CHAPTER 34
***
"Sandali, malalim," reklamo ni Pria habang hila-hila siya pababa ng private boat na sinasakyan namin.
"Kaya nga hahawakan ka eh, akala mo naman hindi marunong lumangoy," sabi naman ni Cris. Nang makababa na sila ng tuluyan sa dagat ay lumangoy na sila pareho.
"Ikaw Chasty, hindi ka pa ba magpapalit ng damit?" Napatingin ako kay Khad at umiling, ayaw ko pang maligo.
Tumango naman siya at sumunod na doon sa dalawa, may doble naman akong swimsuit, nahihiya lang ako dahil hindi naman ako sanay, mabuti pa si Pria may confidence magsuot ng ganon.
Pumasok na lang ako sa loob para tingnan si Cy, natutulog kase siya sa kuwarto na nandito dahil natatakot pa rin, mabuti na nga lang at napilit namin siyang sumakay kanina eh. Naglalayag na kami sa karagatan at huminto lang dito sa gitna dahil gusto daw nilang maligo at mag scuba diving.
"Cy, tara ligo na tayo?" Yaya ko sa kaniya pero mabilis lang siyang umiling. "Bahala ka, iiwan ka namin dito, doon kami mamaya sa dagat," sagot ko naman sa kaniya.
"Teka lang," sagot niya naman at dali-dali akong hinabol palabas ng kuwarto, napatingin naman sa amin si Vin na umiinom ng kape sa 'di kalayuan. "Kuya, hindi ka pa maliligo? Scuba diving?" Tumango naman ang lalaki bago inilapag ang tasa dahil wala na yung kape. Ngayon ko lang siya nakitang uminom ng kape.
Tuluyan ko ng inilantad ang katawan ko, kulay black na swimsuit ang suot ko ngayon ba bumagay naman sa maputi kong balat.
"Sabi ko na nga ba may tinatago ka pang kagandahan eh," sigaw ni Cris mula sa dagat. Inirapan ko lang siya pero tinawanan niya lang ako, binatukan naman siya ni Khad at Pria.
"Kuya, are you okay?" Napatingin ako kay Cy ng tanungin niya si Vin, nabalik naman sa ulirat ang lalaki saka sunod-sunod na umiling, bahagya akong natawa pero hindi ko na siya pinansin.
Inayos na namin lahat ng gagamitin namin para sa scuba diving, mabuti na lang at may kasama kaming umaalalay sa amin. Si Mang Marlon na Asawa ni Aling Bibang. Sabay-sabay kaming tumalon sa dagat ng maayos na ang lahat. Hawak-hawak ko ang kamay ni Cy sa kabilang kamay niya naman ay si Vin, sabay kaming tatlong lumangoy sa ilalim, kitang-kita ko ang mga isda na iba't ibang kulay, may malalaki at maliliit, kitang-kita ko din ang saya sa mata ni Cy pero hindi pa rin mawawala sa akin ang pag-aalala dahil lalong lumitaw sa kaniyang katawan ang mga pasa na tinatago niya.
Naka short lang kase sila ni Vin, hindi ko pinahalata na nag-aalala ako dahil baka masira ko ang kasiyahan niya. Nagpatuloy kami sa paglalangoy hanggang sa mabitawan ko ang kamay ni Cy dahil sa biglang pagdaan ng isang isda, hindi ko alam kung isda ba yun dahil malapad ang kaniyang katawan at mahaba ang buntot tapos kulay brown pa. Naistatwa ako dahil sa gulat at hindi kaagad nakagalaw, hanggang maramdaman kong may humawak sa bewang ko at hinila ako paalis doon.
Yakap-yakap niya ako hanggang sa maka-ahon kami ng tuluyan, mabilis kong tinanggal ang oxygen mask ko at huminga ng malalim.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Vin at pilit akong inihaharap sa kaniya, hindi ako makasagot dahil gulat pa rin ako, bakit kase ang laki noon? Patuloy lang ako sa paghinga dahil feeling ko nawalan ako ng hininga kanina sa ilalim. "Hey?" Inalalayan niya akong makabalik sa private boat para makarecover, mabuti na lang talaga at marunong akong lumangoy.
Inalalayan niya ulit akong umakyat, nang maka-akyat na kami ay binigyan niya kaagad ako ng tubig, mabilis ko naman yung ininom.
"Anong nangyari?" Tanong sa amin ni Mang Marlon.
"Nagulat po ata siya sa Ray fish," sagot naman ni Vin.
Yun pala ang Ray fish? Kung alam ko lang na ganoon kalaki yun mabuti pang hindi na lang ako sumama sa kanila. Mas malaki pa ata yun sa akin eh?
"Okay ka na ba?" Tanong naman ni Mang Marlon, tinanguan ko siya para sabihing ayos na ako.
Matapos yun ay hindi na kami bumalik sa ilalim ni Vin, hinintay na lang namin silang umahon pero ang tagal nila sa ilalim, mabuti pa sila nakayanan nila, feeling ko aatakihin ako kanina eh.
"Go to the shower room, huwag ka na munang maligo sa dagat." Utos ni Vin, tinanguan ko naman siya at pumunta na nga sa shower room para magbanlaw. Matapos kong magbanlaw ay nagpalit na ako ng damit, paglabas ko nakita ko si Vin na kausap si Mang Marlon at nagtatawanan pa sila.
Napasimangot naman ako dahil baka ako ang pinagtatawanan nila, nakakahiya naman kase yun, hindi naman ako aanuhin ng Ray fish pero natakot ako, nagulat lang naman dahil sa laki niya. Lumapit ako sa kanila at sakto naman dahil bumalik na yung apat.
"Ate, ang ganda sa baba," sabi kaagad ni Cy ng makabalik siya sa taas.
"Anong nangyari? Bakit umahon kaagad kayo?" Tanong naman ni Cris. Napatingin naman sa akin si Vin saka umiling.
"Sige na, magbanlaw na kayong tatlo at pupunta na tayo sa isla." Utos ni Mang Marlon. Mabilis naman silang sumunod at nag-uunahan pang pumasok sa shower room, pero dahil hindi uubra si Cris kay Pria at pinauna niya na ang shota niya.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Khad.
"Ohm," tipid kong sagot, hanggang ngayon kase nanginginig pa rin ako sa gulat.
"Namumutla ka eh," pansin niya, pilit ko lang siyang nginitian.
Matapos nilang magbanlaw ay naglayag na kami papunta sa islang sinasabi ni Mang Marlon, akala ko babalik na kami sa bahay, hindi pala. Bumungad kaagad sa amin ang maliit na isla, pero mayroon doong rest house at doon daw kami magpapalipas ng gabi. Mabuti na lang at hindi masiyadong mainit dahil paniguradong sunog kami kahit naglagay pa kamo ng sunblocks.
Nung hapon na ay si Pria na ang nagluto ng kakainin namin, si Mang Marlon naman ay bumalik sa bahay at pupuntahan na lang daw kami kinabukasan.
"Beer?" Alok sa akin ni Khad, nandito kase ako ngayon sa tabing dagat at pinagmamasdan ang araw na palubog.
"Baka binigyan niyo si Cy ha, matatamaan kayo sa akin," banta ko sa kaniya.
"Bibigyan ko," masama ko naman siyang tiningnan pero tinawanan lang ako. "Ng grapes juice,"
"Ano? Ede alak pa din yun?" Inis kong sabi sa kaniya.
"Easy ka lang, hindi naman marami," natatawa niyang sagot sa akin, mahina ko naman siyang hinampas.
Nahagip ng mata ko si Vin na gumagawa ng bonfire sa 'di kalayuan, napansin ata yun si Khad kaya ngumiti siya ng pilyo.
"Chasty, nahihirapan akong huminga," mabilis akong napatingin sa kaniya na nag-aalala, subrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi alam ang gagawin.
"H-Huh? T-Teka tatawagin ko si Vin." Mabilis akong tumayo para puntahan si Vin pero mabilis niya ring nahawakan ang kamay ko.
"Huh? Bakit siya ang tatawagin mo?" Taka niyang tanong kaya taka rin akong napatingin sa kaniya.
Oo nga? Bakit siya yung tatawagin ko?
"Eh kase alam niya yung gagawin, hindu ba Doctor siya?"
"Umupo ka nga, hindi pa license doctor si Vin hindi pa nga siya nakaka-graduate eh," sabi niya naman, dahan-dahan akong umupo ulit sa tabi niya.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong.
"Oo naman, gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman mo, Chasty alam ko sa sarili ko na hindi mo ako gusto at matagal ko ng tinanggap yun-"
"Pwede ba, huwag na natin pag-usapan yan?" Umiwas ako ng tingin at itinuon na lang ang paningin sa dalampasigan.
"Chasty, kinabukasan hindi natin sigurado kung magigising pa ba ako-"
"Khad, ano ba!? Tama na, hindi ka mamatay, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na mahal kita, dahil kaibigan kita at ayaw kong mawala ka okay!? Kapag namatay ka, papatayin kita." Mabilis kong sigaw sa kaniya, natawa naman siya saka tumango.
"Double dead," natatawa niyang sabi. "Ang ganda ng sunset 'noh?" Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Hindi ko alam pero sa sinabi niya pakiramdam ko nagpapaalam na siya, hindi ko na yun kinontra dahil tama naman siya, hindi namin hawak ang panahon at oras, kung kukunin kana talaga kukunin kana at wala ka ng magagawa pa don. Gusto kong pigilan, gusto kong sana ako na lang, pero pwede ba yun? Hindi, wala nga akong magawa eh, kung pwede lang siguro gagawin ko ang lahat para mabuhay ang mga mahal ko.
"Ate, doon na tayo sa bonfire, ang ganda oh," tumayo na kami ni Khad at dumiretso sa apoy na ginawa ni Vin, naka-upo na rin doon si Cris at Pria na magkayakap pa. Sarap batuhin ng bote ng alak.
"Chasty, barbeque?" Tumango ako kay Vin at kinuha ang inabot niya sa akin, kumuha rin si Khad at naupo sa tabi ko, sa kaliwa ko naman ay si Vin.
Sana ganito na lang kami lagi, sana walang problema, masaya lang at tanging mga pangarap lang namin ang iniintindi namin kung paano yun matutupad, nakakainis lang kase hindi pantay kung palagi na lang masaya, ang panget naman kung puro kasiyahan lang, pero sana ganon na nga lang, wala kaming nararamdamang lungkot at pangamba, bakit kase hindi na lang pwede yun? Bakit hindi namin pwedeng maranasan kagaya ng ibang tao, ang hirap magpanggap na masaya kahit ang totoo durog na durog kana.
"Spin the bottle tayo?" Aya ni Pria, ininom niya lahat ang laman ng hawak niyang bote ng alak. "Kung kanino matapat ang bottle tatanungin tapos dapat totoo ang isasagot niya," sabi niya pa.
"Teka lang, paano natin malalamn kung totoo ang sagot?" Tanong naman ni Khad.
"Siyempre dapat may proof," sagot naman ni Pria. Sinimulan na niyang iikot ang bote, at saktong natapat yun sa kaniya at si Vin ang magtatanong. "Ayusin mo, baka masuntok kita," banta niya kaagad kay Vin. Napatingin naman ako sa katabi ko masinsinan lang siyang nakatingin kay Pria na parang nag-iisip kung ano ang itatanong.
"Is that true that you like me?" Gulat akong napatingin kay Pria at maging siya ay gulat din sa tanong ni Vin, tumingin naman sa kaniya si Cris.
"Teka, babe is that true?" Tanong sa kaniya ni Cris.
"Hehe, oo nung hindi pa kita nakikilala, sino ba naman kaseng hindi magkakagusto sa pogi, matalino, nasa rank ng buong Campus, plus mayaman?" Sagot naman ni Pria.
Hindi nga? Totoong nagkagusto siya kay Vin? Bakit wala akong alam? Parang hindi kaibigan ah. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Vin kaya mabilis ko siyang tinaasan ng kilay.
"Ikaw ha, hindi mo sinasabi may gusto ka pala kay Doc," pang-aasar ni Khad kay Pria, inirapan lang naman siya ng huli.
"Really? Even if you have a boyfriend you can still like another man?" Inosenteng tanong ni Cy.
"No Cy, kapag may boyfriend kana or girlfriend, hindi kana pwedeng magkagusto sa iba, dahil masasaktan lang siya," sagot ko naman.
"Eh bakit si ate Pria?"
"Dati pa naman yun Cy, nung hindi ko pa nakikilala ang kuya Cris mo," sagot naman ni Pria at tinanguan lang ni Cy.
"At saka Cy, bata ka pa, hindi mo pa alam ang tinatawag na 'Love', hindi mo pa maiintidihan," sagot naman ni Cris.
"Okay," tipid na sagot ni Cy. "But ano naman po yung tinatawag nilang 'Crush'?" Curious niyang tanong.
"Crush is paghanga but sometimes nawawala," mabilis na sagot ni Khad.
"Sira," sagot ko naman sa kaniya at binatukan. "Cy, Crush is if you find a person attractive or she/he is beautiful and your heart never stop beating that's call crush," paliwanag ko.
"Fifteen years old kana pero ang inosente mo," sabi naman ni Cris. Ikaw ba naman na strict ang parents kung hindi ka titino, ni hindi nga pinapalabas ng bahay eh.
Inikot ulit nila ang bote at kung mamalasin ka ng naman ay kay Vin natapat at si Pria ang magtatanong.
"So, Doc, sino nga yung girlfriend mo?" Mabilis akong tumingin kay Vin, sakto ang tanong ni Pria, mabuti na lang naisip niya yun dahil gusto ko ding malaman kung nage-exist ba ang girlfriend niya o imaginary niya lang.
Natahimik naman si Vin at hindi kaagad nakasagot. Ano kayang problema nito? Ayaw niya ba talagang sabihin?
"I think, hindi pa ready si Doc na sabihin kung sino, ibang tanong na lang," sabi naman ni Khad, kainis ayaw talaga ipaalam eh.
"Kuya Vin? Totoong may girlfriend ka? Hindi ba si Ate Chasty yun kase you're already engaged?"
Patay, hindi nga pala alam ni Cy, yari na.
_________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro