CHAPTER 9
Chapter 9
Kagat ang kuko mula sa aking hinlalaki, nakatingin lamang ako sa pintuan ng assigned room kung saan namin ipepresent ang research namin at hinihintay kung kailan iyon magbubukas.
Ngayong araw naka-set ang final defense namin. Magkakaibang room ang ginamit per strand at sa bawat room na iyon, may mga nakahilerang upuang magsisilbing waiting area namin.
When I heard loud claps inside, my heard began to pound due to nervousness. Ang palakpakan kasing iyon ay pahiwatig na tapos na iyong kasalukuyang nagpepresent, ibig sabihin ay susunod na ang ibang grupo which is kami.
“Kaya natin ‘to. Good luck sa atin. God bless!” Almirah stated. Eksakto namang lumabas si Ma’am Elsa at tinawag na kami.
Tahimik lamang kaming magkakagrupo nang makapasok kami. From the presidential table at the back, nakaupo roon ang limang panelists. Sa kabilang gilid naman ay si Ma’am Teresita. I even saw her mouthed good luck to us with her thumbs up gesture. After setting our powerpoint presentation in front, saka ako pumwesto sa gitna.
“Good morning everyone. Welcome to Senior High School Final Defense. I am Megan Uy and here are my group mates,” matapos kong magpakilala ay saka ko inisa-isang in-introduce ang mga kagrupo sa kanila.
Done with our introduction, saka kami nagproceed sa final battle. Sa bawat salitang binibigkas ko, naroon ang kaba sa aking dibdib pero hindi ko iyon ipinahalata hanggang sa tapunan na nila kami ng mga questions.
“Briefly, can you tell us what your study is all about?” that was the first question they threw to us.
Kahit na nakatingin lamang iyong panelists sa manuscript namin, mas dumoble iyong kaba ko. Alam kong gano’n din ang mga kasamahan ko. Buti na lang ay agad iyong nasagot ng isa sa mga kagrupo namin. Mula sa mga tanong nila, sa mga follow up questions, minsan lang akong sumagot.
Binigyan kasi kami ni Ma’am Teresita ng advice bago ang final defense namin. Na kadalasan ang mga members ang tatanungin nila para daw malaman nila kung lahat ba talaga kami ay pinag-aralan iyong research namin o hindi. And what she told us proved us right.
“Congratulations everyone!” saad ng mga ito sa amin nang matapos kami.
All of us clapped and we sincerely thanked them especially sa mga feedbacks na ibinigay nila sa amin. Bago kami lumabas ay nagkaroon kami ng photo documentation kasama ang mga ito.
“Kumusta?” tanong ni Shane pagkalabas namin.
“Gosh, buti na lang naitawid,” tugon ko sa kanya.
“Congrats sa inyo!” pumalakpak pa ito sa amin. “Here’s your clothes. Tara, samahan kita sa comfort room,” tumango naman ako sa sinabi nito.
Nauna kasing nagpresent ang grupo nila Shane kaysa sa amin kaya nakapagbihis na ang mga ito. Saglit lang naman akong nagbihis. Matapos no’n ay saka kami ulit bumalik doon. May isang grupo pa kasi sa amin. Sila ‘yung last na magpepresent.
Nang matapos kaming lahat, sabay-sabay kaming lahat na nananghalian. Usapan kasi naming maglunch kami as one after our presentation.
Ang ingay nga namin sa cafeteria, e. Pinagdugtung-dugtong pa namin iyong mga tables. Buti na lang at hindi kami napagalitan dahil sa kaingayan namin. It’s like it’s our way to celebrate what we did because at last, we made it. Finally, graduation is now waving to us!
“Okay, class listen. We will be having the Second Semester Awarding Ceremony this coming Monday. Are you ready to hear who made it to the lists?”
“Yes, Ma’am!” sagot naming lahat, halatang excited.
“It’s very obvious on your faces. As I call your name, please stand for you to be recognized. Let’s begin for those who belong to With Honors. First, we have Nathalie Albañez,” Nathalie then stood up and we gave her a round applause.
Sunud-sunod iyon at tawa pa kami nang tawa kasi kasabay ng palakpakan ay binabanggit ng mga boys namin ang katagang ‘blow out na ‘yan.’
Shane also made it on the list kaya bilang kaibigan niya ay sobra akong proud sa kanya.
“Next on the list. Hindi naman siya singer but we have soloist here who made it With Higher Honor. Let’s all clap for Megan Uy.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ma’am Teresita.
“Whoah! Sana all!”
“Megan lang sakalam!”
“Blow out na ‘yan! Blow out na ‘yan!” hiyawan ng mga kaklase ko habang ako ay hindi makapaniwala sa narinig ko.
Is this for real? With Higher Honor ako?
“Girl, oy! Ikaw nga! Tayo ka na!” matapos sabihin ni Shane iyon ay wala sa sariling napatayo ako saka muling nabalot ng palakpakan at hiyawan ang room namin.
“Isama niyo ang parents niyo on Monday, okay? Since we have nothing to do now, you will be dismissed early. Diretso uwi na kayo. Graduating students kayo, gusto ko lahat kayo ay aakyat sa entablado,” nakangiting saad sa amin ni Ma’am Teresita.
“Yes po, Ma’am. Good bye po,” after naming magpaalam sa kanya, saka kami nagsilabasan.
What surprised me is when I saw Aldridge leaning in the hallway. Nang makita kami nito ay agad niya kaming nilapitan.
“What are you doing here?”
“Hinihintay ka. Uwian niyo na rin ‘di ba?” tanong nito. Bago ko pa siya masagot ay biglang nagsalita ang mga kaklase ko.
“Inspired naman pala kaya With Higher Honor. Sana all!”
“Sana all may inspiration!”
“Sana all may naghihintay,” napaiwas na lang ako ng tingin sa mga kaklase ko at kulang na lang ay itago ko ang aking mukha dahil sa mga pang-aasar nila habang nagsisilabasan sila sa pintuan.
Kung anong hiya mayroon ako dahil sa pang-aasar nila, si Aldridge naman ay kanina pang natatawa.
“Uwi na ako. Ayaw ko namang makaistorbo. Sana all na lang sa inyo,” sambit ni Shane at bago ko pa kontrahin ang sinabi niya ay tinalikuran na ako nito. So I end up being with him, with Aldridge.
“I heard With Higher Honor ka. Congrats, Meg. You truly deserved it!”
“Thank you,” and I smiled widely.
Habang naglalakad kami, hindi ko namalayan ang kamay nito sa balikat ko at marahan niyang ginulo iyong buhok ko. Nasasanay na yata ang lalaking ‘to sa panggugulo sa buhok ko, ah?
Since maaga kaming nadismiss, nagkaroon kaming time na mamasyal kung saan-saan gamit iyong bike niya. I asked him about the results of their second sem and sabi niya, isa raw siya sa mga With Honors that’s why I also congratulated him.
When we saw a fishball cart, naisipan naming magmiryenda saglit. Iyong bike niya ay ipinark niya lang sa may poste. Habang kumakain kami sa may fishball-an, pinunasan nito ang gilid ng labi ko gamit ang kamay niya hanggang sa pinanggigilan nitong kurutin bigla iyong pisngi ko.
“Bwisit ka talaga!”
“Ang cute mo!” sagot lang nito, nang-aasar.
Nang balak ko sana siyang hampasin, bigla nitong hinuli iyong kamay ko. Ang kamay niyang nakahawak sa may palapulsuan ko ay biglang bumaba sa kamay ko hanggang sa pinagsalikop niya ang mga iyon. My face instantly flushed red.
“H’wag masyadong kiligin,” he teased. I just glared at him, hiding the smile that wants to form in my lips.
Matapos naming kumain ay saka namin napagpasyahang umuwi na. At pinayagan ako nitong magbike habang siya naman ang nakaangkas sa likuran. Buti na lang talaga at nakapantalon ako ngayon.
“See you tomorrow,” paalam niya and he stole a peck from my left cheek na siyang talagang ikinabigla ko. After doing that, mabilis na sumakay ito sa kanyang bike at pinatakbo iyon nang matulin. Baliw talaga.
Pagkapasok ko sa bahay ay nagkulong lamang ako sa aking kwarto hanggang sa may kumatok sa pintuan ko.
“Meg, kain na,” tawag ni Nanay Orsing sa akin. “Bumaba ka na r’yan, nandoon na ang magulang at ate mo sa hapag.”
“Opo,” sagot ko rito. I just tied my hair in a messy bun saka ako sumunod kay Nanay Orsing sa baba at tama nga siyang nandoon na silang lahat.
“Sa May pa graduation namin, Mom,” sagot ni ate sa tanong ng Mommy habang kumakain kami.
“How about you, Meg?” she asked me.
“Either first week or second week of April po pero hindi pa siya sure Mommy,” tugon ko matapos kong nguyain iyong pagkain sa bibig ko. “Ah, Mom, awarding ceremony po pala namin ngayong Monday. Para po ‘yon sa second semester. Kailangan daw po ang parents sabi ng adviser namin,” pagkukwento ko sa kanila.
“Ano bang nakuha mo ngayong second sem?” she asked, busy putting some dish on her plate.
“With Higher Honor po,” nakangiti kong saad. But what she responded is far from what I’m expecting her to feel.
“Seriously, Meg? With Higher Honor lang?” Mom questioned, meeting my eyes directly. Sa paraan ng pananalita nito’y may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. “You should have done better. Anyway, I won’t be coming on that day. Marami akong kliyente sa araw na ‘yan. Ikaw, hon?” saka nito hinarap ang Daddy ko.
“I’ll be meeting some clients, too. Hindi pa naman graduation ‘yan,” Dad answered, uninterested.
I pursed my lips, trying to stop my tears from rolling. “Sige po. Sabihan ko na lang po ang teacher namin. I think hindi naman po necessary ang presence ng parents,” saka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko.
While eating, they asked my sister about her studies. Nang sabihin nitong may Parents’ Night na magaganap sa university nila bago ang graduation, what my parents answered made me shatter inside.
“Of course, we will be coming. We will reserve that day for you.”
Napatungo na lamang ako sa harapan habang ipinagpatuloy iyong pagkain ko. Hindi na ang ulam ang nginunguya ko kundi iyong sarili kong labi para mapigilan ang aking paghikbi.
Ano pa nga bang aasahan ko sa kanila?
The day of our awarding ceremony came. Gaya ng napag-usapan, nagsimula ang awarding ceremony na ‘yon bandang 8:30 ng umaga. Sa loob ng TVL room iyon ginawa, para siyang maliit na gym. Inuna nila ang TVL strand since sila ang may pinakamaraming bilang sa lahat ng strand.
As they call their names in front, nakangiting umakyat ang mga ito sa entablado kasama ang kanilang mga magulang.
Seeing my co-students walking upstairs with their parents, hindi ko maiwasang hindi mainggit. I hope my parents could render their time too the way these parents are doing for their children.
Hanggang sa ang STEM strand na ang sunod nilang ini-anunsyo.
“Megan Uy, With Higher Honor,” nang banggitin iyong pangalan ko ay napuno nang palakpakan iyong lugar pero hindi ako kaagad tumayo. Nagdadalawang isip kasi ako kung aakyat ba ako o hindi pero sa huli ay umakyat pa rin ako.
While walking in aisle alone, I saw how everyone gave me pitiful look. Some even murmured which adds to the heavy feeling I have inside me. They might be thinking why my parents are not with me.
“Where are your parents?” nagtatakang tanong ni Ma’am Teresita sa akin, nakakunot pa ang noo nito.
I smiled weakly at her. “Nagkataon po kasing marami silang client ngayon kaya hindi po sila makakapunta.”
“I see. It’s alright. We do understand their part knowing that your parents are both lawyers. On behalf of Ms. Uy’s parents, way we call on—” Ma’am Teresita was not able to finish her sentence when Aldridge suddenly appeared on stage.
“Pwede po bang ako na lang ‘yong magsabit ng medalya sa kanya, Ma’am?” nakangiti nitong suhestiyon sa adviser namin. Ma’am Teresita didn’t oppose. Sa halip ay ibinigay nito kaagad kay Aldridge iyong maliit na box ng medal at iyong ribbon.
Aldridge then closed the gap between us and pinned my ribbon on my left side, near my heart. Nakagat ko na lamang ang pang-ibaba kong labi dahil sa ginawa niya. Nagsimula na ring lumabo iyong paningin ko dahil sa luhang sumakop sa mata ko.
Having tears in my eyes, pasimple itong tumayo sa harapan ko para hindi makita ng mga tao ang pag-iyak ko.
“Cheer up, Meg. Don’t spoil this day with your tears,” mahina niyang sambit sa akin. Matapos niyang isuot iyong medalya sa akin ay mabilisan niyang pinunasan iyong mata ko saka namin hinarap pareho iyong mga tao.
Nagpalakpakan ang lahat. Binigyan ko naman sila ng isang malaking ngiti, iyong klase ng ngiting kayang itago ‘yung sakit na nararamdaman ko.
That awarding ceremony ended around 12 pero hindi ko na naisipang mananghalian pa. Shane invited me to go with her family pero tumanggi ako. Ang sabi ko ay naghihintay ang parents ko but that was just my excuse.
Watching them how happy breaks me. Sana gano’n din ang parents ko sa akin. Sana gano’n din sila ka-proud sa akin. Sana gano’n din sila kasuportado sa akin pero alam kong malabo iyong mangyari.
Napaangat ako ng tingin nang makita ko iyong panyo sa harapan ko.
“Don’t hold your tears. You can cry now, Meg. You can use this afterwards,” mula sa sinabing iyon ni Aldridge, tuluyan na ngang kumawala ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.
Ramdam ko ang pag-upo nito sa tabi ko saka niya ipinasandal ‘yung mukha ko sa may dibdib niya.
“Just cry,” simple niyang saad. Doon na ako tuluyang humagulgol lalo na no’ng mag-play ulit sa isip ko iyong eksaktong sinabi ng mga magulang ko no’ng ipinaalam ko sa kanila ang tungkol sa awarding ceremony namin.
“Alam ko namang busy sila, e. Pero hindi ba nila ako pwedeng bigyan kahit konting oras man lang? Mas mahalaga pa ba talaga ‘yong trabaho nila kaysa akin?” mas lalo pa akong humagulgol sa tuwing naaalala ko kung gaano sila kasuportado kay Ate Trixie.
“Tapos kapag si Ate naman, they are willing to clear their sched for her. Bakit ba ang unfair nila?” habang umiiyak sa dibdib niya, sa kanya ko rin sinasabi lahat ng mga hinanakit ko, umaasang kahit papaano ay mawala iyong bigat ng nararamdaman ko.
“Just because I’m not pursuing the course they wanted for me, kailangan bang ganito ang iparamdam nila sa akin? I am doing my best. I always give my best but why can’t I have their support? Ano bang kailangan kong gawin para masuportahan din nila ako katulad ng suportang ibinibigay nila sa ate ko?” I burst into tears.
Pinaharap ako ni Aldridge sa kanya at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay pinunasan niya iyong mga luha ko.
“I am here, Megan. Your parents’ support is different from mine but I am here. If no one wants to support you, remember that I, Aldridge Samonte will always be here for you,” muli nitong hinaplos ang pisngi ko upang burahin iyong luhang sumakop sa mukha ko.
“Susuportahan kita at handa kitang samahan hanggang sa makamit mo ng tuluyan ‘yong pangarap mo,” saka niya ako kinulong sa braso niya.
That made me burst into tears more. I hope my parents could see all the efforts I’m doing. I hope my parents could appreciate me like what Aldridge is doing to me. It’s hopeless I know. But deep inside me, I am still hoping that one day, my parents could see my worth.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro