CHAPTER 6
***
"Ang exam Chasty, kinakabahan ako," nanlalamig na humawak sa kamay ko si Pria, natawa lang ako sa reaction niya dahil ngayon ang labas ng result ng exam namin.
"Kapag hindi talaga kita magiging kaklase sa second sem, magce-celebrate ako haha." Hinampas niya naman ako sa balikat kaya bahagya akong napaatras pero tumatawa pa din ako.
Kinakabahan kase talaga siya, ako naman confident na confident na. Kapag hindi kase nakapasa ngayong first sem hindi na sila pwedeng tumuloy ng second sem, babalikan na lang nila 'yon ng next school year, kinakabahan na din naman ako pero nakukuha ko pang asarin si Pria.
"Ayan!!" Sigaw naming dalawa, nandito kami sa condo ko dahil sabay daw kaming titingin ng grade naming pareho.
"Kain ka muna ng chips," sinubuan ko siya ng isa at kinain niya naman 'yon kaya natawa ako.
Hindi ko pa sinasabi sa kaniya na sa iisang bahay na kami titira ni Vin kaya paniguradong magugulat 'to.
"Ayaw kong tingnan," tinakpan niya ang mukha niya at ako naman ang naghanap ng name niya.
"Pria, 'di ko makita," sabi ko at malungkot na tumingin sa kaniya, gulat naman siya kaya siya na mismo ang naghanap.
"Ayon, Chas, nakapasa ako!" Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit. "Wait, hanapin ko pangalan mo," masaya niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kaniya at bahagyang napangiti. "Di ko makita ang pangalan mo," kunot noo niyang sabi at scroll pa ng scroll.
"Bakit kase sa baba ka naghahanap? Doon sa taas," utos ko na agad niya namang sinunod.
"Oh my gosh, Chasty!!!! You're the top 1 huhunesss, kasunod mo si Vin Sanchez, sumunod si- oy si Khad Martinez, oh my god!!" Napatalon pa siya at niyakap ako ng mahigpit. Kasama pala si Khad sa top 5, and ang worse bakit top 2 si Vin, matalino din pala siya ha.
"Congratulations sa atin," nakangiti kong sagot sa kaniya.
"Celebrate tayo?" Tanong niya, tumango naman ako at mabilis kaming lumabas ng condo, sumakay kami kaagad sa elevator at gusto ko na lang bumalik ng makita doon si Khad at Cris. Nakita ko na naman yung piso sa tenga niya.
"Oy, nandito pala kayo? Saan kayo pupunta?" Tanong ni Cris.
"Sa taas, magce-celebrate," sagot naman ni Pria at tuluyan ng pumasok sa elevator, wala naman akong choice kaya sumunod na lang din ako sa kaniya.
"Sakto, doon din punta namin," sagot naman ni Cris.
"Walang may paki, 'di ka man lang nagtext sa akin na nandito ka pala ede sana sabay-sabay nating tiningnan ang result 'di ba?" Hinampas pa siya ni Pria.
"Malay ko bang dito ka din, hindi ka rin naman nagtext," sagot naman ng isa.
Nang bumukas ang pinto ay ako na ang unang lumabas, kasunod ko si Khad at walang imosyon ang mukha, magaling na ba siya? Bakit iinom siya kaagad?
Nag-aalala tuloy ako sa kaniya, pero hindi ko pinapahalata dahil baka kung anong isipin niya.
Nang makapasok kami sa loob ng mini bar ay isang couch lang inupuan naming apat. Napatingin ako kay Khad at ganoon pa rin, wala pa ring imosyon ang mukha niya.
"Here," inilapag ni Cris yung alak sa harapan namin, wala pa masiyadong tao ngayon dahil hindi naman gabi, umaga kami uminom at magsasaya.
"Congratulations pala, Chasty, sana all top one," natatawang sabi ni Cris at uminom ng alak.
"Thank you," nakangiti kong sagot sa kaniya. Tumingin naman ako kay Khad. "Congratulations too," nakangiti kong bati sa kaniya, ngumiti naman siya sa akin.
"Thanks, congrats too," sabi niya nginitian ko lang siya bago uminom. Ganoon din naman ang ginawa niya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay may tama na agad si Pria dahil sumasayaw na siya sa dance floor kasama si Cris. Napailing na lang ako habang tinitingnan sila. Bahagya naman natawa si Khad ng makitang malapit na matumba si Cris.
"Kumusta pala ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kaniya at tumingin sa akin.
"I'm okay," sagot niya sa malapad na ngiti.
"Buti naman," sabi ko sa kaniya.
Hindi ako masiyadong uminom dahil mag-aayos pa ako ng gamit ko para sa paglipat ko bukas, kunting gamit lang naman tapos bibili na ako ng utensils ko na bago.
Pagbaba namin ay hinatid na ni Cris si Pria sa kanila, ako naman ay pumasok na sa condo ko at ganoon din si Khad.
Pagpasok sa kuwarto ko ay mabilis akong nakatulog dahil na rin sa sakit ng ulo ko.
Nagising ako ng marinig ang ring ng cellphone ko. Nakita kong may tumatawag at naka-ilang missed call na. Walang pangalan kaya nagtaka naman ako.
"Who's this!?" Inis kong tanong.
["Good afternoon ma'am, porinarya po ito,"] sagot naman ng kabilang linya, boses niya pa lang kilala ko na.
"Am I fucking dead!?" Inis kong tanong kay Vin.
["Oo patay ka talaga kapag hindi kapa pumunta dito sa bahay na binili nila para sa atin, dadalaw daw sila ngayong gabi,"] napabalikwas naman ako ng bangon at agad na nagising ang diwa.
"What!?"
["Bungol lang? Pa check up kana sa akin,"]
"I'm not joking, wala namang sinabi si Mommy na bibisita sila ngayon, at saka bukas pa ang usapan 'di ba?"
["Malay ko, nagtext sa akin si Mommy na dadalaw daw sila ng Mommy mo,"]
"Fuck," mabilis kong pinatay ang tawag at nilagay ang pwedeng ilagay sa maleta ko, bahala na'to.
Dumaan muna ako sa 7/11 kung saan nagta-trabaho si Khad, kumuha ako ng utensils na pwede kong gamitin.
"Pakibilisan," utos ko sa kaniya, tarantang-taranta na ako dahil sa kaba.
"Bakit? May nangyari ba?" Kunot noong tanong ni Khad.
"May mangyayari kapag hindi mo binilisan," tinawanan niya lang ako bago binigay sa akin ang binili ko, binayaran ko naman kaagad 'yon, "subukan mong hindi ibalik ang barya, may utang ka pa sa aking piso ha," banta ko sa kaniya pero lalo lang siyang tumawa.
"Don't worry, yung piso lang naman ang hindi ko pa pwedeng ibalik sa'yo," sagot niya naman at binalik sa akin ang barya ko.
Inirapan ko lang siya bago ako lumabas at sumakay sa kotse ko. Mabilis akong nagdrive papunta sa binigay na address sa akin ni Vin.
Feeling ko naliligaw na ako dahil hindi ko makita ang address na binigay niya, nagtanong-tanong pa ako para lang makita 'yon hanggang sa ituro sa akin ang isang village.
"Ito na ba 'yon? Ba't ang laki?" Tanong ko pagka-park ko ng kotse ko sa garahe.
Kumatok ako ng ilang beses sa pinto at mabilis naman yung binuksan ni Vin na nakasuot pa ng apron.
"Para namang sampong tao ang titira sa bahay na'to," reklamo ko pagpasok ko.
"Para daw kapag nagka-anak tayo," natatawa niya namang sagot.
"Asa ka, baka mapatay pa ako ng girlfriend mo," sagot ko sa kaniya at umakyat na sa taas.
"Bakit ito lang ang dala mo?" Tanong niya at itinuro ang maleta ko.
"Anong tingin mo sa akin dito lang titira?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Bakit hindi ba?"
"Talagang hindi," sagot ko. Naglakad ako sa hallway ng pisteng bahay na'to, napakalaki ang putik.
"Dito yung master bedroom, at ito naman yung sa'yo, dito lang tayo matutulog kapag nandito sila, kaya kailangan mo pa ring maglagay ng damit mo dito," paliwanag niya.
Inirapan ko lang siya bago pumasok sa master bedroom.
"Maiwan na muna kita, baka masunog ang niluluto ko," paalam niya, hindi ko siya sinagot at sinara na ang pinto.
Kulang gray ang theme ng kuwarto na'to, malaki ang kama, may cabinet na malaki, at sa harap ng kama ay may tv na malaki, mayroon din doong dalawang study table, na magkatabi lang naman, mayroon ding veranda na nagustuhan ko.
Mabilis ko ng inayos ang gamit ko sa cabinet at laking gulat ko dahil may damit na din doon si Vin, nandoon yung uniform niya sa school at mga damit.
Nakaayos yun ng maayos kaya nakakahiya naman kung basta ko na lang ilalagay ang sa akin 'di ba? Inayos ko muna 'yon at ng masigurong ayos na ay dumeretso ako sa cr para ilagay ang toothbrush na binili ko pati na rin skin care, mayroon na rin yung laman, gamit ni Vin at nakaayos din ang pagkakalagay, pinagtabi ko ang toothbrush namin at inayos ko ang lagay ng skin care ko.
Bakit ba kailangan ko pa itong gawin?
Pagkatapos ko sa cr ay pumunta naman ako sa salamin malapit sa study table at inilagay doon ang mga gamit ko sa mukha ko like make up kit, lotion, powder, at kung ano-ano pa.
Nang masigurong mukha na yung maayos ay lumabas na ako at dumiretso sa kuwarto na tinuro niya sa akin kanina.
Inayos ko din ang mga gamit ko doon at lahat ng nilagay ko kanina sa master bedroom ay ganoon din dito sa sarili kong kuwarto.
Dahil sa pagod ay napahiga ako sa kama, paniguradong mahihirapan ako sa gagawin kong palipat-lipat ng bahay, hindi din naman kase ako pwedeng dito na lang lagi.
Alas singko na ng matapos ako sa pagliligpit ng gamit op at seven daw pupunta ang dalawa, mabilis akong bumaba sa dinning table at nakita doong nakaayos na lahat, may pagkain na rin na si Vin mismo ang nagluto.
Magaling naman pala siya magluto eh.
"Magbihis kana doon at maya-maya pupunta na 'yon sila," utos ko sa kaniya.
"Mauna kana," sagot niya naman.
"Nakaayos na po ako," sagot ko naman at inirapan siya.
"Oh? Bakit walang nagbago? Mukha ka paring pulubi?" Natatawa niyang tanong.
Mabilis kong kinuha yung apple na nakita ko sa table at binato sa kaniya, pero sinalo niya lang 'yon at tumawa.
"Siraulo ka," inis kong sabi sa kaniya, "mas mukhang pulubi ka pa nga kaysa sa akin eh, subukan mong tumingin sa salamin," natatawa kong sagot sa kaniya.
Kunot noo niya naman akong tiningnan bago pumasok sa cr, paglabas niya at wala na 'yong dumi niya sa mukha perp tinawanan ko pa rin siya.
Mabilis naman siyang umakyat sa taas, baka mag-aasikaso na, pinakialaman ko na yung ginagawa niya kanina. Nagluto siya ng adobo, kalderita, mayroon pa 'yong dessert na cookies at rolls, kumuha ako ng isang rolls at tinikman 'yon.
"Masarap," puri ko at tiningnan pa ang iba, mayroon pang nakalagay sa oven at amoy pa lang noon ay alam kong yung favourite ko na 'yon.
Letche plan.
Hinintay ko na lang na dumating sila Mommy, umupo muna ako sa sofa at nanuod doon sa malaking tv.
Bakit kase ganito kalaking bahay ang binili nila? Pwede naman yung maliit lang, dalawa lang din naman kami ang titira.
Habang nanunuod ay napatalon ako sa gulat ng maydumidila sa paa ko.
"Ahh!!" Sigaw ko sa isang tuta at inilalapit talaga sa akin ang kaniyang sarili.
"Corny mo naman," sabi ni Vin ng makita akong umiiwas sa tuta. "Venice, come here," mabilis naman sa kaniyang lumapit ang tuta. Ligth brown ang kulay nung tuta pero ang cute niya, nagulat lang talaga ako.
Hindi na ako pinansin ni Vin at nilaro lang ang kaniyang alaga. Nanatili akong naka-upo sa sofa ng biglang may nagdoor bell, si Vin na ang nagbukas noon kaya alam kong sila na ang dumating.
"Good evening po," bati niya kaagad. Tumayo naman ako at ngumiti ng peke.
"Kumusta? Maayos ba ang lagay niyo dito?" Tanong ni Tita.
"Ayos naman po," sagot ko at dinala sila sa dinning table. Umupo na rin si Vin katabi ko at si Tita at Mommy naman sa kabila.
"Sila Daddy po?" Tanong ni Vin.
"Busy sila sa company kaya siguro next week pa sila makakapunta dito," sagot naman ni Tita.
"Let's eat."
Seryuso lang akong kumakain at alam kong ramdam 'yon ni Mommy na may sama pa rin ako ng loob sa kanila, hindi pa ba sila masaya na nandito na ako at sinusunod ko ang gusto nila?
Dapat nga maging proud at masaya sila para sa akin eh, alam kong narinig na nila ang balita tungkol sa result ng first sem namin.
"Oo nga pala, congratulations to both of you, ang galing niyo," nakangiting bati ni Tita.
"Thank you po," sagot ko naman.
"Very compatible talaga kayo sa isa't isa, parehong achievers," dagdag pa nito. Hindi ko pa nga pala alam kung anong course ni Vin.
Kaya nga nagkasundo kaming magpanggap.
______________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro