Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

***


Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa baba, nakatulog pala ako dahil sa pagod ko kanina kay Vin, tapos napatingin pa ako sa plates ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos, Friday na naman bukas at deadline na naman nakakainis.

Lumabas ako ng kuwarto ko para malaman kung sino yung maingay sa baba, pagbaba ko ng hagdan ay doon na nalinaw sa akin ang lahat, nakita ko doon si Cy, Anna, Tita, at Tito.

Anong ginagawa dito ni Cy?

Tuluyan na akong bumaba at nakita si Tita na nagluluto sa kusina, si Tito naman ay nagbabasa ng news paper habang si Cy at Anna naman ay naglalaro ng video games sa tv.

"Kuya Cy, magpatalo kana please?" Maka-awa ni Anna sa kapatid ko.

"Pagnatalo ba ako bibigyan mo ako ng ice cream?" Natatawang tanong dito ni Cy. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa at lumapit kay Tito.

"D-Daddy?" Hanggang ngayon nahihiya pa rin akong tawagin silang Mommy at Daddy. Feeling ko 'di nila deserve ang anak na kagaya ko.

"Oh Chasty, gising kana pala?" Lumapit ako sa kaniya at nag-mano, ganoon din naman ang ginawa ko kay Tita.

"Pasensiya kana at pinakialaman ko itong kusina niyo, dito na muna kami hangga't hindi pa magaling si Vin." Nakangiti nitong sabi sa akin.

"Oo nga pala, hindi ba may Master bedroom kayo? Bakit magkahiwalay kayo ng kuwarto?" Tanong ni Tito at nakakunot pa ang noo.

Patay. Lupa eat me now.

"Oo nga ihja? Napansin ko din yun kanina," dagdag naman ni Tita.

"A-Ah... M-Magka-away po kase kami, h-hindi pa po kami ayos," palusot ko. Sana naman lumusot.

"Hay kayo talaga, hindi pa nga kyo tumatagal ng isang taon nag-aaway na kaagad kayo," sabi nit Tito at bumalik sa pagbabasa.

"Chasty, hali ka rito," lumapit ako kay Tita at ibinigay sa akin ang apron, sinuot ko naman yun at kinuha yung sandok na inabot niya sa akin. "Alam mo bang ako ang nagturo kay Vin kung paano magluto ng masarap lalo na kapag hinahain niya sa kaniyang minamahal?" Taka akong napatingin kay Tita.

"Po?"

"Bakit? Hindi ba masarap ang luto ni Vin?" Kunot noo niyang tanong.

"M-Masarap po, katunayan nga po ay nahihiya na ako sa kaniya dahil ang pangit ko magluto, one time po nagluto ako ng adobo, hindi ko napansin na subrang alat pala noon pero kinain niya pa rin." Mahaba kong paliwanag na tinawanan niya naman, napasimangot tuloy ako habang pinapanuod siyang haluin yung tinola na niluluto niya.

"Alam mo Chasty, kapag nagluluto ka isipin mo na importante sa'yo ang paglulutuan at kakain ng niluto mo, kase kung gaano mo sila kamahal siyempre masarap ang ihahain mo sa kanila," sabi niya at tinikman ang niluluto kung ayos na ba ang lasa, pinatikim niya rin yun sa akin at totoo ngang namana ni Vin ang pagluluto sa Nanay niya dahil subrang sarap noon.

"Galit po siguro yun ako sa kaniya kaya masama ang lasa," natawa naman siya at pati si Tito na nagbabasa ay natawa rin sa sinabi ko.

"Ano ba ang madalas niyong pag-awayan, parang lagi na lang kayong magka-away eh?" Tanong ni Tito at tumingin sa akin ng diretso.

Kung alam niyo lang po.

Pilit lang akong ngumiti bago umiling, baka lalo akong mabuking kapag nagkwento pa ako, malaman pa nila na nagpapanggap lang kami. At isa pa problema ko pa ngayon kung doon ba ako matutulog sa tabi ni Vin dahil nandito ang mga magulang niya, mali atang sila ang tinawagan ko eh.

"Ate Chasty si Kuya Cy inaaway ako..." Umiiyak na sumbong ni Anna sa akin.

Bahagya naman akong napangiti ng makita si Cy na umiiling, hinawakan ko ang mukha ni Anna at bahagya yung pinisil.

"Awayin mo din." Utos ko dito. Tinawanan naman ako ni Tita at ganoon din si Tito, mabilis naman ang naging reaction ni Cy. Nakasimangot siyang tumakbo papunta sa taas.

"Sundan ko lang po," paalam sa kanila, hindi naman ako binitawan ni Anna kaya kasama ko siya hanggang taas.

"Ate Chasty, kuya Cy said to me that you mad at him, is that true?" Takang tanong sa akin ng bata.

Yun na lang ba talaga ang itatatak niya sa isip niya? Na galit ako sa kaniya?

"No Anna, Ate Chasty always love her brother, I always love kuya Cy so much." Nakangiti kong sagot.

"Do you love me too?" She ask.

"Yes, I love you."

"How about kuya Vin? Do you love him?" Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yun, ayaw ko namang magsinungaling sa bata pero tumango na lang ako bilang sagot.

Natagpuan namin si Cy sa pinto ng painting room ko, nakayuko siya sa kaniyang tuhod na parang umiiyak, tumakbo naman si Anna para lapitan siya.

"Kuya Cy, don't cry please, I'm sorry if I told ate Chasty that you hurt me, I'm sorry." Hinawakan pa ni Anna ang kamay niya pero mabilis yung tinanggal ni Cy.

"Go away Anna." Taboy sa kaniya ni Cy.

Familiar siya, feeling ko narinig ko na yun o napanuood, saan nga ba?

"Kuya Cy, you're big boy now, big boy doesn't cry," sabi pa ng bata.

"I'm not a big boy." Galit na sagot ni Cy.

"You said to me that Ate Chasty is mad at you? But she said she's not mad at you, she always love you-"

"S-Sinabi niya lang yan para maniwala ka sa kaniya," halos madurog ang puso ko sa sinabi niya, sino bang nagtatak sa utak nito na galit ako sa kaniya? "S-She always mad at me, lagi niya akong sinisigawan, l-lagi siyang galit sa akin, a-ayaw niya akong m-makita, s-she never love me, I wish... I wish I was you, para kapag umiyak ako pupunasan niya rin ang luha sa mata ko, at kapag may nangangaway sa akin, ako rin ang kakampihan niya, sana ako na lang ikaw, para kahit papaano mamahalin niya ako kagaya ng pagmamahal niya sa'yo, para hindi ko na kailangang ipilit yung sarili ko sa kaniya, p-para mahalin niya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya... P-para makapagsumbong rin ako... a-ako yung d-dadamayan at y-yayakapin niya." Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa narinig ko.

C-Cy?

Kusa na lang humakbang ang mga paa ko palapit sa kaniya, mabilis ko siyang niyakap habang umiiyak, I can't imagine na ganito ang nasa isip niya, hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman niya.

"A-Ate..." Umiiyak niya rin akong niyakap pabalik.

"H-Hindi galit si Ate ha..." Umiiyak kong sagot sa kaniya. "She will never get mad at you, she won't."

Naramdaman ko rin ang yakap ni Anna sa likuran ko, hindi ko alam kung ilang minuto kaming nag-iiyakan doon, kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinawakan ang mukha niya.

"Kahit sino pang lalaki ang dumating sa buhay ko, ikaw ang unang lalaking minahal at mamahalin ko pa, tandaan mo yan ha?" Tumango naman siya habang tumutulo pa rin ang luha sa mata niya, pinunsan ko yun gamit ang dalawa kong hinlalaki. "Kahit anong mangyari, Ate is always here, to support and to love you." Niyakap ko ulit siya bago inalalayang tumayo.

Binuksan ko yung painting room na ikinagulat niya, gusto kong ipakita sa kaniya yung painting na ginawa ko para sa kaniya.

"And, para maniwala kang mahal kita at hindi ako galit sa'yo, this room will be our painting room, and this for you." Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at napatakip ng bibig ng makita ang mga canvas na may pinta ng mukha niya.

Dinikit ko yun sa lahat sa pader kung saan lagi kong nakikita, kapag bored ako or walang ginagawa sa bahay ay yun ang ginagawa ko, siguro nasa fifteen paintings niya na ang nagawa ko.

"Oh my god, Ate Chasty are you the one who paint it all?" Anna ask.

"Yes, I am." Sagot ko naman dito ng malaki ang ngiti, lumapit pa doon si Anna para makitang maigi ang mga painting.

"Kuya Cy, you're so pogi here, it's cute," natawa ako sa papuri ni Anna. Napatingin naman ako kay Cy na hanggang ngayon ay gulat pa rin sa nakita niya, kaya ako na ang lumapit sa kaniya at niyakap niya ulit.

"This is for you, do you like it?" Iniharap ko siya sa mga paintings at hindi ko na naiwasang mamangha sa sarili kong gawa, he so cute in those paintings.

"I don't like it, I... I really love it." Niyakap niya ulit ako kaya hinalikan ko siya sa noo.

Kahit kailan I will always love you.

Nauwi ang iyakan namin sa pagpipinta sa dalawa kong model na si Anna at Cy, ang saya-saya pa nila habang hawak-hawak yung paint brush ko, si Cy naman may paint sa kaniyang ilong design daw yun.

Natatawa ako sa kanila pero ang cute nilang tingnan, paga pa ang mata namin ni Cy pero baliwala yun at least nakaintindihan na kami.

Nang matapos ko silang ipinta ay subra silang tuwang-tuwa, may pantalon-talon pa si Anna, si Cy na ang nagdikit noon sa pader kung saan nakadikit yung mga paintings niya.

"Parang gusto ko na lang dito tumira," mahinang sabi ni Cy.

"You can visit here anytime Cy," sagot ko naman sa kaniya, nginitian niya naman ako.

Pagkatapos noon ay bumaba na din kami para kumain, wala akong nakitang Vin sa hapag, baka masama pa rin ang pakiramdam niya.

"Chasty ihja, ikaw na ang magpakain kay Vin doon sa taas, doon kana lang din kumain para may kasalo siya," inabot sa akin ni Tita yung tray ng mga pagkain,yung isang tray ay siya na ang nagdala paakyat, kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya, nakakainis talaga.

Pagpasok ni Tita sa kuwarto ni Vin ay inilaoag niya yun sa study table ni Vin, iniwan niya na rin ako at ako na daw ang bahala sa lalaki. Inis ko naman siyang ginising pero naawa din ako dahil hanggang ngayon mainit pa rin siya.

"V-Vin? K-kumain ka muna," inihanda ko yung lugaw na niluto ni Tita, bahagya ko siyang ginising kaya medyo nagising ang diwa niya, inalalayan ko siyang umupo para hindi na siya mahirapan, ako na rin ang nagpalamig at nagsubo sa kaniya ng kakainin niya. "Tubig?" Tumango naman siya kaya inalalayan ko din siyang uminom.

Ganito kaya niya ako inalagaan nung nagkasakit ako? O malala pa dito? Kaya dapat lang na alagaan ko siya ngayon bilang bawi na rin.

"K-kumain kana rin." Utos niya sa akin.

"Mamaya na ako, tapusin mo muna ito," sinubuan ko pa siya ng isa at kinain niya naman yun, tahimik lang kaming dalawa habang kumakain siya, ayaw ko na din magsalita dahil wala na din naman akong sasabihin pero may naalala na naman ako kaya nainis na naman ako.

"Dito pala ako matutulog mamaya, mabubuking na tayo," sabi ko kaya napatingin siya sa akin, bago sa kama niya, hindi kase yun kalakihan tama lang sa isang taong kagaya niya. "Sabi ko nga doon na lang sa master bedroom, lumipat ka na lang para hindi tayo mahalata." Utos ko na tinawanan niya. Inirapan ko siya bago sinubuan ulit.

Nang matapos siyang kumain ay ako naman itong kumain, binuksan ko rin ying tv niya para doon matuon ang attention ko bukod sa pagkain, ang awkward kase na tahimik kami pareho.

"Thank you." Rinig kong bulong ni Vin kaya napatingin ako sa kaniya pero nakapikit ang mga mata niya na para bang mahimbing ng natutulog.

Hindi ko yun pinansin at patuloy lang sa pagkain, nang matapos ako ay nagpaalam ako sa kaniyang lalabas muna, hinatid ko yung pinagkainan namin sa baba bago ako umakyat ulit para maligo. Ang lagkit ko na naman kaliligo ko lang kanina.

Si Tita at Tito kasama si Anna ay doon matutulog sa guest room, si Cy naman ay gusto ditong matulog, kaya lang hindi pwede dahil baka nagtaka na sila Mommy na dito na lang lagi pumupunta si Cy, baka kung ano pa ang gawin ng mga yun sa kaniya.

Matapos kung maligo ay pumunta na ako sa kuwarto namin ni Vin, nandoon na siya at nakapagpalit na din siya ng damit, nakabalot pa rin siya sa kumot at lamig na lamig, habang ako naman ay naiinitan na dahil walang aircon. Siyempre hindi mawawala yung unan sa pagitan naming pareho, baka kung ano na naman ang mangyari kaya dapat lang na handa parati.

Nang ipipikit ko na ang mata ko ay saka naman may kumatok sa pinto ng kuwarto kaya inis ko yung binuksan.

"Pwede ba kitang maka-usap?"

______________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro