CHAPTER 4
***
Inis akong umakyat ulit sa taas dahil pagtinawag daw ay baba sa hagdan, kung sumpa lang ang pag-irap baka natanggal na ang mata ko, buti na lang 'di pa sumasakit.
"Let's welcome Mr. Cristian And Mrs. Cristina Cardinal," napalakpakan naman silang lahat ng bumaba ang parents ko.
Nang makapuwesto sila sa gitna ay kami naman ni Cy ang tinawag.
"And their daughter Chasty Cardinal and their son Cylo Cardinal."
"Let's go Ate?" Tanong ni Cy at inilapit sa akin ang braso niya, napairap ako bago 'yon tinanggap.
Peke akong ngumiti ng bumaba ng hagdan. Hindi ko pinansin yung mga flash ng camera, masakit sa mata pero tinitiis ko alang-alang sa reputation ng pamilya ko.
Kilalang business man si Mommy at Daddy, kaya naman mahalaga sa kanila ang image nila na kailangan din naming ingatan.
"Close na close talaga kayong magkapatid ano?" Tanong ng isang kaibigan ni Mommy.
"Yes po," malaking ngiti na sagot ni Cy.
Hindi niyo lang alam kung gaano kami kalapit.
Peke lang akong ngumiti at hindi siya sinagot, kung wala lang akong kaharap malamang napa-irap na naman ako.
"Anong regalo mo kay Mommy at Daddy?" Tanong sa akin ni Cy ng makaalis yung kaibigan ni Mommy.
"Sama ng loob," sagot ko na tinawanan niya lang.
"As always," sagot niya, inirapan ko siya bago uminom ng wine na nakuha ko kanina sa waiter.
"Balita ko ikakasal ka daw sa isang anak ng business partner ni Daddy," bulong niya sa akin.
"What!?" Gulat kong tanong.
"Yup, you can ask them if I'm lying," tumawa pa siya bago ako iwan doon at lumapit sa mga kaibigan niya.
Inis akong tumayo at pumunta sa pool, wala kase dito si Pria kaya wala akong makaka-usap, siya lang naman kase ang close ko pero hindi ko siya kaibigan, siya lang itong makulit.
Bakit kailangan nila akong ipakasal? Ano 'to Wattpad at may arrange marriage na magaganap? Inis kong inubos ang wine at umupo sa upuan na naroon.
Kailanman hindi ko inisip na mangyayari ito, parusa ba nila ito sa akin kase lagi ko silang sinusuway sa gusto nila? Sila naman may kasalanan kaya ako ganito eh.
"Chasty, what are you doing here? Hinahanap ka ng mga Tita at Tito mo doon," inis na sabi ni Mommy sa mahinang boses dahil ayaw niyang marinig siya ng iba.
"I don't want to talk to them!" Sigaw ko pero hindi naman maririnig 'yon dahil malayo-layo kami.
"Ano na naman bang problema mo? Hindi mo man lang nirespeto ang anniversary namin ng Daddy mo!" She said with a loud voice.
I rolled my eyes and irritated to stand. Inis akong naglakad palabas ng pool at pinilit na makipaghalubilo sa mga bisita nila. I don't want attention lalong-lalo na kapag about sa business or konektado sa pamilya ko, ayaw ko ng tinatanong ako lagi tungkol sa kanila.
"Chasty, long time no see," sabi ko na nga ba eh, pilit akong ngumiti kay Tita Jasmine at nakipag-beso.
"Yes Tita, I'm to busy with my school activities," sagot ko naman.
"Yeah I heard that too, by the way what your course again?" She ask.
"Architecture po," sagot ko naman.
"Oh? Hindi mo sinunod ang Daddy sa business industry?" Gulat niyang tanong.
Umiling naman ako bilang sagot.
"I can't believe, buong akala namin you're taking business course because your Dad is a famous business man in this country even other countries around the world," sagot niya naman.
Naiinis na ako ha, kailangan pa bang sabihin 'yon?
Peke akong tumawa sa kaniya bago sumagot, "eh? That's what I want Tita, and by the way, no one can decide in my life except me." Sagot ko sa kaniya.
"I can't believe this," napahawak siya sa ulo niya bago ako iniwan doon at lumapit kay Mommy.
Natawa ako ng bahagya sa itsura ni Mommy, hindi ko siya pinansin at lumapit pa sa ibang Tita ko.
"Kumusta Chasty?" Tanong ni Tita Sel.
"I'm fine Tita, how about you?" Tanong ko pabalik.
Halos lahat ng kamag-anak namin na narito ay sa part lahat ni Daddy, hindi ka makakakita ng kamag-anak galing sa part ni Mommy, why? Kase wala siyang pakialam kahit kapatid niya pa, hindi niya nga magawang tulungan eh.
Isang beses kong na meet ang nga kamag-anak ni Mommy and I like them, masaya sila kahit hindi gaano kayaman.
Hindi ko ba alam kay Mommy at nagawa niyang itakwil ang sarili niyang pamilya. Unlike sa part ni Daddy wala kang maririnig tungkol na ibang bagay maliban sa business, puro business kase ang sabi nila, pera na ang makapangyarihan sa panahon ngayon.
"I'm also fine, where's Cy? I don't see him around,"
"Oh? He's with his friends," sagot ko naman. Tumango lang naman siya at nakipag-usap na sa iba naming bisita .
Maya-maya pa ay nagplay ang music na pang love song, una kong nakita na niyaya ni Daddy si Mommy na sumayaw, nakangiti naman si Mommy na tinanggap ang kamay ni Daddy at naglakad sila sa gitna, sinasabayan nila ang mahinhing tugtog sa pagsayaw hanggang sa sumama na lahat ng may partner, dahil wala akong partner ay boring lang akong nanuod sa kanila.
Habang nanunuod ay nakita kong papalapit sa akin si Cy, malamang na magpapakitang gilas na naman siya sa marami. Bago pa siya makalapit sa akin ay mabilis na akong naglakad palayo.
Akala ko hindi niya na ako maabutan pero mali dahil nahawakan niya kaagad ang kamay ko.
"Shall we dance?" Tanong niya.
"I don't want to dance!" Irita kong bulong sa kaniya.
"Ate,"
"Pwede ba, tigilan mo na yang kahibangan mo?" Inis kong sabi sa kaniya at hinila ang braso ko sa pagkakahawak niya.
Aalis na sana ako doon at tatakas na para umuwi sa condo ko, kaso may lumapit na namang kaibigan nila Mommy.
"Ano pang ginagawa niyo diyan? Tara na sa gitna," napairap ako ng natawa ng bahagya si Cy.
"Bwisit," bulong ko bago tinanggap ang kamay ng kapatid ko.
"Sabi ko naman sa'yo wala kang takas eh," bulong niya sa akin habang nag sasayaw.
"Meron," sagot ko sa kaniya sa mahinang boses, sakto lang para marinig niya.
"Kung hindi ko lang alam na magkapatid sila, aakalain kong may relasyon sila."
"Ang sweet nila sa isa't isa."
"They're good children of Cardinal Family."
"They love each other."
"I hope they can find their future wife and husband na kagaya ng pagmamahalan nilang dalawa."
Hindi ko sila masisisi kung 'yon talaga ang pinaniniwalaan nila, love? Never kong minahal 'yan, as in never, simula ng isilang ang lalaki na 'yan, never ko siyang minahal.
Hindi ba dapat kapag may kapatid ka mamahalin mo? Aywan ko ba sa sarili ko at hindi ko magawang mahalin ang sarili kong kapatid, siguro dahil nasanay ako ba wala naman talagang nagmamahal sa akin simula ng nagka-isip ako.
Paniwalain mo ang sarili mo Chasty na hindi mo siya mahal.
"They'll talking about us, ang hindi nila alam never mo akong minahal," natatawang bulong niya sa akin.
"Gusto mo ipaalam ko?" Nakangisi kong tanong sa kaniya, nawala ang kaninang masaya niyang mukha at napalitan yun ng pagtataka at kunot na rin ang noo niya.
"Talaga bang gusto mong sirain ang pamilya natin Ate?" Inis niyang tanong.
"H-Huh? Sino nagsabing maayos ang pamilya natin? Matagal ng sira ang pamilya na 'to Cy hindi kapa nilalabas sa mundong ito." Bulong ko sa kaniya bago umikot dahil tapos na ang sayawan.
Takang-taka niya naman akong binitawan, bahagya akong natawa at pumunta sa table kung saan may pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay hinintay ko na lang na maubos ang mga bisita dahil nagsisi-uwian na sila.
"Thank you for coming," malaki ang ngiti ni Mommy ng nakalabas ang nga bisita at nagpaalam na uuwi na.
May ibang lasing na pero nagagawa pang mag drive ng kanilang sasakyan. Sana hindi pa yan ang huling inom nila.
Nang masigurong wala ng bisita ay saka niya hinila ang kamay ko at pilit pinapa-upo ako sa sofa.
"What's your problem, Chasty!?" Sigaw niya sa akin. Mabilis naman ang naging paglapit ni Daddy at Cy.
"What's my problem? Himala Mommy tinanong mo din kung anong problema ko, sa pagkakaalala ko kase never mo akong tinanong ng ganiyan," sagot ko naman sa kaniya.
"Pwede ba, pwede ba Chasty, kahit ngayong gabi lang, bigyan mo kami ng kapayapaan!?" Sigaw niya sa akin at napahawak pa sa ulo niya halatang pikon na pikon na sa akin.
"Ano itong narinig kong may balak kayong ipakasal sa business partner niyo!?" Irita kong tanong, halata sa mukha nila ang pagkagulat sa sinabi ko. Nagkatinginan si Mommy at Daddy baho umupo si Daddy sa harapan ko.
"Chas, we need to do this to save our compan-" panimula ni Daddy. Napatayo akp at hinarap silang dalawa.
"Ayan, diyan kayo magaling, mas mahal niyo pa yang lintik na business na yan kaysa sa anak niyo, bakit!? Mukha ba akong laruan!?" Sigaw ko sa kanila.
"Ate!" Sigaw ni Cy.
"Shut up, Cy, oo nga naman, bakit hindi na lang si Cy? Tutal paborito niyo siya 'di ba? Mas magaling siya sa akin, matalino at mabait nasusunod niya nga lahat ng utos niyo eh!" Sabi ko at pekeng natawa.
"Chasty!!" Bigla akong natakot sa sigaw ni Daddy, ayan talaga ang ayaw ko sa kaniya dahil nakakatakot siya magalit, pero akong magagawa ako? Future ko na ang nakasalalay dito.
"Bakit!? Totoo ba yun!? Ano!? Sisirain niyo ang buhay ko para lang magpakasal sa hindi ko naman gusto!?" Sigaw ko ulit, sa pagkakataong 'yon, nakatanggap ako ng sampal mula kay Daddy.
"H-Hindi namin sinisira ang buhay mo, ikaw mismo ang sumisira sa buhay mo!!" Sigaw niya sa akin.
Napayuko ako dahil sa sampal niya, tuloy-tuloy na bumuhos ang luha sa mga mata ko, bago pa man may masabi ako ay tumakbo na ako paakyat ng kuwarto ko.
"Chasty!!" Sigaw ni Mommy pero hindi ko na siya pinansin, pagpasok ko ng kuwarto ay ni-lock ko 'yon at padapa akong umiyak.
Ito na naman, umiiyak na naman ako sa kuwartong ito, saksi na naman ang kama ko sa mga luhang pumapatak galing sa mata ko.
Ang hirap ng ganitong buhay, mabuti pa sigurong maging simple na lang at kahit hindi sagana sa buhay basta masaya.
Anong klaseng magulang sila kung sarili nilang anak ipapamigay nila dahil sa putanginang business na 'yan!! Ganoon ba kadali na ipamigay ang anak? Bakit ang dali-dali sa kanilang sulusyonan ang problema sa pamamagitan ng pagkakasal, bakit hindi man lang nila inisip ang kahihinatnan namin.
Paano kung yung papakasalan ko matanda na pala? O kaya naman manyakis o hindi ko gusto ang ugali at lagi lang akong sasaktan? Hindi ba nila naisip 'yon?
"Baka naman kase kilala na nila yung lalaking papakasalan mo kaya nagdisisyon na sila?" Tanong ni Pria, kausap ko siya ngayon sa video call dahil tinawagan ko siya, siya na lang kase ang malalapitan ko.
"Kahit na sino pa yung mokong na lalaki na 'yon, dapat inisip nila na hindi pa ako tapos sa pag-aaral ko, may isang taon pa," irita kong sagot.
"Kilala mo na ba kung sino yung lalaki na 'yon?" Tanong niya ulit.
"Yun na nga ang problema eh, kanina ko lang nalaman na ikakasal na pala ako tapos hindi ko pa alam kung kanino," sagot ko sa kaniya.
Naiinis talaga ako at gusto ko na lang mawala dito sa mundo na'to.
"Mas mabuti pa sigurong mawala na lang ako ng parang bula, mas importante pa sa kanila yung business nila kaysa sa akin." Dagdag ko pa.
"Ede magpakasal ka, tapos after one month, hiwalayan mo sabihin mo lang na hindi mo siya gusto o kaya naman may problema na nangyari kaya gusto mo siyang hiwalayan?" Suggestions niya.
"Pwede rin," napaisip naman ako doon.
"At saka malay mo pogi naman yung magiging asawa mo, ede hindi kana maghihirap sa kaniya, malay mo mahalin mo din siya?"
"Never yan mangyayari, ayaw ko pang magmahal, ang dami ko pang pangarap sa buhay na gusto kong matupad, sisirain lang niyang ang kinabukasan ko." Sagot ko sa kaniya.
Pwede ko ding gawin 'yon at pagkatapos ng ilang buwan hihiwalayan ko din, 'yon na lang ang plano ko.
Ipapakita ko sa kanila na hindi ako talunan.
_______________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro