Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WTSGD 16: An Old Friend

CHAPTER 16 - An Old Friend

"PASS DAW SI Kohen at Janus. Si kuya Oddity magco-cover daw ng event."

Hinarap ni Kara si Riella na kakapasok lamang sa classroom nila at sinamaan ng tingin.

"Bakit pati si Janus inaya mo?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Kabilin-bilinan ko si Kuya at Kohen lang," she scoffed.

Inutusan niya itong ayain ang kuya niya at sina Kohen na kumain ng lunch. Ilang araw na rin kasi simula nang magsimulang hindi magpansinan ang dalawa. Nais nila ni Riella na pagbatiin ito ngunit palagi namang umiiwas si Kohen.

Naupo si Riella sa bakanteng upuan sa tabi niya. May kalayuan ang inuupuan ni Vera kaya't hindi nito rinig ang pinaguusapan nilang dalawa. Nakasuot ito ng earphone at nakatungo sa desk niya habang nakapikit. Wala rin itong kaalam-alam sa plano ni Riella na pagbatiin ang dalawa.

Hinihingal pa ito nang harapin siya. Nag-abot ito ng bananacue saka sago't gulaman na tinanggap niya.

"Ang damot mo, Kara! Duh! Syempre di naman sasama si Kohen kapag wala si Janus."

Umirap siya. Padabog na sinandal ang likod sa upuan. She sipped on her juice and rolled her eyes. Thinking about the deal that Janus ditched. "Kahit pa. Ang kapal niya! Kagigil!"

Riella chuckled. "Wala ka pa rin bang singer?"

Binaba niya ang hawak na juice saka napabuntong hininga. "Malapit na yung deadline pero wala pa rin. Kung sana kasi marunong lang tumupad sa usapan yung kumag na 'yon, hindi sana ako nahihirapan ng ganito."

"Si kuya Oddity, ayaw mo?"

"He's bass, Riella. Sobrang baba ng boses niya kumpara sa composition ko. I know I can adjust pero iba pa rin kasi kapag si Janus 'yong kakanta. I composed the piece considering his voice pitch. Siya ang pinakabagay na kumanta noon. I even changed the song because of his circumstances with his dad."

Nakanguso niyang kinagatan ang bananacue. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang Song Writing Competition at ang nalalapit nitong deadline. Kung sana lang makakausap niya ng maayos si Janus. But nah. He's also ignoring her presence.

"Anong plano mo?" Riella asked, sipping on her sago't gulaman too.

"Hindi ko rin alam. Baka makahanap din naman ako ng kakanta. Sana nga lang ay umabot sa deadline. Mahirap mag-ayos ng areglo. Si Kohen sana ang second choice ko pero sa estado nilang dalawa ni Vera," dumako ang tingin niya kay Vera na natutulog pa rin, "mukhang malabo," dagdag niya.

Tumango si Riella bilang pagsangayon. Nilingon rin nito si Vera. Sobrang ingay ng classroom nila dahil walang prof ngunit parang wala lamang iyon kay Vera. Her eyes was firmly closed.

If you'll look at her, it seems like she doesn't have any problem at all. But they knew Vera. She's the kind of person who smiles to hide her pain. Kahit sa kaunting panahon lang na nakasama niya ito, si Vera ang tipo na mas gugustuhin sarilihin ang problema kaysa ang maglabas ng saloobin sa kanila.

"Sana magkaayos na sila," she whispered, in between her thoughts.

Riella nodded. "Hindi man ipahalata ni Vera, I know she was affected by the defeat after the battle of the bands. Pinaglaban kasi niya iyon sa mama niya. Hindi man siya nagkukwento sa akin, kuntento naman akong nag-oopen up siya kay Kohen. Pero ngayong magkaaway sila, I want to comfort her pero hindi ko alam kung paano. Even though we're bandmates and always together may mga times na sobrang layo niya sa akin. I don't blame her though. Maybe it was her way of defending herself. A defence mechanism. He's been with Kohen simula elementary kaya alam kong doon siya komportable. I just want them to be okay again. Vera needs Kohen right now."

Tumagal ang tingin ni Kara kay Riella. She saw her smile sadly as she looked at Vera. Hindi alam ni Kara kung ano ang mararamdaman niya tungkol dito. She didn't knew what Riella's feeling when Vera's distancing herself. Akala ni Kara ay siya lamang ang nakakapansin noon.

Napatingin na rin siya kay Vera. The only thing that they can do is to be with her. Hindi man ito mag-share sa kanila ng problema, ang mahalaga ay hindi nila maiparamdam dito na mag-isa siya. Kara just hope that God gave Vera's strength to win her own battles.

Maagang natapos ang huling klase nila sa Discrete Mathematics. Nilapitan ni Kara at Riella si Vera na kasalukuyang nag-aayos na ng gamit. She stood up and took her bag. Handa nang umalis ngunit pinigilan nila. Inakbayan ni Riella si Vera.

"Tara tambay sa music room," Kara said while fixing the straps of her pink backpack.

Inalis ni Vera ang pagkakaakbay sa kan'ya ni Riella saka naunang naglakad palabas ng classroom. Nakasunod lamang sila dito. Kakaunti na lamang ang tao sa corridor. Ang ilang nalalampasan nila ay naglilinis na lamang ng classroom.

"Ano. . . Baka hindi ako makipag-practice," Vera said. Halata sa boses nitong nais lamang niyang umiwas kay Kohen.

"Treat na ni kuya Ods. Did you forget?" Riella mentioned.

Every Thursday kasi ay may kaugalian ang Empty na manlilibre ang isa sa kanila sa Hot Chicken and Cold Beer. Today was her brother's turn.

"P'wede bang hindi sumama?"

Mabilis na nagtagpo ang mata ni Kara at Riella. Tila pareho ang nasa kanilang isipan. Vera doesn't want to see Kohen as well. Kara took a glance at Vera again. Ayaw naman niyang pilitin ito kaya tumango na lang siya. Riella tap Vera's back also.

"If gusto mo ng mapagsha-share-an, we're always here," she said and gave an assuring smile.

Lumipas ang ilang pang araw na hindi nagpapansinan sina Kohen at Vera. Dahil doon ay minsan na lang rin silang magpunta sa music room. Kara and Riella also noticed how sleepy Vera is at their class. Noong una ay akala nila normal lang na ayaw nitong makipag-interact sa ibang tao kaya nagpapanggap na tulog. Ngunit nang mga nagdaang araw ay palagi na itong napapagalitan ng mga prof nila dahil sa pagtulog sa klase. Kagaya ngayon.

"Ms. Silverio!" Ikatlong tawag ni Mr. Bautista kay Vera. Kahit si Kara ay napapikit sa lakas noon.

Vera's in trouble.

Nakatingin silang lahat ng mga kaklse nila kay Vera na pumupungas pa ang mata nang magising at matauhan. Mabilis itong umayos ng upo saka humingi ng paumanhin kay Mr. Bautista.

She bit her lips. "Sir, sorry. Hindi na po mauulit,"

Umiling-iling si Mr. Bautista at tinaasan lang siya ng kilay. "Make sure this won't happen again. And meet me after class, Ms. Silverio."

Tumango na lamang si Vera bilang tugon. Sinalubong nito ang tingin ni Kara at binigyan siya ng isang mapanlinlang na tingin. Na kung hindi niya kilala ito ay baka isipin niyang okay nga lang ito. But Kara knew that she's not. Ipinokus ni Vera ang paningin sa harap para makinig ng discussion. Awtomatiko namang nagtama ang mata ni Riella at Kara matapos noon. They're both worried about Vera. They knew she's not in her usual self.

"I'll go ahead. Kakausapin ko pa si Mr. Bautista." Vera said. She did not give them a time to talk to her and hurriedly stormed out of the room.

Alam ni Kara na nagmamadali itong umalis dahil sa kanila. Maybe Vera knew that they will bombard her with questions. Hindi lang kasi iyon ang unang beses na napagalitan ito sa parehong dahilan.

Habang inaayos ni Kara ang mga notebooks sa bag niya ay nilapitan na siya ni Riella. Magkasalubong ang kilay at nakanguso ang labing lumapit ito sa kaniya.

"Vera's acting weird simula nung nag-away sila ni Kohen," salubong nito sa kaniya.

Kara nodded. "I know. She's been too aloof. Kahit ang sumabay sa atin kapag lunch ay hindi na niya ginagawa."

"It's been almost a week now. . ."

Nang matapos si Kara na mag-ayos ng gamit ay tumayo na rin siya at nagsimulang maglakad na sinabayan naman ni Riella.

"What should we do now? Pati tayo ay iniiwasan na niya," Kara asked.

Nagkibit ng balikat si Riella. Mukhang malungkot pa rin dahil sa nangyayari. "Give her space, I guess?"

"Is giving her space enough?"

Humugot siya ng malalim na hininga saka nagpatuloy sa paglalakad. Nasa part na sila ng hagdan nang mapansin ang isang pamilyar na bulto ng lalaki.

He was leaning on the wall while busy typing on his phone. Bukas ang dalawang butones ng uniporme nito at kita ang suot niyang T-shirt na itim. His hair was messy. Nakakunot ang noo at hinihingal pa ngunit pansin pa rin ang kakisigan nito. May ilang mga estudyandeng sumusulyap, ngunit parang wala lamang iyon sa kaniya.

"Kohen?!" Riella called.

Umangat ang tingin ni Kohen sa kanila. Nang tuluyan na silang nakababa sa hagdan ay naglakad na rin ito para salibungin sila.

"Hey!" bati nito. Kumunot ang noo nito at sumilip pa sa likuran. "Si Vera?!"

Nagkatinginan silang dalawa ni Riella. Tila binabasa ang nasa isip ng isa't-isa.

"Pinatawag siya ni Mr. Bautista sa faculty." Kara answered.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha nito. "What happened?" Halata ang pag-aalala sa boses ni Kohen.

"Ilang beses na kasi siyang nahuling natutulog sa klase. Siguro bumingo na siya kaya ayun, pinatawag na siya sa faculty para kausapin." Si Riella na ang nagkwento habang naglalakad silang tatlo palabas ng school. "Hindi pa rin ba kayo mag-aayos, bads? Simula noong nag-away kayo parang pati kami naging kaaway niya. Hindi na siya madalas namamansin at sumasabay sa aming kumain. Napapadalas rin ang pagiging puyat niya. I think she's having trouble with her parents again," dagdag pa ni Riella.

Bumalatay sa mukha ni Kohen ang labis na pagkakonsensya. Kahit hindi ito umimik ay basang-basa iyon sa mukha niya.

"I'm just giving her time to think. . ." malungkot nitong sinabi. "Gusto ko lang naman kasing tumulong kaya ko tinanggihan yung gig. And I knew I was right. Last Saturday, ni-raid yung event at marami ang nahulian ng party drugs. Kung tinanggap natin yung offer baka pati Empty nadamay doon."

"I think you should talk to each other na para hindi na mas lumala pa." Riella suggested.

Tumango si Kara. "As you can see, mukha namang alam na ni Vera yun. But that wasn't her only problem, Kohen. She's not in her usual self. Ayaw rin niyang mag-share sa amin. You know you're her best friend kaya mas okay kung mag-uusap kayo para maayos na yan. She has too much on her plate."

Bumuntong hininga si Kohen. "That's why I'm here. . ." he licked his lower lip, "I want to talk to her to fix things."

Tumango sila ni Riella. Good thing at hindi ganoon kataas ang pride ni Kohen. Tahimik silang naglakad palabas ng school nang maabutan si Vera na naglalakad rin patunong gate 3. Hindi sila napansin nito dahil nakatuon ang atensyon nito sa cell phone habang nagtitipa. Vera stopped when she reached the waiting shed. May sampung metro pa ang layo nila rito.

"Go on, Kohen. Kausapin mo na." Kara urged him.

Tumango si Kohen at akmang maglalakad na palapit kay Vera nang may huminto at pumaradang motorsiklo sa harapan nito. Kara raised her brows when Janus lend Vera his spare helmet. Hindi umimik si Vera at tinanggap lamang iyon saka tahimik na umangkas sa motorsiklo ni Janus. Janus starts revving his motorcycle and drove off.

"That's Janus, right?! Hindi ako namamalikmata?" bulong ni Riella.

Hindi alam ni Kara pero sandaling sumikip ang kaniyang paghinga. Mas lalong siyang nainis nang makita ito. Nilingon niya si Kohen na tila nanigas sa nakita. Bakas sa mukha nito ang sakit at pagtataka. Ganoon din naman silang dalawa ni Riella. Naguguluhan rin ngunit ayaw niyang magbigay ng malisya o ibang kahulugan sa nakita.

Kita ni Kara ang malalim na paghinga ni Kohen kahit nakatalikod ito sa kanila. "Bukas na lang. . ." Bakas ang lungkot sa boses ni Kohen. "Maybe she's busy. Mauna na 'ko, guys," he said, and starts to walk towards the car park.

Hindi lingid sa kaalaman ni Kara na may tinatagong pagtingin si Kohen kay Vera. It was so obvious! Lalo na noong hindi pa nag-aaway ang dalawa. Siguro ay hindi rin naging madali para rito ang hindi nila pag-uusap ng mahigit isang linggo. Kung sana may magagawa lamang siya para sa dalawa.

Naiwan silang dalawa ni Riella na nagtataka pa rin sa nangyari. Bakit nga ba magkasama si Vera at Janus? As far as they know, hindi sila ganoon ka-close. What happened?

Marami pang araw ang lumipas at mas napapadalas na magkasama si Janus at Vera. Pagkatapos ng practice ng Empty, sabay ang dalawa palabas ng school. Even Kohen didn't had a chance to talk to Vera because of that.

"Bakit 'di mo kausapin si Janus? Ask him," lintanya ni Riella nang makalabas sa music room sina Vera at Janus.

Nakaupo silang dalawa ni Kohen sa sofa. Kohen was cleaning his guitar while Kara is writing on her music sheet. Samantalang si Riella naman ay nakaupo sa table ni Sir Jannick habang nakabukas ang laptop at nagtitipa. She's doing a research for their AP class. And Oddity was busy covering an event at the gym.

Silang tatlo lang ang naiwan sa music room matapos ang madugong pag-eensayo nila. When Kara said 'madugo' it was really horrible. Hindi sila magkakapareho ng timpla ng musika. May naiiba ng tunog, may nauuna, at may nahuhuli. Janus doesn't look like he's on the mood also. Siguro kung nandoon si Oddity at Sir Jannick ay napagalitan na sila sa pangit ng rehearsal na iyon.

The loss of communication between the three add fuel to the fire. Maging si Janus at Kohen ay hindi na rin nagpapansinan. Naikwento pa nga ni Kohen na kahit sa classroom nila ay malimit lamang siyang kausapin ni Janus.

And that proves how communication is essential to a relationship.

"Why it has to be me? Isa pa, wala naman akong sama nang loob sa kan'ya. Siya itong ayaw akong pansinin. Parang tanga lang," bulong ni Kohen ngunit hindi sila kumbinsido.

"Kakausapin mo lang naman, Kohen," gatong ni Kara. "Wala naman sigurong masama kung ikaw ang mag-iinitiate hindi ba?"

Kohen rolled his eyes. "Coming from you, guys?" he rebutted.

"Iba naman 'yong kay Vera." Lumungkot ang mukha ni Riella.

"What's the difference? Hindi n'yo rin naman siya kinakausap dahil binibigyan n'yo siya ng space 'di ba? That's what I'm doing with Janus. I'm giving him space."

"I don't think it's a good idea," ani Kara, saka pinunit ang isang page ng music sheet niya. Wala rin kasing pumapasok na idea sa isipan niya. "Habang tumatagal, nagiging malayo kayo sa isa't-isa. Did you know how much I endured listening to your practice recently? Sobrang sabog n'yo. Legit!"

"Grabe naman sa sabog, Kara." Riella chuckled.

"I'm serious, Riella. Kung narinig mo lang talaga. You guys are not synced because of the lack of communication kaya maski yang practice n'yo naaapektuhan.

"What should we do now?" Kohen asked, frustrated.

Natigil sa pagtitipa ng keyboard si Riella. Bakas sa mukha nito ang lungkot. Simula nang matapos ang battle of the band, hindi pa ata sila nakakapag-jam ng maayos. The defeat of Empty mirrored their chaos right now.

Empty is a total mess.

"Let's talk to Vera, I guess?" Kara suggested.

Tumango ang dalawa bilang tugon. Sana nga lang ay makausap na nila ito ng maayos.

Matapos ni Kara na ayusin ang laman ng music book niya ay nagpaalam na siya sa dalawa na mauuna na. She was planning to buy a new stationery and music book on the nearest bookstore.

She took a bus and arrived safely on the mall. Dumiretso na kaagad siya sa bookstore at hinanap ang nais na bilhin. Ilang sandali pa siyang nagtagal sa shelves ng young fictions dahil nais sana niyang bumili, ngunit kalaunan ay wala din siyang napili kaya dumiretso na siya sa counter.

After buying the things she needs, she walked out of the mall. Hindi niya alam kung malas lang ba talaga siya dahil paglabas niya ay saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Wala siyang nagawa kundi ang magpatila sa labas ng mall dahil wala rin siyang dalang payong. Sinuot niya ang earphone saka ishinuffle ang paborito niyang playlist. Listening to music while watching the raindrops made her smile a little. It's been a while since she last experiences the rain. Kung wala lang siyang biniling stationary ay baka pinili na niyang magpakabasa.

"Kara?"

Hinanap ni Kara ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa kaniya at sinalubong siya ng nakangiting si Javaid. Naka-baseball cup ito at nakasuot ng specs upang hindi siguro makilala at pagkaguluhan ng iba.

Inalis niya ang kapares ng earphone. "Uy!" she greeted. Hindi na niya binanggit ang pangalan nito dahil baka may makarinig. "Nagpapatila ka rin ng ulan?" she asked.

Umiling si Javaid at pinakita sa kaniya ang hawak na payong. "Nagpa-carwash ako d'yan sa tapat." Tinuro nito ang carwash station na nasa katapat nga lang ng mall. "May binili lang ako sa Oasis kaso umulan kaya bumili na rin ako ng payong. May hinihintay ka ba?"

Kara shook her head. "Inabutan ng ulan, eh."

"Sabay ka na sa 'kin, gusto mo? Drop na lang kita sa village n'yo. Doon din naman ang way ko."

Napaisip si Kara sa offer ni Javaid. Muli siyang tumingin sa kalangitan at mukhang wala iyong balak tumigil sa mga susunod pang oras. She also looked at her wrist watch. Magse-seven na ng gabi kaya kailangan na rin niyang makauwi.

"Sure ka okay lang?" she asked first.

Javaid chuckled. "Mag-o-offer ba 'ko kung hindi? Tara hatid na kita."

Binuksan nito ang hawak na payong saka siya pinasukob. Nilipat ni Kara ang bag niya sa harapan para hindi iyon mabasa. Nang makarating sila sa car wash station ay tapos na ang sasakyan ni Javaid. She went in and sat on the passenger seat.

"Nagiging driver na kita, Javaid." biro niya.

Nilingon siya nito saka ngumisi. "P'wede bang mag-apply? I'm willing," he said.

Kara just chuckled. Kahit papaano ay nakakasabay siya sa mga biro nito. The ride was smooth. Marami silang napag-usapan tungkol sa school, sa interest ng isa't-isa at maging sa taste of music. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Kara nang huminto sila sa tapat ng isang club.

Saturday Night.

"Wait lang, Kara. Ida-drop ko lang ito sa kabanda ko. Dito kasi sila tutugtog tonight," ani Javaid saka kinuha ang isang gitara sa backseat. "Do you wanna come inside?"

Sandali si Kara na nag-isip ngunit mabilis rin siyang pumayag. Aminado siyang hindi siya pala-club na tao pero hindi naman iyon ang unang beses na makakapasok siya doon.

Naunang naglakad si Javaid at sumunod naman siya. Marami ang tao sa loob. Crowded na at halo-halong amoy ng sigarilyo at alak ang sumalubong kay Kara. Nagulat si Kara nang lingunin siya ni Javaid saka hinawakan sa palapulsuhan. Sandali siyang natigilan pero napangiti rin kaagad. Javaid is such a sweet guy.

Inalalayan siya ni Javaid papasok at ilang sandali lamang ay huminto sila sa malapit sa backstage. A guy with a curly hair waved at them. Nang makalapit sila dito ay nakipag-fist bump si Javaid. The guy was wearing a black Nirvana shirt a black pants and sneakers. He has a fair complexion, pointed nose and a captivating brown eye. The guy looked at her and winked. Mabilis na kinuha ni Javaid ang atensyon noon saka inirapan.

"Back-off, Manzano!" he warned and gaved him the guitar.

The guy faced him. "Akala ko hindi ka na sisipot, Rossier," he chuckled. "Kung sinabi lang kasi nang maaga ni Kuya Niall e 'di sana nadala ko 'yung gitara ko. 'Di ko na sana naabala 'yung date mo."

"Gago! Nasa carwash station ako no'ng tumawag ka!" angal ni Javaid. He then looked at Kara and mouthed sorry. "By the way, Kara, this is Stephen," tinuro nito ang lalaki at pinanlakihan ng mata. "Stephen, this is Kara. She's our schoolmate and my new acquiantance. We just bump into each other at the mall and I volunteered to drove her home." Paliwanag ni Javaid.

Tumango si Stephen saka tiningnan ang gitara. "S'ya nga pala, Riel. Did you see him? You didn't mention. . . dito pala s'ya tumutugtog," anito habang sinusubukang itono ang gitara.

"Fuck!" Javaid cursed. Nakita ni Kara ang pagkagulat sa mata nito. "He's singing here?"

"Oo. Nakita ko kanina. May kasama siyang babae. Kabanda ata n'ya. You didn't know?"

Javaid shook his head. Nilingon siya nito saka ibinalik ang tingin kay Stephen na nagulat rin sa reaksyon nito.

Who's here?

Gusto rin sanang itanong ni Kara ngunit ayaw naman niyang sumingit sa usapan ng dalawa. Sa halip na makinig ay iginala na lamang niya ang mata sa kabuoan ng bar. It was big and cosy. May mga tables sa kanang parte at ang bar area naman sa kaliwa. Sa bandang dulo ang hagdan paakyat sa second floor kung saan mas maganda ang interior. Habang tinitingnan ang kabuoan ng bar, may nagahip ang mata niyang pamilyar na bulto ng babae.

Her brows knitted and she narrowed her chinky eyes to take a look closer. "Vera?" she whispered to herself.

Sinundan pa niya ito ng tingin at sigurado siyang hindi siya nagkakamali. May hawak itong cajon beatbox at diretso itong naglakad papasok sa kanang pinto ng backstage. Isang tanong ang namuo sa utak ni Kara ngunit hindi niya alam kung tama ang hinala niya. Tingin niya ay dito ito nagpa-part time.

Nawala kay Vera ang iniisip niya nang harapin siya ni Javaid. "Let's go?"

Muli siyang sumulyap sa backstage, nagbabaka-sakaling makikita itong muli ngunit nabigo siya kaya ibinalik niya ang tingin kay Javaid. "Tara."

Bago naunang naglakad palabas ng bar si Javaid ay muli nitong kinuha ang kamay niya para hindi siya mawala. They were near the exit when she accidentaly bump into his back. Mabilis kasi itong napahinto at napatitig lang sa harapan. Sinilip ni Kara ang tinititigan nito at halos kumawala ang puso niya sa bilis ng tibok nang makita si Janus.

He's wearing an army green shirt, black jeans and a black Converse. Hawak nito sa kanang kamay ang strap ng bag ng kan'yang gitarang nakasukbit sa balikat. Malamig siya nitong tinapunan ng tingin at saka bumaba ang iyon sa kamay ni Javaid na nakahawak sa palapulsuhan niya. Umigting ang panga nito. Ilang sandaling nagsukatan ng tingin ang dalawa.

Parang nahigit ang hininga ni Kara nang lampasan sila nito at bahagyang binunggo ang kaliwang balikat ni Javaid. Ramdam niya ang tensyon sa kamay ni Javaid na nakahawak sa palapulsuhan niya dahil bahagya iyong humikit.

Nang makarating sila sa sasakyan ni Javaid ay bumalot ang mahabang katahimikan. Kahit hindi magtanong si Kara, alam niyang may kakaiba sa pagtrato ng dalawa sa isa't-isa.

Javaid started the engine but before he could drove off, Kara asked him. Hindi na niya napigilan ang pagiging curious.

"Magkakilala ba kayo ni Janus?"

Natigilan si Javaid. Ngumiti ito sa kan'ya ngunit hindi iyon umabot sa mga mata. She already knew he was faking it.

"He was an old friend," he said, bitterly.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro