Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 3

Chapter 3

Matapos kong maligo pagkapanhik ko ng kwarto, diretso akong naupo sa harap ng vanity mirror at habang tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang towel, nakatingin lamang ako sa repleksyon ko sa harapan ng salamin.

“Don’t hate them. They love you that’s why they are doing this to you,” pangungusap ko sa sarili ko saka ako ngumiti.

Kadalasan ay ganito talaga ang ginagawa ko, iyong kinakausap ko ang sarili ko habang nakatingin sa salamin. It’s as if I’m considering my reflection as a stranger at doon ko inilalabas sa kanya ang lahat ng mga hinanakit ko pati rin iyong mga masasayang nangyayari sa buhay ko.

Call me weird but I already got used to it simula noong medyo napalayo ang loob sa akin ni Ate Trixie.

Ate Trixie and I were so close before. Like we can share stuff with each other, including the most embarrassing moments that we experienced in our life and such but things changed when I turned senior high school, iyong nalaman nilang ipupursue ko talaga ang pagiging doctor.

I do not know why they hated it that much. Ano bang mali kung magdodoctor ako?

To be honest, nasasaktan ako kapag ipinaparamdam nila sa aking hindi nila ako suportado sa pangarap ko. Hindi naman kasi ako robot para walang maramdaman but I never speak ill about them just because of that.

Whenever I’m at the verge of crying, I always tell them I hate them but I don’t really mean it. Isa pa ay hindi ko kayang sabihin sa kanila iyon nang harap-harapan. Siguro ay iyon lang ang way ko para mailabas lahat ng mga hinanakit ko.

Though masakit na silang magsalita kung minsan, I’m using their hurtful words to encourage myself, na may patutunguhan itong pagdodoctor ko. And I want to let them know na hindi ko ito susukuan dahil lang sa hindi nila ako sinusuportahan.

Alam ko namang ginagawa lang nila ito sa akin, siguro ay dahil iniisip nilang ang pagiging lawyer ko katulad nila ang makabubuti para sa akin but no, I will pursue my dream no matter what. I will continue this not because I wanted to prove them myself but because I wanted to prove to myself that my decision of pursuing my dream is right.

A knock outside my door got my attention kaya agad akong napalingon doon.

“May inihanda akong pagkain dito. Kumain ka na habang mainit-init pa,” saad ni Nanay Orsing pagkapasok sa kwarto ko.

Agad ko naman siyang sinalubong sa pintuan saka inihanda iyong mini table sa tabi ng higaan ko at doon niya ipinatong iyong food tray.

“May ibinigay pala ang magulang mong gamot dito. Inumin mo raw pagkatapos mong kumain. Isabay mo siya rito sa calamansi juice na ginawa ng Ate mo,” napatitig na lamang ako roon sa baso ng calamansi juice at sa platito kung saan nakalagay iyong tinutukoy ni Nanay Orsing na gamot.

“Kumain ka na para makapagpahinga ka ng maaga,” mahina nitong tinapik ang balikat ko saka niya inihina iyong aircon bago siya tuluyang lumabas ng aking kwarto.

Nang mawala si Nanay Orsing sa paningin ko, hindi ko maiwasang hindi mapangiti nang malapad. Knowing that may parents brought me medicine and my sister made a calamansi juice for me, I had the appetite to eat all those foods Nanay Orsing prepared for me.

That night, I was also able to sleep having a big smile crept in my lips.

Upon fixing myself the next day, mabilis kong inilagay ang iba kong gamit sa loob ng bag pack ko, saka ako mabilis na bumaba sa may sala at dumiretso sa may main door.

“Nanay, Si Uncle Danny po—”

“Megan, come here! Bilisan mo!” natigil ako sa pagsasalita at napatingin doon sa may garahe.

Ate Trixie was already sitting at the back seat at bahagya lang nitong inilabas ang kanyang ulo sa nakabukas na bintana ng kotse nang tawagin niya ako.

“Pumunta ka na roon, baka mahuli ka pa sa klase mo,” usal ni Nanay Orsing saka niya ako binigyan ng isang ngiti.

Not asking her what’s happening, dumiretso na ako roon sa kotse. To my surprise, hindi lang si ate Trixie ang nandoon. My parents were sitting on the front seat and it’s my Dad who’s now maneuvering the car.

“Seatbelt,” Dad reminded me when our eyes met through the rear-view mirror. Napatango naman ako at agad na isinuot iyong seatbelt ko.

Sa buong byahe, nakasandal lamang ang ulo ko sa gilid ng nakabukas na bintana at habang pinagmamasdan ko iyong mga tanawing nadadaanan namin ay isang malaking ngiti ang nakapaskil sa aking labi at kahit anong gawin ko ay hindi iyon maalis-alis.

To be honest, this kind of scenario is a rare thing to happen in my family. But before, si Daddy ang talagang laging naghahatid-sundo sa amin sa school noon. Things just changed when I turned into senior high school. Simula noon, doon lang naman nag-iba ang pakikitungo ng family ko sa akin and it’s because of the dream I wanted to pursue.

I immediately closed the window when we reached my school. I was about to go out when Dad parked the car but my Mom called me and surprisingly, she handed me a lunch box.

“Eat them during your lunch time,” she told me in a monotone but that couldn’t outdo the rejoice feeling I had in my insides.

“Thanks, Mom. I’ll go ahead na po. Ingat po kayo,” before closing the door, I waved my hand at them.

Entering the main gate, I leaped in joy while walking. Kita ko pa ‘yung pagkakunot sa noo nung guard habang ini-scan ko ‘yung ID ko sa scanner. Nginitian ko na lang ito bago ako pumasok nang tuluyan.

Masaya lang kasi ako. I feel like I’m experiencing the previous relationship I had with my family.

“Good morning,” I greeted Shane as soon as I sat on my chair which is next to her.

“You’re smiling like crazy,” puna nito sa akin.

“Masaya lang ako, h’wag kang kontrabida,” binato pa ako nito ng binilog niyang papel. Napatawa na lamang ako dahil doon.

What my family did make me in a good mood the whole day. Pati noong lunch ay inubos ko lahat nung pagkaing inilagay ni Mommy sa lunch box ko. What made me happier ay noong nalaman kong favorite dish ko ang nakalagay roon.

Shane also had her lunch food that’s why we didn’t bother to go to the cafeteria. Doon na kami mismo sa loob ng classroom namin kumain and even though kaming dalawa lamang ang nandoon, sobrang gaan ng pakiramdam ko.

Friday then came. Around 9 in the morning when they announced that all Grade 12 students need to go to the campus gymnasium for a meeting and I think it is something related to our Work Immersion since it will start next week.

Nagsilabasan kaming lahat sa classroom namin at sabay-sabay na bumaba sa may gym. Ang ilan pang mga estudyante ay napapalingon sa amin, siguro ay nagtataka kung saan kami pupunta. Mararanasan din naman nila ito soon pagtungtong nila sa Grade 12.

Ang isa sa mga head ng SHS faculty ay sinabihan kaming magform ng line per strand para agad daw nilang ma-identify kung anong strand kami kabilang.

Dahil ako ‘yung President ng aming classroom, hindi ko alam kung bakit kailangang ako pa ang paunahin sa linya pero hindi na lamang ako kumontra. Paglingon ko sa kaliwa ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Aldridge na nasa may harapan din, at ang line nila ay katabi lang sa amin.

Si Aldridge ay ‘yung nakita ko sa may bridge kamakailan lang. Teka, magka-school mates kami? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita rito?

“Dito ka nag-aaral?” tanong ko sa kanya noong mapalingon siya sa gawi ko. Tango lamang ang naging sagot nito sa akin. “Bakit hindi mo sinabi?” tanong ko pa sa kanya.

“Why would I tell you? Hindi ka naman nagtatanong,” napailing sabay tawa na lamang ang ginawa ko dahil sa isinagot niya.

“Baliw,” ang tanging naisagot ko. Well, he has a point though. “Kung dito ka pala nag-aaral, ibig sabihin kilala mo ako?” curious kong tanong. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang naitanong ko sa kanya. Siguro kaya niya ako pinigilan sa tulay noon ay dahil kilala niya ako?

“Sino namang hindi makakakilala sa’yo sa school na ‘to? Ikaw lang ‘tong hindi nakakakilala sa amin,” napangiwi na lamang ako.

Hindi naman ako ganoon ka-famous sa school na ‘to para gano’n ang sabihin niya. Perhaps, it was because of my parents dahil alam ko naman kung gaanong kakilala ang parents ko sa lugar na ‘to.

“EIM ka?” tanong ko na naman ulit para lang maiba ang topic.

“Saan ba ako nakalinya?” napaikot na lamang ako ng mata. Hindi ko alam na ganito pala siya kung makipag-usap. Ang sarap niyang bigwasin sa totoo lang. Tss.

Mrs. Rina Tadeo, SHS Faculty head took our attention by her greetings. Dahil nga sa Lunes na magsisimula iyong Work Immersion namin ay marami itong ipinaliwanag sa amin especially sa mga do’s and dont’s na gagawin namin kung saan kami mag-iimmersion.

Nabanggit din nito ang tungkol sa daily observation na gagawin namin, and other requirements which is kailangan naming ipa-bookbind as soon as matapos iyong immersion. Bali magsisilbi iyong portfolio ng mga gagawin namin sa loob ng dalawang linggo.

Also, she informed us that our work immersion uniforms already arrived at ang mga classroom officers na lang daw ang bahala sa distribution para hindi magulo. Natapos ang meeting na iyon ng mga 10:30 na and after dismissing us, nagsibalikan ulit kami para makuha iyong mga uniforms namin.

Two set ang uniforms namin para salit-salitan naming gamitin ang mga iyon. Having the class lists with me, we decided to distribute the uniforms in an alphabetical list para maayos at kapag nakukuha na nila iyon ay mina-mark as check ko para walang madoble. May naka-assign din sa mga sizes ng uniforms para i-aabot na lang namin iyon sa mga kaklase namin. Pagkatapos no’n ay saka na kami nagtake ng lunch.

“Close mo pala ‘yung Aldridge na ‘yon?”

“Not really. Kakilala lang,” sagot ko sa tanong ni Shane though hindi ko naman siya gano’n kakilala masyado. “By the way, is he new here?” nagtataka kong tanong sa kanya.

“Hey, try this. Masarap siya,” sabay lagay ko ng sisig sa kanyang pinggan. Kasalukuyan kasi kaming kumakain sa cafeteria ngayon.

Shane nodded at me as her answer to my question earlier. “Yep. According to what I have heard, nagtransfer yata siya rito three weeks after the classes resumed last June,” tugon nito at ako naman ang napatango this time. So, he’s a transferee. Kaya pala hindi ako gano’n ka-familiar sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay kami nang bahagya roon. Dahil padami-dami na nang padami ang mga estudyante para magtake ng kanilang lunch ay saka kami umalis ni Shane sa cafeteria. Kawawa naman kasi ‘yung mga kumakain na walang table. Kaysa naman tumambay kami roon, mas mabuti na lang na i-occupy ng ibang customers yung table na ginamit namin.

“Dito muna tayo,” hindi na ako kumontra sa sinabi ni Shane lalo na noong maupo ito sa may lilim ng umbrella tree.

Sa tapat ng tinambayan namin ay ang isang maluwang na espasyo kung saan ay may kasalukuyang nagpapractice na mga Grade 11 students para sa kanilang jazz chant. Ganoon din kasi ang ginawa namin last year kaya alam ko lalo pa’t same lang ng piece ang pinapractice nila sa ginawa namin noon.

Habang nagkekwentuhan kami ni Shane ay pinapanood din namin sila. Natatawa pa nga kami dahil sa kaklase nilang mga bakla. Sa halip kasi na sayaw ang pinapractice nila ay rumarampa tuloy ang mga ito. Their leader couldn’t help but to scold them and laugh at the same time.

When the bell rings, agad kaming tumayo ni Shane saka kami dumiretso sa room namin.

Thinking about our Work Immersion, ngayon pa lang ay nae-excite na ako lalo pa’t kasama ko si Shane sa hospital na napili ko. Doctor din kasi ang gusto nito paglaki niya.

Attending our last subject which is Calculus, our teacher gave us a surprise quiz. Like the usual, maraming nagreklamo pero wala naman kaming magagawa but to take it kaysa naman ang ma-zero kami. Good thing all of us passed. 15 ang lowest out of 20. Shane and I got 17 at iyon ‘yung highest scores na nakuha ng class namin.

Sabi pa nga ni Ma’am Mikee ay natutuwa siya sa results. Sa ibang klase niya raw kasi ay may nakakuha pang 10 and ‘yung highest nila ay 15.

“Good bye, class,” paalam ni Ma’am Mikee matapos nitong i-record ‘yung scores namin.

“Congrats, Pres!”

“Likewise, Vice Pres!” nagtawanan kami ni Shane dahil sa kalokohan naming iyon.

“Baliw talaga tayong dalawa. Tara na nga!” I clung my hand into Shane’s arm saka kami sabay na bumaba dahil uwian na.

After bidding her a good bye, saka ako pumasok sa kotse namin. Siya naman ay naiwan dahil on the way pa lang daw iyong Daddy niya.

Sitting at the back seat, I was just scrolling on my different social media accounts. Wala lang. It’s just my way of seeing some news there o kaya naman ay nanonood ng kung anu-anong videos at magbabasa ng mga memes tapos ise-share sa timeline ko. I have that kind of attitude though lalo na kapag tumatambay ako sa Facebook account ko.

Pagkauwi sa bahay ay mga kasambahay lamang ang nadatnan ko roon.

“Sila Mommy po?”

“Hindi ba nila nasabi sa’yo?” nangunot naman ang noo ko nang sabihin iyon ni Nanay Orsing.

“Nasabi ang alin po?”

“Kaaalis lang nila. Pupunta raw silang Cebu. May a-attend-an daw silang family dinner bukas ng gabi,” sagot nito dahilan para wala sa sariling mapatango ako habang inaalisa pa rin sa isip ko kung ano iyong narinig ko.

“Ay, sige po. Baka po hindi ko lang nakita ‘yung message nila,” usal ko kay Nanay Orsing. “Magbibihis lang po ako saglit.”

Pagkatango nito sa akin ay tumalikod na ako at nagtungo sa may hagdanan. And every step I take, ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko kasabay ng pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko.

Umalis sila. Naiintindihan ko kung bakit hindi nila ako isinama. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi man lang nila ako sinabihan.

Walking upstairs, even how hard I try, pair of tears already fell. And just like that, after letting me feel that we are all okay few days ago, saka naman ganito ang mararanasan ko.

Family dinner pala ang pinuntahan nila pero hindi ako kasama. So, ano pala ako?

I can’t help but to smile bitterly because of that.  Minsan, iniisip ko na lang kung kabilang pa ba talaga ako sa pamilyang ‘to.

***

A/N:

To avoid confusion especially to SHS studs out there, please know beforehand that Work Immersion in this story happens around second to last week of November (binase ko po siya sa mga first batch ng SHS, baka kasi malito kayo especially sa mga nagwork immersion around January due to pandemic).

Regardless of the honor rolls, awarding of their first semester, second semester and overall ranking (graduation) were separated.

Thank you, stay safe!💙

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro