan, ngunit may magagawa siya. Nilampasan niya ang mga ito at hinanap ang fire button. Nilingon muna niya ang corridor kung may makakakita sa gagawin niya at nang makita niyang walang nakatingin ay pinindot niya ito.

Nakabibinging ingay ang namayani sa paaralan. Dali-daling nagsilabasan ang mga estudyante sa school, kasama na roon sina Steffy. Impit siyang napatawa sa reaksyon ng mga ito.

Isa siya sa mga lumabas kahit na alam niyang wala naman talagang sunog para hindi mapagbintangan. Kaagad rin niyang natagpuan sina Vera at Riella kaya nilapitan niya ang mga ito.

"Good morning, guys!" bati niya.

Nginitian siya ni Vera at sinamaan naman ng tingin ni Riella.

"Ayan, kausapin mo si Riella, kanina pa iyan nagkwekwento sa akin," ani Vera habang panay ang tingin sa phone.

Naalala naman kaagad ni Kara ang nangyari sa rooftop. Ang biglaan nitong pag-alis habang nagpa-practice sila.

"Bakit bigla kang umalis kahapon?" tanong niya kahit may hula na siya sa dahilan nito.

Sa halip na sagutin ay inirapan siya nito at bumungisngis naman si Vera sa tabi nila at tila tinutukso si Riella. "Hoy, Riella. Bakit nga?" saka niya ito niyugyog sa balikat.

Muling tumawa si Vera habang nakatingin pa rin sa phone. "Nagtatampo 'yan sa 'yo, Kara. Nagselos daw siya sa inyo ng Kuya Idol niya kahapon."

Napangisi siya. Sinasabi na nga ba niya. "Si Javaid ba ang magiging dahilan ng pag-aaway natin?" may halong panunukso  ang kaniyang tanong.

Mas lalo namang lumukot ang mukha ni Riella at makaraan ang ilang sandali ay bumuntonghininga ito.

"Tsk! Fine. Hindi na ako magseselos. Kahit naman mahal ko si Kuya Idol, hindi ako ganoon kababaw," sambit nito saka umirap na ikinahalakhak nila ni Vera.

Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti na lamang at hindi iyon pinalaki ni Riella. Buong akala niya ay magagalit na ito sa kaniya at lalayo. Palihim siyang napangiti habang naglalakad sila papasok ng building, hindi niya akalaing magiging kaibigan niya ang dalawa. Laking pasasalamat niya dahil hindi na niya kailangang magpanggap at baguhin ang sarili para matanggap ng mga ito.

"Kara!"

Tumigil sila sa paglalakad nang may tumawag sa kaniya. Muling bumungisngis si Vera at napangisi naman siya nang makilala kung sino iyon. Hingal na hingal si Javaid na nilapitan sila. Nakasuot ito ng baseball cap at ng sunglasses.

"Oh, Javaid? Bakit para kang hinabol ng aso?"

Humugot ito ng malalim na hininga. "I just ran simula main gate hanggang dito. By the way, hihingi sana ako ng sorry, Kara."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman?"

"Sorry! We had this urgent event. We need to perform in Pampanga. I might not be able to perform your song."

Tumango siya at ngumiti. "Okay lang, Javaid. Hayaan mo na. Ingat sa byahe, ha."

"Sorry talaga, Kara, hindi ko talaga alam. Biglaan kasi 'yong event."

"'Wag mong kalilimutan iyong—" Hindi natapos ni Kara ang sasabihin niya nang biglang mapalapit si Javaid sa kani dahil sa pagkatulak ng isang fangirl nito.

Tila kalahating ruler na lamang ang layo ni Javaid sa kaniya. Ilang segundo siyang natulala at nabalik lamang sa reyalidad nang may marahas na humawak sa palapulsuhan niya at walang ingat siyang hinila palayo rito.

Kita niya ang pagkagulat sa mukha nina Riella at Vera habang papalayo sa mga ito. Pinilit niyang kumawala sa mahigpit na pagkakahawak nito ngunit bigo siya.

"Ano ba? Saan mo ba 'ko dadalhin?"

Tila wala namang naririnig si Janus habang hila-hila si Kara hanggang sa likod ng black building. Matalim niyang tiningnan ito.

"Ano bang problema mo?!"

Hindi niya ito sinagot dahil iyon din ang tanong niya sa sarili. Ano nga ba ang problema niya? Bigla na lang kasi siyang nakaramdam ng inis nang makita kung gaano sila kalapit sa isa't isa ni Javaid.

"Wala ka bang balak sumagot?" bakas sa boses nito ang iritasyon.

Tinalikuran niya ito at inis na ginulo ang buhok ngunit hinawakan siya nito sa braso upang iharap.

"Ano ba, Janus, nang-iinis ka ba!? Manghihila ka kung saang lupalop ng school saka mo tatalikuran. Ano ba, nangti-trip ka ba?"

Sinalubong niya ito ng malamig na tingin. "Layuan mo si Javaid."

She raised her brow. "Ay, wow! Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Damn it! He was caught off guard. Hindi niya alam ang isasagot. Ang alam lang niya ay naiinis siya kapag magkasama ang dalawa. Kumukulo ang dugo niya kapag may ibang lalaking lumalapit kay Kara.

"Fine! Ako ang kakanta ng sinulat mo, huwag mo lang siyang lapitan."

Nababaliw na ba siya? Gusto niyang bawiin ang sinabi niya. He should be cold. He shouldn't care! Pero pagdating kay Kara ay hindi niya magawa.

Lihim napangiti si Kara sa sinabi nito. Hindi na niya kailangang maghanap ng kakanta ng sinulat niya. Ito na ang lumalapit sa kaniya.

Nagtataka man, tumango na lamang siya at ngumiti nang malawak. "Wala nang bawian iyan, pumayag ka na!"

"Tsk."

Hindi niya alam kung guni-guni lang ba o nahagip ng mata niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito bago tumalikod. Natigilan siya at tinitigan lamang ito habang nagsimula na itong maglakad. Bahagya itong huminto ang nilingon siya.

"After class. Sa music room," sabi nito at saka ngumiti. Sa pagkakataong iyon, alam niyang hindi na siya namamalikmata.

Tila tumigil ang ingay sa paligid at tanging tibok ng puso lamang ni Kara ang naririnig niya. Walang pagsidlan ang galak na nararamdaman niya dahil sa simpleng pagngiti ni Janus.

Natapos ang klase nang lutang si Kara. Iyon na yata ang pinakamahaba at pinaka-boring na klaseng napasukan niya sa tanang buhay niya.

"Tara na umuwi," aya ni Vera.

"Mauna na kayo, iiwan ko lang sa locker itong mga books ko," paalam niya. Tumango naman ang dalawa at saka naunang maglakad.

Kakaunti na lamang ang tao sa corridor dahil pasado alas singko na. Masyado kasing napatagal ang pagdi-discuss ng teacher nila sa General Mathematics kaya't sila ang pinakahuling nag-awasan.

Mabilis na napalingon si Kara sa kaniyang likuran nang makaramdam na tila may nakatingin sa kaniya, ngunit paglingon niya ay wala namang tao roon. Binilisan niya ang paglalakad at tinungo ang locker room.

Halos kumawala ang puso niya sa kaba nang bukasan at makita ang laman noon. It's a box full of white roses with blood and a piece of paper.

'Leave Janus alone or I can pull some strings to make you stay away from him. Maybe by killing you, bitch!'

Her blood ran cold. Mabilis siyang napatingin sa likuran nang mabasa iyon. Siya lamang ang tao na naroon dahilan para manlambot ang mga tuhod niya. Mabilis niyang isinara ang locker at tumakbo. Marahil kinain na siya ng takot, iyon ang unang beses na nakatanggap siya ng ganoong mensahe. Hindi niya lubos maisip kung sino ang may malaking galit sa kaniya at may kagagawan noon.

Nanginginig ang kamay niya nang makapasok sa music room. Naroon si Janus at nag-i-strum ng gitara. Kumunot ang noo nito nang mapansin siya kaya't pinilit niyang ngumiti kahit pilit.

Lumapit ito at gumuhit ang pag-aalala sa mata nito. "Hey, may problema ba?"

Umiling siya, pero ramdam niya na malapit nang tumulo ang luha niya. Her knees weakened.

"W...w-ala. Start na tayo?" Bakas sa boses niya ang takot kaya't yumuko siya upang hindi nito mapansin ang pangingilid ng luha sa mata niya.

Mabilis na umangat ang mukha niya nang agawin ni Janus ang sulat na hindi niya napansing hawak pa niya.

His face darkened. "Where did you get this?"

"S...sa locker ko."

Nilukot nito ang papel na hawak saka hinapit ang baywang niya. Kinulong nito si Kara sa kaniyang mga bisig.

Her heart slammed and her feet stayed stuck in place. She can smell his unique, manly scent. Hindi niya ito magawang itulak dahil nakaramdam siya na ligtas siya kapag kasama ito.

"Fuck!" Muling bumilis ang tibok ng puso niya nang magsalita ito.

"If I find out who the hell made thisbullshit crap, I'll do something more than killing him. No one messes with mygirl and get away without a scratch."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro