WTSGD 17: Baked Feelings
CHAPTER 17 - Baked Feelings
BAGSAK ANG BALIKAT nina Riella at Kara nang pumasok sa sasakyan Kohen. They visited Vera's house because it's Saturday but she wasn't there. Ang sabi ng nanay nito ay wala na naman daw ito sa kanila.
Muntik na nga silang palayasin ng nanay ni Vera nang malaman na kabanda sila nito. She mentioned them being the reason why Vera often go home late. Dahil daw sa Empty kaya palagi itong wala.
"That confuses the hell out of me." Tulalang sinabi ni Kohen, marahil ay naguluhan din sa binibintang ng nanay ni Vera.
"What's happening? Samantalang ang aga-aga nila ni Bads umaalis kapag may practice," nag-aalala na rin si Riella.
Nakagat ni Kara ang ibabang labi niya at tumitig sa dalawa. She knew where they could possibly find her. Ang kaso lang, hindi siya sigurado kung sa kan'ya nga ba dapat manggaling iyon. It's Vera's life. Even if they were friends, only Vera has the right to tell the two her truth. Maaaring may dahilan kung bakit hindi nito sinabi sa kanila na nagpa-part-time ito.
"I'll call her. Calm down muna guys," si Kara na ang tumawag kay Vera ngunit un-attended ang cell phone nito.
Worriedness was evident in Kohen's eyes. Napasuntok ito sa manibela ng sasakyan niya nang hindi rin matawagan si Vera. Nawawalan na sila nang pag-asang makakausap nila ito ng matino nang araw na iyon. Pasado alas sais na na rin at hindi pa nila ito nako-contact.
Kohen's phone ringed. He answered it for a moment. Nakita ni Kara kung paano humigpit ang hawak ni Kohen sa manibela. "Na saan kayo?" Mukhang dahil sa inis ay hindi na pinatapos ni Kohen na magsalita ang kausap at pinatay na ang tawag nito.
"She's at Saturday Night."
"How did you know?" nagtatakang tanong ni Riella na nasa backseat.
"Kuya Smith called. He mentioned her being there. . ."
Sa pagkakaalam ni Kara, sa Saturday Night tumutugtog si Janus at nagpa-parttime. Kaya nga nang makita niya ito kahapon ay hindi na siya nagulat. A fragment of Kohen and Vera's argument replayed in Kara's mind. Vera mentioned a thing about earning money. Now it all made sense. Marahil iyon ang dahilan kung bakit sabay ang dalawa palagi kapag uuwi.
Palubog na ang araw nang makarating sila sa Saturday Night. Kohen parked on the pavement. Naunang bumaba si Kohen at sumunod naman sila. Thank God! They're eighteen kaya nakapasok kaagad sila sa loob.
Kahit alas-sais pa lang ay sobrang dami na ng tao sa loob. Hindi napigilan ni Kara na ngumiwi nang masinghot ang pinaghalong amoy ng alak at sigarilyo. Ang disco at warm lights sa counter ang nagsisilbing liwanag. May set up ng drums at mga amplifier sa stage kung saan may kumakanta.
Kohen roam his eyes around the bar. Huminto ang mga iyon nang makita nila si Vera sa malapit sa backstage. She was wearing a black fitted jean, a black tank top and a black Old Skool Vans. She looks like she was rehearsing dahil may hawak itong mic.
Lalapitan sana ito ni Kohen ngunit naunahan siya nang isang matandang lalaki. The guy looked like he was on mid fourties. Nakipagkamay ito kay Vera na tinanggap naman nito. Nang akmang kukunin na ni Vera ang kamay niya ay hindi ito kaagad binitawan ng lalaki, instead he pulled her closer and leaned to her neck.
Mabilis ang mga pangyayari dahil hindi na napansin ni Kara na nakalapit na si Kohen para sapakin ang matanda. The guy gave Kohen a deadly glare. Dahan-dahan nitong pinunasan ang dugo sa kanang labi niya kung saan tumama ang suntok ni Kohen. Kaagad silang tumakbo ni Riella para pigilan si Kohen na makipag-away. Nakahawak sila sa magkabilang braso nito samantalang nasa likuran naman nila si Vera na halatang gulat pa sa kung ano ang ginagawa nila roon.
"Tangina! Sino ka ba?! Gagong 'to basta-basta na lang nananapak!" masama pa rin ang tingin noong matanda kay Kohen pero hindi ito natinag at sinuklian rin iyon ng masamang tingin.
"Fuck you too! Don't you dare lay your hands on her!" May diin at awtoridad na sinabi ni Kohen.
Akmang sasapakin noong matanda si Kohen ngunit mabilis iyong nahawakan ng mga bouncer. "Get your hands of me! Hindi n'yo ba alam kung sino ako? I am the manager of this bar! I can fire you right now."
Kohen smirked and signaled the bouncer to take away the old hag. Nanlaki ang mata noong manager ng bar nang hindi siya binitawan ng bouncer. Bago pa tuluyang kaladkarin palabas ng mga bouncer iyong manager ay humakbang si Kohen at hinawakan ang panga nito.
"I think I should introduce myself too," bumaba ang tingin ni Kohen sa nametag noong lalaki, "Mr. Baltazar." His dark smile didn't leave his face. Iyon ata ang unang beses na nakita ni Kara na nakakatakot si Kohen. Para itong handa nang mangangain ng tao. "I'm Kohen Vrai Tan. The only son of Mrs. Dina Tan." Parang tinakasan ng kaluluwa ang mukha noong matandang lalaki nang magpakilala si Kohen. "And you're fired!" aniya saka sinenyasan iyong mga bouncer na dalhin na sa labas iyong matanda.
A long-paused rein on them. Wala ni isa ang umimik. Ni hindi magawa ni Kara at Riella na tumingin kay Vera. The atmosphere is heavy when Vera speaks.
"Anong ginagawa n'yo dito?" the coldness in her voice doubled the awkwardness.
Nilingon ito ni Kohen at halata rin ang iritasyon sa mukha nito. He looks pissed. At kaunti na lang ay mapuputol na rin ang kakaunting pisi ng pasensyang natitira dito.
"Umm, Vera. . ." Riella was nervous too. Titingin ito kay Vera ngunit mabilis ring iiwas.
"Nagpunta kami sa bahay n'yo. Your mother said you're not around. Someone called Kohen and said you're here." Si Kara na ang sumagot dahil masama pa rin ang tingin ni Kohen kay Vera. Para silang nag-uusap sa mga tingin pa lamang at sigurado si Kara na hindi iyon magandang pangitain.
"Bakit hindi mo sinabi?" si Kohen naman ngayon ang nagtanong. "Bakit ka nagpa-part-time dito?"
Vera faced Kohen without any hint of fear. She even chuckled but a sarcastic one. "As if you'll understand. . ."
"Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin para hindi ka maintindihan?" may halong hinanakit na sinabi ni Kohen.
"Hindi mo naman kasi talaga maiintindihan dahil mayaman ka," matabang nitong sinabi saka akmang tatalikuran sila nang hilain ni Kohen ang braso nito.
"Then let me understood! Why is it so hard for you to trust me?" bahagyang tumaas na ang boses ni Kohen.
Nagkatinginan si Kara at Riella at hindi alam kung aawatin ba o hahayaan ang dalawa.
"Tangina kasi ka nga mayaman ka! Kayang suportahan ng magulang mo lahat ng luho mo! Hindi ka panganay na kagaya ko na kailangang magsakripisyo para sa apat kong kapatid. Hindi pinipigilan ng magulang mo na gawin 'yong gusto mo dahil mayaman kayo. Oo tumutugtog ako para sa pera. Para may maibigay akong pang-baon sa kapatid ko. Para may baon ako sa school kasi mahirap lang kami. Tumutugtog ako para sa pera dahil kailangan namin pero hindi ibig sabihin noon hindi ko mahal ang pagtugtog. Hindi porque pera ang dahilan kung bakit ako tumutugtog ay wala na akong pakialam sa prinsipyo ng banda." Vera wiped the tears that runs down on her cheeks.
"I'm sorry—" Kohen apologized but Vera cut him off.
"Now you want me to trust you? Sa lahat ng tao, ikaw yung akala ko pinaka makakaintindi sa 'kin kasi kilala mo ako. You know me but you chose to judge me, Kohen! Just because I want to accept that gig because of money. . . You fucking judged me without even knowing my side!" Vera said and run towards the backstage na mabilis namang sinundan ni Kohen.
Naiwan silang dalawa ni Riella sa gilid ng stage na tulala. Wala silang nagawa kun'di ang titigan ang pinto na pinasukan ng dalawa.
"What should we do?"
Nilingon ni Kara si Riella at hindi rin niya alam ang isasagot. She didn't want to butt in because it's their problem. Ngunit kinakabahan din siya na baka magkasakitan ang dalawa.
Tinapik niya ang balikat nito. "Let's follow them?" she almost screamed on Riella's ear. Nagsimula na rin kasing tumugtog ang isang banda sa stage. Halos hindi na sila magkarinigang dalawa.
Tumango si Riella na tila naintindihan ang nais niyang iparating. Papasok na sila sa makitid na pinto ng backstage nang may humigit sa braso ni Kara.
"Anong ginagawa n'yo dito?" Janus' cold voice stilled Kara.
Madilim ang tingin na pinukol nito sa kaniya. Inilipat nito ang tingin kay Riella nang hindi kumibo si Kara.
"A-ano... Bads... sinamahan lang namin si Kohen," nauutal nitong sinabi, hindi makatingin kay Janus.
Muling binalik ni Janus ang tingin sa kan'ya. Nanunuri at tila minamata siya ng mga titig na iyon. Hindi nagpatinag si Kara at sinalubong at pinantayan din nito ang intensidad ng kayang tingin.
"You told them?" masungit nitong tanong.
"What?" she's confused.
"Sinabi mo sa kanila na dito nagtatrabaho si Vera?" mapanghusgang tinaasan siya nito ng kilay.
Handa na si Kara na ipagtanggol ang sarili sa paratang ni Janus nang marinig nila ang pag-aaway ng dalawa sa loob ng backstage dahil sa natapos na ang unang kanta ng banda sa stage. Hindi iyon sobrang lakas ngunit sapat lamang para marinig nila.
"What have you done, Kara?!" Inis na sinabi ni Janus.
Naramdaman ni Kara ang inis nang bitawan nito ang braso niya at nilampasan sila para kumatok sa pinto ng backstage. Bakit parang kasalanan niya na nag-away 'yung dalawa samantalang tumutulong lang naman siyang magkabati sila?
The door was locked that made her earn another shot of Janus cold gaze.
"Stop looking at me as if I was the one who's only at fault here! I just want to help them fix the mess that's why we're here," she glared at him too.
"Stop fixing everyone, Kara! Some of them doesn't want to be fixed! Ano bang alam mo sa pinagdadaanan ni Vera?" he fired back, frustratingly knocking at the door. "Why do you think Vera hide it from Kohen? From you two?"
Pareho sila ni Riella na hindi umimik.
"Because she thinks that she'll be a burden."
Nanatiling tahimik si Kara. Walang lumabas na kahit anong salita sa labi niya at tila nawalan siya ng kapasidad na ipagtanggol ang sarili. She's been with Empty for like a month now, pero ano nga bang alam niya?
"Do you think it's easy? To tell people that you're suffering?"
"No. I'm sorry. We just wanted to help. Gusto ko lang namang tulungan silang magkabati."
"Well. . . did you fix them? Because you guys came here, mas lalo lamang gumulo."
Napayuko si Kara dahil sa bigat ng dibdib niya. "I'm sorry, okay. Akala kasi namin. . ."
"That's it! Puro ka akala! Akala mo nakakatulong ka pero mas pinapabigat mo lang 'yung sitwasyon!" Janus raised his voice. "Puwede ba, Kara, huwag mong sirain 'yong bandang pilit kong binubuo," he said and finally opened the door.
Kara tried her best not to burst. His words left her stunned. She controlled her breathing as overflowing thoughts came to her. Is she still not belonged to their circle? Will she be alone again? Is she too much for them? Akala niya ay nawala na ang takot niyang maging mag-isa pero tila unti-unti iyong bumalik sa kan'ya.
Riella closed their distance, she hold her hand and squeeze it. "Sorry, Kara. Nadamay ka pa." She looked at her with apologetic eyes.
Kara just bit the lower part of her lips and gave Riella a smile. "It's okay." Hindi niya alam kung para kay Riella nga ba iyon o para sa sarili niya.
When they entered the room, Vera and Kohen melted the heaviness in Kara's heart. Kohen was wiping Vera's tears while she's crying on his chest.
They are fine now. Nagkatinginan si Kara at Riella, at parehong nakahinga ng maluwag. Wala talagang hindi nalulutas ng matinong pag-uusap, nasa isip ni Kara.
She took a glance at Janus' back. Ito ang naunang lumapit sa dalawa. "Are you good now?" he asked.
Kumalas si Vera sa pagkakayakap kay Kohen at tumayo ng matuwid. She nodded at Janus, and then faced them.
Lumapit si Riella kay Vera at yumakap dito. Kara wants to walk near her and give her a hug but a certain thought replayed in her mind.
She remembered Steffy and Haidee. All of the things that they did to outcast her. The feeling that she felt when they constantly remind her that she does not belong to their circle. She's afraid to felt that again, not with Vera, not with Riella, certainly not with Empty.
Naiwan si Kara sa tabi ng pintuan. Nakatalikod sa kaniya si Janus habang pinapanuod din ang tatlo. May isang metro ang layo nito ngunit mas higit pa roon ang nararamdaman niya.
Lumipat ang tingin ni Kara kina Kohen at Riella. They are laughing and teasing each other. Kara is beyond thankful that they are alright now. The idea of her being the reason why Empty would fall apart doesn't sit well with her.
Para siyang natauhan. Gusto na lang niyang umuwi. Nagpanggap si Kara na nag-text na sa kaniya si Oddity para gawing palusot.
"Guys!" putol niya sa tuksuhan ng tatlo. "I'll go ahead. Hinahanap na ko ni kuya Ei."
"Maaga pa, ah? Are you alright?" Bakas sa mukha ni Riella na nag-aalala ito sa kan'ya kaya binigyan niya ito ng matamis na ngiti.
"Umuwi raw si Dad." Hindi niya alam kung kumabot man ang ngiting iyon sa kaniyang mata ngunit sapat na iyon para magbigay ng kasiguraduhan dito na okay lamang siya.
Vera nodded and walk towards her to give her a hug. "Let's catch up on Monday. I missed you."
"I miss you too, Vera."
Dumukot naman sa Kohen ng susi sa kaniyang bulsa saka naglakad din palapit sa kaniya. "Hatid na muna kita, Kara."
"No. Okay lang. Nagpasundo na 'ko kay Mang Bart," she smiled at Kohen and shook her head.
Pumihit si Janus paharap sa kaniya at nagkasalubong ang mga mata nila. Ang kanina nitong malamig na mata ay napalitan ng kalmado. Hindi na ni Kara hinayaan ang sarili niyang mahulog pa sa lalim noon. She looked away and once again smiled at the three and waved.
"Hatid na kita sa labas." Nangatog ang binti ni Kara nang marinig ang boses ni Janus sa likod niya.
Pumikit muna siya ng mariin at kinagat ang labi niya. "Kaya kong lumabas ng mag-isa." Pirmi niyang sinabi saka tuluyang naglakad palabas ng backstage.
Kahit naglalakad si Kara palabas ng Saturday Night ay ramdam niyang may nakasunod at nakamasid sa kaniya. Hindi niya ito pinaunlakan ng kahit isang tingin. Tuloy-tuloy lamang siyang naglakad palaba. She knows it's him.
Ano ba ang nais nitong iparating sa mga kinikilos nito? Kanina lamang ay halos ipamukha nito sa kaniya na kasalanan niya ang lahat. Na siya ang dahilan kung bakit mag-away sina Kohen at Vera. What does he need from her now?
Nang tuluyan na siyang makalabas ng Saturday Night ay mabilis siyang pumara ng taxi ngunit hindi sangayon sa kaniya ang tadhana dahil wala ni isa ang huminto sa harapan niya.
Kakaunti na lamang ang tao sa labas ng bar at bilang lamang iyon ng kaniyang kamay. Nanghihina ang mga tuhod niyang tumayo nang maramdaman niya ang paghakbang ng lalaki sa likuran niya.
Kara's heart skipped a beat when Janus pulled her to face him.
"Ihahatid na kita." May diin nitong sinabi.
Inirapan niya ito. "Bakit ba? Hindi mo ako kailangan ihatid. Kaya ko ang sarili ko."
Umigting ang panga nito at napabuga ng marahas na hininga. "Stop being so stubborn. Delikado na sa daan!"
"I'm not stubborn! Napaka-confusing mo!"
"You are! Now shut up and let me take you home!"
Inalis ni Kara ang pagkakahawak ni Janus sa braso niya. "Bakit ba ang kulit mo? Why do you have to take me home? Why the hell do you care?"
Sandali itong natahimik habang nakatitig sa kanya ng matagal. Kalaunan ay umiwas ito ng tingin. "Because you're Oddity's sister! Ano pa bang dahilan?" he said looking a far.
Umiling si Kara at nag-iwas ng tingin dito. Hindi niya alam kung bakit nasaktan siya sa isinagot nito gano'ng iyon naman talaga ang katotohanan. Kapatid naman talaga siya ni Oddity kaya malamang ay concern ito sa kaniya.
Kara bitterly smiled as she remembered all that they did. Akala niya ay tuluyan nang nawala sa bokabularyo nito na kapatid siya ni Oddity ngunit hanggang ngayon pala ay iyon pa rin ang nagdudugtong sa kanila. Hindi siya isang kaibigan o kung sino man sa paningin nito kun'di natatanging kapatid ng kuya Ei niya.
"Hindi mo 'ko kailangang ihatid." Kalmado na ang boses niya ngunit wala iyong kahit na anong emosyon.
Napalingon si Janus sa kaniya at tila binabasa ang kabuoan ng mukha niya. Matagal itong napatitig sa kaniya. As if those words stunned him for no reason. Kara's face remained stoic as she faced Janus.
"Do me a favor since you didn't sing my composition."
Tinaasan siya ni Janus ng kilay bago sinagot. "Ano?"
"Stop acting like you care." Pinanatili ni Kara ang blanko niyang ekspresyon. "'Di mo 'ko kailangang ihatid dahil lang kapatid ako ni kuya Ei. You don't need to pretend that you cared. I don't need baked feelings."
Kara stunned him with her words. Gumuhit ang pagkagulat sa mata ni Janus na mas lalong nagpahirap kay Kara na huminga ngunit hindi siya nagpatalo. Janus looked at Kara like he was so confused. Sinamantala ni Kara ang pagkakataong iyon para malagpasan si Janus.
Her heart throbbed. Hindi niya maintindihan kung bakit bawat paghakbang niya palayo dito ay nagiging mabigat. Laking pasasalamat niya nang pumara siya ng taxi ay may huminto sa harapan niya. Pumasok kaagad siya doon at hindi na nilingon pa si Janus.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro