Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 37

Hi there Chasty,

Miss me? Of course you will, sa kapogian ko ba namang ito hindi mo ako mami-miss? HAHAHAHAHA oh before I forgot happy birthday to you, alam kong hindi na kita mababati sa mismong kaarawan mo, so babatiin na kita ngayon pa lang, ang regalo ko nga pala sa'yo ay kasama sa envelope na pinaglalagyan ng sulat na ito. Happy birthday ulit.

Here's my priority kaya sinulat ko ito, hindi ko masabi sa'yo sa personal kaya dinaan ko dito, pasensiya na nga pala sa penmanship ko kase hindi ganoon kaganda, ganiyan daw talaga kapag guwapo pangit ang writing HAHAHAHAHA okay alam ko galit kana naman at iniirapan ako, ito na talaga, totoo na ito haha.

First, I would like to say sorry for what I did, to all of you, I'm sorry if I hurt you and made you cry, lalong-lalo kana, please don't cry again after you read this? Ipangako mong ito na ang huling pagluha mo para sa akin. Chasty you made my life colorful, ang dating gray at walang kulay kong buhay ay nagkaroon ng dahil sa'yo, when I first saw you in my mini store here in Manila my heart won't stop beating, hindi ko alam kung bakit, para akong hinahabol na hindi ko maintidihan. Lagi na kitang hinahanap at inaabangan kung kailan ka bibili sa store ko, saulado ko na nga kung ano ang lagi mong binibili lalo na kapag gabi.

Lalo akong nabighani sa'yo ng malaman kong sa Aceus University ka din nag-aaral, para akong stalker noon at gustong-gusto alamin ang buong pagkatao mo. Hanggang sa sinabi ko kay Vin na may napupusuan na akong babae and he said na maganda daw yun pero ang totoo pala ay... Bawal pala sabihin HAHAHAHAHA secret lang daw namin yun HAHAHAHAHA.

Oo nga pala, lagi mong ingatan ang sarili mo ha, huwag na huwag kang magpapagutom, at saka may utang pa ako sa'yo 'di ba? Pwede bang ang bayad ko na lang is yung certificate ko sa school? Hihi, alam ko iniirapan mo na naman ako, sorry ulit. Chasty, I'm so proud of you, hindi ko man masabi sa'yo ng harapan pero proud na proud ako sa'yo. Minsan ang sakit mo everytime na nakikita ko kayo ni Vin na magkasama, isa pa pala, matagal ko ng alam na si Vin ang fiancé mo, hindi mo pa man kami nakikilala pero matagal ka na naming kilala, sorry din kung hindi ko sinabi sa'yo, huwag mong sisihin ang sarili mo at mabuti na ring hindi mo pinilit na magustuhan ako, siguro para sa'yo ako ang nauna pero alam king hindi ako ang iyong wakas, patawad kung nakigulo ako sa buhay mo, pero masaya akong nakilala kita, you never failed to amazed me, Chas.

Kung hindi ko man masabi sa'yo ng harapan at napadama sa'yo ng matagal kung gaano kita kamahal, patawad, pero alam ko na alam mo kung gaano kita pinahahalagahan, kagaya na lang nung barya mong piso na hindi ko kaagad naibigay sa'yo dahil gusto kong lagi akong may dahilan para makita, I'm sorry ulit, promise me na mamahalin mo si Vin sa ayaw at sa gusto mo. Yun lang ang tanging hiling ko sa'yo dahil gusto kong mapunta ka sa mabuti kong kaibigan, pero kung hindi mo talaga kaya huwag mong pilitin, hayaan mo siyang masaktan HAHAHAHAHA joke, siyempre hindi pwede yun, kailangan mo siyang pakasalan dahil yun din ang gusto ng nga magulang mo.

Chasty, alam ko din ang pinagdadaanan mo, tungkol sa pamilya mo, ikaw na ata yung babaeng pinakamatapang na nakilala ko sa buong buhay ko, nakayanan mo lahat ng problema na dumadaan sa buhay mo, nalampasan mo lahat kahit hindi mo alam kung paano mo susulusyonan, pero tingnan nandito ka ngayon at patuloy na lumalaban, sana nasasamahan kita, pero pasensiya na kase hindi ko magawang tulungan ka, pero lagi mong tatandaan na nandito lang kaming mga kaibigan mo at handang sumuporta sa'yo.

Naalala mo ba na may pinapermahan ako sa'yo na ikaw muna ang mamamahala ng mga store ko, kase sabi ko na aalis ako? Chasty, ito na yun, ito na ang panahon ng pag-alis ko, patawad kung hindi na ako makakabalik pang muli, yung pinapermahan ko sa'yo ay katunayan na sa'yo ko pinamamana ang mga business ko sa ibang lugar, pwede mong tanungin ang isa sa mga abogado ko at nandito sa envelope ang pangalan at contact number niya, yun ang regalo ko sa birthday mo, sana magustuhan mo, promise me na mas pagagandahin at palalaguin niyo ni Vin na magkasama ang business na yun ha, dapat maganda at marami pa rin ang bumibili kase ikaw ang pinakamagandang cashier sa buong mundo haha, and also don't forget na ipakilala ako bilang Ninong ng mga anak mo kapag nagkaroon kayo ng anak ni Vin, just told them na ako ang pinakapogi nilang Ninong HAHAHAHAHA.

And siyempre huwag niyo din akong kakalimutang dalawin sa puntod ko sa death anniversary, mumultuhin ko talaga kayong lahat HAHAHAHAHA charr please be careful always and have a healthy and happy life, I know kaya mo lahat ng ito at matatanggap mo din, thank you for the happiness you gave me, I will never forget you, Chas, forever in my heart lagi kang nandito. Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal na mahal kita.

Love,
Engineer Khad Martinez








"Ang daya mo, ang daya-daya mo," Pinunasan ko ang luha na tumakas mula sa mata ko. "S-Sorry kung hindi natupad yung iniutos mo na hindi na ako iiyak, ang sakit mo kase eh, tagos hanggang buti yung sakit eh, ang sakit sa puso," dagdag ko pa.

Nakatingin ako ngayon sa lapeda niya, ilang buwan na rin simula ng mailibing si Khad, ang hirap tanggapin hanggang ngayon hindi pa ko pa rin matanggap na wala na siya. Malapit na sana kami sa pangarap namin eh, malapit na ang graduation namin at magiging ganap na kami sa lahat ng gusto namin, pero heto kami at nagluluksa sa pagkawala ni Khad.

"Chasty, tara na, umuulan na, kanina pa tayo dito eh," sabi ni Vin at inalalayan akong tumayo.

"Maligo tayong ulan?" Nakangiti kong tanong sa kaniya, nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"Sigurado ka? Baka magkasakit ka?" Mabilis naman akong umiling.

"Ang sabi ni Khad kapag nawala daw siya gusto niya maging ulan, para daw kapag..." Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung pareho ba kami ng nararamdaman.

Matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Khad, narealize ko rin na kahit hindi niya ako utusan ay nahulog na ako kay Vin, ayaw ko lang aminin sa lalaki at ayaw kong masaktan, hahayaan ko na lang na gustuhin ko siya at alam kong mawawala din ito.

"Huh?" Natatawa niyang tanong at medyo lumalakas na ang ulan.

"Kung ayaw mo, bahala ka diyan," sabi ko naman at umukot, dinama ko ang ulan na tumatama sa katawan ko, iniunat ko ang kamay ko saka tumingala at pinikit ang mata.

Khad, kung ikaw man ito, thank you for not leaving my side, our side, thank you for making us comfortable and loving the rain more, thank you for everything.

"Ang sarap ngang maligo sa ulan," napatingin ako kay Vin ng pumunta siya sa harapan ko, ngumiti naman ako ng malaki at medyo natawa.

"Sabi ko sa'yo eh," sagot ko naman at tumawa siya.

Umikot-ikot ako at mas lalong naglaro sa ulanan, ginaya naman ako ni Vin kaya natawa ako sa kaniya, may pantalon-talon pa siyang nalalaman.

"Tara na, umuwi na tayo?" Tumango ako kay Vin at inalalayan niya naman akong pumunta sa sasakyan niya.

"Salamat nga pala sa pagsama sa akin dito ha," sabi ko ng makapasok kami pareho sa loob, inabutan niya ako ng tuwalya galing sa backseat at yun naman ang ginamit ko pang tuyo sa katawan ko.

"You're welcome, nga pala may sasabihin ako sa'yo," tumingin naman ako sa kaniya at hinihintay ang sasabihin niya.

"What is it?" Nakangiti kong tanong.

"Nothing... Daan na tayo sa store?" Kahit nagtataka ay tumango na lang ako. Nagsimula naman siyang magmaneho.

Habang nasa byahe kami ay unti-unting tumitila ang ulan, nakatingin lang ako sa bintana habang tinatahak ang daan. Feeling ko naman ay unti-unti na naming natatanggap ang nangyayari, mahirap pero kailangan naming gawin.

Nang makarating kami sa store ay mabilis akong pumasok sa opisins para magbihis ng damit, mabuti na lang at may cr dito kung wala paniguradong uuwi pa kami ng bahay. Paglabas ko naman ay nag-aasikaso si Vin ng mga bagong dating na products. Alam niya din pala na sa akin iniwan ang business ni Khad, at nasabi sa kaniya yun ng lalaki at naki-usap na tulungan ako.

"Uuwi kaba mamaya?" Tanong sa akin ni Vin. Inilapag niya yung karton sa gilid saka tumingin ng diretso sa akin.

"Oo sasabay na ako sa sa'yo, si Casandra na lang muna ang magbabantay dito," sagot ko naman.

"Sasabay ka sa akin?" Tumango naman ako.

Tiningnan ko muna kung maayos na ba ang lahat, binilinan ko si Casandra bago kami umuwi ni Vin, kailangan ko pang mag-review dahil malapit na namang matapos ang fourth year at ga-graduate na kami. Habang nasa byahe kami ay kami ay tahimik ulit, mabuti na lang at tumila na ang ulan, nakatingin lang ako sa daan habang nagmamaneho si Vin, sana pala dinala ko na lang yung kotse ko para hindi na siya nahirapan.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya na nakalagay sa ibabaw ng kotse, ako na ang sumagot noon para sa kaniya dahil nagmamaneho siya, yung daddy niya pala ang tumatawag.

"Hello dad?" Bungad ni Vin pagkasagot ng tawag.

["Nasaan ka? Pwede ka bang dumaan dito sa bahay? Isama mo na din si Chasty."] Nagkatinginan naman kami ni Vin.

"I think ako na lang po, baka po busy su Chas-"

"Yes po Daddy, pupunta po kami ni Vin, nasa byahe na rin po kami," putol ko kay Vin saka ngumiti.

["Good, hihintayin namin kayo,"] pinatay na ni Tito ang tawag, mabuti na lang talaga at hindi na ako masiyadong nahihirapang natawagin siyang Daddy dahil medyo nasanay na din ako.

"Sure ka?" Tanong sa akin ni Vin.

"Ayaw mo ba? Sige ihatid mo na lang ako sa bahay," nakasimangot kong sagot sa kaniya.

"Ito naman, nagtatanong lang eh," natatawa niyang sagot, inirapan ko naman siya saka niya inikot ang kotse patungo sa mansion nila.

Hindi ko alam kung pang ilang beses na akong nakaapak sa mansion nila pero bilang lang sa kamau panigurado yun, hindi naman kase kami laging nagsasama ni Vin, minsan doon ako umuuwi sa Condo ko para bantayan ang store ni Khad na iniwan niya sa akin, naiintindihan niya naman yun kaya laking pasasalamat ko.

"Bakit kaya tayo pinatawag ng Daddy mo?" Taka kong tanong.

"Hindi ko din alam, kita mong kasama mo ako, tapos ako ang tatanungin mo?" Inis ko siyang tiningnan at pinalo sa braso, napa 'aray' naman siya, kainis eh, ang ganda-ganda ng tanong ko tapos yun ang isasagot.

"Ang ganda mong kausap," tinawanan niya naman ako kaya lalo akong napa-irap.

Nang makarating kami sa bahay nila ay mabilis kaming bumaba ng kotse at pumasok sa mansion.

"Ate Chasty!" Sinalubong ako ng yakap ni Anna kaya hinalikan ko siya sa pisnge.

"Anna, ako ang kuya mo ha, hindi mo ba ako na Miss?" tanong naman ni Vin sa kapatid.

"I hate you, hindi kita bati," nakasimangot na sabi ni Anna, tinawanan ko naman si Vin at taka siyang napatingin sa kapatid.

"Ano namang ginawa ko sa'yo?" Tanong ni Vin.

"Wala kang pasalubong, sabi mo sa akin kapag babalik ka dadalhan mo ako ng pasalubong, pero hindi mo tinupad," inis na sagot ni Anna, napakamot naman sa ulo si Vin at hindi alam ang gagawin.

"Anna, may pasalubong si Kuya Vin at ako sa'yo, wait lang," kinuha ko yung chocolate ko sa bag, mabuti na lang talaga at nakakuha ako kanina doon sa store, kakainin ko sana bago mag-review.

"Talaga Ate?" Nakangiti kong inabot sa kaniya yung chocolate at masaya niya naman yung tinanggap.

"Thank you," nakangiting sabi ni Vin habang paakyat kami ng hagdan.

"Walang anuman," sagot ko naman at natatawa pa rin sa kaniya.

Pag-akyat namin sa taas ay pumunta kaagad kami sa kuwarto ni Tito kagaya ng sabi ni Anna, hindi niya na kami sinamahan dahil busy na siya sa pagkain ng chocolate na binigay ko.

"Dad?" Tawag ni Vin sa labas ng kuwarto ng Daddy niya.

"Pasok," rinig kong sigaw ng nasa loob, binuksan naman yun ni Vin kaya agad kaming pumasok, pero laking gulat ko ng makita kong ano ang nasa loob ng kuwartong ito.

"Dad, what happened?" Nag-aalalang tanong ni Vin sa Ama niya, hindi ko alam kung si Tito pa ba ang nasa harapan ko, wala na siyang buhok at may nakapasak sa dextrose and oxygen sa kaniya.

Pilit na ngumiti si Tito sa amin, alam ko sa sarili ko na nanghihina na si Tito at putla na din ang kaniyang labi at balat.

"Anak, Chasty, mabuti naman at nakarating kayo kaagad," sabi niya na parang ang lakas-lakas niya pa rin, hindi man lang siya nahirapang sabihin yun. Nakahiga siya sa kama niya at pilit kaming inaabot para makalapit. Hinawakan naman ni Vin ang kamay ng Daddy niya at alam king malapit na siyang umiyak. "Vin, I just want to say thank you to all of your sacrifice and effort did you do for me," sabi niya at hindi man lang nautal o nahirapan.

"D-Dad, what's the meaning of this?" Kinakabahan kong tanong.

"Chasty, hindi ba nasabi ko sa'yo na may sakit ako? Ito na yun, yung matagal kong nilalabanan ay hindi ko na kayang labanan pa," sagot niya naman sa akin. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa pagpigil umiyak.

No, hindi pwede, kamamatay lang ni Khad, hindi pwedeng susunod si Tito, masiyado pang sariwa para sa akin ang nangyari tapos dadagdagan ulit? No, hindi ko kakayanin baka ako na ang sumunod sa kanila. Hindi pwede.

"Dad, hindi ba sabi ko sa'yo ako ang gagamot? Malapit na oh, sa darating na buwan graduate na kami, Dad gusto ko ikaw ang umakyat sa stage at sabitan ako ng medalya, please?" Mabilis na sabi ni Vin habang pinipigilang umiyak.

Umiling naman si Tito at hindi na napigilan ang luha sa mata niya.

"I'm sorry," kita ko ang mabilis na paghinga na ginawa ni Tito, bigla namang bumukas ang pinto na iniluwa non si Tita at Anna, mabilis na tumakbo si Tita palapit kay Tito, tumawag naman ng doctor si Vin dahil sa hindi normal na paghinga ni Tito.

Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatingin lang ako at nakatayo sa gilid dahil sa gulat, hindi ko na napigilan ang luha ko at sunod-sunod yung bumagsak.

"N-No," napalakas ang iyak ko ng marinig ang pag-iyak ni Tita at Anna, subrang bata pa ni Anna para mawalan ng Ama, maliit pa siya at hindi alam ang nangyayari.

"Why are you crying Mommy and Ate Chasty?" Tanong ni Anna habang umiiyak din, nakisabay kang ata sa amin. Nilapitan ko si Tita at mahigpit na niyakap.

"Tita," niyakap ako pabalik ni Tita at mabilis na pumasok si Vin kasama ang doctor at Nurse, lumayo kami ng kaunti sa kanila at tinulungan si Tito. Lumapit sa amin si Vin at niyakap din kami.

"A-Ang daddy mo," bulong ni Tita at malakas na umiyak, hindi ko magawang tumingin sa ginagawa ng mga doctor kay Tito, ako ang nahihirapan sa sitwasyon ni Tito at awang-awa naman ako kay Vin at Tita.

Ilang sandali pa ay pinalabas kami ng doctor at nurse, ayaw magpadala ni Tito sa hospital kahit anong pilit namin, ang sabi niya ay gusto niyang mamatay na nandito sa loob ng kanilang bahay.

"W-What's happening?" Umiiyak na tanong ni Anna, binuhat naman siya ni Vin at niyakap.

"Anna, matulog kana sa kuwarto mo ha, may school kapa bukas," tumango naman si Anna at pinasok sa kuwarto si Anna.

Ilang beses akong napahilamos sa mukha at hindi mapakali sa nangyayari, hanggang sa bumukas ang pinto ng kuwarto at saktong paglabas ni Vin sa kuwarto ni Anna ay ang paglabas din ng doctor.

"I'm sorry, but we did all our best to save Mr. Sanchez, but we failed." Nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig ko, napa-upo naman su Tita sa sahig pero mabilis siyang nabuhat ni Vin bago nawalan ng malay si Tita.

N-No. Tito, why? Why you leave me that fast?

_____________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro