CHAPTER 36
***
"Tara na, ready na ba lahat?" Tanong ni Vin, napagdisisyonan namin na bumalik nang Manila kahit hindi pa man kami nakakaisang buwan dito.
Mas maganda na rin ito para kahit papaano maasikaso pa namin ang sarili namin, mabuti na lang talaga at nagising si Khad pero sabi ng doctor ay mabuting masubaybayan siya sa hospital kahit ayaw ni Khad ay wala siyang magagawa, malala na ang sakit niya at alam naming lahat kung ano ang kahahantungan nito.
"Ready for take off," sagot naman ni Khad, mabuti na lang talaga at maayos na siya.
Nang maksakay na kami lahat sa private plane ay umupo ako sa may tabi ng bintana habang pinagmamasdan ang nga ulap sa himpapawid.
"Foods?" Gulat akong napatingin kay Vin, siya pa yung katabi ko? Akala ko si Khad.
"N-No, thanks," pagtanggi ko, hindi naman ako nauuhaw.
"How about this?" Inabot niya sa akin ang isang sandwich, tinanggap ko naman yun dahil mukhang masarap.
"Thanks," nginitian niya lang ako saka kumagat din sa sandwich niya. Minsan lang siya ngumiti pero ang pogi niyang tingnan.
Ano ba Chasty? Ano ba yang iniisip mo?
Matapos kong kumain ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, pero medyo nagigising ako dahil sa hindi ako komportable sa higa ko, naramdaman ko naman na hinawakan ni Vin ang ulo ko at isinandal yun sa balikat niya. Hindi ako kumibo at nagkunwaring tulog.
"Sleep well," rinig kong banggit niya pasimple naman akong napangiti at tuluyan ng nakatulog.
Paggising ko ay pansin kong tahimik silang lahat, hindi pa rin kami lumalapag sa sa lupa kaya paniguradong tulog silang lahat, inayos ko ang tayo ko at napatingin naman ako kay Vin na natutulog din, nahihirapan siya sa pwesto niya kaya ako naman ang umayos ng ulo niya at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.
Ilang oras pa ay unti-unti na silang nagigising at sakto din dahil malapit na raw kami, hindi pa rin nagigising si Vin kaya medyo nangangalay na ako.
"Ang sweet niyo naman," pang-aasar ni Pria, napatingin naman sa amin si Khad at Cris, pilit lang na ngumiti sa akin si Khad at umiwas na ng tingin. Problema nun?
Nang magising si Vin ay nagulat siya pwesto niya, mabilis siyang umayos ng upo at humingi ng paumanhin.
"I-I'm sorry," ngintian ko lang siya at sinabing ayos lang.
Ilang minuto ang nakalipas ay lumapag na kami sa lupa, inayos na namin lahat ng dala namin, sinundo naman si Cy ng driver namin, si Cris naman ay inihatid si Pria, si Khad ay nauna ng umuwi dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa store niya. Naiwan kaming dalawa ni Vin.
"Sa bahay ka ba uuwi?" Tanong niya, wala naman akong ibang pupuntahan, kung gusto kong umuwi sa mansion sana sumabay na ako kay Cy.
"Ohm, magbo-book na lang siguro ako ng taxi pauwi," sagot ko naman.
"Hindi na, sabay na tayo," pumunta kami sa parking lot ng airport kung saan kami bumaba, nakita kong may inilabas siya sa bulsa niya at pinindot yun, isang BMW ang umilaw kaya alam kong yun ang sasakyan namin.
Paano siya nagkaroon ng kotse dito?
Hindi ko na yun pinansin at hindi maalis sa isip ko si Khad, hindi pa siya magaling at kailangan niya pang magpatingin ulit sa doctor. Sabi naman niya kaya niya, bibisatihin ko na lang siya bukas sa condo niya.
Tahimik na nagmaneho si Vin pauwi sa amin, pagdating namin doon ay mabilis kaming sinalubong ni Venice, sino nga palang nagpakain sa kaniya dito?
"Iniwan mo pala dito sa Venice? Paano yan kumakain?" Taka kong tanong kay Vin ng makapasok kami sa loob, dala-dala niya yung maleta ko at ako naman ay kinarga ang aso kahit medyo mabigat na siya dahil lumalaki na siya.
"Pinakisuyuan ko yung guard sa village na tingnan-tingnan muna si Venice habang wala tayo, nakalimutan ko rin kase siyang dalhin sa mansion para maalagaan, ayos naman siguro siya." Sagot naman sa akin ni Vin.
Tumango naman ako at umakyat na sa taas dala-dala pa rin si Venice, ibinaba ko siya at ako naman ay pumunta sa cr para mag-asikaso dahil gusto ko na ulit matulog. Napagod ako sa byahe kanina. Paghiga ko sa kama ko at tuluyan na akong nakatulog.
Paggising ko ay hating gabi na, bumaba ako ng kusina dahil sa gutom, iinom lang sana ako ng gatas para makatulog ulit pero nakita ko si Vin na nakasuot ng apron at busy sa pagluluto.
Anong oras na ba? Pagtingin ko sa wall clock ay seven pa lang pala ng gabi, akala ko pa naman madaling araw na.
"Good evening, gutom kana ba?" Tanong niya, kung alam mo lang kung gaano na nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan.
"Ano yang niluluto mo?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Beef loof, naubusan tayo ng stock eh, pero bukas mamalengke ako," sagot niya naman.
Umupo ako sa dinning table at hinintay siyang matapos, hindi ko na rin siya matulungan dahil may nakahanda ng mga plato at kutsara. Nang matapos siyang magluto ay sinimulan naming kumain, beef loof at sunny side up lang ang inulam namin dahil naubusan ng stock.
Tahimik kaming kumain ng biglang tumunog ang cellphone niya, nagpatuloy lang ako sa pagkain habang siya naman ay sinagot yun.
"What?" Gulat niyang tanong kaya napatingin ako sa kaniya na nagtataka. "Kailan pa? Okay, we will be there," sagot niya at ibinaba ang cellphone.
"Anong nangyari?" Tanong ko. Bakit ganon na kang ang reaction niya?
"Finish your food first, kailangan nating pumunta sa hospital," may idea na kaagad ako kung bakit, kaya minadali ko ang pagkain, hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit at ganon din naman si Vin.
"Si Khad ba?" Kinabahan kong tanong habang nagmamaneho siya, dahan-dahan naman siyang tumango kaya mas lalo akong kinabahan.
Khad, ano na naman? Paki-usap, akala ko ba four months pa? Hindi ko maiwasang maluha pero mabilis ko din yung pinunasan. Nang makarating kami sa hospital ay mabilis kaming pumunta sa emergency room. Hindi naman nagtagal ay may lumabas na doctor mula doon.
"Can I talk to you Mr. Sanchez?" Tumayo naman si Vin at medyo lumayo sila sa akin para mag-usap.
Nang matapos silang mag-usap ay agad akong lumapit kay Vin. Nagbabakasakali na maganda ang balita niya.
"Ano daw?" Tanong ko dito.
"Alam ni Khad ang dapat niyang gawin, siya mismo ang pumunta dito para magpa-admit dahil nahihirapan na siya, ang kailangan lang nating gawin ay huwag siyang iwan," paliwanag naman ni Vin.
"Mananatili ba siya dito?" Tumango si Vin kaya muli akong napa-upo.
"Mamaya ilililat na siya sa kuwarto niya," dagdag niya pa.
Napahilamos ako sa mukha ko, nag-aalala pa rin kay Khad, ilang sadali pa ay bumukas ng pinto ng emergency room, may mga umalalay sa bed ni Khad at itinutulak ito papunta sa elevator, sumunod naman kami Vin. Nang maayos na ang lahat ay lumabas na ang mga nurse, hating gabi na pero hindi pa rin kami umaalis ni Vin.
"Matulog kana muna doon sa sofa, gigisingin na lang kita kapag nagising siya," sabi sa akin ni Vin, tinanguan ko naman siya dahil inaantok na din ako. Gusto ko ng magpahinga.
Nang maayos ko na ang higa ko at tuluyan na akong nakatulog, hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero nagising ako ng alas dose na ng gabi. Umayos ako ng tayo at nakita si Khad na nakadilat ang mata na nakatingin sa akin, nagtaasan naman ang balahibo ko dahil sa takot at kaba.
"K-Kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kaniya at tumayo para malapitan siya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. "Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ko ng makalapit, mabilis kong napansin ang mabilis niyang pagbabago, ang putla na masyado ng labi niya kaya alam kong hindi siya okay, "tatawagin ko lang ang doctor," aalis na sana ako para tawagin ang doctor pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko para pigilan ako.
"S-Sit... B-Beside me..." Utos niya na mabilis ko namang sinunod.
"Bakit? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala kong tanong, umiling naman siya bilang sagot.
Hindi niya binitawan ang kamay ko, bagkus ay pilit niyang inaabot yun gamit ang isa niyang kamay saka may inilagay doon.
"P-Panahon na para i-ibalik ko sa'yo ang p-piso mo, ito a-ang m-magsasabing p-pinahahalagahan ko ang mga p-pinahahalagahan mo," nahihirapan niyang sambit, tumulo naman ang luha ko sa mata. Ikinuyom niya ang palad ko ng mailagay niya sa loob nito ang piso.
"K-Khad," tanging sambit ko, ayaw ko pang tanggapin ang piso na yun, gusto ko sa kaniya lang at ingatan niya habang buhay.
"P-Panahon na rin para p-pakawalan ka, ipapaubaya na kita sa lalaking nakalaan talaga para sa'yo." Dagdag niya pa, mabilis naman akong umiling, nagpapaalam na ba siya? No, hindi ko kaya, paki-usap.
"H-Hindi, Khad hindi ba sabi mo patutunayan mo pa na mahal mo ako? Tuparin mo yun, gusto kong patunayan mo na mahal mo ako," sunod-sunod kong sabi sa kaniya habang umiiling pa.
"I-I'm s-sorry if I can't do that anymore, b-but always remember that I will love you until my last breath," sagot niya naman sa akin.
"Hindi, hindi pwede," sigaw ko sa kaniya.
"A-Alam kong si Vin ang mahal mo, hindi mo man aminin pero nakikita at nababasa ko ang mata mga mata mo," mabilis akong umiling.
"Khad naman-"
"M-May iniwan akong sulat sa'yo doon sa drawer sa o-opisina ko sa store, p-pwede bang b-basahin mo yun?" Mabilis naman akong tumango. "k-kapag namatay ako ngayon, gusto ko maging ulan, para kahit papaano maging saksi ako sa pagmamahalan niyong dalawa ni Vin, tapos... Magpapaulan ako kapag may magandang nangyari sa inyo, yung memorable? H-Hindi mo man ako makasama at least kahit yung presensiya ko na lang ang maalala niyo kapag umuulan." Lalo akong napaiyak dahil doon, pati siya ay hindi napigilan ang mga luha.
"K-Khad?" Tawag ko.
"Hmm?"
"I'm sorry," umiiyak kong sabi sa kaniya at hinalikan siya sa noo. "I'm sorry if I can't love you back, I love you as my friend, always."
"B-But promise me, t-that you and Vin w-will get marriage and live happily okay?"
"Khad? May girlfriend si Vin," sagot ko naman.
"J-Just a-ask him who is s-she?" Tumango naman ako. "C-Chasty? I-I'm t-tired, I... I w-want to sleep, c-can I?" Napahagulhol ako lalo sa tanong niya, halos wala na siyang lakas dahil hinang-hina na siya, yung mga mata niya ay nakapikit na rin kahit may mga luhang lumalabas mula doon.
"Gusto mo na ba talagang magpahinga?" Sinubukan kong maging matapang sa tanong ko, tumango naman siya kaya hindi ko na naman napigilan ang mapahagulhol. Ang bigat sa dibdib, ang sakit-sakit at gusto kong ilabas pero hindi ko alam kung paano. "Close your eyes, Khad, I will sing you a lullaby." Sagot ko naman sa kaniya.
Sinimulan kong umawit ng pangpatulog, hawak-hawak ko ang kamay niya at mahigpit ang kapit noon sa akin, ramdam na ramdam ko ang paghinga niya na nahihirapan na siya, kahit masakit para sa sa akin ay umawit pa rin ako para sa kaniya.
Nang matapos ko ang awit ay yun din ang pagluwag ng kapit niya sa kamay ko at tuluyan na siyang bumitas.
"Khad!!!" Sigaw ko. Patuloy ako sa pag-iyak, gusto kong ilabas itong lahat, gusto kong sumigaw ng sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman, ang hirap tanggapin na tuluyan niya na kaming iniwan, nanginginig ang buo kong katawan dahil sa sakit na nararamdaman ko, bakit kailangang ngayon pa?
Narinig ko na bumukas ang pinto at mabilis na lumapit sa akin si Vin, rinig ko ang mahinang pag-iyak ni Pria at ang pagsuntok ni Cris sa pinto. Maging sila ay nagulat sa nakita, napa-upo ako sa sahig dahil sa panghihina pero mabilis naman aking inalalayan ni Vin kaya nasalo niya ako kaagad.
Forever in my heart, I will never forget you Khad, paki-usap, tuparin mo ang sinabi mong magiging ulan ka at gagabayan kami?
"Y-You can sleep now my Engineer." Umiiyak kong sambit bago tuluyang dumilim ang paningin ko.
_______________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro