CHAPTER 41
Nagising ako sa ingay sa paligid ko, nakita ko si Cy na umiiyak sa tabi ko habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Ate, wake up please, I need you, don't leave me again." Umiiyak niyang sabi.
"Cy, magigising din ang Ate okay?" Pagpapatahan sa kaniya ni Pria. Medyo lumayo sila sa akin at si Vin naman ang tumabi sa kama ko.
"Chasty, p-please wake up?" Tumutulo ang luha niya ngayon habang hawak-hawak ang kaliwa kong kamay. "Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin kapag nawala ka, si Cy hinihintay kang magising, limang araw ka ng natutulog eh, Chas?"
What? Five days? The fuck?
Pero bakit nakikita at naririnig ko sila kung hindi ako gising? Anong nangyayari? Humiwalay ba ang kaluluwa ko sa katawan ko? Bigla na lang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyari.
"Gising na si Chasty!" Sigaw ng kung sino, medyo blurred pa ang nakikita ko at hindi ko sila makilala isa-isa.
"N-Nasaan ako?" Tanong ako, nagkatinginan naman silang lahat.
"Ate, nasa hospital ka po," sagot ng lalaki, mukhang si Cy yun. Nang naka adjust na ang mata ko ay saka lang naliwanagan kung sino ang mga tao sa harapan ko.
Cy, Vin, Pria, Cris, Tita, Anna and Casandra.
"B-Bakit nandito kayong lahat?" Taka kong tanong, napansin ko rin na maraming lobo sa paligid, iba't ibang kulay na para bang may celebration na naganap.
"Happy birthday!!" Sabay-sabay nilang sigaw at nagpaputok pa ng party popper. Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig.
Birthday ko?
Nagsimula na silang umawit habang ako naman ay inalalayan ni Pria na maka-upo sa kama, habang umaawit sila ay ilalapit sa akin ni Vin ang isang chocolate cake na may kandila.
"Make a wish and blow the candle." Utos ni Vin. Pumikit naman ako at humiling.
I hope this year ay maging masaya kaming lahat, no problem, no stress, no pressure, no crying and also no one will die again.
Hinipan ko ang kandila kaya nagsigawan na naman silang lahat pinangungunahan siyempre ni Pria.
"Thank you." Sambit ko na lang. Lumayo na sila sa akin at nagsimula ng kumain, si Vin naman ay hindi lumayo sa tabi ko.
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.
"Nagugutom ako," nakanguso kong reklamo.
"Hindi kapa pwedeng kumain, miski uminom ng tubig," natatawa niyang sagot na lalo kong ikinanguso.
"Bakit daw?"
"Wala kang maalala?" Kunot noo niyang tanong kaya nagtaka naman ako bago umiling. "Natamaan ka ng nala sa tagiliran mo, mabuti na lang at nadala ka kaagad namin sa hospital kung hindi baka nasa ilalim ka na ng lupa ngayon, isang linggo kaba namang tulog." Nagulat ako sa sagot niya.
Isang linggo? Isang linggo na akong tulog?
"H-Hindi nga?" Gulat kong tanong.
"Oo, mabuti nga at nagising kapa eh, oo nga pala yung Mommy at Daddy mo nasa kulungan na, they will not bothered you both again." Sagot niya, nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
Habang kumakain sila doon ay nakatingin lang ako dahil bawal pa daw akong kumain. Kinabukasan ay pinayagan na kaming lumabas ng hospital, medyo masakit pa yung sugat ko sa tagiliran na gawa ng hinayupak kong Ama. Mabuti na lang at pwede na akong kumain kung hindi baka gutom ang ikamatay ko hindi tama ng bala.
Umuwi kami ng bahay kasama si Cy at Vin. Nakatingin ako kay Vin habang naghuhugas siya ng plato. Dahil wala na ring dahilan para mag stay ako dito sa bahay, hindi na rin matutuloy ang kasal naming dalawa dahil alam kong pareho naming ayaw noon ay mabuti pang kausapin ko siya.
"V-Vin?" Kahit masakit at may parte sa puso ko na ayaw itong gawin pero kailangan dahil kailangan kong mag-focus kay Cy, para mas mabantayan ko siya at maalagaan.
"Bakit?" Tanong niya, "may kailangan ka ba?" Umiling naman ako bilang sagot. "Sa tingin ko hindi na natin kailangang tumira sa iisang bahay-"
"Bakit?" Putol niya sa akin.
"Vin, I need to focus on Cy, hanggang ngayon may trauma pa rin siya na hindi ko alam kung paano ko tatanggalin sa kaniya, kung paano ko siya matutulungan, I need to focus on my goal para mas lalo ko siyang mabantayan," Sunod-sunod kong sagot, hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin ng deritso pero ramdam ko yung sakit na dumadaloy sa mga mata niya. "I'm sorry, but I want to achieve my dreams first, I hope you understand that?" Sagot ko saka tumalikod sa kaniya.
"C-Chasty? Can you do me a favor before you leave me?" His voice broke, my heart broke into pieces when he says that, hindi ko alam pero lalo akong nasaktan.
"A-Ano yun?" Tanong ko nang hindi humaharap sa kaniya.
"C-Can I hug you?" Bumuhos na ng tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan, naramdaman ko ang bisig niyang nakayakap sa akin mula sa likuran, isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ko at rinig na rinig ko ang kaniyang hikbi na hindi niya na mapigilan.
Bakit ang sakit? Hindi naman kami pero bakit ang sakit na iwan siya?
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming ganon lang ang position pero ako na ang kumawala sa yakap niya dahil baka hindi pa ako maka-alis, baka magbago bigla ang isip ko at mag-stay ako dito sa bahay. Hindi ako nagsalita at dumiretso akong umakyat sa kuwarto ko. Inayos ko ang gamit ko at inilagay yun sa maleta, mabuti pang doon na lang muna kami sa condo ko.
"Cy, pack your things." Utos ko sa kaniya.
"Why Ate?"
"Just pack your things and don't ask okay?" Kahit nagtataka ay tumango na lang siya, tinulungan ko siyang ayusin ang mga gamit niya. Nang matapos kami ay bumaba na ako sa sala dala ang mga gamit ko. Wala doon si Vin na ipinagpapasalamat ko naman.
"Saan tayo pupunta Ate?" Tanong ni Cy nang makasakay kami ng kotse.
"Sa mansion," sagot ko naman. Nanginig naman siya kaagad at hindi nakasalita. "Don't worry Cy, hindi kita iiwan, doon na tayo titira, wala na sila Mommy at Daddy na mananakit sa atin," kahit ayaw niya ay kailangan naming gawin, wala na kaming ibang mapupuntahan maliban sa condo ko na maliit at hindi kami kakasiya ni Cy, isa lang ang kuwarto noon.
"O-Okay," sagot niya.
Mabuti na lang at bumalik yung ibang kasambahay at guard namin kaya malinis na ulit ang bahay, kami na ang bagong Amo nila at hindi ang walang kwenta naming mga magulang.
"Maayos na po ang kwarto ni Cy at ang inyo." Nakangiting sagot ni Aling Bibang. Sila Aling bibang ang pinapunta ko dito para maging mayor doma ng mansion mabuti na lang dahil pumayag silang mag-asawan na dito na tumira sa Manila.
"Cy, sige na," tumango naman si Cy at umakyat sa kuwarto niya, tinulungan siya ng isang kasambahay namin na medyo kaidaran niya rin ata na mag-ayos ng mga gamit niya. "Anak niyo ho?" Tumango naman si Aling Bibang.
Hindi pa kami nakapag-usap ng matagal ni Aling Bibang ay may pumasok na, namumukhaan ko siya, kasama niya si Mang Marlon.
"I'm attorney Buenavista," pakilala niya.
"Chasty po."
"I know you, nandito ako para pag-usapan natin ang mga naiwang kayamanan at ari-arian ng iyong mga magulang, base sa testament ng Daddy mo na pinirmahan niya, sa inyong dalawa ni Cy iiwan ang lahat," gulat akong napatingin kay Attorney.
"Iniwan nila sa amin?" Gulat kong tanong.
"Actually dapat sa'yo lang dahil ikaw ang ang isang anak ng mga Cardinal pero dahil mabait ang Daddy mo, hinati siya sa inyong dalawa ni Cy, ayaw pumayag ng Mommy pero wala siyang nagawa ng mapermahan na ito ng Daddy mo," sagot niya naman. "Tungkol pala kay Cy, ayaw mo bang ipaalam sa kaniya ang totoo?" Mabilis naman akong umiling.
"Huwag na ho, mahal ko ho siya bilang kapatid ko at kapatid ko siyang totoo, hindi siya naiba sa akin kaya sana tulungan niyo akong itago yun sa kaniya?" Tumango naman siya bilang sagot.
"Mahal mo talaga siya 'no?" Tumango naman ako.
Matapos naming mag-usap ni attorney ay umalis na din siya, ako naman ay dumiretso sa kwarto ko para magpahinga. Nang magising ako ay dumiretso naman ako sa store, kinamusta ko lang sila doon. Pumunta rin ako sa Batangas dahil may branch din doon, maging sa Pangasinan, Quezon, at Laguna, hindi ko na napuntahan ang iba dahil malayo na. At least kahit papaano ay maayos ang daloy ng negosyo na iniwan ni Khad.
Limang buwan, limang buwan ang nakalipas simula nung umalis ako ng bahay, wala kaming communication ni Vin pero I hope maayos lang siya. Nag apply ako sa isang company nila Daddy hindi para maging CEO nito kahit ako naman na talaga ang may-ari noon, gusto ko pa ring paghirapan para maabot ko ang pagiging CEO at maging fair sa iba. Nagsimula ako sa baba, nagsimula ako sa wala. Nag-aral naman ulit si Cy at masasabi kong maayos na siya ngayon.
Natigil ako sa ginagawa ko ng mapansing pinipinta ko na si Vin, inis ko yung tinigil dahil bakit siya ang pininta ko? Tapos na din at masasabi kong maganda ang kinalabasan ng pinta yun, hindi nga lang malaki kagaya ng malaki niyang canvas na binili pero ang ganda ng kinalabasan, kaya napangiti rin ako habang pinagmamasdan yun. I guess his right, I'm in love with him.
Lumabas muna ako ng company para bumili ng pagkain, ayaw ko ng iutos ito sa secretary ko dahil ako rin naman ang makikinabang, paglabas ko ay naghanap ako ng maliit na restaurant para kumain.
Nang makahanap ako ay dumiretso na ako sa loob para kumain, sakto namang natapat ako sa malapit na tv kaya narinig ko ang balita.
DR. VIN TY SANCHEZ, RMT, MD
March 2023 Licensure Doctor Examination Passer
TOP 1
Napangiti naman ako doon, malayo na pala ang naabot niya, malayo na ang narating niya, ikanagagalak kong makitang natupad niya na ang isa sa mga pangarap niya.
"Ma'am here's your order," nakangiti akong tinanggap ang order ko sa waiter.
"Kuya, wala po akong order na chocolate cakes?" Sagot ko dito.
"Ah, hindi po yan kasama Ma'am, ang sabi po kase nung isa sa customer namin kanina ibigay ko daw po sa ingo, actually bayad na nga po yang kakainin niyo eh, libre niya daw po sa inyo," nakangiti niyang sagot.
"Sino daw? Namukhaan mo ba?" Taka kong tanong pero umiling lang siya at nagpaalam na dahil marami pa daw customer ang naghihintay.
Sino naman kayang magbibigay nito sa akin? May pambayad naman ako, hindi kaya si Pria? Kainis dapat pala tinanong ko kung lalaki o babae ang nagbigay sa akin.
Matapos kumain ay dumiretso na ulit ako sa company, nang malapit na ako sa entrance ay bigla na lang nag ring ang cellphone ko kaya dali-dali ko yung kinuha.
["Ate, emergency!!"] Sigaw ni Cy sa kabilang linya.
"Huh? Nasaan ka!? Gulat kong tanong.
["N-Nasa... N-Nasa bahay niyo ni kuya Vin."]
"Anong ginagawa mo diyan!?" Inis kong tanong, dali-dali akong pumunta sa parking lot para magmaneho ng kotse ko.
["Eh kase..."]
"Ano!?"
["Basta, pumunta ka na lang dito, ASAP!"] sigaw niya ulit.
Wala na akong nagawa kundi ang magmaneho papunta doon, medyo may kalayuan kaya ang ginawa ko ay nag over take sa lahat ng sasakyan, ano na naman kayang ginawa ng batang ito?
Mabilis naman akong nakarating doon, pagbaba ko ng kotse ay dumiretso kaagad ako sa loob, nagulat ako dahil walang tao sa sala at madilim sa loob, kaya umakyat kaagad ako sa taas, wala ding tao, kumatok ako sa kuwarto ni Vin pero walang sumasagot. Hindi ko alam pero nung hawak ko na ang door knob ay bigla akong kinabahan subrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi alam ang nangyayari. Kahit kabado ay binuksan ko ang silid para makita kung ano ba talaga ang nangyayari. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang napakaraming lobo na nagkalat sa buong kuwarto, pero walang tao.
Anong nangyari dito? Nasaan ang emergency?
"Chasty?" Napatingin ako kay Pria ng lumabas siya galing sa book shelf ni Vin, sunod na lumabas ay si Cris sa ilalim ng kama, sumunod naman ay si Cy galing sa cabinet ni Vin.
"Anong nangyayari!? Nasaan ang emergency!?" Inis kong tanong sa kanila, nagulat ako ng ituro nilang lahat ang Cr kaya dali-dali akong pumunta doon at kabadong-kabado.
Pagbukas ko ng cr ay may bigla nalang pumutok, hindi ko alam kung ano yun pero ang naka agaw ng attention ko ay yung nakasulat sa pader ng cr.
Will you marry me?
"Ahem?" Napatingin ako sa likuran ko at nakita si Vin na may hawak na bouquet of flowers, "hi?" Bati niya, alanganin pa. Dahan-dahan siyang lumuhod at inilabas ang maliit na box. "Maybe mapagbibigyan mo na akong pakasalan ka?" Tumulo ang luha sa mata ko dahil sa narinig.
Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa magkahalong kaba at saya, hinihintay nilang lahat ang sagot ko pero walang lumalabas sa bibig kong salita.
"Will you marry me?" Tanong niya ulit.
"Yes!"
Finally, lumabas din, napatayo siya at niyakap ako, inabot niya sa akin ang bulaklak at nagulat ako dahil bigla na lang kumidlat sa labas, napatingin naman ako sa bintana at nakitang umuulan na pala kaya napangiti ako at naalala si Khad.
Naramdaman ko ang mainit na yakap ni Vin, and he kiss me for the first time, finally masasabi kong it is happily ever after.
______
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro