CHAPTER 40
***
"Cy, kakain na." Tawag ko sa kaniya, nandoon siya sa sala ay nanunuod.
"Mamaya pala yung labas ng result ng exam, tapos this monday ang graduation, nakapa-photoshoot na kayo hindi ba?" Tumango naman ako kay Vin. Inilapag niya sa hapag ang plato at kutsara.
"Anong ulam Ate?" Nakangiting tanong ni Cy.
"Tinula," sagot ko sa kaniya.
"Ikaw nagluto?" Masaya niyang tanong at manghang-mangha na ako ang nagluto ang ulam.
"Siyempre hindi," natatawa kong sagot at tinawanan niya naman ako.
"I know, you can't defeat kuya Vin's cooking skills," natatawa niyang sagot.
"Teka, kaya ko kaya, gusto mo lutuan kita ng cookie's and cake?" Hamon ko sa kaniya.
"Sure, pero kalaban mo si Kuya," napatingin naman sa amin si Vin.
"Bakit ako madamay?" Gulat na tanong ni Vin.
"Sure, alam ko naman na mas magaling akong magluto ng dessert's kaysa kay kuya mo Vin," confidence kong sagot.
"Sige, kapag natalo kita ipipinta mo na ako?" Napatanga naman ako sa kaniyang sinabi.
Huh? Talaga? Yun talaga ang parusa? Hindi ba sabi niya, ipipinta ko lang siya kapag mahal ko na siya?
"Sure," napatakip kaagad ako sa bibig ko ng lumabas yun, huh? Hindi naman yun ang nasa isip kong sasabihin ko eh, dapat nga tumutol ako dahil naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko. Kita ko namang sumilay ang ngiti sa mga labi niya pero mabilis siyang uminom ng tubig para hindi ko makita.
"Anong parusa mo Ate kapag natalo mo si Kuya Vin?" Tanong ni Cy.
"Saka na kapag nandiyan na, wala pa akong maisip eh," sagot ko naman. "For now let's eat." Utos ko.
Nagsimula naman kaming kumain na tatlo, puro asaran lang dahil hanggang ngayon gusto ko pa ringagsalita si Cy tungkol sa lagay niya, kahit magulang ko sila gusto ko silang mabulok sa bilangguan. Hindi sila nababagay mabuhay at pagala-gala dito.
Nang matapos kaming kumain ay ang pagdating naman ni Pria at Cris, nakilaro sila kay Cy, mabuti na lang at nasabi ko sa kanilang dalawa na huwag magtatanong tungkol sa mga pasa at sugat ni Cy. Baka kase umiyak na naman siya at hindi tumigil.
"Fight." Si Pria ang kumukuha ng videos sa amin habang nagluluto ni Vin, sabi ko bukas na lang magluto ayan tuloy napa sabak ako sa cooking contest ng wala sa oras.
Mabuti na lang at maraming ingredients dito sa bahay dahil yun talaga ang inuuna ko kapag namamalengke. Kumuha ako ng harina at minasa ko yun, naglagay din ako ng flour para lalong umalsa ang harina. Matapos kong mabilog at malagyan ng decorations ang cookie's ay inilagay ko yun sa Oven, masama ang tingin ko kay Vin ng magsabay kami kaya tinawanan kami ng mga nanunuod. Tinaasan niya naman ako ng kilay pero hindi ako nagpatalo dahil ako ang nauna. Matapos kong malagay ang cookies ay sinimulan ko ng mag baked ng cake, chocolate cakes ang ginawa ko dahil yun ang paborito ni Cy, with rainbow sa ilalim ng bread para mas lalo niyang magustuhan.
"Times up!" Sigaw ni Pria. Itinaas ko ang dalawa kong kamay ng matapos ako, mabuti na lang nakahabol ako. Ganoon din naman ang ginawa ni Vin at masama ko siyang tiningnan pero nginisihan niya lang ako.
"Malalaman natin ngayon kung kaninong cookie's and cake ang masarap," sabi ni Pria sa camera habang pinapakita ng gawa namin.
"Kung sino ang masarap ang pagkakaluto may premyo kay Cy," sabi naman ni Cris.
"And ang mananalo ay parurusahan ang talo," dagdag naman ni Cy, nakangiti kaming lahat sa camera at kumaway.
Binigyan namin sila ng plato ang kakainin at titikman, kung sa akin ay chocolate cake kay Vin naman ay Vanilla cake with strawberry tappings. May design yun na parang robot sa taas samantalang sa akin naman ay rainbow dahil paborito ni Cy ang rainbow. Unang tinikman ni Cy ang gawa ni Vin, kumuha siya ng cookie's at kinain yun, napatango naman si Cy ng tikman niya yung cookie's, sumunod ay ang cake at napangiti siya at napa thumbs up kay Vin. Ngumiti naman ng nakakaloko si Vin kaya napa-irap naman ako.
"Mukhang magkakaalaman na ah," sabi ni Pria sa video.
"Mukhang magkakaroon din ng away pagkatapos." Natatawang dagdag naman ni Cris.
Sumunod na tinikman ni Cy ang gawa ko, una niyang tinikman ang cookie's at wala siyang reaction habang kinakain yun, sunod ay ying cake, basa sa kaniyang itsura ay hindi mo malalaman kung nagustuhan niya ba o hindi, kinain niya yung cake na natuwa siya sa rainbow noon sa chocolate cake. Nakangiti siyang habang kinakain ang cake at napa-thumbs up din siya sa akin kaya matapang kong tiningnan si Vin.
"Nakasalalay kay Cy kung sino ang panalo," sabi ni Pria. "Now Cy, tell us who's cookies and cakes is the most delicious?" Tanong sa kaniya ni Pria at sa kaniya naman tinutok ang camera, tumayo siya at lumapit sa pagitan namin ni Vin, hinawakan niyan pareho ang kamay namin ni Vin.
"The most delicious cookies and cakes are..." Tumahimik siya na para bang kaabang-abang ang sasabihin niya, nagulat ako ng itaas niya ang kamay ko kaya napatalo ako sa tuwa. "Ate Chasty!" Sigaw niya.
"I told you ako ang magaling," sabi ko kay Vin, kumuha naman siya ng icing na natira sa plato niya at pinunas yun sa mukha ko.
"Okay lang," natatawa niyang sabi, hindi naman ako nagpatalo kaya kumuha din aki para makaganti, tumakbo naman siya sa likod ni Cris kaya si Cris ang nalagyan ko, dahil ayaw ding magpatalo ni Cris ay kumuha din siya ng icing para lagyan ako at makaganti sa akin, nang malalagyan niya na ako sa mukha ay nagtago ako sa likod ni Pria kaya si Pria na busy sa pagkuha ng video ay hinabol din kami para makaganti. Hinahabol ko si Vin dahil gusto kong makaganti samantalang iwas naman ng iwas si Cris kay Pria, hawak ngayon ni Cy ang camera dahil siya na ang kumukuha ng video sa amin habang tumatawa.
Ngayon puno na ng chocolate icing ang mukha ko, magkahalong vanilla at chocolate naman yung kay Vin, yung sa dala may harina pa dahil sila ang ang nagtatalo. Tawa kami ng tawa ng mapagod sa pagtakbo.
Nang umuwi na sila Cris at Pria ay umupo kami ni Cy sa sala, nanunuod siya ng tv habang ako naman ay tumitingin sa laptop ko at nags-scroll sa Twitter. May nakita akong article na lalong nagpakaba sa akin.
Breaking News.
Isang business man ang tinaguriang isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ang napatunayan na illegal ang kanilang ginagawa at sangkot sa isang drug user sa Pilipinas, sila ang mag-asawang Mr. Cristian And Mrs. Cristina Cardinal. Hindi lahat makapaniwala ang buong pobliko sa kanilang natuklasan, ngayon sila ay pinaghahanap ng polisya para mapatungan ng kaso sa kanilang kasalanang ginawa.
Natulala ako sa laptop ko at hindi makapaniwala. Really? May Mom and Dad are involved in illegal business?
"Chasty?" Tawag ni Vin.
Dapat lang sa kanila ang makulong, dapat lang dahil hindi sila karapat-data tawaging magulang namin, wala silang ginawa kundi pakinabangan lang kami. Wala silang kwentang magulang.
"A-Ate?" Napatingin ako kay Cy habang lumuluha, pati siya ay umiiyak at hawak ang cellphone niya, malamang na alam niya na ang balita. "Ate!" Niyakap niya ako kaya niyakap ko siya pabalik.
"Shhh..." Pinatahan ko siya pero hindi sapat dahil ramdam kong nandiyan pa rin sa kaniya ang sakit.
"A-Ate, s-sinasaktan ako ni M-Mommy at D-Daddy... S-Sabi nila may gagawin daw silang masama sa'yo kapag hindi ko sinusunod ang gusto nila," Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya. Mas lalo siyang nanginginig ngayon at palakas ng palakas ang iyak niya. Bakit kailangan nilang idamay ang kapatid ko sa galit nila sa akin? "Gusto kong magsumbong sa'yo ate, maraming beses kong sinubukan na sa tuwing pumupunta ka ng bahay, gusto ko ng sumama sa'yo at lumayo sa bahay natin." Nanginig ako sa galit dahil sa sinabi niya.
Kaya pala parang ayaw niya akong paalisin sa bahay kapag pumupunta ako doon, kaya pala ang dami niyang pasa, kaya pla subrang istrikto nila dahil ayaw nilang magsumbong sa akin si Cy dahil ganito ang ginagawa nila, gusto ko silang sigawan at sabihin kung gaano kasakit ang ginagawa nila sa amin.
Nung hapon na ay sinamahan ako ni Vin na pumunta sa bahay, sinama din namin si Cris para kung sakaling saktan kami nila Mommy at Daddy ay may proteksyon kami. Pagdating ko sa bahay ay nagtataka ako kung bakit walang mga bantay sa paligid, dahan-dahan kong binuksan ang pinto at naka-lock yun kaya kinuha ko ang duplicate kong susi sa bag para mabuksan yun, pagpasok namin ay nagulat ako sa kalat ng bahay, patay lahat ng ilaw kaya ako na ang nagbukas noon.
"Baka wala sila dito?" Tanong ni Cris. Imposible, kahit marami silang pwedeng puntahan hindi sila makakaalis dito sa bahay dahil pinaghahanap na sila ng mga awtoridad.
Umakyat ako sa taas at sumunod naman sila sa akin, nagulat ako ng bigla na lang lumabas si Mommy sa kuwarto nila na may hawak na baril, naging alerto naman kami. Kabadong-kabado ako dahil ano mang oras ay maaari niya yung iputok sa amin, kasunod niyang lumabas si Daddy na ganoon din ang ginawa.
Nang makilala nila kami ay dahan-dahan niyang ibinaba ang baril. Taka ko silang tiningnan, hindi mo na makilala na sila ang mga magulang namin.
"C-Chasty?" Tanong niya, dahan-dahan siyang lumapit sa akin na mabilis ko namang pinigilan.
"Don't you dare... Huwag mong subukang lumapit sa akin!" Sigaw ko sa kaniya na ikinagulat niya.
"C-Chasty, a-anak, k-kailangan namin ng Daddy mo ang tulong mo, i-itakas mo kami dito, h-huwag mo kaming hahayaanh mahuli ng mga pulis." Utos niya na ikinakunot ng noo ko.
Bahagya akong natawa dahil sa pagmamaka-awa niya. Ngayon nila mararanasan ang magmaka-awa.
"Haha, talaga? Mommy?" Pinagdiinan ko ang salitang Mommy. "Oh? Hindi mo nga pala ako anak, hindi ba Daddy?" Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Kailan niyo ba ako tinuring na anak? Kailan niyo ba ako minahal na parang hindi ako nanggaling sa inyong dalawa?" Bumalik na naman yung ala-alang ayaw ko nang maalala sa buong buhay ko.
"Christian, she's not my daughter, wala akong anak na babae, paano natin mapakikinabangan 'yan sa business natin!?" Rinig kong sigaw ni Mommy mula sa kuwarto nila ni Mommy, bahagya kaseng nakabukas ang kanilang pinto at aksidente rin na napadaan ako dito. "Sinabi ko naman sa'yo na ipapalaglag ko na nung nasa sinapupunan ko pa lang siya pero hindi ka pumayag, ngayon tayo ang mahihirapan!" Sigaw niya ulit.
"Tina, pwede ba manahimik ka!? Hindi ka nakakatulong!" Sigaw naman ni Daddy na nagpatayo ng balahibo ko. "Gagawa ako ng paraan, kailangan nating magka-anak ng lalaki at hindi nila pwedeng malaman na may anak tayong babae!" Sigaw ulit ni Daddy.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noon, basta kinabukasan nagulat na lang ako ng may dala na silang batang lalaki sa bahay, tinuring ko siyang para kong tunay na kapatid, pero lagi akong nagseselos sa kaniya dahil mas mahal siya nila Mommy. Nang magkaisip siya ay doon ako ipinalayo nila Mommy sa kaniya, high school pa lang ako ay umalis na ako ng bahay dahil hindi na kami nagkakasundo nila Mommy kaya minabuti kong ako na lang ang lalayo para sa ikatatahimik ng lahat.
"Ate, kailan ka babalik dito?" Tanong ni Cy, hindi ko siya sinagot dahil hindi ko din alam kung kailan o kung babalik pa ba ako.
"Ano Mommy!? Pati yung inosenteng bata dinamay niyo sa walang kwentang buhay na ito, pati yung sarili niyong anak nagawa niyong itago para lang sa kapakanan niyo, may puso pa ba kayo!? O masiyado na kayong kinain ng pera niyo!?" Sigaw ko sa kanila. "Walang kayong kwentang magulang!!" Sigaw ko.
Hindi pa sila nakakasagot ay narinig ko na ang serena ng mga pulis, hindi naman sila nakagalaw at nataranta kung saan sila pupunta, nang makapasok ang mga pulis sa bahay ay bigla na lang akong hinila ni Mommy at tinutukan ng baril sa ulo.
"S-Sige, subukan niyong lumapit, ipuputok ko ito!?" Banta niya sa mga pulis.
"Chasty!!?" Sigaw ni Vin at ni Cris. Tumulo ang luha ko sa mga mata na kanina ko pa pinipigilan, naisip ko kase na hindi worth it iyakan ang kadramahan ko kanina. Hindi ko alam pero naisip kong naka ito na ang katapusan ko.
"Sige, iputok mo!!!" Utos ko kay Mommy, "tutal ayan naman ang gusto mo noon pa hindi ba!? Ang patayin ako!!!?" Umiiyak kong sigaw.
"Manahimik ka!!?" Utos ni Daddy. Dahan-dahang lumapit ang mga pulis at hindi ibinababa ang kanilang baril.
"Kapag pinatay niyo ako, ayos lang, bakit!? At least hindi niyo na magagalaw ang kapatid ko!" Sigaw ko ulit. Mas diniinan ni Mommy ang baril sa ulo ko, ramdam ko na ang sakit noon.
"Kung ako sa inyo, ibababa ko na ang baril ko." Sabi ng isang pulis.
"Tito, Tita, paki-usap pakawalan niyo na po si Chasty?" Paki-usap ni Vin pero hindi sila nakinig.
"Ibaba niyo ang baril niyo, kung hindi ipuputok ko ito." Utos ni Daddy, wala akong nagawa kundi ang umiyak dahil sa takot at kaba, ayaw ko pang mamatay dahil kailangan pa ako ni Cy, pero kung ito kan ang huli malugod ko yung tatanggapin.
"Ibaba niyo ang baril niyo." Utos ni Vin sa mga pulis kahit ayaw nilang gawin ay binaba nila ang armas nila. Dahan-dahan na umatras sila Mommy hang dala-dala ako, nakakapit ako sabraso ni Mommy na medyo maluwag na ang pagkakapit sa akin.
"Huwag kayong susunod." Utos muli ni Daddy. Dahil busy sila sa pagtakas at ramdam ko rin na natatakot sila ay kinuha ko na ang pagkakataon para makaalis at makatakas.
Sinikmuraan ko si Mommy na ikinayuko niya, mabilis kong kinuha ang baril na hawak niya pero isang putok ng baril ang narinig ko.
"Chasty!!!"
______________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro