Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 8

***

"Hold my hand Chasty," utos ni Khad, mabilis ko naman yung sinunod at inikot niya ako bago nagbend. "Very good," nakangiti niyang sabi sa akin.

Wala kami ngayong klase dahil puro practice ang ginagawa ng buong 3rd year, hindi ko nga din alam kung bakit hindi nila sinama ang 4h eh.

"Okay, good job guys, bukas ulit," sabi ng Prof at mabilis naman akong umupo sa gilid sa subrang pagod, lumapit naman sa akin si Khad at nagpahinga rin, sumunod si Pria at Cris.

"Nagugutom na ako," reklamo ni Pria.

"Gusto ko ng Ice cream, ang init kase," reklamo ko din habang ginagawang pamaypay ang kamay ko.

"Bibili ako," sabi naman ni Khad at tumayo.

"Bilihan mo rin ako ng-"

"Tanga, kasama kita," sabi naman ng isa kay Cris, natawa kami ni Pria, kamot ulo namang tumayo si Cris at nakanguso pa talaga.

"Anong flavor ng ice cream babe?" Tanong ni Cris kay Pria, napa 'yuck' naman ako sa call sign nila at natawa.

"Chocolate," sagot naman ni Pria.

"Sa'yo?" Tanong ni Khad.

"Cookies and cream na lang, salamat," sabi ko at inabot sa kaniya yung pera para pambayad.

"No need," sabi niya at hinila na si Cris palabas ng gym.

Naiwan naman kami doon ni Pria, yung iba naman ay umu-uwi na rin malapit na rin kaseng dumilim.

Kanina pa kami ditong ala una at gutom na gutom na ako dahil wala man lang kami kumain.

"Oy, Chas, congrats pala," nakangiting bati sa akin ng isa sa mga kabatch mate ko, hindi ko siya kilala pero nagpasalamat ako.

Habang nakatingin ako sa mga lumalabas sa gym ay nakita ko si Vin na may kausap na babae, 'yon din ata ang partner niya at 'yon din ata ang girlfriend niya.

Ano kayang iniisip ng girlfriend niya kapag nalalaman niyang magkasama kami? O baka naman hindi niya sinasabi kase hindi pa kami nagkikita.

Nagtataka nga ako eh hanggang ngayon wala pa rin siyang sinasabi, yung ibang babae nga dumikit pa lang ang boyfriend nila sa ibang babae grabe na magalit akala mo naman kung aagawin, sana kinadehan nila para hindi mawala tapos itali nila sa leeg nila.

"Chas, feeling ko talaga may gusto sa'yo si Khad," gulat akong napatingin kay Pria habang inaayos ang mga gamit niya.

"Paano mo nasabi?" Tanong ko, kahit alam ko na ang totoo, umamin na siya eh.

"Pansin ko lang," kibit balikat niyang sagot. Bahagya akong natawa at hindi na siya pinansin, hinintay na lang naming dalawang bumalik yung dalawang lalaki.

Ilang saglit pa ay nagulat ako dahil nasa harapan ko na si Vin.

"Uuwi ka?" Tanong niya, tinaasan ko siya ng kilay.

"Paki mo ba kung uuwi ako o hindi?" Mataray kong tanong sa kaniya.

"May paki po ako dahil nasa iisang bahay tayo nakatira," sagot niya naman.

"Excuse me, hindi ako doon nakatira, may sarili akong condo," sagot ko.

"'Oo' at 'hindi' lang ang hinihingi kong sagot ang dami mo ng sinabi," dagdag niya pa.

"Para matapos yang tanong mo, OO!" sagot ko sa kaniya.

Kailangan kong doom matulog dahil dumalaw si Daddy, sabi niya pa naman dadalaw siya ngayong week pero hindi sure kung kailan, surprise daw kaya kailangan magkasama kami doon sa bwisit na bahay na 'yon.

Tumango na lang siya bago umalis.

"Who's that? Anong iisang bahay lang kayo nakatira!?" Gulat na tanong ni Pria.

Oo nga pala 'di ko pa nasasabi sa kaniya.

"Saka ko na ipapaliwanag sa'yo, please 'wag mo muna sabihin sa kanila, please, please?" Maka-awa ko.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?" Tanong niya ulit.

"Eh kase naman..."

"Ice cream!!!" Sigaw ni Cris, masama akong tiningnan ni Pria, mamaya ko na lang siguro ipapaliwanag.

Inabot sa akin ni Khad ang ice cream ko at tinanggap ko naman 'yon, alam kong hindi titigil si Pria hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo.

"Sasabay ka ba sa akin pauwi?" Tanong ni Khad sa akin.

"Dala ko ang kotse ko," sagot ko naman sa kaniya.

Sinimulan ko ng kumain ng ice cream habang naglalakad kami palabas ng gym.

"Ihahatid ko na lang si Pria sa bahay nila," sabi naman ni Cris. Napatingin ako kay Pria na nakatingin din pala sa akin.

Kumaway na ako sa kanilang dalawa at ganoon din ang ginawa ni Khad habang kinakain ang ice cream niyang chocolate flavored.

Nang makaalis ang kotse nila ay ako naman lumapit sa kotse ko, sumunod naman si Khad dahil katabi lang ng kotse ko ang kotse niya.

"Kain tayo sa labas?" Tanong niya ng mabuksan ko ang kotse ko.

"Libre mo?" Natatawa kong tanong.

"Oo ah," sagot niya naman.

"G," sumakay na ako sa kotse ko at sinundan ang kotse niya.

Nagugutom na talaga ako kaya pumayag na rin ako, may pambayad naman ako kaya lang kailangan kong magtipid dahil baka biglang e-block ni Daddy ang card ko kapag nalaman niyang nagpapanggap lang kami ni Vin.

Nang makarating kami sa restaurant ay bumaba na ako ng kotse matapos yung ma-park, sumunod naman ako kay Khad na hinihintay ako sa pinto ng restaurant na kakainan namin.

Omorder lang ako ng Sunnyside up egg and skinless chicken. Ganoon din naman ang inorder niya sa kaniya dahil gusto niya daw pareho kami.

"Khad, may tanong ako sa'yo," tawag ko sa kaniya, tinaasan niya naman ako ng kilay at hinihintay ang sasabihin ko. "Paano mo masasabing gusto mo ang isang tao?" Seryuso kong tanong sa kaniya.

"Hindi ko alam ang exact answer sa tanong mo, pero base on my experience when the first time I fall in love, it was amazing, nae-excite ka sa lahat ng bagay na makakasama mo siya kahit pa lagi kayong nag-aaway," sagot niya naman at medyo natawa sa huling sentence na sinabi niya.

"Ilang beses kana na in love?" Tanong ko ulit, gusto ko malaman kung anong feeling na may karelasiyon.

"Once," gulat akong napatingin sa kaniya sa sagot niya at seryuso din siyang nakatingin sa akin.

"You mean-"

"Yup, you're the lucky girl I fall in love first," putol niya sa tanong ko. Napalunok ako sa sagot niya, nakakahiya, dapat pala 'di na lang ako nagtanong.

"I-Imposible namang ako lang," nahihiya kong sabi sa kaniya.

"I'm not joking, kagaya mo ayaw ko pa rin ng may girlfriend dahil feeling ko isturbo lang sa akin baka hindi ko pa matupad ang nga pangarap ko, but when I saw you in my store I know that I'm falling for you, What they call it again? Oh? Love at first sight." Nakangiti niyang sagot.

Hindi ako nakasalita sa mga sinabi niya at tinawanan lang ako.

"Ikaw? Wala ka ba talaga kahit crush lang?" Umiling ako sa tanong niya.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ganito ako, kahit crush wala, siguro mas nagfocus kase ako sa pag-aaral dahil gusto kong mapatunayan sa pamilya ko na hindi ako ganoon sa iniisip nila.

Malaki ang galit ko kaya hindi ako nagtuon sa mga bagay na wala namang kwenta at hindi makakatulong sa mga problema ko.

"Ang boring naman ng buhay mo," sabi niya pa.

"So boring," dagdag ko naman.

Dumating naman kaagad yung order namin kaya nagsimula na din kaming kumain, habang kumakain ay napatingin ako sa glass wall at nakitang tumutulo ang malakas na ulan.

"Chasty, kapag ba humingi ako ng permiso sa'yo na manliligaw ako, papayag ka ba?" Seryuso tanong niya at nakatingin sa mata ko sa diretso.

Nasamid ako sa tanong niya kaya inabutan niya kaagad ako ng tubig. Uminom naman ako at pinunasan ang labi ko ng tissue.

"Sabi ko naman sa'yo, I'm not ready for relationship," sagot ko naman.

"Ede hayaan mong ligawan kita hanggang sa pwede na," sagot niya naman sa akin.

"Magsasawa ka din," dagdag ko pa.

"So? Pumapayag ka na?" Gulat na tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at kumain na lang, wala akong sasabihin dahil baka pagsisihan ko rin, kaya mas mabuting wala akong bitawang salita sa kaniya.

Hindi na rin naman siya nagtanong dahil nakuha niya ata ang gusto kong iparating, pero nakangiti siya habang kumakain.

Malakas pa rin ang ulan ng matapos kaming kumain, umuwi na rin kami matapos 'yon, hinatid niya ako sa village na tinitirhan namin ni Vin, alam kong nagtataka siya kung bakit dito ako dumiretso.

Nang makarating kami sa gate ng village ay hininto ko ang kotse ko at ganoon din naman ang ginawa niya, bumaba ako at bumaba din siya.

"Dito ka nakatira?" Takang tanong niya. Tumango ako sa kaniya bilang sagot. "I see,"

"And there's a secret that I want to hid from everyone, so please don't tell anyone else that I live here, I don't want issues and rumors about me, I can't explain and tell you for now, thank you sa food and sa paghatid," paalam ko. Tumango naman siya at sumakay na ako sa kotse ko bago tuluyang pumasok sa village.

Sana lang talaga 'wag na siya magtanong, hindi ko masabi sa kaniya na engaged na ako pero hindi naman yun totoo, kase baka sakaling mahulog ako kay Khad at ayaw kong pagsisihan 'yon sa huli.

Masasabi ko rin naman sa kaniya 'yon, pero hindi pa ngayon at sana kapag nasabi ko na, sana maintidihan at matanggap niya. Ayaw kong magbitiw ng salita kay Khad dahil hindi ko pa talaga alam kong anong meaning ng salitang love pagdating sa relationship sa isang lalaki.

Sa pamilya pa nga lang wala ng love eh, paano pa ako magmamahal ng lalaking papakasalan at makakasama ko hanggang kamatayan?

Ayaw ko ring isipin nila na ang unfair ko magmahal dahil hindi naman pagmamahal ang pinapakita ko. Kase baka hindi ko talaga sila mahal o kaya naman naaawa lang ako sa kanila dahil kahit ako mismo hindi marunong magmahal.

Kung sakali mang mali para sa iba ang ginagawa ko, hindi nila naintindihan ang nararamdaman at gusto kong mangyari.

Pinarada ko na sa garahe ang kotse ko at nakita na nandoon ang kotse ng lalaki, baka tulog na siya dahil past seven na din ng gabi.

Pagpasok ko ay patay lahat ng ilaw, pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at binuksan ang ilaw, laking gulat ko ng makitang may pagkain doon na may takip.

'Eat first before your sleep.'

Yan yung nakalagay sa ibabaw ng plato na nakatakip sa mga pagkain na hindi nakain. Busog na ako eh, kay hindi ko na yan makakain.

Uminom lang ako ng tubig at pinatay ulit ang ilaw bago umakyat sa kuwarto ko. Pagpasok ko ay ginawa ko muna ang night routine ko bago tuluyang natulog dahil nakakapagod ang ginawa naming practice kanina.

Nagising ako ng may dila ng dila sa kamay ko, halos sumigaw ako sa gulat ng makita si Venice na dinidilaan ang kamay ko.

Mabilis akong mapabangon at tiningnan siya ng masama. Tinahulan niya naman ako at mukhang naintindihan niya ang tingin ko.

"Labas," utos ko, mabilis naman siyang tumalon pababa ng kama ko at lumabas sa kuwarto ko.

Nagtampo ata yung tuta.

Napatingin ako sa wall clock sa kuwarto ko at nakitang seven na, eight pa naman ang pasok ko kaya may time pa ako para mag asikaso, mabilis akong naligo at magbihis dahil may klase ako ngayong araw tapos mamayang hapon practice na naman kami.

Gusto ko na lang talaga mamatay, ang sakit na ng katawan ko kakasayaw eh, tapos naapakan pa ang paa ko dahil hindi kami minsan magkasundo ni Khad pero mas kawawa ang paa niya dahil maraning beses ko siyang naapakan.

Dadaan na lang siguro ako sa restaurant para kumain o kaya bibili ng pwedeng kainin.

Pagbaba ko ng hagdan ay nilalaro ni Vin si Venice, may sinasabi siya pero mahina lang at kinakausap yung tuta niya.

Napalingon naman siya sa akin ng makitang lumampas ako sa kaniya, ano bang pakialam niya? Dapat lang na wala kaming pansinan kapag nandito sa bahay.

"Hindi ka kumain kagabi?" Bigla niyang tanong.

"Kumain ako sa restaurant," sagot ko sa kaniya at inayos ang sapatos na suot ko.

"Kumain ka muna bago ka umalis, masasayang yung niluto ko," sabi niya, tumingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

"Sa susunod 'wag ka ng magluto para hindi masayang," mataray kong sabi sa kaniya na halatang ikinagulat niya, tumalikod na ako at handa ng umalis ng marinig ang huli niyang sinabi.

"Hindi man lang na-appreciate ng Mommy mo ang niluto ko."

_________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro