WTSGD 1: Sign of Being Coward
CHAPTER 1 - Sign of Being Coward
MUSIC HAS BEEN Kara's escape. Simula ng bata siya, iyon na ang maituturing niyang pinakamalapit na kaibigan. That's why when she has free time like now, she can't help but succumb to it.
"Damn! Ang astig no'ng medley!" she whispered to herself.
Simple Plan live in Australia. That was the title of the video. Kung puwede lang sana siyang mag-headbang tulad ng ginagawa ng bokalistang si Pierre Bouvier, ginawa na rin niya, pero nasa eskwelahan pa siya.
Mas nilakasan pa ni Kara ang volume ng earphones na suot nang marinig na mas lumakas pa ang pag-iingay ng kaniyang mga kaklase. Contemporary Arts dapat ang subject nila, ngunit tatlumpung minuto na ang nakalipas at wala pa rin ang kanilang professor.
"You're good at hooking up, but you suck at love," sinabayan pa niya ang liriko ng banda, ngunit napatigil siya nang may biglang tumanggal ng earphone sa kanan niyang tainga.
"Kara! Mall tayo! Sama ka?" A girl with a high-pitched voice asked. It was Haidee.
Kumunot ang noo niya at inilibot ang mata. Inaayos na ng iba niyang kaklase ang kanilang gamit, habang ang iba naman ay palabas na ng classroom.
"Nasaan na raw si Ma'am?" tanong niya, pero hindi siya sinagot ni Haidee. The girl was busy fixing her bangs while looking at her small pocket mirror.
"Nasa Plaza Acacia." Si Steffy ang sumagot habang nililigpit na rin ang gamit. "Magdiya-judge raw siya sa Galing ng Arion."
Pinatay na ni Kara ang pinapanood na video saka sinimulan nang ayusin ang mga gamit. Nang mailagay iyon sa yellow niyang Fjallraven, tumayo na rin siya. Pagkatapos ni Steffy mag-ayos ng gamit ay lumapit na rin ito sa kinauupuan niya.
"Oo nga, Kara. You should come," nakangiti nitong saad, pero nakita niya ang pag-ismid at pagngiwi nito na tila ayaw siyang makasama.
"Hmm." Humugot siya ng malalim na hininga. "Kayo na lang muna. May appointment kasi ako sa guidance today," she lied.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa naaalis sa isip niya ang nangyari noong huling beses siyang sumama sa dalawa para mag-mall. Napagbintangan lang naman siyang shoplifter dahil sa prank ng dalawa.
"Are you sure? You don't wanna hang out?" Haidee asked, approaching her as she finished applying blush to her already rosy cheeks, making them seem even thicker.
Sa isip-isip ni Kara, hindi rin naman siya gustong makasama ng mga ito kaya bakit pa nila kailangang mag-aya?
"Okay. We'll go ahead, Kara!" paalam ni Haidee.
Hindi nakatakas sa kaniyang mata ang pahabol na pagtaas ng kilay ni Steffy.
Nang makaalis na ang dalawa, naiwan siyang mag-isa sa classroom. Nakabibinging katahimikan ang bumalot doon habang pinapanood niyang maglaho sa paningin ang dalawa.
"It's your choice, Kara. Tiisin mo 'yan," mahinang bulong niya sa sarili.
Nakasanayan na ni Kara ang ganoong eksena—kung paano ipamukha ng mga itinuturing niyang kaibigan na hindi siya kabilang sa kanila.
Every time they talked about different things like makeup, school, and even crushes, she always felt out of place. When they decided to go out, either they made her feel alone or pulled some stupid prank. And every time she had a problem, they were both busy making excuses just to avoid listening to her.
That was Haidee and Steffy to her as friends. Ngunit kahit na ganoon ang turing nila sa kaniya, kaibigan pa rin ang turing niya sa mga ito.
She had this mindset that others may hate you, but you always have the power to choose love in any circumstance. Maybe their motive for befriending her was to hurt her, but that wouldn't change her nature, simply because someone hated her.
And also . . . the main reason is she doesn't want to be alone. She doesn't want to look weak in front of everyone, so she chose to stay by their side. For her, it was better than being alone.
Sinukbit ni Kara ang kaniyang backpack saka lumabas ng classroom. Binabagtas niya ang daan papunta sa gate two, kung saan mas malapit ang exit, nang mapalingon siya sa Plaza Acacia dahil sa ingay ng hiyawan ng mga college students.
If she wasn't mistaken, doon ginaganap ngayon ang Galing ng Arion—isa itong talent search sa Arion International School na ginaganap tuwing Foundation Day ng school.
Most of the time, college students lang ang nakakapag-participate dahil sobrang higpit ng director ng Senior High School Department. Iyon ang dahilan kaya may pasok sila kahit Foundation Day.
She was about to continue walking when a familiar song made her stop and stare at the stage. It was one of the hit songs by her favorite band: Perfect by Simple Plan. Intro pa lang, nakuha na kaagad ng banda ang atensyon niya.
The band was named Empty. It was composed of two girls and three boys. The girl who played the drums, Veronica Silverio—also known as Vera—was one of her classmates. Hindi nga lang sila masyadong close dahil palaging tulog ito sa klase. While the guy who played the piano was her brother, and the rest were just faces without identities to her.
Ngayon ang unang beses na mapapanood niyang tutugtog ang kuya niya kasama ang banda nito. She never had a chance to listen to them dahil ni minsan ay hindi naman nagawi ang mga ito sa bahay nila.
Maybe because her father is allergic to bands. Not literally, but her father just hated them to the core. Ewan ba niya. Samantalang pareho naman sila ng kuya Ei niya na mahilig sa musika.
"Hey, dad, look at me, think back and talk to me,
Did I grow up according to plan?"
Lumawak ang ngiti sa labi ni Kara nang marinig ang boses ng bokalista nila. His voice was husky. Ang guwapo noong pakinggan. Napakalinaw rin ng pagbigkas nito sa bawat liriko ng kanta na siya namang nakapukaw sa interes niya. Humakbang siya palapit sa kumpulan ng tao.
"And do you think I'm wasting my time?
Doing things I wanna do
But it hurts when you disapprove all along."
She had heard the song countless times, but there's still a pinch in her heart. As if every lyric of the song was meant to stab her like a knife. Or maybe it was the vocalist's voice, mixed with blaming and hatred.
"I'll never gonna be good enough for you."
The figure of her father crossed Kara's mind. Kapag nalaman nito ang ginawa niya, siguradong mas lalo pa itong madidismaya sa kaniya.
A forced smile escaped her lips as she shrugged her thoughts. Kahit ano nga pala ang gawin niya, hindi naman ito naging proud sa kaniya. Alam niya na kailan man ay hindi niya malalampasan ang mataas na standard nito.
"Cause we lose it all
Nothing last forever."
Lumundag ang kaniyang puso nang tumingin sa kinaroroonan niya ang bokalista ng banda, dahilan para magtama ang kanilang mata. There was something in his stares, an intensity that made her conscious.
"I'm sorry I can't be perfect."
He sung the last part of the chorus without taking his eyes off her. She froze, her feet stuck in place for a moment and her heart started to race, like someone was chasing her.
Their staring competition broke off because of the sudden movement of the man in front of her. Naharangan nito ang view niya. Kinuha ni Kara ang sandaling iyon saka mabilis na tumalikod.
Sapo niya ang dibdib na mabilis pa rin ang tibok habang binabagtas ang daan ng gate two.
"Gago, ano 'yon?"
Umiling siya at huminga nang malalim. Nang makarating siya sa waiting shed ay gusto na niyang magmura dahil mag-iisang oras na bago dumating ang bus na hinihintay niya. Mabuti na lang at may napagkaabalahan siyang gawin, iyon ay ang pagtuloy sa naudlot niyang panonood ng Simple Plan's live concert.
Nang dumating ang bus, mabilis siyang umakyat at pinili ang pangalawang upuan sa dulo dahil wala siya roong katabi.
Pagkatapos magbayad sa kundoktor, pinikit na niya ang mga mata. Gusto niyang matulog muna dahil pinagpuyatan niyang tapusin ang season one ng Game of Thrones kagabi, pero agad siyang nagmulat ng mata nang maramdamang may naupo sa tabi.
Nilingon niya ito at ilang segundong natulala nang makilala kung sino iyon. Ang bokalista ng bandang Empty na pinanood niya kanina lang. Kung kanina ay hindi niya pansin ang mukha nito, ngayon ay nagkaroon na siya ng pagkakataon na masilayan iyon.
He has a charcoal grey messy hair, a pointed nose and an almost perfect jawline. Samantalang mapungay at kulay kape naman ang mga mata nito. Ang talagang kumuha sa atensyon niya ay ang nunal sa baba ng kaliwang mata nito.
Nang mapansin nito ang titig niya ay tinapunan siya nito ng tingin. Mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib nang maalala ang mga titig nito kanina lang.
She looked away and tried to focus her eyes at the view on the window, but her neck shivered when someone put an earpods on her right ear. 'The heck?'
Nilingon niya ang lalaking katabi, ngunit nakapikit na ito. Hindi alam ni Kara kung ano ang ire-react. Sino ba naman ang maglalagay ng earphone sa tainga mo at hindi mo naman ito kakilala? Is he insane?
"Feeling close," bulong niya saka tiningnan ito nang masama.
He opened his eyes and a thin smile edged his lips. "You don't wanna borrow my earpods?"
She raised her brows. "Why would I?"
"Seconds later, you're looking on my right ear as if you wanna grab my pods," he replied with a grin plastered on his lips.
Biglang nag-init ang mukha niya. Matagal ba niya itong tinitigan? And correction, she's not staring at his earpods, she's staring at his mole!
Inirapan niya ito at akmang aalisin sana ang earpods nang marinig ang kanta.
"All my life
All I ever did was try and try
I never meant to be your problem child
Your problem child, yeah."
Damn! She knew that song! Problem Child by Simple Plan. Isa sa mga kantang madalas niyang pinapakinggan kapag nalulungkot siya dahil sa ama.
Fan kaya ito ng Simple Plan?
Bibihira lamang kasi siyang makakilala ng taong kilala rin ang paborito niyang banda. Sikat man ang Simple Plan, pero alam niyang kakaunti lamang ang fans nito rito sa Pilipinas.
Inalis na niya ang earpods nito saka ibinalik. Pareho silang napatingin sa babaeng umakyat sa bus na may dalang bible.
"Buksan ang bible n'yo sa Mateo 6:12."
Pamilyar na sa kaniyang ang ganitong senaryo sa bus. Sila iyong mga nagpe-pray over para manghingi ng tulong.
"May nakagawa na ba sa inyo ng pagkakamali?"
Nang matapos magsalita iyong babae ay namigay na ito ng sobre sa bawat isa upang maghingi ng donasyon para sa isang charity.
Inabutan si Kara noong babae ng sobre, pati na rin ang lalaking katabi niya ngunit hindi nito iyon tinanggap. Sa halip, naglabas lamang ito ng one hundred peso bill at iniabot sa babae.
Kumuha rin si Kara sa bulsa ng bag niya ng singkwenta peso at saka inilagay sa sobre at iniabot. Nang makuha na noong babae iyong mga sobre ay pumara na rin ito para bumaba.
"I don't believe in your Jesus," bulong ng lalaking katabi niya, pero sapat lang para marinig niya.
She believes in God and it is painful for her to meet someone who doesn't. Iniwas na lamang niya ang kaniyang tingin sa lalaki. Alam niyang wala siyang alam sa istorya ng buhay nito kaya wala siyang karapatang husgahan ang paniniwala nito.
Isinandal niya ang ulo sa bintana at nakangiting pinagmasdan ang nag-aagaw na dilim at liwanag sa kalangitan.
Kinuha niya agad ang cell phone sa bag at saka iyon kinunan ng litrato.
"Ang ganda!"
Hindi niya maiwasang hindi mapahanga sa paglubog ng araw. She always finds herself at peace every time she saw a sunset.
"What's good with fading away?" Nilingon niya ang katabi nang magsalita ito.
"For me, sunset is a sign of being coward for it cannot stand the whole day of struggles and pain."
Tinitigan siya nito at sumilay sa mapula nitong labi ang malungkot na ngiti. Hindi mapigilan ni Kara na hindi ito sagutin.
"You think so?" Nilingon niya ang bintana. "You know what, sunset reminds me of hope that after the dark, there's a new life to start over." Muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaki. "Sometimes, you have to run and hide for you to realize your next move. Sabi nga nila, God created everything in balance."
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito, tanging malungkot na mga mata ang sumalubong sa kaniya.
"Did he?" He eyed her and moved closer, slightly closing their gap. "If your God created everything in balance, then why does everything in life seem so unfair?" He looked directly in her eyes, she could feel his pain as he said those words.
Mukhang may malalim iyong pinagdadaanan kaya hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot. She needs to be careful in choosing her words, ayaw niyang ma-offend ito.
She heaved a deep sigh and still smiled at him. "God offers us choices, we just have to be smart to choose."
Sa halip na ngitian, mas naging malamig ang mga mata nito at halos wala na iyong emosyon. Hindi mapigilang ni Kara na hindi iyon titigan, pero nag-iwas ito kaagad ng tingin
Akala niya ay hindi na iyon sasagot pa dahil sa biglaang pananahimik, pero muli itong nagsalita.
"I don't think so." He chuckled but sadness flickered in his eyes. "Because if He offers us choices, my mother wouldn't die in a car accident."
Sandali siyang natahimik sa sinabi nito. Hindi na niya ito sinagot dahil hindi rin niya alam ang dapat sabihin. Ilang sandali pa ang nakaraan at tumigil na ang bus na sinasakyan nila.
Sinilip niya ang bintana. "Finally." Nasa terminal na siya.
She needs to meet someone here in Lennon. That someone was the one she contacted online to sing her song for the International Songwriting Composition that she'll be joining. Although meeting with someone you don't know may be a risk, she still needs to try.
Inayos muna niya ang kaniyang bag at nilingon ang lalaking katabi, ngunit nakababa na ito ng bus. Pababa na rin sana siya nang mapansin ang ID na naiwan sa katabing upuan.
Muli niyang sinilip sa bintana ang lalaking na katabi para hanapin, pero mukhang nakaalis na ito.
Tiningnan niyang muli ang ID para tingnan ang pangalan.
Janus Axl Valderama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro