Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WTSGD 15: Money and Passion

CHAPTER 15 - Money and Passion

KINAGABIHAN, MABILIS NA tinungo ni Kara ang kaniyang kwarto. Itinapon niya ang sarili sa kama nang maramdam ang pagod. Ilang sandali niyang tinitigan ang kisame na puno ng glow-in-the-dark stars bago ipinikit ang mga mata.

Sariwa pa sa kaniya ang alaala ng nangyari kanina. Iyong battle of the bands, iyong pagkakadukot sa kanila ni Janus at ang mga impormasyong nalaman niya tungkol dito.

Nagkaroon man ng kaunting linaw ang misteryoso nitong katauhan, ngunit nagbukas pa rin ito ng panibagong tanong sa kaniya.

Bumaling siya sa kanan at saka niyakap ang unan na katabi. Umiling siya para alisin ang mga bumabagabag sa kaniya. She needs to clear her head.

Agad na tinungo ni Kara ang kaniyang study table at inilabas mula sa drawer ang compilation ng sinulat niyang kanta. Puno ito ng tape matapos punitin ng ama. Binuklat niya iyon hanggang sa blankong pahina at saka sinimulang magsulat ng kanta. Kinuha rin niya ang gitarang nakatago sa ilalim ng kaniyang kama upang lapatan ito ng tono.

After hearing Janus' reason why he doesn't want to sing her song, she decided to change her piece. Ayaw niyang mapilitan itong kantahin ang gawa niya dahil lang sa kasunduan nila.

Alas tres ng madaling araw nang naramdaman niya ang pagbigat ng talukap ng kaniyang mga mata. Isang malalim na buntonghininga ang kaniyang pinakawalan bago muling ibinagsak ang sarili sa kama at nagpatianod sa kawalan.

Kinabukasan, maaga siyang nagising. Pagbaba niya sa kwarto ay naabutan niya si Manang Lourdes na naghahanda ng pagkain.

"Halika na, Kara. Mauna ka nang mag-almusal." Saglit itong natigilan at napatitig sa kaniya. "Anong nangyari sa labi mo, anak? Napaaway ka ba?" Nag-aalala ang mga mata nitong tumingin sa kaniya.

Kinapa niya ang labi niya kung saan may nilagay siyang band-aid. Bahagya siyang napangiwi sa hapdi noon. Damn, pinagsisisihan na niya ang pagtanggap sa sampal na iyon.

"Wala ho ito, Manang. Nauntog lang po," pagsisinungaling niya. Hindi naman niya p'wedeng sabihin ang totoong dahilan noon.

"Naku! Ikaw talagang bata ka. Mag-iingat ka sa susunod," nakasimangot na sinabi nito saka kumuha ng pinggan. "Heto kumain ka na ng agahan."

Dinaluhan niya ito at nagsimulang mag-almusal. Matapos kumain ay inihandan na niya ang sarili para pumasok nang tawagin siya ni Manang.

"Palabas ka na ba, Kara?"

"Opo, maaga po akong papasok. Bakit ho?"

Kinuha nito ang gamit na nakalagay sa isang kahon. "Ipapasabay ko sana itong mga diyaryong naipon sa kwarto ng Kuya Oddity mo. Pinapadala kasi niya sa bodega." Hinawakan nito ang bandang likuran ng kaniyang baywang. "Sumasakit kasi ang balakang ko kaya hindi ko magawang buhatin. Makikisuyo lang sana, anak."

Tumango siya. "Sige po, Manang. Ako na po. Magpahinga na lang ho kayo," sinabi niya saka kinuha ang kahon na hawak nito.

Lumabas siya ng bahay at tinungo ang bodega. Paalis na dapat siya nang maibaba iyon nang mahagip ng kaniyang mata ang front page ng sa mga dyaryo.

Empty brought home the 'Rookie of the Year' Award at Townsquare's Battle of the Band 2012.

Kinuha niya iyon at namilog ang kaniyang mata nang makita ang nasa larawan. Wala roon sina Riella at Vera dahil naabutan niya na si Tasho pa lamang ang drummer ng Empty. Ngunit ang nagpagising sa kuryosidad niya ay ang lalaking nakangiti at katabi ni Janus.

Walang iba kundi ang bokalista ng Lost Then Found. Javaid Azriel Rossier.

Patong-patong na tanong ang namuo sa isipan ni Kara. Hindi pa lamang siya nakababawi sa nalaman niya tungkol kay Mayor Ynares, mayroon na namang iba.

"Kara!"

Mabilis na nabitiwan ni Kara ang hawak niyang diyaryo nang marinig ang boses ng kuya niya sa labas. Hindi na niya iyon hinayaang makapasok pa sa bodega, lumabas na kaagad siya.

"Anong ginawa mo sa bodega?" nagtatakang tanong nito at bumaba ang tingin sa labi niya.

Umiwas siya ng tingin. "Inilagay ko lang iyong diyaryong pinababa mo kay Manang," aniya saka mabilis na naglakad patungo sa sasakyan para makaiwas sa itatanong ng kuya niya.

Pilit niyang inalis sa isip ang mga gumugulo sa kaniyang katanungan at itinuon ang mata sa tanawin sa bintana.

Nang makarating sa school, naghiwalay na kaagad silang magkapatid. Mabilis niyang tinungo ang music room upang hanapin ang lalaking gumugulo sa isip niya, hindi upang komprontahin ngunit para kausapin sa isinulat niyang kanta.

Pagpasok niya ay naabutan niya roon si Kohen na nakasalampak sa sahig habang nagbabasa samantalang nasa kabilang sofa na malapit sa pinto naman nakahiga si Vera. Nakasuot ito ng earphone. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang layo ng agwat ni Vera at Kohen. Dati-rati kasi ay parang hindi mapaghiwalay ang dalawa.

Anyare?

"Aga mo ngayon, Kara," puna ni Kohen nang mapansin ang pagpasok niya sa loob. Agad na nalipat ang tingin nito sa gilid ng labi niya. "Sa'n galing 'yan?" tukoy nito, nakakunot ang noo.

"Wala . . . ano . . . nakalmot ng pusa," pagdadahilan niya. Tiyak kasing hindi ito maniniwala kapag sinabi niyang nauntog lang.

Hindi na siya nito tinanong pa. Nalipat ang tingin ni Kohen kay Vera. Kara heard him tsked and shook his head. Hindi niya alam kung may pinag-awayan ang dalawa pero pansin niya ang iritasyon sa mga mata ni Kohen. Hindi na ito umimik sa kanya kaya nilapitan na niya si Riella na nasa desk ni Sir Jannick at bahagyang sinilip ang pinapanood. Performance iyon ng Lost then Found, kaya hindi niya maiwasang mapangiti.

"Aga mo rin manood, e. May assignment ka na sa Pre-Cal?" tanong niya at himalang tumango lamang ito.

Kadalasan kasi ay mangungilit ito na makikopya sa kanila ni Vera.

"Riella. . ." tawag niya.

"Hmm?" sagot nito habang nakatuon pa rin ang mata sa pinapanood.

"Magkaaway ba yang dalawa?" mahinang bulong niya saka nginuso si Kohen at Vera na magkalaro at hindi pa rin nagpapansinan.

Naiiling na tumingin si Riella sa dalawa. "Ang alam ko may hindi tinanggap na gig si Kohen. Vera was furious. Malaki kasi yung offer."

"Bakit raw hindi tinanggap?"

"Sabi ni bads, mukha raw kasing fake. Delikado raw dahil walang organizer yung event. Baka takbuhan lang kami kapag nagkataon."

Tumango-tango na lang si Kara. Siguro naman ay magkakabati rin ang dalawa. Hindi naman siguro ganoon kalaki ang away nila kaya hinayaan na lamang nila.

"Pumasok na ba si Janus?" pag-iiba niya ng usapan.

Mabilis na nalipat ang tingin ni Riella sa kaniya at saka siya tiningnan ng may pagtataka.

"Hindi ko pa siya nakikita, pero alam ko pumasok na siya. Nandiyan na kasi 'yong gitara niya," anito at saka itinuro ang gitarang nakalagay sa gilid ng pinto. "Bakit mo pala hinahanap 'yong kumag na 'yon?" dagdag pa nito.

"Kakausapin ko siya about sa songwriting contest na sasalihan ko," sagot niya.

Nalipat ang tingin ni Kohen sa kanila ni Riella. "Anong kinalaman naman ni bads doon?"

She smirked. "Siya ang kakanta ng composition ko."

Tumango ito nang dalawang beses saka siya binigyan ng nakalolokong ngiti. "Good luck na lang, Kara."

Napatingin siya kay Vera para tanungin ang ibig sabihin ni Kohen, ngunit nagkibit balikat lamang ito. Bigla siyang kinabahan sa ikinilos ng dalawa.

Inayos ni Kara ang gamit niya. Sa library na lang muna siya magpapalipas ng university hour nila. Tutal wala rin naman ito sa music room.

"Alis muna ako, guys," paalam niya at saka tumayo upang maglakad patungong library.

Mabilis na kumabong ang dibdib ni Kara nang may nagtakip ng palad sa bibig niya at saka siya hinila papasok sa stock room. Umakyat ang dugo niya sa mukha sa sobrang inis.

Inirapan niya si Janus. Bakit ba palagi na lang siya nitong hinihila sa tabi-tabi?

Hindi nito suot ang uniporme, tanging puting T-shirt lamang ang kaniyang pangtaas, ngunit mas lalo itong naging kaakit-akit sa kaniya. Magulo rin ang buhok nito na mas lalong nakadagdag sa kaguwapuhan ng binata.

She glared at him. "Utang na loob, Janus! Tawagin mo na lang ako. Mamamatay ako sa 'yo sa gulat."

Janus didn't answer.

Inilibot ni Kara ang paningin sa kabuoan ng kwarto. Kahit kasi stock room ang loob noon ay malawak pa rin. May iilan na sirang computers at puro boxes ng newspaper na hindi nai-distribute ang naroon. Kung hindi siya nagkakamali ay stock room iyon ng Genre.

"Iyong piece ko sa International Songwriting Competition, anong plano mo?" she asked nang maaala niya kung bakit niya ito hinahanap.

Instead of answering her, he gave her a frosty look. Tila nanlambot ang tuhod niya sa titig nito. Wala siyang makitang emosyon sa mata nito. Malamig at walang buhay kung ilalarawan niya.

May nangyari ba? Bakit parang biglang nanlamig ang pakikitungo nito sa kaniya?

"About the other night." He looked away. "Can you pretend it didn't happen?"

Isang mahabang katahimikan ang namayani. Bakit gusto nitong magpanggap na wala siyang alam? Akala niya ay okay na iyon, nagkuwento pa nga ito sa kaniya.

"Kara . . ." Napapitlag siya sa gulat nang muli nitong banggitin ang pangalan niya.

Humugot siyang malalim na buntonghininga bago nagsalita, "Sure."

She thought it was baby steps. Ang pagse-share nito ng tungkol sa ama ngunit mali na naman siya.

"And I can't sing your composition."

Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. Tinaasan niya ito ng kilay.

"Anong hindi? We had a deal. I'm done tutoring you, so please, do your part," may hinanakit niyang tugon.

Ilang baldeng lakas ng loob ang inipon niya para masabi iyon. Dali-dali niyang kinuha ang music book niya at saka iniabot iyon kay Janus. Pansin niya ang sandaling pamimilog ng mata nito nang makitang puno iyon ng tape, pero kaagad ring nawala.

"Natapos ko na iyong song. Pinalitan ko na kung iyon ang dahilan mo. I was about to approach you para dito."

Ilang segundo iyong tinitigan ni Janus. Namawis ang kaniyang palad, at saka lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang umiling ito. Ramdam niya ang pagsikip nito dahil sa pagtanggi ni Janus.

"I can't," malamig na saad nito saka at iniwas ang tingin.

Tinungo nito ang pinto at akmang lalabas na ng silid nang hawakan niya ang palapulsuhan nito. Ilang boltaheng kuryente ang naramdaman niya nang magtama ang kanilang balat

"Why?" malamig niyang saad.

Matalim itong tumitig sa kaniya ngunit mabilis ring umiwas ng tingin. Inalis nito ang pagkakahawak ng kamay niya.

"I just can't," aniya saka tuluyan nang naglakad palabas ng silid.

Naiwan siyang tulala roon habang nakatitig sa papalayong bulto ni Janus. Tila natuyo ang laway sa lalamunan niya na parang may nakabara doon na hindi niya malaman.

She thought they were cool. Maayos naman ang lahat kagabi, ah? Anong nangyari?

Tinitigan niya ang hawak niyang music book at saka pinilas doon ang ginawang kanta. Malaking problema iyon para sa kaniya, bukod kay Janus, wala na siyang alam na puwedeng kumanta ng c-in-ompose niya.

Ilang sandali pa siyang natulala habang nakatayo roon. At natauhan lamang siya nang tumunog na ang bell. Nakasimangot siyang pumasok sa classroom nila dahilan para sundan siya ng malagkit na tingin nina Vera at Riella.

Tumayo si Vera at naupo sa tabi niya. "Nagkita kayo?"

Tumango siya at isinubsob ang mukha sa kamay na nakapatong sa desk.

"He declined?"

Mas lalong lumukot ang mukha niya dahil sa tanong nito.

"Hindi ko siya kailangan. Shit siya! Nakipag-deal siya sa 'kin na kapag naging tutor niya ako, kakantahin niya iyong sinulat ko, but he lied," aniya rito at saka padabog na inilabas ang aklat para sa kasunod na subject.

"Kalma lang, Kara," ani Riella saka tinapik ang balikat niya.

Hindi na siya umimik at ipinikit na lamang ang kaniyang mata. Ilang minuto lamang ang nakaraan ay dumating na rin ang teacher nila para ianunsyo na wala na silang klase dahil sa biglaang meeting sa faculty.

Nagpaalam sa kanila si Vera na may dadaanan sa music room kaya nauna na ito. Inayos ni Kara ang mga gamit niya dahil wala siya sa mood na tumambay pa sa school. Uuwi na lamang siya para makapagbasa.

"Tagal ni Vera," nakangusong reklamo ni Riella.

Tumingin rin siya sa relo at mahigit sampung minuto na nga itong wala. "Daanan na lang natin sa music room."

Tumango si Riella saka sumabay na sa kanya sa paglalakad. Nasisinagan ng papalubog na na araw ang corridor habang naglalakad sila. Kakaunti na lang rin ang mga estudyante.

"Alam mo Kara pagpasyensyahan mo na si Janus. Kung nangako man siya sayo na kakantahin niya ang kanta mo. Baka naman may iba pa siyang rason."

"Hindi lang naman iyon ang kinaiinis ko, he promised. We had a deal. Tapos ganun na lang? Saan ako ngayon hahanap ng kakanta sa gawa ko? The competition is right around the corner."

She sighed. "Si bads naman kasi, e, ang hirap din kasi basahin ng utak ng lalaking yon."

"Sinabi mo pa. Dinaig pa ang may regla sa bilis magpalit ng mood."

Pareho silang natawa at kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Nang makarating sila sa music room ay agad silang nagkatinginan. Sa labas pa lang kasi ay rinig mo nang may nag-aaway sa loob noon.

"Palibhasa kasi wala kang alam! You have all your money so you wouldn't understand how hard it is to earn money. Hindi ka man lang nagtanong! Nagdesisyon ka kaagad ng hindi kumonsulta sa banda!" Vera shouted in front of Kohen.

Pareho sila nakatayo at nagsusukatan ng tingin. Dahil mas maliit si Vera kay Kohen ay nakatingala ito. May nakakalat na putol na drumstick sa sahig at saka ang kulay maroon na gitara ni Kohen. Hindi ganoon kagulo sa music room para isipin na may nag-away ngunit makikita mo kaagad ang tensyon sa dalawa.

"We're back to my money again? Bakit kasalanan ko bang pinanganak akong mayaman? For Pete's sake, Vera! I declined the gig because there are rumours that there's a gang that would sell a party drugs!" Tumalikod ito saka sunod-sunod na nag mura.

Tumakbo sila kaagad ni Riella para awatin ang dalawa ngunit walang nagpatinag.

"Oh, really? How can you be sure—"

Naihilamos ni Kohen ang palad sa mukha saka muling hinarap si Vera. "'Yon ba ang gusto mo? You wanna accept that fucking gig?" Kohen mocked.

Ngayon lang nakita ni Kara na mapuno nang ganoon si Kohen kaya natigilan din siya. Bakas na bakas sa mukha nito ang inis at prustrasyon sa takbo ng usapan nila ni Vera.

Vera didn't show weakness. "I'm asking you how can you be so sure?!" balik nitong tanong.

"Tama na, Vera!"

Riella was stopping Vera while Kara was in the middle of the two, restricting Kohen.

"Kohen, cool down—"

But Kohen didn't listened. Punong-puno na ito. "Does it matter?! Tangina! Gusto ko lang naman tumulong ah! Sabihin mo lang kung gusto mo ng ganoong gig at ihahatid pa kita!"

Doon na natahimik si Vera. Hindi siya umimik. Napuno nang nakakabinging katahimikan ang buong music room.

"Answer me! Do you want that kind of fucking gig!? Ano? Tangina! Sumagot ka!" Kohen blunted.

Nang hindi sumagot si Vera ay marahas nitong inalis ang kamay ni Kara na nakahawak sa braso nito. Tahimik na inayos ni Kohen ang gitara niya saka nilagay sa bag at padabog na naglakad palabas ng pinto. Bago tuluyang maglakad palabas ay may binitawan pa itong salita.

"Kung galit ka samin dahil sa pagkatalo natin, 'wag mo naman sirain ang prinsipyo ng banda. We're performing because we love to and because it's our passion not because of fucking money."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro