CHAPTER 27
***
"Chasty, ano ang kaya mong gawin para sa taong mahal mo?" Tanong sa akin nit Tito, nandito kami ngayon sa veranda kung saan kita ang likuran ng bahay namin.
"Po?" Kinakabahan kong tanong, bakit naman niya biglang naitanong yun? Akala ko pa naman serious matter ang pag-uusapan namin ngayon.
"I mean, ano ang kaya mong gawin para sa mga minamahal mo?" Tanong niya ulit.
"P-Para po sa akin, lahat po kaya kong gawin kahit buhay ko pa ang kapalit isusugal ko para sa kanila."
Para kay Cy.
"Chasty, yung sakit ko malala na, pero hindi ko masabi sa kanila dahil natatakot ako, hindi ko kayang makita silang umiiyak, maaari ba akong humingi ng kaunting favor sa'yo?" Mabilis naman akong tumango.
"Kahit ano po," sagot ko, may inilabas siyang papel mula sa bulsa niya, inabot niya yun sa akin kaya kahit nagtataka ay kinuha ko.
"If ever man na mawala ako sa mundong ito, pwede mo bang iabot ito kay Vin?" Paki-usap niya, ang tagal ko bago nakasagot.
Nagpapaalam na ba siya? Parang hindi ko ata kayang mawala siya. Kase kahit papaano ay napapalapit na rin ang loob ko sa kaniya, para ko na siyang Ama at mas mabuti kaysa sa totoo kong Tatay.
"Makakarating po, pero pwede rin po bang humingi ako ng favor sa inyo?" Ngumiti naman siya sa akin bago tumango. "Pwede po bang mabuhay pa kayo ng matagal?" Natawa siya ng bahagya sa sinabi ko bago tumango.
"Sure, if kakayanin."
Mukha namang walang sakit si Tito pero alam kong marami siyang nararamdaman kagaya ng sinasabi niya at may rason naman dahil nag-doctor si Vin dahil sa Daddy niya.
Matapos ang usapan namin ay pumasok na ulit ako sa kuwarto ko para matulog, dahan-dahan akong humiga sa kama sa takot na magising si Vin. Hindi pa rin nakabukas ang aircon dahil nilalamig pa rin siya.
Hindi pa ba bumaba ang lagnat niya?
Dahil sa pag-aalala ay hindi ako nakatulog, pasado na ata twelve ng gabi ng gising pa rin ako at nakatingin sa kisame, hindi ko din kass pinatay yung ilaw kaya maliwanag. Umayos ako ng upo sa higaan at tiningnan si Vin na mahimbing na ang tulog, pawis na pawis ang noo niya at paniguradong basa na ang damit niya.
Kumuha ako ng bimpo sa cabinet niya at dahan-dahan yung ipinunas sa mukha niya, hindi na rin siya gaano kainit kaya napanatag ang loob ko. Naalala ko na kailangan niya pa lang uminom ng gamot kaya bahagya ko siyang ginising.
"Inumin mo muna ito," sabi ko ng dumilat siya ng mata.
Inalalayan ko siyang umupo sa kama at nang masubo niya na ang gamot ay hawak-hawak ko ang baso para painumin siya.
Ibinalik ko yung baso sa study table niya at inabot ang damit, alam niya na kung ano ang gagawin niya kaya tumalikod ako para makapagbihis siya ng damit. Dahan-dahan na akong lumingon sa kaniya para masigurong nakapagbihis na siya, sakto naman dahil katatapos niya lang din magbihis.
Umayos na ako ng higa sa kama at ganoon din siya, pero hindi pa rin ako nakakatulog dahil natatakot na naman ako baka paggising ko hindi lang kami magkayakap, baka mapatay ko na talaga siya kung may iba pang mangyayari.
"T-Thank you, Chasty." Napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya yun, naka straight ang tingin niya sa unahan kung nasaan ang flat screen na tv.
"For?" Tanong ko.
"F-For taking care of m-me," halos hirap pa siyang banggitin yung huling salita.
"Don't thank me, ginagawa ko lang ito kase ito rin yung ginawa mo sa akin nung nagkasakit ako," sagot ko naman. Hindi siya nakasagot pero ramdam kong nakatingin siya sa akin, hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon pang tingnan siya. "Night." Tumalikod na ako sa kaniya at ipinikit na ang mata.
Naramdaman ko naman siyang gumalaw kaya alam kong nakahiga na rin siya. Matagal bago ako dinalaw ng antok dahil sa kabang nararamdaman dahil baka kung ano na naman ang bubungad sa umaga ko, imbis na maganda baka puro na lang inis na naman ang maramdaman ko. Ipinikit ko ang mata ko at tuluyan ng nakatulog.
Nagising naman ako sa ingay na naman sa baba, inis akong napabalikwas ng bangon dahil sa nakakarinding ingay sa baba, tuwing gigising na lang ba ingay lagi ang dahilan? Inis akong bumaba ng kama at dumiretso sa cr para gawin ang morning routine ko, matapos kong makapagbihis ay bumaba na rin ako.
Halos mapatalon ako sa gulat ng makita kung ano ang nangyayari sa baba, ano na namang kaguluhan ito?
Si Cy nakahiga sa sahig habang dinadaganan ni Vin, si Anna na nakapatong sa likod ni Vin, si Cris na kinikiliti sa paa si Vin at si Pria na tawa ng tawa habang hinahampas si Cris ng unan.
What the hell they're doing here?
Akala mo hindi galing sa sakit si Vin at ito namang si Cy kaaga-aga ay nandito kaagad, si Pria naman at si Cris hindi ko alam kung ano ang sadya dito at bakit nandito siya? Magkakilala ba silang dalawa ni Vin? Nasaan ba sila Tito at Tita bakit hindi man lang sila sinasaway?
"Hoy!!" Sigaw ko sa kanila, isa-isa naman silang umayos ng tayo at parang mga knight na biglang sinuway ng commander kung makaasta. "Anong ginagawa niyo?" Tanong ko at nagkatinginan naman sila. Dumampot ng unan si Pria at hinampas ako, hindi naman siya masakit pero dahil sa inis ay kumuha din ako ng unan at hinampas siya.
Sigaw naman ng sigaw si Anna at Cy habang tumatakbo dahil naghahampasan na kaming lahat. Ano bang nangyayari sa amin? Para kaming mga bata, pero aaminin kong masaya siya, kahit papaano ay walang inisang nagaganap. Pagkatapos naming maglaro doon ay naisipan naming maligo ng pool, dahil magaling na din si Vin ay siya na ang nagluto ng kakainin namin, umuwi na daw si Tito at Tita dahil marami silang aasikasuhin sa opisina nila, hindi na rin sila nakapaalam sa akin dahil mahimbing daw ang tulog ko kanina.
Ikaw ba naman hindi makatulog ng maayos dahil sa baka kung ano na namang nangyari paggising mo?
"Vin? Bakit ka nga pala nagkasakit?" Takang tanong ni Cris. Ano pa bang hindi ko alam? Bakit kung mag-usap si Vin at Cris parang matagal na nilang kilala ang isa't isa? Baka ako lang ang walang alam?
"I'm just tired, hindi ko naman enexpect na magkakasakit ako sa mga school activities na ginagawa ko, over time sa pagbabasa at paggawa ng plates." Sagot naman ng lalaki habang inaayos yung pagkain sa lamesa. Nandito kami sa pool at naliligo na si Anna at Cy. Ang saya nilang panuoring naglalaro at magkasundo, parang kami lang ni Cy nung mga bata kami. Sana pwedeng ibalik ang dati, hindi ngayon na puro problema na lang ang bungad ng araw-araw kong buhay.
"Ayan kase, puro ka aral, nasubrahan ka na sa talino, share it mo naman sa akin?" Natatawang sabi ni Cris, tinawanan naman siya ni Vin at nakatanggap siya ng batok galing kay Pria.
"Sira ka, kahit ipasa pa sa'yo ni Vin yung talino niya bobo ka pa rin," sagot naman ni Pria, natawa ako dahil doon, hindi naman sa bobo si Cris baka inaasar lang siya ni Pria dahil matataas ang nakukuhang grades ng lalaki, siya pa nga ang tumutulong kay Pria gumawa ng plates eh.
Maya-maya pa ay tumalon na rin sa pool ang mag-jowa, gusto pa akong ihulog ni Pria sa tubig mabuti na lang nakakapit kaagad ako, ayaw ko pang maligo, malamig kase kahit naka t-shirt and shorts lang ako.
Umupo sa katabi kong upuan si Vin, may dala siyang orange drinks, kumakain ako ng chips habang nanunuod sa kanila na naglalaro sa tubig kasama si Cy at Anna.
"Drinks?" Inabot niya sa akin yung drinks na dala niya kanina. Tinanggap ko naman yun bago nagpasalamat. Tawa lang kami ng tawa sa apat na nasa pool minsan ay napapasigaw pa kami dahil baka mamaya may malunod sa kanila, mabuti na lang at marunong lumangoy yung dalawang bata.
"Let me go." Reklamo ni Cy ng mahuli siya ni Cris.
"Hindi ka maliligo?" Biglang tanong ni Vin, tumayo na siya at hinubad ang t-shirt na suot niya, bumungad naman sa harapan ko yung abs niyang saktong-sakto sa katawan niya. Mabilis kong iniwas ang tingin ko doon pero napangisi siya, hindi naman nakaka-attract. Medyo lang.
Tumalon na siya sa pool at nakipag-laro din doon sa kanila, dahil sa inggit at tumalon din ako at nakisali sa kanila, kaya lang maling disisyon atang sumali ako dahil ako palagi ang natataya at nahuhuli.
Matapos naming magbabad ay umahon na rin kami, umuwi na si Pria at Cris, habang ako naman ay nagbibihis para ihatid si Cy sa bahay, gusto ko ring umuwi muna para malaman kung buhay pa ba yung dalawa, nagpaalam na ako kay Vin at sinabing gabi na ako babalik, tumango naman siya at kumaway sa amin kasama si Anna.
"A-Ate? Uuwi na ba tayo? Doon kana ulit sa bahay matutulog?" Biglang tanong sa akin ni Cy habang nagmamaneho.
"Hindi, ihahatid lang kita sa bahay," sagot ko naman, para namang siyang may pinasang mabigat dahil sa itsura niya, nakasimangot siya at nakatingin lang sa bintana ang kaniyang mga mata. "Huwag kang mag-alala, dadalasan ko na ang pagbisita sa bahay para lagi kitang makita," dagdag ko naman.
"Gusto ko doon kana ulit," sagot niya naman sa akin, bakit ba gustong-gusto niya akong umuwi?
"Hindi nga pwede, lalong magagalit sa akin si Mommy at Daddy at baka madamay ka pa sa galit nila," natahimik naman siya doon at pinipigilang umiyak, namumuo na kase yung luha niya sa mata at pagnagsalita pa siya ay tutulo na yun kaya mas pinili niyang tumahimik na lang.
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa habang nasa byahe, hindi ko alam pero may pakiramdam ako na may problema siya. Hindi na rin ako nagtanong dahil baka ayaw niyang ipaalam sa akin.
Nang makarating kami sa bahay ay tumakbo na siya papasok ng kuwarto niya, napabuntong hininga naman ako bago pumasok sa loob, wala akong naabutang tao doon, kahit maid ay wala, pumunta naman ako sa kusina at nakita doon na busy na busy sila sa pagluluto.
"Ano pong nangyayari?" Tanong ko kay Manang, yung mayordoma namin dito.
"Oh, ma'am Chasty nandito po pala kayo? Mayroon pong party na gaganapin dito mamaya, hindi po ba nasabi sa inyo ng Mommy niyo?" Kunot noo niyang tanong.
Umiling naman ako bago sumagot. "Para saan daw po ang party?" Kunot noo ko ring tanong.
"Hindi ko din po alam, pero ang alam ko pupunta po ulit dito ang buong pamilya ni Sir." Sagot niya. Para saan na naman kaya ang party na gagawin nila? At bakit hindi man lang ako sinabihan? Ano na namang pinaplano nila? Para na naman ba ito sa business nila kase sisikat ulit sila?
Inis akong umakyat sa taas at kumatok sa pinto ng kuwarto ni Cy. Baka may alam siya sa party na magaganap mamaya.
"Cy?" Tawag ko, binuksan niya naman yung pinto na parang tamad na tamad.
"What?" Tanong niya, pumasok ako sa loob at sinara ang pinto, hinila ko siya pa-upo sa kama niya.
"May alam ka ba sa party na magaganap mamaya?" Tanong ko. Umiwas siya ng tingin at halatang malungkot ang mukha niya. "Cy!"
"M-Mom told me...t-that they had recovering their business," sagot niya naman.
So hindi ko na kailangang magpakasal kay Vin? Kaya lang naman ako nasa sitwasyon na ito dahil sa lintik na business nila eh.
"Ede maganda, hindi na ako mahihirapan-" masaya kong sabi.
"Pero matutuloy pa rin ang kasal niyo ni kuya Vin, dahil nasa kasunduan pa rin kayo ng dalawang pamilya, hindi na pwedeng bawiin at hindi ituloy," sagot niya naman sa akin.
"What? Wala ng dahilan para makasal ako kay Vin, nabawi na nila yung lintik na business nila, may pera na ulit sila, ano pa bang kulang para hindi na matuloy ang lintik na kasalan na yan?" Inis kong sagot, may karapatan na akong umatras sa kasalan dahil wala ng dahilan para magpanggap pa kami ni Vin. Hindi ko siya mahal at may girlfriend siya, kahit respeto na lang siguro sa girlfriend niya, mabuti na nga lang at hindi pa ako noon inaaway eh.
"Kase kapag tumanggi ka, ako ang ipapakasal nila sa iba."
________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro