CHAPTER 25
***
I
sang buwan na din ang nakalipas simula nung pumayag akong magpaligaw kay Khad, hindi kami gaano nagkikita pero lagi niya naman akong tinatawagan at tene-text, hindi ko naman sinabing gawin niya yun pero siya ang nagkukusa, ilang linggo na lang din malapit ng matapos third year namin, pagkatapos noon ay fourth year na naman. Pahirap ng pahirap lalo ang school activities, pini-pressure pa kami ng mga prof namin sa plates.
["Kaya mo 'yan,"] nakangiting sabi ni Khad sa Video call.
"Wow, ang laki ng naitulong mo," inirapan ko siya at pinagpatuloy ang ginagawa kong plates.
["Ang laki talaga, ayaw mo pa noon may gwapo kang inspiration?"] Patuloy siya sa pagtawa, hindi ko na siya pinansin hanggang sa naging tahimik na siya.
Hindi ko pinatay ang tawag at nanatili lang yung nakikita namin ang isa't isa, hindi naman siya yung tipo ng lalaking laging nagsasabi ng nakakakilig na salita kagaya ng ng mga nababasa ko sa mga Romance book's, kapag tumatawag siya or nag-uusap kami sa chat or text lagi niya lang sinasabi na ang gwapo niya, dapat daw ma-in love na ako na kaniya, paulit-ulit niya lang yung sinasabi pero may isa talaga siyang sinabi na tumatak sa isipan ko at hindi ko kinalimutan.
"If ever mawala ako please don't cry?"
"Huh? Mawala? Sino ka ba para iyakan ko?" Natawa lang siya sa tanong ko pero umuling siya.
["Chasty? Panget ba ako-"]
"Manahimik ka, naririndi ako saiyo, reklamo ko sa kaniya at nagkunwaring tinatakpan ang tainga ko.
["Sabi ko nga,"] natahimik na siya doon at hindi na nagsalita.
Inayos ko lahat ng gamit ko nang matapos ako, tumingin ako sa screen ng laptop ko at nakita si Khad na natutulog na, nakahiga na siya sa kama niya at nakatutok lang ang camera niya sa mukha niya.
"Good night," natatawa kong sabi at papatayin na sana pero bahagya siyang gumalaw kaya napatingin ako sa kaniya, masinsinan ko siyang tiningnan at pinagmamasdan ang gagawin niya. Baka sinusumpong na naman siya ng sakit niya.
At tama nga ako dahil nasasaktan na naman siya, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na para bang subrang sakit ng nararamdaman niya.
Hindi ko pinatay ang tawag at kumuha ako ng hoodie bago lumabas ng bahay, madilim na sa sala kaya malamang na tulog na si Vin o hindi siya umuwi, dumiretso ako sa garahe at kinuha ang kotse ko, mabilis akong nagdrive sa gate ng village at hindi naman ako pinagbuksan nang gate ng guard.
"Miss Chasty you're not allowed to go outside the village this hour-"
"Kuya kailangan ako ng kaibigan ko, emergency," ipinakita ko sa kaniya si Khad na nahihirapan kaya mabilis siyang kumilos at binuksan ang gate. "Thank you." Mabilis ang ginawa kong pagmamaneho para makarating kaagad ako sa condo niya.
Nang makarating ako doon ay mabilis akong sumakay ng elevator at tumakbo papunta sa pinto niya, nadaanan ko na naman yung condo ko, pilit kong binubuksan yung condo niya pero naka-lock yun at hindi ko alam ang password.
"Bumukas ka please," naiiyak kong sabi at pilit nagtipa ng password. "030600,"
"Wrong password."
"050600." Bigla naman yung bumukas, bakit birthday ko ang password niya? Umiling na lang muna ako at hindi muna yun pinansin dahil mas kailangan kong unahin si Khad.
Pumasok ako sa kuwarto niya at nakita kong hindi pa rin siya tumitigil sa kaiiyak, niyugyog ko siya para magising habang umiiyak, hindi ko talaga alam kung ano nang nangyayari sa kaniya, bawat araw na ganito lagi na lang akong kinakabahan.
"G-Gumising kana Khad," sabi ko dito, kumuha ulit ako malamig na tubig at binuhusan siya sa mukha, dito lang naman siya nagigising eh, kaya ayun bigla na lang siyang napatayo at gulat na gulat. Mas lalo pa siyang nagulat ng makita niya ako.
"A-Anong-" Mabilis akong umupo sa kama niya at sinambunutan siya. "Ouch, it's hurt Chasty," reklamo niya.
"Bwisit ka, pinag-alala mo ako," inis kong sabi sa kaniya hanggang ngayon may luha pa rin sa mukha ko at halatang galing talaga ako sa iyak. "Ano ba kaseng nangyayari sa'yo?" Irita kong tanong.
"K-Kanina kapa nandito?" Tanong niya.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ba talaga ang nangyayari sa'yo." Umayos ako ng upo at tiningnan siya ng deritso, napahinga naman siya ng malalim.
"I'm sorry, but I can't tell you,"
"So, mayroon talagang nangyayari sa'yo? At wala ka man lang balak sabihin sa akin?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"Sa susunod, sasabihin ko din naman," hinawakan niya ang kamay at bahagya yung pinisil. "Thank you for your concern," nakangiti niyang sabi.
"Kainis ka," kinuha ko yung unan at hinagis yun sa kaniya, patuloy ko siyang hinahampas at siya naman ay reklamo ng reklamo dahil masakit daw.
Hindi na ako umuwi ng bahay at doon na lang natulog sa condo niya, tinatamad na rin akong pumunta sa condo ko, doon siya natulog sa baba ng kama at ako naman sa kama niya, naglagay lang siya doon ng latag at unan.
Hindi pa rin ako makatulog sa pag-aalala sa kaniya, baka kase sumpungin na naman siya ng sakit niya, kung sakit nga ba talaga yun. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil nang masiguro kong ayos na si Khad ay saka ko lang ipinikit ang mata ko.
Nagising ako sa ingay na nanggaling sa labas, nanibago pa ako sa amoy ng kuwarto ko at bago ko lang narealize na wala nga pala ako sa kuwarto ko, dali-dali akong bumangon at hinanap kaagad si Khad, wala siya sa hinigaan niya kagabi kaya malamang na nasa kusina siya at siya ang maingay doon.
Lumabas ako at palinga-linga pa, natagpuan siya ng mata ko na nakatalikod at may piniprito. Hindi ko alam kung itlog ba yun o isda, hindi niya ata ako napansin kaya pumasok na ako sa cr niya para maghilamos.
Paglabas ko naman ay ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis, ngayon ko lang ata yun nakita sa kaniya.
"Good morning miss beautiful," bati nito na ikinangirit ko. "Ang sagwa ng mukha mo, ayusin mo nga yan." Natatawa niyang utos, napa-irap naman ako bago umupo sa stool at tiningnan ang mga niluto niya.
"Anong nakain mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala akong nakain, pero nakaramdam naman ako ng pagmamahal galing sa babaeng gusto ko," para siyang tanga na ngiti ng ngiti at para bang kinikilig, ang panget pala sa lalaking kiligin o si Khad lang talaga yung panget kapag kinikilig? Ang OA kase.
"Manahimik kana nga lang, akin na yang kutsara at plato nang makakain na ako, may pasok pa ako mamaya," sabi ko dito, inabot niya naman sa akin yun at siya na rin ang naglagay ng kanin. "Wala ka bang pasok?" Tanong ko.
"Mayroon, mamaya pa naman, ihahatid muna kita." Sagot niya naman at umupo sa harapan ko para saluhan ako sa pagkain.
Nagluto siya ng fried chicken, itlog, at beef loof, may sawsawan din yung ketchup.
"Dala ko ang kotse ko, hindi mo na ako kailangang ihatid," sagot ko naman bago sumubo.
"Tss, hintayin mo na lang ako mamaya kapag uwian niyo na, baka mauna kayo eh," dagdag niya naman.
"Dala ko ulit ang kotse ko mamaya sa school," sagot ko ulit ay napatingin na siya sa akin.
"Iwanan mo sa school, ako maghahatid sa'yo," natawa ako sa reaction niya, naiinis na siguro pati siya natawa rin sa ginawa niya. "Ang dami mong dahilan, ayaw mo ba ako ang maghatid sa'yo?"
"Hindi naman, eh kase yun naman talaga ang totoo, alangan namang palakarin mo ako papunta ng school?" Sagot ko dito.
Nagpatuloy kami sa pagkain na nagtatalo pa rin sa paghatid at sundo niya sa akin, ang kulit kase, pwede namang magkita na lang kami at hindi niya na ako kailangang ihatid, hindi naman niya obligasyon na ihatid at sunduin ako eh. May sarili akong sasakyan kaya ako na ang bahala sa sarili ko.
Matapos kung kumain ay inihatid niya lang ako sa baba kung nasaan ang sasakyan ko, kumaway na ako sa kaniya at nag-drive pauwi sa bahay. Pagdating ko naman doon ay hindi ko nakita sa kusina si Vin na kagaya ng nakaugalian, nandoon din ang kotse niya sa garahe kaya paniguradong hindi pa siya pumapasok, maaga pa rin kung mag-aasikaso siya kaagad dahil ang pasok niya ay nine pa.
Paakyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Venice, tahol siya ng tahol na para bang may sinasabi, hindi ko napapansin na medyo lumalaki na si Venice at lumalago na rin ang balahibo niya.
"Ano yun?" Tanong ko dito, tumahol naman siya pero hindi ko talaga siya maintidihan, kinagat niya ang tsinelas na suot ko kaya nabitawan yun ng paa ko. Patakbo siyang umakyat ng hagdan ng hindi binibitawan ang tsinelas ko, kaya sumunod ako sa kaniya at huminto lang siya sa pinto ng kuwarto ni Vin, pumasok siya doon dahil medyo nakabukas yun.
Kumatok naman ako pero walang sumasagot, kaya nagtataka rin ako kung bakit dito ako dinala ni Venice? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil nasa loob ng kuwarto niya yung tsinelas ko, bahala na siya kung magalit siya, kasalanan din naman yung ng tuta niya.
"Venice?" Tawag ko dito, tumahol naman siya kaya mas nilakihan ko ang bukas ng pinto, bumungad kaagad sa akin ang malinis na kuwarto ni Vin, ito na naman sinampal na naman ako ng katotohanang mas malinis sa akin ang lalaki na 'to. Nakita ko si Venice na nasa kama at ang tsinelas ko ay nasa braso ni Vin na ngayon ay mahimbing na natutulog.
Paano ko yun kukunin?
Wala akong nagawa kundi ang lumapit para makuha yun, bakit kase doon pa inilagay nitong tuta na ito eh. Hindi na pala siya tuta, Aso na. Dahan-dahan ko yung inabot at kung mamalasin ka nga naman ay tumalon pa itong si Venice.
Mabilis kong inalis ang kamay ko ng dumampi yun sa balat ni Vin, para itong may baga na kakapaso sa subrang init.
"V-Vin?" Mabilis akong lumapit sa kaniya at kinapa siya, basang-basa ang kaniyang noo ng pawis at ganoon din ang katawan niya, subrang init niya pwede ng pakuluan ng mainit na tubig. "Hoy, ang init mo," tinulungan ko siyang bumangon pero bagsak talaga ang katawan niya, ang bigat pa naman din niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko, paano ba ito? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para sana tumawag ng ambulance at madala siya sa hospital. Pero hinawakan niya ang kamay ko at umiling.
"Ano, kailangan na kitang dalhin sa hospital, ang taas na ng lagnat mo, ano ba kaseng pinanggaga-gawa mong lalaki ka!?" Inis kong tanong sa kaniya, umiling na naman siya, "fine hindi na ako tatawag." Sagot ko at nag-dial ng number ni Tito.
"Hello po, pasensya na po sa abala pero yung anak niyo po ang taas ng lagnat, hindi ko po alam ang gagawin ko, hindi naman po ako doctor huhu." Taranta kong sabi ng sagutin niya ang tawag, medyo naiiyak na din ako sa pag-aalala.
["Chasty, calm down okay? I'm on my way there, please give him first aid."] Utos ni Tito.
"Ano pong gagawin ko?"
["Kumuha ka ng tubig sa towel at punasan mo ang kaniyang katawan, palitan mo ng damit para matanggal ang pawis, get it?"]
"Po?"
["Sige na, papunta na ako."] Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay niya na ang tawag, kainis gaano ba kalayo ang gagawin niyang byahe bago makapunta dito?
Dali-dali akong bumaba para kumuha ng towel at tubig sa palanggana, piniga ko yun bago pinunas sa balot na balot na si Vin, wala namang aircon pero nilalamig siya. Sinimulan ko ng punasan ang kaniyang magkabilang braso, sunod naman ay ang kaniyang mukha na puno ng pawis.
"H-Hubarin mo muna yang damit mo." Utos ko sa kaniya, napatingin naman siya sa akin bago dahan-dahang kumilos, inabot ko sa kaniya yung manipis na t-shirt na nakita ko sa cabinet niya.
Bakit ba ganito nangyayari sa akin?
Nang humarap ako ay tapos na din siya kaya pinunasan ko naman yung katawan niya, siyempre hindi maiiwasang mapapatingin ako sa katawan niya dahil ang ganda ng hubog nito, mayroon siyang abs at maganda ang muscle niya, pero wala naman akong pakialam doon dahil nandidiri ako sa nakikita ko.
Nang matapos ko siyang mapunasan ay inilagay ko sa noo niya yung basang towel para mabawasan ang init niya.
"Hindi ba doctor ka? Bakit ka nagkasakit?" Tanong ko.
"B-Bakit, alien ba ako para hindi na magkasakit?"
_________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro