***
"Ano!?" Gulat kong tanong, ano na namang kagaguhan ang ginagawa nila? Bakit parang ginagawa na lang nila kaming laruan? Mga anak nila kami hindi kami tau-tauhan lang.
"That's Mom said." Padapa siyang humiga sa kama at alam kong umiiyak na siya.
"Cy, gagawa tayo ng paraan-"
"I know that y-you don't like kuya Vin, a-ate I don't want to marry a woman that I don't like," umiiyak niyang sagot sa akin.
"You don't need to marry a girl you don't like, bata kapa at hindi ka pa pwedeng ikasal," sagot ko sa kaniya habang pinapatahan siya, tinabihan ko siya sa kama at niyakap.
"Cy, tell me, anong nangyayari dito sa bahay?" Nag-aalala kong tanong. Hindi niya naman ako sinagot pero umiiyak siya at palakas na ng palakas. "N-Nung birthday mo, b-bakit ka umiiyak?" Mas lalong lumakas ang iyak niya dahil sa tinanong ko kaya subra akong kinabahan sa pwede niyang isagot, natatakot na baka yung iniisip ko ay totoo. "Cy tell me, anong nangyayari?" Umiling lang siya ng umiling at niyakap ako ng mahigpit.
Tumulo ang luha sa mata ko dahil hindi ko na yun napigilan, gusto kong sumigaw at ilabas lahat ng sakit dahil pati ako apektado sa dinadala ni Cy, kung pwede sanang ako na lang yung magdala noon lahat at hindi na siya mahirapan ang gagawin ko, kahit ako na lang yung mahirapan 'wag na siya.
Gusto ko mang samahan si Cy sa bahay pero hindi pwede, may pasok ako kinabukasan kaya kailan kong umuwi, kitang-kita ko sa mga mata ni Cy ang lungkot, ayaw niyang bitawan ang kamay ko na para bang takot na takot, hindi ko na alam kung ano ang pwedeng mangyari kapag iniwan ko siya dito, pero sana hindi tama ang naiisip ko na nangyayari sa kaniya.
Habang nagmamaneho ako pauwi sa bahay ay napadaan ako sa isang mini store, bumili muna ako ng pwede kong kainin habang inaayos ang plates ko, hindi pa ako nakakapasok sa loob ng store ay napahinto ako dahil sa nakita, si Vin yun at may kasamang babae, hindi ko na lang yun pinansin at tuloy-tuloy lang akong pumasok sa loob, hindi ko alam kung nakita ba nila ako, pero sana naman hindi, gusto ko rin kaseng makita yung itsura ng girlfriend niya kahit na dilekado ay kailangan kong gawin.
Tatanggapin ko kung sisigawan niya ako o aawayin, kahit sambunotan niya pa ako dito hindi ako magrereklamo dahil deserve ko yun, na dapat siya ang kasama ni Vin sa iisang bahay ay hindi niya nagawa dahil ako ang kasama niya, kinuha ko yung pagkakataon na dapat siya ang kasama ng lalaki kapag natutulog ito at kapag gigising siya ay mukha ng boyfriend niya ang kaniyang makikita, pero nang dahil sa akin ay nawala yun.
Bakit kase hindi sinabi ni Vin kayla Tito na may girlfriend siya? Ako tuloy ang nahihirapan. Ang dami ko na ngang problema pati ba naman ito ay kailangan ko pang problemahin?
Nakaharang silang dalawa sa freezer kung saan nadoon ang ice cream na kukunin ko sana, habang namimili ng snacks ay sumusulyap ako sa kanila para makita ang itsura ng babae, kailangan kong makilala kung sino ang girlfriend niya para kahit papaano ay magkakaroon ako ng ideya.
Nang humarap ang babae sa gawi ko ay doon ko siya nakilala, sa Aceus University din siya nag-aaral, I think nasa business field siya kase doon ko siya madalas makita kapag uwian na.
Maganda siya, maputi at medyo matangkad rin pero mas matangkad ako sa kaniya, magara manamit kaya alam kong anak mayaman din siya, kung nasa business siya malamang na kilala ng parents ko ang parents niya, baka nga doon sila nagkakilala ni Vin eh.
Hindi na ako kumuha ng ice cream at nagbayad na lang matapos makapamili, dumiretso na ako sa kotse ko mabuti na lang dahil hindi nila ako napansin kung hindi baka mayari ako. Kanina pa sila nag-uusap doon mukhang seryusong-seryuso ang kanilang pinag-uusapan.
Nagmadali na akong umuwi sa bahay, dumiretso naman ako sa kuwarto ko dala ang mga snacks na binili ko, mabilis kong nilabas ang laptop ko at tinawagan si Cy. Hanggang ngayon kase hindi pa rin ako mapakali, baka kase kung ano na naman ang binabalak niya, natatakot ako na baka gawin niya na naman yung ginawa niya nung birthday niya, hindi ko siya nasubaybayan pagkatapos noon na pinagsisihan ko naman.
"Matutulog ka na ba?" Tanong ko ng sagutin niya ang tawag ko, naka video call yun kaya kita kong naka-upo siya sa kuwarto niya, nasa study table at may hawak na ballpen.
["Not yet, I need to finish this drawing,"] sagot niya naman at ipinakita sa akin ang sketch niya na nakangiti, mabuti naman at hindi na siya mukhang malungkot. ["How about you? Why did you call me?"]
"Kauuwi ko lang at gagawa ako ng plates ko, ayaw mo ba non? Sabay nating gagawin ang project natin?" Nakasimangot kong tanong.
["No, gusto ko Ate, wait tatapusin ko lang ito."] Hinayaan ko na siya doon at hindi na nagsalita, kinuha ko na lang din yung plates ko para makasimula na din ako, hindi ko pinatay ang tawag para makita ko kung ano ang ginagawa niya.
Napalingon ako ng screen ng laptop ko ng may marinig akong tumatawag kay Cy, lumingon naman siya sa pinto niya bago tumingin sa akin.
["Ate, I need to end the call, mommy's calling me."] Hindi pa ako nakakasalita ay pinatay niya na ang tawag, napakunot ang noo ko ng mapansin kong takot na takot siya na parang may malaki siyang kasalanang ginawa.
Hindi na talaga maganda ang kutob ko.
Wala din naman akong nagawa dahil kailangan kong tapusin ang mga plates ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero alam ko na natapos ko ang plates ko bago ako nakatulog sa study table ko, dahil sa pagod hindi ko na nagawang humiga sa kama kaya sa study table na ako nakatulog.
Nagising ako ng may mabigat sa braso ko, kaya mabilis akong napamulat at nagulat ng makita si Venice na nakahiga sa braso ko, inalis ko ang kumot sa katawan ko at tiningnan siya.
Teka? Nasa study table ako kagabi ah?
Kaya pala hindi masakit ang katawan ko kase sa kama na ako natulog, pero ang oagkakatanda ko ay hindi ako dito nakatulog kagabi. Dahan-dahan kong tinanggal si Venice sa braso ko para hindi siya magising, inayos ko naman lahat ng gamit ko at dumiretso sa cr para maligo.
Matapos ang pag-aasikaso ko ay bumaba na din ako dala ang mga plates ko pati na rin ang ibang requirements na dapat ipasa ngayong araw. Gusto ko tuloy mainggit kay Vin, parang wala siyang deadline na hinahabol dahil ang fresh niya laging tingnan, samantalang ako wala pang anak pero parang sampo na ang inilabas ko sa sinapupunan ko dahil sa eye bag.
Hindi ko naabutan sa baba si Vin, wala din siya sa kusina baka nandoon pa siya sa kuwarto niya dahil nandito pa naman ang kotse niya, hindi ko na nagawang kumain kaya dumiretso na kaagad ako sa school. Nung break time din ay hindi na ako sumama kay Pria para kumain sa canteen, hindi pa naman kumakalam ang sikmura ko kaya hindi pa ako gutom.
Nung lunch na ay hindi pa rin ako kumibo sa upuan ko, parang ayaw kong umuwi o kumain dahil may hinahabol pa akong deadline, halos wala pang nakakapasa miski isa sa amin kaya sana kahit ako na lang ang mauna, mas maaga, mas maganda. Habang inaayos ko yun ay may bigla na lang umupo sa kaharap kong upuan. Gulat akong napatingin sa kaniya at halos mapatalon ng makitang nandoon si Vin.
What the hell is he doing here?
"Bakit?" Taka kong tanong at ibinalik muli ang attention ko sa ginagawa ko kanina.
"Hindi ka pa kumakain, hindi ka rin kumain kanina sa bahay, wala ka rin pumunta sa canteen para kumain ng break time tapos hindi ka ulit kakain ng lunch? Magpapakamatay ka ba!?" Sermon niya sa akin.
"Hindi ako nagugutom," sagot ko sa kaniya, alam kong nakataas ang isa niyang kilay dahil sa sagot ko.
"Marami bang stock diyan sa bituka mo kaya hindi ka nagugutom? Hindi ka nagugutom o ayaw mong kumain?"
"Pabayaan mo na nga ako, just leave me alone!" Sagot ko.
Gulat akong napatingin sa kaniya ng hawakan niya ang kamay ko at hilain ako palabas, dala-dala niya pa yung mga gamit ko. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya pero malakas siya at ayaw talaga akong pakawalan.
Nakarating kami sa kotse niya ng hila-hila pa rin ako, pilit niya akong pinapasakay sa passenger seat pero dahil makulit ako ay hindi ako sumasakay, pero dahil nga malakas siya ay naisakay niya ako doon. Hindi na rin ako kumawala pa dahil bigla na lang sumakit ang ulo ko.
"Fine, I'll eat." Inis kong pagpayag.
"Good-"
"Pero kapag hindi ko natapos ang project na ginagawa ko with in this day at hindi ko napasa, mayayari ka sa akin," banta ko sa kaniya.
Natawa naman siya doon bago sinimulang magmaneho. Hindi ako nagsasalita habang nagmamaneho siya, ganoon din naman siya. Ang hindi ko lang maintidihan, saan siya kumuha ng lakad ng loob pumunta sa room namin? Sinabi ko na sa kaniyang ayaw kong makita kami ng iba na magkasama dahil paniguradong malaking issue na naman ito. Lalo na kapag nalaman nilang nagsasama kami sa iisang bubong.
Nang makarating kami sa isang restaurant ay ako na ang unang bumaba, sumunod naman siya sa akin papasok ng restaurant bahala na kung may makakita sa amin, wala naman silang karapatang pakialaman ang buhay namin eh.
"This one, and this one," si Vin na ang umorder ng kakainin namin kaya hinayaan ko na lang siya doon. "Hanggang kailan mo balak magpakamatay nang maihanda ko na ang burol mo?" Inis ko siyang tiningnan at tinaasan ng kilay. Ano bang pinagsasabi nito?
"Excuse me?" Inis kong tanong. Bahagya siyang tumawa bago umiling.
"Bakit hindi ka kase kumakain sa tamang oras? Akala mo ba maganda yan sa kalusugan mo?" Tanong niya pa.
"Alam kong hindi, kailangan ko lang talagang tapusin yung ginagawa ko at isa pa hindi naman ako nagugutom," inis kong sagot.
"Dapat ba bago kumain kailangan kumakalam muna ang sikmura?"
"Bakit sa akin mo tinatanong? Hindi ba ikaw ang doctor?"
"Kaya nga kita sinasabihan kase doctor ako, alam ko kung ano ang makakabuti sa'yo,"
"Mabuti naman at alam mo, ang makakabuti lang naman sa akin ay yung mawala ka ng tuluyan sa paningin ko." Hindi siya nakasalita sa sinabi ko, umiwas naman ako ng tingin at sakto namang dumating na din ang order namin.
Hindi siya nagsalita hanggang sa magsimula na kaming kumain, pinagsisihan ko naman yung sinabi ko, hindi ko alam na maaapektuhan siya, I didn't mean to say those words.
Hanggang sa makabalik kami ng campus ay hindi siya nagsasalita, gusto kong humingi ng paumanhin pero mas inunahan ako ng pride ko ay mas pinili kong hayaan na lang siya, bumalik ako ng room at tinapos lahat ng ginagawa ko kanina, hindi man lang nga ako nakapag 'thank you' sa kaniya dahil siya ang nagbayad ng kinain namin kanina. Nang matapos ang klase namin sa hapon ay lumabas na ako ng room.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa kotse ko na nasa parking area ng school, habang naglalakad ako ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina, nakokonsensya na tuloy ako. Hindi ko kayang humingi ng tawad sa kaniya, totoo naman yun kase gusto ko ng kumawala sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko gustong saktan siya pero yun ang totoo kaya lang hindi ko inaasahan na masasabi ko yun sa harapan niya, siguro dahil na rin sa inis.
Nang makarating ako sa kotse ko ay inilagay ko kaagad ang mga gamit ko dito, nang bubuksan ko na ang pinto ng driver seat ay napahinto ako ng makita ko kung sino ang lumabas mula sa gate.
Bakit magkasama sila? Kilala ba nila ang isa't isa? Malamang kaya nga magkasama eh.
Bakit magkasama si Khad at yung girlfriend ni Vin?
________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro