Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

WTSGD 10: Strange Emotions

CHAPTER 10 - Strange Emotions

TILA NANLAMBOT ANG mga tuhod ni Kara nang bumungad sa kaniya ang ama sa sala. Buong akala niya ay hindi pa ito nakauuwi.

"Rank two? What happened, Kara?" Dismayado siya nitong tiningnan.

Ilang minuto siyang natahimik. Hindi niya alam ang isasagot. Tanging pagyuko lamang ang nagawa niya dahil ayaw niyang makita ang mukha ng amang dismayado sa kaniya.

"Answer me!" her father yelled. Nagtaas-baba ang kaniyang balikat dahil sa gulat sa sigaw ng ama.

"Dahil ba rito?" Napaangat siya ng mukha at tiningnan ang hawak ng ama.

Halos kumawala ang puso niya sa dibdib nang makitang hawak ng ama ang music book niya kung saan natitipon lahat ng kanta na isinulat niya.

"No, Dad!" tanging sagot niya dahil hindi maganda ang pakiramdam niya na mangyayari.

"You should be focusing on your studies, not on trash like this."

Parang tinapakan ang kaniyang dignidad nang punitin ng ama ang music book niya. Ang tanging bagay na nagpapaalala sa kaniya kung sino talaga siya at kung ano ang nais niyang gawin.

"Dad, enough, please," she pleaded.

Her voice broke when she said those three words. Labis ang paninikip ng kaniyang dibdib nang makita ang punit-punit na pahina ng kaniyang music book.

Writing songs was her only escape from reality. Doon niya naibubuhos ang mga saloobin niya tuwing malungkot. Ang tanging bagay na masaya siyang gawin.

"I won't hangga't hindi tumatatak diyan sa kokote mo kung ano ang dapat mong i-prioritize," sabi nito at saka naihilamos ang palad sa mukha.

Isang mainit na likido ang lumandas sa kaniyang kanang pisngi. He must be the one who should be proud of her decisions. He must support her dreams like he used to. But why?

She remembered, one of the memories that remained to her was when her father taught her how to read music notes. He used to tease her that she will become a famous composer. He used to support her love for music. But what happened? What made him change?

Napasinghap siya at pilit na pinigilan ang mga luha sa pagtulo, ngunit parang may sariling utak ang kaniyang mga luha at patuloy pa rin sa pagbagsak.

"Why can't you be like your brother?"

Isang malungkot na ngiti ang kaniyang pinakawalan. Parang nabato ang kaniyang puso sa sinabi nito. Ang ikumpara siya sa kapatid ang isa sa pinakaayaw niya dahil alam niyang magkaiba sila ng kapasidad.

Her Kuya Ei deals with numbers, logic and common sense. She deals with words and feelings. He sticks with fact while she sticks with emotion.

"You never failed to disappoint me." Iyon ang huling salitang dumurog sa kaniyang puso bago tuluyang lumabas ang ama.

Hindi na niya alam kung saan siya lulugar. She chose STEM because that's what her father wanted. Hindi niya pinili ang strand na nais niya dahil ayaw niyang madismya ito, ngunit kailan nga ba ito makukuntento sa kaya niyang ibigay? Kailan ba niya p'wedeng piliin ang bagay na nakakapagpasaya sa kaniya?

Nilapitan niya ang music book na nagkapira-piraso na sa sahig. Unti-unti iyong nabasa ng luhang galing sa kaniyang mata. Isang bagay lang ang nasa isip niya ng panahong iyon.

Someday, I'm gonna prove him wrong. Pangako niya sa sarili bago muling pinunasan ang luha sa pisngi.

Tahimik siyang umakyat sa taas at hindi na muling bumaba para kumain noong gabing iyon.

"KARA! TARA SA music room! Kukunin ko lang iyong book ko sa pre-cal," ani Riella na nasa tapat ng pinto.

Tumango lang siya at tahimik na sinundan ang dalawa. Napangiti siya habang tinitingnan ang likod nang dalawa. They didn't stop comforting her last night after knowing what happened. Nais pa ngang mag-sleep-over ng dalawa para lang i-comfort siya. Mabuti na lamang at hindi pinayagan si Vera ng magulang nito.

Nilingon siya ni Riella nang mapansing hindi siya kasabay ng dalawa. "Kara, ang bagal mo." Tumawa lamang siya saka sumunod. Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay narating din nila ang music room.

Bukas lamang ang pintuan noon, kitang-kita mula sa kinatatayuan nilang tatlo ang hitsura nina Kohen at ng Kuya Ei niya habang nanonood at magka-share pa ang dalawa sa earphone.

Hindi mapigilan ni Kara na hindi mapangiti sa hitsura ng dalawa. Tutok na tutok kasi sila sa pinapanood.

Naunang pumasok si Vera. "Hoy, kudo! Anong pinapanood n'yo?"

Binigyan lamang ito ni Kohen ng isang sulyap at ibinalik ang mata sa screen ng laptop. "Shut Up! Flower Boy Band," tipid nitong sagot.

At dahil sa hindi pagpansin ni Kohen kay Vera, ginulo nito ang buhok ng lalaki.

Masama siyang tiningnan nito. "Ano ba? Guluhin mo na ang buhay ko 'wag lang iyang buhok ko! At saka Kohen ang pangalan ko, ang layo-layo n'on sa kudo," inis na sigaw nito.

Sa halip na matakot ay tumawa lamang si Vera. "Pareho lang 'yon, tunog anime naman."

She laughed at them because of how offended Kohen was. Maging si Riella ay nakigulo rin sa dalawa kaya mas lalong umingay ang music room. Seeing them laugh at little things made Kara forget what happened yesterday.

Natigil lamang ang tatlo nang tumikhim ang Kuya Ei niya. Napunta ang atensyon nila rito nang tumayo ito at nilapitan sila. Tinanguan nito sina Vera at Riella samantalang ginulo naman ang kaniyang buhok.

"Si Janus, hindi ninyo kasama?"

Umiling siya. Si Riella ang sumagot. "Katatapos lang ng klase namin."

Tumingin ito kay Kohen at naghihintay ng sagot dahil ito ang kaklase ni Janus.

"Hindi siya pumasok kanina, e. Akala ko alam n'yo kung nasaan," sagot nito habang hindi pa rin inaalis ang mata sa screen.

Nakita niya kung paano gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng kuya niya. Agad rin iyong nawala nang mapansin nito ang titig niya.

Lumapit sa kanila si Riella dala ang aklat na kinuha nito. "Tara na, guys. Baka dumating na si ma'am," sabi nito at nauna nang maglakad palabas.

Muli namang ginulo ni Vera ang buhok ni Kohen. "Alis na kami, kuddo! Libre mo 'ko mamaya, ha." At saka ito tumakbo palabas para sundan si Riella.

Kumaway lamang si Kara sa kaniyang Kuya Ei na busy sa pagtipa sa cell phone nito bago tuluyang sumunod sa dalawa.

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na siyang mauuna sa dalawa. She was holding the straps of her backpack when she caught a glympse of a familiar man when she walked right pass to the clinic.

Dahan-dahan siyang sumilip doon upang kumpirmahin ang hinala niya. And she guessed it right. Nagpalinga-linga siya para tingnan kung may nurse, ngunit walang tao maliban sa kanila.

Nilapitan niya ang hinihigaan ng nito nang may kunot sa noo. "Anong problema nito? May sakit ba siya?" wala sa huwisyong tanong niya sa sarili.

Namumutla at para kasi itong nilalamig, ngunit pinagpapawisan din. Hindi niya maiwasang hindi sapuhin ang noo nito upang kumpirmahin kung tama ang kaniyang hinala.

"Hmm," he groaned.

Mabilis na kinuha ni Kara ang kaniyang cell phone para i-text ang kuya niya nang makumpirmang may sakit nga ito. Marahil iyon ang dahilan kaya't hindi ito nakapasok sa klase.

Naupo siya nang sandali sa upuan sa tabi nito ilang sandali bago dumating ang on duty nurse. "Ms. Sandoval?"

Hinarap niya ito at tumango. "Yes po."

"Are you both related?" sabi nito at saka bahagyang tiningnan si Janus.

Tumango siya. "Friend of mine."

"Can you contact his guardian? Kilala mo ba?"

She shook her head. Wala siyang kilalang kamag-anak nito. "Ang alam ko po, he only live by himself, but I can contact my brother, his best friend."

Ngumiti ang nurse at saka tiningnan ang log book na nasa table. "He has a high fever. I told him na magpa-confine, ngunit hindi siya pumayag at itutulog na lang daw niya. But as you can see, hindi bumaba ang lagnat niya."

Bahagya itong huminto saka tumingin sa relo. "Pasado alas singko na kasi. Kaya mo ba siyang iuwi?" tanong nito.

Tumango siya. "Sige po. Tatawagan ko si Kuya."

"Ipainom mo ito sa kaniya." Inabutan siya nito ng tatlong tableta ng paracetamol. "Make sure that he will drink a lot of water," sabi nito saka nagpaalam munang aalis.

Mabilis na i-d-in-ial ni Kara ang numero ng kuya niya, ngunit paulit-ulit na cannot be reached ang nakuha niyang sagot dito. Nang hindi ma-contact ang kuya niya ay ch-in-at niya ang iba pa nitong kabanda ngunit wala rin siyang nakuhang response rito.

"What are you doing here?" Napatingin siya nang magsalita ang lalaking katabi.

"Napadaan ako at nakita kita. Okay na ba pakiramdam mo?" sagot niya, pero malalim na titig lamang ang isinukli nito.

Nauna siyang umiwas ng tingin dahil baka malunod siya sa lalim ng mata nito. Nabalik lamang ang atensyon niya rito nang tumayo ito ngunit kamuntik nang mabuwal.

Inalalayan niya ito. "Sabi ng nurse, mataas pa raw ang lagnat mo."

Naupo ito at hinilot-hilot iyong sintido nito. Kinuha nito ang cell phone niya at saka sinimulang mag-dial. Pinigilan ni Kara na matawa nang makita ang reaksyon nito nang hindi sumagot ang tinawagan niya. Sigurado siyang ang Kuya Ei niya ang tinawagan nito.

"T-in-ry ko nang tawagan si Kuya, pero hindi siya nasagot. Ch-in-at ko na rin sina Kohen, pero no response. Ako na lang maghahatid sa 'yo."

Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi niya. Tumayo ito ngunit muli itong nabuwal kaya't wala siyang nagawa kundi ang alalayan ito.

"Wala kang choice. Ako ang maghahatid sa 'yo sa ayaw at sa gusto mo," aniya at saka kinuha ang bag nito at inalalayang maglakad palabas.

Awasan na kaya masyado nang maraming tao sa corridor. Hindi niya maiwasang mamula sa mga narinig niyang usapan ng iilang estudyante.

Marahil dahil masyado silang malapit sa isa't isa. Nakaakbay kasi ang kamay ni Janus sa balikat niya at pinipilit na maglakad nang matuwid kaya kahit sinong makakita sa kanila ay iisipin may relasyon ang dalawa.

"Don't mind them," sabi nito at mas binilisan pa ang paglalakad.

Mabilis si Kara na nakakuha ng taxi dahil tinulungan na rin siya ng guard ng school. Nang makarating sa kanila ay agad niya itong inihiga sa couch.

Muli siyang lumabas para magpunta sa drug store para bumili ng prescribed medicine at dumaan na rin siya sa isang fast food chain para bumili ng lugaw. Nang makauwi ay inihanda niya ang pagkain at gamot saka dinala ito sa sala.

Mahimbing na natutulog doon si Janus at hindi niya maiwasang hindi ito titigan. Napakakalmado ng mukha nito kumpara sa walang emosyon na palagi niyang nakikita. Noon lang din niya napansin ang bagong gupit nitong buhok na mas lalo pang nagpaangat sa kaguwapuhan nito.

Natigilan siya nang bahagya itong gumalaw. Nang makabawi sa gulat ay marahan niya itong tinapik para gisingin. "J...J-anus!" tawag niya rito.

"Hmmm." Minulat nito ang kaniyang mata at saka napakurap nang dalawang beses.

Namilog ang mata nito at lumukot ang kaniyang kilay. "Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Umayos ito ng upo at saka siya binigyan ng may medyo katagalan na tingin.

Pinutol niya iyon at saka kinuha ang nakahandang lugaw sa lamesa. "Bumili muna ako ng makakain mo. Halika na, kumain ka na muna nang makainom ka na ng gamot."

Hindi ito nakipagtalo pa sa kaniya, kinuha nito ang mangkok na iniabot niya na may lamang lugaw.

Pinagmasdan niya ito habang dahan-dahang sinusubukang subuan ang sarili. "Ack!" sabi nito nang mapaso.

Mabilis na kinuha ni Kara ang mangkok na hawak nito at saka nagkutsara ng lugaw at hinipan. Nakatitig namang ito sa kaniya habang ginagawa iyon dahilan para uminit ang kaniyang mukha.

Naghuhuramentado na ang kaniyang puso ngunit pilit niya iyong kinakalma. Pinagalitan niya ang mga paru-parong pilit na nagsasayaw sa kaniyang tiyan.

Itinapat niya ang kutsara sa bibig nito. "Here." Saka ito sinubuan.

Ramdam niya ang paglundag ng puso niya dahil sa malamlam na matang nakatingin sa kaniya. Natutunaw siya sa mga titig nito.

Makaraan ang ilang sandali ay umiling ito. "Busog na 'ko."

Ibinaba niya iyon sa mesa at saka kumuha ng isang basong tubig. "Here, take your medicine." Iniabot ang gamot na binili.

Nang abutin iyon ni Janus ay nakaramdam siya ng milyon-milyong boltahe ng kuryenteng dumaloy sa kaniyang katawan.

Hindi niya maiwasang hindi mapangiti nang mabakas sa mukha ni Janus ang pangit na lasa ng gamot. Ngunit nawala ang ngiting iyon nang mapansin niya ang lalim ng titig nito sa kaniya.

Nagpaalam siya rito at dali-daling tumakbo sa kusina. Nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil sa lakas ng tibok nito.

Naihilamos niya ang palad sa mukha. "Ano bang nangyayari sa'kin?" lintanya niya sa sarili.

Matapos iayos ang pinagkainan nito ay kinuha na rin niya ang gamit at naghanda na sa pag-alis. Natigilan siya nang madatnang pilit na itinatayo ni Janus ang sarili habang nakasuot ng leather jacket at baseball cap.

"Ihahatid na kita," bakas sa boses nito ang panghihina.

Umiling siya. "Hindi p'wede, nilalagnat ka pa." Ngunit tinaasan lamang siya nito ng kilay.

"Gabi na. Baka mapaano ka pa sa daan," tutol nito.

"Kaya ko na ang sarili ko, magpahinga ka na lang," pagmamatigas niya. Baka kasi mas lumala ang lagnat nito kung magpapahatid pa siya.

Ngnit mapilit si Janus, lumakad ito patungo sa pintuan. "I insist!" At akmang lalabas na nang bumuhos ang malakas na ulan.

Kaagad siyang napatingin sa mukha nitong irritable.

"Magpahinga ka na lang kasi, ite-text ko na lang si Kuya." Isang buntonghininga ang pinakawalan nito at saka naupo sa couch.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa kanila. Naroon lamang sila sa gitna ng sala, nakaupo at namamayani ang ingay mula sa lakas ng ulan. Wala ni isa ang nagsasalita kaya't mas lalong hindi magawang maging komportable ni Kara.

Naputol lamang ang mahabang katahimikan nang basagin iyon ni Janus. "Thank you!" sabi nito at saka binigyan siya ng tipid na ngiti.

Pilit niyang kinalma ang sarili at saka umiwas ng tingin. "W...w-ala 'yon. Magpanginga ka na."

Tumayo siya upang makatakas sa malalim nitong tingin, ngunit hindi pa siya nakahahakbang nang bigla nitong hilain ang palapulsuhan niya. Nawala siya sa balanse dahilan para mag-landing siya sa dibdib nito. Ramdam niya ang init nito.

"Thank you for taking care of me." Mas lalong uminit ang pisngi niya nang yakapin siya nito.

Ramdam niya ang init ng katawan nito at umabot din sa kaniya ang panglalaking amoy ng pabango ni Janus. Kakalas na sana siya sa yakap nito nang bilang kumidlat nang malakas kasabay ng pagkawala ng ilaw dahilan para mas lalo siyang matigilan.

"Hey, are you alright?" Hindi niya ito sinagot.

Halos mapatili siya nang biglang kumulog kasabay ang pagliwanag ng paligid dahil sa malakas na kidlat. Para siyang namalikmata nang masilayan ang mata nitong nakatitig sa kaniya sa maiksing sandali dulot ng kidlat.

"Are you afraid of thunder?" He sound amused.

Hindi niya ito sinagot ngunit mas lalo namang humigpit ang yakap nito sa kaniya. Para nang tambol ang kaniyang puso dahil sa lakas ng tibok nito. Kahit anong sabi ng isip niyang kumawala sa yakap nito ay hindi iyon ang sinisigaw ng puso niya.

Natauhan lamang siya nang isang malakas na busina ang narinig niya sa labas. Kilala niya ang businang iyon, alam niyang galing iyon sa Ranger ng Kuya Ei niya.

Mabilis siyang kumalas sa yakap nito at saka kinuha ang cell phone sa bulsa upang magsilbing liwanag. Hindi na niya nagawang lingunin pa si Janus, mabilis siyang lumabas kahit umuulan pa at tumakbo sa kotse ng Kuya Ei niya.

Nasapo niya ang kaniyang dibdib dahil sa estrangherong emosyong ngayon lamang niya naramdaman. Emosyong tanging kapag nandiyan lamang si Janus niya nararamdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro