WTSGD 14: Black Sheep
CHAPTER 14 - Black Sheep
"DAMN IT!"
Napamura si Kara nang maramdaman ang sakit ng sampal ni Mayor. She can taste blood inside her mouth and she can't feel her left cheek. Marahan niyang kinapa ang gilid ng kaniyang labi at nakumpirma niya ang may 'di kalakihang sugat doon.
Hindi pa lamang siya nakababawi sa sampal ni Mayor ay muli naman siyang napangiwi dahil sa higpit ng hawak ni Janus sa braso niya habang walang pag-aalinlangan siya nitong hinila. Nakalabas na sila sa mansion ni Mayor Ynares. Madilim na ang paligid, ngunit marami pa rin ang sumusulyap sa kanila.
Nang makarating sila sa harapan ng isang drug store ay binitiwan nito ang kaniyang braso at saka hinarap siya. His pinkish lips curved in grim line while his eyes looked at her.
Sigurado siyang kitang-kita nito ang pamumula ng pisngi niya. Nagtatagis ang bagang na hinarap nito si Kara. "Stay here," malamig na boses na utos nito at saka tumakbo sa loob ng drug store.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas ito at pumara ng taxi. Tahimik siyang sumunod nang sumaykay ito.
Janus looked at her with a deadly glare. "Next time, stop being heroic and don't save a guy from a fucking slap. It makes you look stupid."
She nodded and looked down, her hands still shaking. She can't process everything. Mukha nga siyang tanga sa pagligtas dito sa sampal. What was she thinking?
"Fuck! Oddity would kill me if he saw your bruise." His face became livid with anger as he touched her cheek.
Napangiwi siya sa sakit ngunit hindi iyon pinansin. Humugot siya ng malalim na hininga saka tinitigan ito sa mata at nagsalita. "I'm sorry. Hindi na sana 'ko lumapit."
She felt stupid pushing herself to him. Siguro ay naiinis na ito sa pagiging makulit niya at pangingialam sa buhay nito. Kung sana ay hindi na lang siya nakialam nang makita niya ito kanina, hindi sana siya naging pabigat. Baka mapasama pa si Janus sa kuya niya nang dahil sa kaniya. 'Stupid, Kara.'
Janus' formerly dark face became soft and held her hand. "I don't want your apology," he said, his hands gripping her palm. "Just don't do things that will hurt you again."
Tumango siya at umiwas ng tingin. The atmosphere was getting heavier. Huminto ang taxi sa labas ng apartment ni Janus. Nauna itong lumabas at inalalayan siya. He paid the taxi and guided her inside.
"Let's treat your bruises," he said and walked to the kitchen.
Naupo siya sa sofa saka inilibot niya ang mata sa kabuoan ng apartment ni Janus. Medyo may kalakihan iyon kumpara sa cabin na pinuntahan nila sa Lennon. Kulay puti ang pintura at bilang lang din ang mga gamit, dahil siguro siya lang ang nakatira.
Lumabas si Janus na may kausap sa phone. "She's here." Bahagya itong tumingin sa kaniya. "Oo. Ihahatid ko na lang. Sige," sabi nito at parang nagpaalam na.
Pinagpatuloy nito ang paglalakad saka naupo sa tabi niya. Pinatong nito ang dalang mangkok na may yelo sa center table. Matapos maglagay ng yelo sa ice pack, nilingon siya nito.
Dahan-dahan nitong idinikit sa pisngi niya ang ice pack habang hindi inaalis ang tingin sa mata niya. "Masakit pa?"
Kinagat niya ang ibabang labi saka umiling. Mas lumapit pa si Janus sa kaniya saka dahan-dahang idinampi sa pisngi niya ang yelo. Napangiwi siya nang kumalat ang lamig sa pisngi niya, pero kalaunan ay namanhid rin.
Pareho silang tahimik, ngunit rinig na rinig niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Pilit siyang nag-isip ng topic na puwede nilang pag-usapan dahil nabibingi na siya sa katahimikan.
"I, uhm . . . ." wala siyang masabi. Nabablangko ang utak niya dahil sa lapit ng mukha nito.
"You must be shocked," kalaunang sinabi ni Janus.
Nangunot ang noo niya. "Saan?"
"Knowing him." Ibinaba nito ang ice pack saka kumuha ng cotton buds. "That he is my father."
"Mayor Ynares?" Ngumiti siya nang pilit saka tumango. "Oo, nakakagulat naman talaga."
Nilagyan ni Janus ng ointment ang cotton buds saka dahan-dahang dinampi sa kaliwang bahagi ng labi niya kung saan may maliit na sugat. "I was the black sheep in the family. Anak niya 'ko sa labas," sinabi nito na nagpakurap sa kaniya.
Bahagya itong tumigil sa pagdampi ng gamot para silipin ang reaksyon niya.
"P....p-ero kapatid mo si Haidee?" wala sa sarili niyang tanong.
"Oo. Half sister." Tinuloy nito ang paggamot sa sugat niya. "Pero hindi niya alam," dagdag pa nito.
Napatitig siya kay Janus dahil sa lungkot ng boses nito. Peke itong ngumiti saka ibinaba ang cotton buds at dahan-dahang nilagyan ng band-aid ang pisngi niya.
"Hindi pinanagutan ni Mayor si Mama noong nabuntis ito dahil isang taon pa lang daw itong kasal sa mommy ni Haidee." Umiling ito saka mapaklang natawa. "Tangina. Gago niya!" mahinang bulong nito. "Kaya wala siyang karapatang tawagin akong anak. Because he has never been a father to me."
Nanikip ang dibdib ni Kara sa kuwento nito. Gusto niya itong yakapin para mawala ang bigat na nararamdaman, pero pinigilan niya ang sarili. She should never cross that line again. Sa halip, tumango na lang siya at nakinig sa kuwento nito.
"Noong namatay si Mama . . . ." Ramdam niya ang pait sa boses nito. "Saka lang siya nagkaroon ng pakialam. He said he will introduce me as his son to the public. That I should manage his business, follow his footsteps and continue his legacy because I am his son. His son? Tangina niya! I don't need his name!" Kalmado man ang hitsura nito ngunit nakayukom naman ang kamao nito.
"I never wanted any of those." Umiwas ito ng tingin sa kaniya saka ibinaba sa table ang cotton buds. "The day Mama died, I just wanted him to show up as my father, but he never did. They never showed up, even him."
Napuno ng katahimikan ang apartment ni Janus. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob nito matapos malaman ang lahat ng bigat sa dibdib nito. Akala niya noon ay mababaw na tao lamang ito nang makausap niya sa bus, ngunit malalim pala ang pinaghuhugutan nito.
Sinimulan nang ayusin ni Janus ang mga ginamit sa paggamot sa kaniya. Matapos iayos iyon ay nagpalit muna ito ng damit saka lumabas ng kwarto kaya tumayo na rin siya sa sofa.
Nagpakawala ito ng tipid na ngiti, pero kita niya sa mata nito ang hindi maipaliwanag na emosyon. "Hatid na kita."
Tumango siya habang tinititigan ito. "Okay ka na?" she asked.
Nawala ang ngiti sa labi nito, saglit na natigilan. Parang nawalan siya ng lakas nang lapitan siya nito saka hinapit sa baywang. Napasinghap siya nang yakapin siya nito.
"Do you want me to lie?" he asked, his voice almost broke.
Her soul dwelled on his question as it bore the heaviest meaning to her. She felt a tight squeeze on her chest. That was the moment she realized that it wasn't easy for him to talk about his past yet he shared it with her. He showed him his scars.
He told her his story without a doubt. He showed her his broken self without an attempt to look like somebody he wasn't.
"You don't have to when you're with me," she said and tightened their hug.
PINAGPATULOY NILA ANG paglalakad nang makababa sila sa waiting shed ng RoseVil. Malapit na roon ang bahay nila kaya hindi na niya kailangan pang sumakay.
Katahimikan ang namayani sa kanila, kanina pa iyon nang kumalas siya sa yakap nito. Natigilan sila ni Janus nang makita ang pamilyar na itim na van ang nakaparada sa harapan ng gate nila. Pamilyar din ang suot ng dalawang lalaking nakaitim na nakabantay sa labas noon.
"Huh? May bisita ba kami?" tanong ni Kara sa sarili.
"Anong ginagawa niya rito?" rinig niyang may binulong si Janus.
Naguguluhan niya itong tiningnan nang muli nitong hawakan ang palapulsuhan niya at mabilis na hinila para tumakbo. Kahit hindi niya naiintindihan ay sumabay na lamang siya sa pagtakbo nito.
Tumigil sila sa malapit na McDo sa RoseVil. Naunang pumasok si Janus at sumunod naman siya. Pag-upo nito ay hindi na niya maiwasang tanungin ito.
"Bakit ka ba tumakbo? Kilala mo ba iyong mga iyon?"
Muli itong nagkibit ng balikat saka tumayo."Stay here," sabi nito at naglakad palapit sa counter.
Sa tabi sila ng glass wall nakapuwesto kaya't kitang-kita ni Kara doon ang senaryo sa labas. Mga estudyanteng pauwi ng school, maingay na mga saksakyan at ang unti-unting pagpatak ng ulan.
Ganitong oras dapat ay nakauwi na siya sa kanila ngunit narito siya, nakatambay sa isang fast-food chain kasama si Janus. Hindi siya manhid para hindi matukoy ang sari-saring emosyon nararamdaman niya tuwing malapit ito. Pilitin man niyang itanggi sa isip, alam niyang unti-unti siyang nahuhulog dito.
Napunta ang atensyon niya kay Janus na papalapit sa kaniya. Dala nito ang in-order na pagkain. Nang makaupo na ito ay namilog ang mata niya sa dami ng fries na in-order nito. Kung hindi siya nagkakamali ay dalawang extra large iyon.
"Really? Fries?" natatawa niyang tanong.
"Why? Ayaw mo?" Nakataas ang kilay nito. Umiling siya at saka kinuha ang McFloat na in-order nito at ang spaghetti na para sa kaniya.
"Girl, tingin ka sa likod. Hindi ba siya iyong vocalist ng Empty? 'Yong kanina sa Townsquare."
"Oo, pero sino iyong kasama niya?"
"Malamang girlfriend niya. Sa gwapong 'yan imposibleng single 'yan."
Rinig na rinig ni Kara ang usapan ng dalawang babae sa likuran niya. Hindi niya maiwasang mailang sa narinig, ngunit ipinagsawalang bahala na lamang niya.
Matagal siyang napatitig kay Janus nang tanggalin nito ang takip ng float niya at i-dip sa sundae na naroon ang fries na hawak niya.
"Seriously, Janus?"
"What?" He raised his brow. "You should try it." Saka ito muling nag-dip ng fries at itinapat sa bibig niya.
Ilang segundo niya iyong tinitigan at umiling. Binawi nito ang kamay at sinubo ang fries.
"Let's see." Kumuha siya ng sariling fries at sinubukang mag-dip para tikman. "P'wede na. Saan mo naman nalaman 'yan?" Nagkibit lang muli ito ng balikat at ipinagpatuloy naman niya ang pagkain.
"So, you're writing songs, huh?" Napaangat siya ng tingin nang magsalita ito.
Tumango siya. "Hilig lang," walang gana niyang sagot.
"Ayaw mong i-pursue?" Her brow knitted. Iyon yata ang unang beses na naging interesado ito sa kaniya.
"Kahit gustuhin ko, hindi naman papayag si Dad. Besides, nagkasundo na kami. He'll let me continue my passion but I still need to pursue a bachelors degree," malumanay niyang saad habang nakatingin sa mga sasakyan sa labas.
"I thought we already have a deal? That you'll live not for your father's approval.?" Bumalik ang tingin niya kay Janus. He was looking at her intensively. "Besides, it's your life. You should have control over it."
She forced a smile. "Hindi naman lahat ng bagay kaya mong kontrolin. Mayroong kahit anong gawin mong pilit, hindi talaga puwede. At ng tanging magagawa mo lang ay ang sumabay sa agos nito," she replied.
"Kahit hindi ka masaya? That's absurd. Akala ko ba you'll live for yourself na?" Kumisap ang mga mata nito. "Do you really want to live by following someone else's idea of what you should be doing with your life?"
Napaisip siya sa sinabi nito. Kaya nga ba niya? But, it's her father . . . wala naman itong gusto na hindi makabubuti para sa kaniya. He may look tough, but she knew deep down in his heart, he cares.
"Use your voice to break free before they could use theirs to cage you," dagdag pa nito.
Napayuko siya at napatitig sa palad niyang nakapatong sa hita. Does she have a courage to do so? Kaya ba niyang ipaglaban ang pangarap niya? Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila matapos ang usapang iyon.
"Let's go, I'll walk you home," aya nito sa kaniya. Tumango siya at sinundan ito palabas. Nauuna itong maglakad at nakasunod lamang siya.
Wala pang ilang minuto silang naglalakad nang huminto si Janus at bumangga siya sa likod nito.
"Bakit?"
Hindi siya nakakuha ng response dito kaya't sinundan na lamang niya ang tingin nito. Isang matanda na naggigitara at may isang box doon for donation. Muling bumalik ang tingin niya kay Janus ngunit hindi pa siya nakakapagtanong nang muli nitong higitin ang kamay niya.
Tinungo nila ang lugar na inaroroonan ng matanda. Nagulat si Kara nang magmano roon si Janus, at kahit naguguluhan ay ginaya naman niya.
"Magandang gabi na ho, 'Tay," bati nito sa matanda.
"Ikaw pala, Janus." Ngumiti ito sa kanila. "At may kasama ka."
Nilingon siya ni Janus. "Si Kara po pala, kaibigan ko," pakilala nito sa kaniya na ikinapula ng mukha niya. Kailan pa sila naging magkaibigan?
"Dating gawi, 'Tay?" tanong nito na ipinagtaka niya.
Tumango iyong matanda at saka binigyan sila ng maliit na upuan. Inilabas ni Janus ang gitara niya at saka may ibinulong sa matanda.
Napatitig siya sa dalawa, ibig sabihin ay matagal na nitong kilala iyong matanda? Sinimulan mag-strum ni Janus ng gitara at kumanta.
"What day is it? And in what month?
This clock never seemed so alive."
Hindi maiwasan ni Kara ang mapangiti nang magsimula itong kumanta. Iyon kasi ang unang beses niya itong narinig na kumanta ng love song. His voice was husky and angelic. Habang tumatagal ay mas lalo siyang humahanga rito.
"All of the things that I want to say
just aren't coming out right."
Dumami ang tao na nakapalibot sa kanila at nanonood. May iilang naghuhulog ng pera sa box ng donation. May iilang vini-video-han si Janus na tila isa itong artista.
"And it's you and me and all of the people with nothing to do
And I don't know why, I can't keep my eyes off to you."
Gustong kumawala ng puso ni Kara sa sobrang bilis ng tibok nito dahil sa huling liriko ng kanta. Kinanta iyon ni Janus habang nakatitig sa kaniya at hindi rin niya magawang alisin ang tingin dito.
Kumikinang ang mga mata nito at tila iyon lamang ang nakikita niya. Dinala siya nito sa ulap gamit lamang ang mga mata nito. Nalula siya ngunit mabilis ding nabalik sa wisyo nang pumalakpak ang mga nanonood kay Janus.
"Thank you for listening," sabi nito at saka inayos ang kaniyang gitara sa bag nito. May iilang manonood pa ang nagre-request ng isa pang kanta ngunit tumayo na ito.
"Mauna na po kami, 'Tay," paalam nito at saka siya hinila paalis sa kumpulan ng taong naipon doon.
Napatulala si Kara sa kamay niyang hila-hila nito. Alam niyang mapula na ang kaniyang pisngi dahil ramdam niya ang pag-init noon. Nang makarating sila sa isang mini park sa village ay binitiwan siya nito at inanyayahang maupo sa isang bench doon.
"Matagal mo nang ginagawa iyon?" basag niya sa katahimikang bumabalot sa kanila.
"Six months ago, nakilala ko si Tatay dahil isa siya sa mga janitor sa munisipyo na nawalan ng trabaho dahil kay Mayor." Nakayukong saad nito at ramdam ni Kara ang lamig sa boses nito.
Kumulo ang dugo niya. Bakit ba napakaraming mayayaman na tao ang walang pusong tinatapakan ang mga nasa baba? She felt bad for the old man.
"Ilang taon ka nang matuto kang maggitara?" pag-iiba niya ng paksa dahil ramdam niya ang hindi pagiging komportable nito.
Bigla itong napatingin sa kaniya at malalim na tumitig bago sumagot. "I was nine years old. My mom taught me." Pilit itong ngumiti habang nakatingin sa kawalan. Nabahiran ng pangungulila at galit ang mga mata nito.
Gusto niyang mapamura nang maalala niya ang sinabi nito noong nasa bus sila, his mother died in a car accident. Marahil ay sobrang lapit nilang dalawa ng mama niya kaya't ganoon na lamang ang naging epekto ng pagkawala nito sa kaniya.
"I'm sorry. I shouldn't—" hingi niya ng paumanhin nang ma-realize kung gaano kasakit para kay Janus na pag-usapan ang bagay na iyon ngunit pinutol kaagad nito ang sasabihin niya.
"You're not the one who killed her. Why are you saying sorry?" Namilog ang mata niya sa tutsada nito.
"She was killed?" she asked.
He clutched his palm and gritted his teeth. Anger was evident in his cold stares. "Mayor Ynares killed her. They disguised it as an accident, but I clearly heard they assigned a detective. Someone sabotaged her car."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro