Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33

***

Nagpapahinga na ngayon silang lahat, ako naman ay nandito sa kusina at tinutulungan yung mga katulong na maghanda ng kakainin namin mamayang gabi. Ang ganda pala dito sa El Nido, bukod sa malinaw na dagat maganda rin ang mga tanawin, balak ko ngang dito na lang tumira kaya lang hindi pwede.

"Kumusta pala ang Mommy mo Chasty?" Tanong ni Aling Bibang, ang tagapamahala dito sa bahay, malaki kase at lagi nilang nililinisan dahil minsan daw dito pumupunta sila Mommy at Daddy at hindi nila kami sinasama.

"Ayos naman po," sagot ko naman habang inaayos ang mga kubyertos.

"Mabuti naman at naisipan niyong dalawa ni Cylo na dito magbakasyon?" Dagdag niya pa.

"Kaya nga ho eh, hindi rin ho ako nagsisisi na dito kami pumunta," nakangiti kong sagot.

Mabuti na lang talaga at dito kami nagbakasyon, paniguradong magsisisi ako kapag hindi ko napuntahan ang magandang lugar na ito. Hindi ko inakala na may ganito pa palang tanawin sa Pilipinas.

Matapos naming e-prepared ang mga gagamit namin mamayang haponan ay umakyat muna ako sa taas, doon sa kuwarto ko dito sa bahay, mabuti na lang talaga at sakto ang kuwarto, ayaw kaseng maghiwalay ni Cris at Pria bahala sila kung may mangyari sa kanila o wala, si Vin at Khad naman ang nasa iisang kuwarto, aywan ko ba kay Vin kung bakit ayaw mahiwalay kay Khad.

Nagligo at nagbihis lang ako ng pambahay saka bumaba, wala pa sila doon kaya umakyat ulit ako para puntahan sila at gisingin, hindi pwedeng magpapahinga lang sila at matutulog sa gabi ng walang kain.

"Cris, Pria, kakain na tayo." Sigaw ko sa labas ng pinto nila.

"Pababa na," inaantok na sagot ni Pria.

Sumunod naman ako sa kuwarto ni Cy na katabi ng kayla Vin. Hindi na ako kumatok dahil hindi naman yun naka-lock, pagpasok ko ay nakadapa siya sa kama at natutulog pa rin.

"Cy, gising na, kakain na tayo," ang kunat nkya matulog, hindi magising ng isang gisingan lang kaya ang ginawa ko ay niyugyog siya para magising.

"Ate," reklamo niya. Napatingin ako sa braso niya na may pasa.

Saan na naman niya ito nakuha?

Sandali akong natahimik at pinagmasdan siya, hindi ko pinahalata na chine-check ko ang katawan niya, yung sugat niya sa gilid ng labi niya hindi pa gumagaling, yung mga pasa niya sa katawan parami ng parami. Ano bang ginagawa niya? Bakit ang daming niyang pasa sa katawan?

Pinilit kong 'wag ilabas ang luha ko, ayaw kong marinig niya akong umiiyak, ako yung Ate pero hindi ko siya magawang protektahan, hindi ko man lang kayang tanungin kung ayos lang ba siya kahit nakikita ko naman na hindi siya okay, ang hirap para sa akin tapos hindi pa siya magsasabi ng totoong nararamdaman niya.

Cy, ano bang nangyayari sa'yo?

Hindi ko man lang maitanong sa kaniya yan, naduduwag dahil hindi din naman siya nagsasalita at laging iniiba ang usapan. Sanfali akong humiga sa kama niya at niyakap siya mula sa likuran niya, umayos naman siya ng higa at humarap sa akin para mayakap din ako.

"Five minutes, Ate, I want to hug you," sabi niya pero nakapikit pa rin.

"Five minutes lang ha, kakain na tayo." Nanatili kami sa ganoong position, hindi ko alam kung ilang minuto na pero kusa na siyang kumalas.

"Kain na tayo, I'm hungry," sagot niya sa akin.

"Bilisan mo na." Utos ko at bumangon naman siya habang kusot-kusot ang mata.

Paglabas ko ng kuwarto ni Cy ay sumunod ako sa kuwarto nila Vin. Kakatok na sana ako pero bigla yung bumukas at mukha ni Vin ang bumungad sa akin, mabuti na lang at hindi ko tuluyang naipokpok ang kamay ko kundi mukha ni Vin ang makakatok ko.

"K-Kakain na," mabilis akong tumalikod matapos kong sabihin yun, nakakahiya ka Chasty.

Nang makababa na silang lahat ay kumain na kami, tahimik kaming kumakain lahat, pati si Cy na madaldal ay tahimik ngayon at hindi nangahas na magsalita.

"Saan tayo bukas?" Basag ko sa katahimikan.

"Nag-search ako kanina ng magandang puntahan, and ang nakita ko ay sa El Nido, maybe dito muna tayo, try natin maligong dagat or scuba diving?" Napangiti naman ako sa sagot ni Pria.

"Yeah, maganda dito mag scuba diving," sagot naman ni Vin.

"I'm afraid in big fish," mabilis na sagot naman ni Cy. "Baka may shark sa ilalim ng dagat."

"Ede hindi ka makakasama, dito ka lang sa bahay," panunukso ni Khad.

"No, ayaw ko," mabilis na sagot ng bata.

"Akala ko ba takot ka sa malaking isda?" Tanong ni Cris.

"Takot nga, pero mas takot akong maiwan dito," natawa ako sa sagot niya.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos, inasikaso naman yun ng mga kasambahay dito, hindi muna ako umakyat sa kuwarto ko kahit pagod na ako sa maghapon, wala pa kase akong pahinga simula ng dumating kami dito.

Paglabas ko ng bahay ay bumungad sa akin ang dagat, tumatama dito ang liwanag ng buwan na lalong nagpaganda ng tanawin. It's a perfect combination of the moon and sea. Naglakad-lakad ako sa buhanginan nang naka paa,bitbit-bitbit ko ang tsinelas ko, ang ganda kase sa pakiramdam ng buhangin sa paa.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tumabi sa paglalakad sa akin si Khad.

"Grabe ka naman, kung ako siguro yung may sakit sa puso baka nauna na akong mamatay sa'yo," singhal ko sa kaniya.

"Haha, sorry," natatawa niyang paumanhin.

"Hindi ba dapat nagpapahinga ka na? Baka kung ano pang mangyari sa'yo eh,"

"I'm okay ano ka ba, malakas pa ako, at saka ayaw mo ba akong makasama dito? Ang ganda pa naman ng tanawin." Nakangiti niyang sagot sa akin. Naaawa ako sa kaniya, alam niya bang engaged kami ni Vin? Ayaw ko namang sabihin pero kailangan niyang malaman at ayaw ko na ring magtago ng sekreto sa kaniya.

"Khad, I want to tell you something," napatingin naman siya sa akin at huminto sa paglalakad para matingnan ako ng maayo.

"Sasagutin mo na ba ako?" Gulat niyang tanong kaya mabilis akong napailing. "Ayy akala ko yun na," napakamot pa siya sa ulo niya.

"Vin and I are-"

"Engaged." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya yun.

Alam niya? Kailan pa?

"A-Alam mo?" Gulat kong tanong, tinanguan niya naman ako at nagsimula ulit maglakad, sumunod naman ako sa kaniya na nagtataka pa rin.

"Yup, okay lang naman sa akin kung siya ang gusto mo eh, kaya hindi mo ako sasagutin ng dahil sa kaniya, it's okay-"

"Khad!" Natatawa siyang tumingin sa akin.

"Chasty, alam natin pareho na hindi na ako magtatagal, kaya sana bago ako mawala maamin mo kay Vin ang totoo mong nararamdama-"

"Hindi ko siya gusto okay!?" Inis kong sagot sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin na may ngiti sa labi.

"I know, kase natatakot ka na baka awayin ka ng girlfriend niya?" Inis akong tumingin sa kaniya at hinampas siya sa braso.

"Oo nga pala, naalala ko, sino yung babaeng kasama mo nakaraan? Yun ba yung girlfriend niya? Kase nakita ko din silang magkasama sa convenience store?"

"Ah, si Pam? Yung kausap ko ba nakaraan sa harap ng gate?" Tumango naman ako bilang sagot. "She's not his girlfriend, Pam si our Best friend nung nasa high school pa lang kami, actually si Vin? Balak niyang mag engineer din kasama ko, but he choose Medical because of his father, and Pam choose to study abroad at nung time lang yun kami nagkaroon ng time magkita dahil aalis na ulit siya para bumalik ng America." Mahaba niyang paliwanag.

"Eh sino yung girlfriend niya? Hindi ko pa siya nakikita at naghihintay lang ako na may sasambunot sa buhok ko kapag nakasalubong ko siya, kaya nga lagi akong kinakabahan eh," taka kong tanong, kase kung may girlfriend talaga siya sana matagal na akong inaway non. Baka naman kase hindi babae ang girlfriend ni Vin? Baka lalaki? Matagal ko na talaga itong hinala eh.

"Malalaman mo din yan," sagot niya naman sa akin.

"Tsk." Nagpatuloy kami sa paglalakad ng tahimik, walang nagsasalita sa amin, ang awkward ng ganito.

"Chasty?" Tawag niya sa akin.

"Hmm?"

"Naniniwala ka ba talagang mahal kita?" Napahinto ako doon at napatingin sa kaniya. "Kase napilitan ka lang naman na pumayag na ligawan kita kase may condition yun, pero naniniwala ka ba talagang mahal kita?"

"Oo naman, tunay naman yung pinapakita mo sa akin, at hindi ko rin alam kung ano itong nararamdaman ko para sa'yo, ayaw kitang mawala Khad, kung pwede lang na yang sakit mo na yan malipat sa akin gagawin ko eh, kahit ako na lang yung mawala," mahaba kong sagot.

"Chasty, maipapangako mo ba na sa araw ng libing ko-"

"Ano ba!? Hindi ka mamatay... walang aalis... walang mamatay! hindi pwede, wala... W-Wala..." Umiiyak kong sagot sa kaniya.

"Chasty? Chasty?" Hinawakan niya ako sa balikat at pilit pinapatingin sa kaniya. "Chasty, hindi natin hawak ang buhay natin, ang akin lang gusto kong maging masaya ka, gusto kong ipagpatuloy mo yung mga naiwan ko... Y-Yung pinapermahan ko sa'yo dati... Yun ang nagpapatunay kung gaano kita kamahal..."

"Ano ba!? Hindi ka nga mamatay!?" Inis kong sigaw sa kaniya, niyakap niya naman ako kaya lalo akong napahagulhol.

Ang sabi ko magsasaya kami dito, pero ano itong nangyayari ngayon, ang hirap namang tanggapin, ang hirap para sa akin ang isiping isang araw hindi ko na siya makakasama, hindi ko na siya masisigawan na maaaway, wala na akong aawayin palagi. Bakit kase ganito ang nangyayari sa amin? Hindi namin deserve ang ganitong problema, ang laki-laki tapos wala pang solution.

Matapos kong kumalma ay pumasok na kami sa loob, dumiretso naman ako sa kwarto ko matapos kong magbihis.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, ang dami kong problema, hanggang ngayon hindi ko pa alam kung paano ko sulusyonan yung problema ko kay Cy, paano ko ba siya matutulungan? Hindi naman kase siya nagsasabi sa akin.

Pagkahiga ko sa kama ay inis akong bumangon dahil may kumatok sa pinto ko, inis ko yung binuksan at nakita si Pria na alalang-alala ang mukha.

"Doon ka muna kaya sa kuwarto ni Cy, I think umiiyak siya," napakunot ang noo ko. Mabilis naman akong tumakbo papunta sa kuwarto ni Cy.

Ilang beses pa akong kumatok dahil naka-lock yun.

"Cy, open this door!" Sigaw ko na may kasamang paghampas.

"Shh, baka mabigla yung bata," saway sa akin ni Pria.

"Pria, yung kapatid ko hindi ko alam kung anong nangyayari, kailangan ko siyang maka-usap," bulong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin bago umiling.

"Cy, dito daw matutulog si Ate mo," tawag naman ni Pria. Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas yun, bumungad sa akin ang mukha ni Cy na kagagaling lang sa iyak.

"Umiyak ka ba?" Tanong ko sa kaniya at lumuhod ng kaunti para pantayan siya.

"It's... It's just a bad dream, Ate," mabilis niya naman akong niyakap, napatingin ako kay Pria at tumango, tumango ako pabalik at inayos ko naman si Cy. Ito na naman, kinakabahan na naman ako.

"Shhh, tahan na, andito na si Ate," hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya.

"What happened?" Gulat na tanong ni Vin, sumunod naman sa kaniya si Khad.

"K-Kuya..." Tumakbo papunta kay Vin si Cy, napakunot naman ang noo ko. "They're here..." Bulong niya pa na mas lalo kong ikinataka.

H-Huh? S-Sino?

Napatingin ako kay Khad pero nagkibit-balikat lang siya, sinong tinutukoy niya?

"S-Sino?" Kinabahan kong tanong kay Vin.

"Cy, they're not here okay, me and Chasty will protect you," sabi ni Vin na ikinataka ko.

Ano na bang nangyayari sa amin? Bakit sunod-sunod na problema ang dumadating? Bakit puro problema? Bakit ngayon pa? Parusa ba ito sa amin? O sa akin? Ito na ba ang kabayaran ng lahat? Sunod-sunod na tumulo ang luha ko ng lumapit sa akin si Cy.

"Cy, tell me, anong nangyayari? S-Sino yung tinutukoy mo?" Tanong ko sa kaniya, pero imbis na sagutin ako ay niyakap niya lang ako ng mahigpit. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hirap na hirap na ako.

"Don't leave me again Ate, please?"

____________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro