Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 30

***

"Hayyy, mabuti na lang natapos na ang exam." Huminga ng malalim si Pria.

"Sa wakas makakapunta na tayo ng Palawan," masayang sabi ako. Hindi pa kase ako nakakapunta ng Palawan, sabi pa naman nila maganda daw doon.

"Ano ba yan, Chasty, pina-alala mo na naman, alam mo namang hindi pa ako sigurado kung makakapasa ako, kainis ka." Nagdadabog siyang naglakad palayo sa akin, natatawa ko naman siyang sinundan.

"Bakit, kapag nabagsak kaba mapipigilan kitang sumama?" Natatawa kong tanong, masama niya akong tiningnan at nakanguso pa talaga.

"Tse, mas maganda na yung may challenge para makuha mo ang gusto mo, ayaw kong masanay na lagi na lang akong naka-asa sa mga magulang ko," nakanguso niyang sagot sa akin.

"Ay sus, Pria, mababawi mo rin lahat ng hirap nila sa'yo kapag naka-graduate kana." Inakbayan ko siya at naglakad na kami palabas ng school. Gusto kong kumain ng ice cream sa kabila ng pagod at stress ko sa pagre-review.

"Inom daw tayo mamaya sa mini bar doon sa condo niyo?" Napatingin naman ako sa kaniya, ayaw kong makasama si Vin, paniguradong kasama yun doon, lalo na kapag nandiyan si Khad, hindi ko kaya na nasa iisang lugar lang kaming tatlo.

"Kayo na lang," binitawan ko na siya ng makalapit siya sa kotse niya.

"Sure ka ayaw mong sumama?" Tumango naman ako bilang sagot. "Ikaw ang bahala, pero kung magbago ang isip mo, sunod ka lang doon." Nakangiti akong tumango sa kaniya at kumaway ng makaalis ang kotse niya.

Dumiretso naman ako sa kotse ko at sumakay, saktong pagbuhay ko ng makina ay nag-ring ang cellphone ko.

["Hi Ate, where are you?"] Bungad ni Vin ng makita ko siya sa screen.

"Pauwi na bakit?" Tanong ko sa kaniya.

["Pick me up, please Ate?"]

"Bakit? Wala ka bang sundo? Nasaan ang sundo mo?" Nagtataka kong tanong, lagi siyang may sundo tuwing uuwi at pupunta ng school.

["Ayaw ko, gusto ko ikaw, dali na ba Ate, please, please, please?"] Pagmamaka-awa niya pa.

"Okay fine." Wala akong nagawa kundi ang pumayag, napatalon naman siya sa tuwa kaya bahagya akong natawa, pinatay ko na ang tawag at nagsimulang magmaneho papunta sa school nila, medyo may kalayuan pero kailangan kong tiisin.

Ito ata ang unang pagsundo ko sa kaniya, dati kase sabay kaming papasok at uuwi simula nung nag-college ako ay hindi na kami nagkakasabay. May naisip naman kaagad ako habang nasa byahe, tutal hindi rin naman ako sumama sa celebration nila Pria mas mabuting si Cy na lang ang isama ko.

Nang makarating ako sa school nila ay nakita ko si Cy na nakatayo sa isang gilid at nakatulala, wala siyang kasamang iba, samantalang yung ibang bata ay busy sa pakikipag-usap nila sa kanilang nga kaibigan siya naman ay wala miski isa. Nagtataka ako kung bakit ganoon pero wala din naman akong nagawa, hindi ko magawang itanong sa kaniya dahil baka naunaang umuwi yung mga kaibigan niya, sana naman hindi siya magaya sa akin na iisang kaibigan lang ang pinagkakatiwalaan, ayaw kong ma-feel niya yung lagi kong nararamdaman kapag walang kaibigan.

Nang makita niya ang kotse ko ay ngumiti at tumakbo papunta sa akin, yung ngiti niya ngayon halatang masaya at hindi kagaya kanina na parang ang lalimng iniisip niya.

"Ate!!" Sigaw niya at sumakay sa kotse ko, inilagay niya yung bag niya sa likuran namin at inayos ang suot ng seatbelt niya, hindi niya yun maayos kaya ako na ang gumawa para sa kaniya.

"How's your day?" Tanong ko habang inaayos ang seatbelt niya.

"Okay lang naman, kanina nag long quiz kami sa science and I got the highest score, one mistake hehe," napapalakpak ako dahil sa ibinalita niya.

"Really?" Mangha kong tanong.

"Yes Ate, and also my teacher told me that I'm the rank 1 one of our school, just like you Ate," nakangiti niyang sabi.

"Hindi nga?" Gulat kong tanong.

"Si Ate akala mo niluluko," nakanguso niyang sagot, inabot niya yung bag niya sa likod at may kinuha, ipinakita niya naman sa akin ang class card niya.

Hindi nga siya nagbibiro dahil ang pinakamababa niyang grades ay 97, napangiti na lang ako ng pilit, alam kong hindi madaling kunin ang ganitong grades at alam ko kung ano ang pinagdaanan niya makuha lang ito dahil ganoon din ang pinagdadaanan ko. Tumingin ako sa kaniya at nakangiti naman siya sa akin, mabilis ko siyang niyakap at hindi pinahalatang may luhang tumulo mula sa mga mata ko.

"I'm very proud of you." Bulong ko sa kaniya, niyakap niya naman ako pabalik.

"I miss you Ate," alam ko kung anong tinutukoy niya at ramdam ko rin na umiiyak na siya kaya hindi ko na napigilan ang mga luha ko

"I miss you too." Hinalikan ko siya sa noo at pinahiran ang luha niya, ibinalik ko sa kaniya ang class card niya at inayos niya naman yun sa bag niya. "Dahil diyan, may regalo ako saiyo." Nakangiti kong sabi. Mabuti na lang at hindi ako naka-uniform at hindi nakakahiya sa pupuntahan namin.

Napatingin naman siya sa akin at hindi makapaniwala. Natawa lang ako sa reaction niya at hindi siya sinasagot, nagsimula na akong mag-drive pero hindi pauwi, kundi papuntang amusement park, sa edad ko itong hindi pa ako nakakapasok ng amusement park, lagi lang naming nadadaan kapag bumabyahe kami papuntang ibang lugar kaya ito na ang chance ko para makapasok at kasama si Cy. Bukod kase sa bahay at school wala na kaming pinupuntahan na dalawa dahil ayaw kaming palabasin ng compound ng bahay namin noon, sumilip ka lang sa gate ay magagalit na kaagad sila, kaya hindi masaya ang childhood ko.

"Where are we going?" Tanong ni Cy.

"Basta, maghintay ka lang diyan." Sagot ko sa kaniya, hindi na rin siya nagtanong, paniguradong maganda na ang amusement park ngayon dahil padilim na din, marami ng ilaw at maliwanag ang paligid, marami rin namang mga pagkain doon na pwede naming kainin, marami ring rides na pwede naming sakyan.

"Ate, kinakabahan na ako, saan ba talaga tayo pupunta?" Natawa ako sa itsura niya pero hindi ko pa rin siya sinagot, malapit na rin naman kami.

"Hulaan mo," umayos siya ng upo at tumingin sa labas, napakunot ang noo niya ng makita na namin ang malaking ferris wheel. Nakanganga siyang tumingin sa akin at hindi makapaniwala ng tumango ako.

"Really? We're going to amusement park?" Nakangiti ulit akong tumango, hindi siya makapaniwala na makakapunta na kami doon.

"Yup," nang makahanap ako ng space para ma-park ang sasakyan ko, masiyado kaseng madami ang sasakyang nandito ngayon, malamang na marami ring tao sa loob.

Nang makababa kami ay tumakbo na papasok si Cy, nahirapan pa along hanapin siya dahil bukod na malapit ng dumilim ay subrang dami ng tao sa paligid, hindi ako sanay sa ganito na maraming tao, parang gusto ko na lang umuwi at magpahinga, pero gusto ko rin namang subukan lalo pa't kasama ko si Cy ngayon. Iginala ko ang paningin ko sa paligid, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng nagtitinda ng cotton candy, nakatingin lang siya doon at nakangiti.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makalapit ako sa kaniya.

"Ate, what is the taste of that food? Is that a food or toy?" Natawa ako sa tanong niya, iba't ibang kulay kase yun na nakalagay sa stick.

"Gusto mong malaman kung laruan ba o pagkain?" Mabilis naman siyang tumango, naglabas ako ng pera para makabili. "Anong gusto mong kulay?" Tanong ko sa kaniya.

"Green," kumuha ako ng dalawa at ibinigay sa kaniya yung green sa akin namam yung pink. Pinagmasdan ko siyang hawakan yung cotton candy, piniga niya yung kaunting kinuha niya at lumiit. "Look ate, it's sticky and it's like a cotton,"

"Because it's cotton candy," natatawa kong sagot sa kaniya.

"So, it's candy?" Tumango ako at kinainan ang sa akin, natatawa pa ako sa kaniya ng kumuha ulit siya ng maliit at sinubo yun.

"Ate it's melting in my mouth," gulat niyang sabi, tinawanan ko lang siya at hinila na paalis doon, mabuti na lang at hindi kami pinagtitinginan ng mga tao.

Naubos ko na yung sa akin at siya naman ay manghang-mangha pa rin sa cotton candy, hindi ko naman siya masisisi dahil masiyadong protective ang parents namin kaya hindi kami nakakakain ng hindi nila nasisigurong safe para sa amin, yung street foods nga kung hindi pa ako sinama ni Pria sa harap ng school namin para kumain hindi ko pa matitikman, nung una nandidiri ako pero nasanay na din naman ako katagalan dahil masarap din naman.

"Ate, sakay tayo ng ferris wheel?" Yaya sa akin ni Cy, napatingin ako sa kaniya bago tumingin sa mataas na ferris wheel, nagtaasan ang balahibo ko ng marinig ko ang sigaw nila.

"S-Sure ka?" Utal-utal kong tanong.

"Yup, hindi pa ako nakakasakay doon, I want to experience what to feel when I'm in the top," napangirit ako sa sagot niya.

Baka dito na ako mamatay, mali atang dito ko dinala si Cy.

"Doon na lang tayo sa carousel?" Ayaw ko pang mamatay.

"Are you afraid, Ate?" Mabilis akong umiling sa kaniya.

"What about Sky Bikes?" Tanong ko ulit, umiling naman siya.

"Mamaya na tayo doom ate, gusto kong sumakay sa ferris wheel." Hinila niya pa ang kamay ko papunta doon kaya wala akong magawa kundi ang sumama.

Natatawa siya sa reaction ko habang palapit kami ng palapit doon, nakakapanindig balahibo yung mga sigawan ng mga nakasakay doon, gusto ko ng umuwi. Nagsisisi tuloy ako na dito ko siya dinala, sana sa butterfly park na lang o kaya sa simpleng restaurant tapos kakain na lang kami ng dinner, hasytt.

Nang makasakay na kami ay mabilis niyang kinuha ang cellphone niya at binuksan ang camera, hanggang sa nag-video na nga siya at sa akin lang nakatutok.

"Itigil mo yan Cy," saway ko sa kaniya.

"I don't," natatawa niyang sagot, patuloy lang siya sa pag-video, hindi ko kase siya mahawakan para agawin ang cellphone dahil natatakot ako, mahigpit ang hawak ko sa bakal dahil baka mahulog ako.

Napasigaw ako ng bigla na lang umikot yun at napunta kami sa baba, ilang santo na ang tinawag ko dahil sa kaba, pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko dahil sa magkahalong takot at kaba, ilang beses din akong napamura ng ilang beses yung umikot.

"You're so cute Ate," inirapan ko si Cy ng makababa na kami, nandito ako sa isang tabi dahil sumusuka ako, hanggang ngayon hindi pa rin siya tumitigil sa pagkuha ng video sa akin.

"U-Umuwi na tayo." Yaya ko.

"Ayaw ko pa, dito muna tayo, gusto ko pang sumakay sa trampoline," mabilis akong umiling dahil hindi ko na kaya, hinang-hina na ako.

"Haha, okay come on ihatid mo na ako sa bahay," inalalayan niya akong tumayo at bumalik sa kotse. Napahinga ako ng maluwag ng maka-upo ako doon, inabotan niya naman ako ng tubig, mabilis ko yung ininom at masama siyang tiningnan.

"Hindi kana makaka-ulit." Tinawanan lang ako ng walanghiya. Nang makarecover na ako ay nagsimula na akong magmaneho pauwi ng bahay.

Sana naman hindi magalit sila Pria kung late na ako makakapunta, nagsabi rin naman ako na hindi ako sigurado kung makakapunta ako. Hindi kaagad ako umalis ng bahay, tumakbo naman si Cy papunta sa taas para magpalit ng damit, ako naman ay dumiretso sa kuwarto ko at humiga sandali sa kama, wala sila Mommy at Daddy dahil nasa business trip daw.

Ilang minuto pa ay bumaba na rin ako, ngayon ko lang narealize na tatlong bahay pala ang inuuwian ko, kahit na hindi ko matawag na tahanan itong kinatatayuan ko ngayon, umupo ako sa sofa para antayin si Cy na bumaba, nagulat pa ako dahil may dala siyang bag, saan na naman kaya ito pupunta?

"Where are you going?" Tanong ko sa kaniya, ngumiti naman siya sa akin ng malaki. Alam ko na yung ngiti niyang yun kaya mabilis akong umiling. "Hindi, dito ka lang,"

"Ate naman, naka-imapake na ako, wala ka nang magagawa atsaka wala naman sila Mommy at Daddy eh, bukas wala na ring pasok kase weekend tapos-"

"Still it's no for me," putol ko sa kaniya.

"Sa'yo 'no' but kuya Vin saif I can go to your house anytime," wala akong nagawa nang isakay niya sa kotse ko ang bag niya. Sumigaw pa siya na umalis na daw kami.

Hindi talaga ako makakasama sa inuman, nakakainis.

______________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro