Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

***


Another week for my plates at hindi lang isa, kundi tatlo pa, kaya doon ko itinuon ang attention ko, hindi na rin kami masiyadong nagsasama ni Pria dahil lagi siyang tinutulungan ni Cris sa paggawa ng plates.

Ako na lang ata mag-isa ang nasa room at tinatapos ang plates ko, sayang ang oras kung uuwi kaagad ako sa bahay, hindi rin ako makakapag-focus doon dahil mag-aaway lang kami ni Vin. Ayaw kong sayangin ang oras, kahit gabi na ako umuwi ayos lang naman yun, hindi naman mahigpit ang school kung magpapaiwan dito sa room.

"Chasty, ano pang ginagawa mo dito?" Akala ko lang pala.

"Tatapusin ko lang po ito Miss," sagot ko naman.

"Doon mo na 'yan tapusin sa bahay niyo, sige na umuwi kana." Utos niya, wala akong nagawa kundi ang sundin siya, nakakainis, dinala ko lahat ng arts materials ko kaya ang dami kong dala, hindi pa maayos ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat ko.

Naglakad ako sa hallway papunta sa kotse ko, nadaanan ko ang room nila Vin at hindi pa sila tapos sa klase nila, sunod kong nadaanan ang room nila Khad at sakto dahil kalalabas lang nila, mabuti naman.

"Oh Chasty? Ang dami mong dala ah?" Sabi ni Cris at muntik pa ako nitong mabangga, ganoon din ang iba nilang kaklase mabuti na lang at mabilis akong nakakailag kung hindi baka nagkalat na ito ngayon sa sahig.

"Oo kaya kailangan ko ng umuwi dahil nagmamadali ako," sagot ko naman dito, kita kong lumabas na rin si Khad at inaayos ang suot niyang polo. Napatingin naman siya sa gawi ko bago ngumiti. Malaki ang ngiting lumapit siya sa akin.

"Kailangan mo ng tulong?" Makaluko niyang tanong.

"Ay hindi ata?" Pilosopo kong sagot. Tinawanan niya lang ako bago kinuha ang dala ko at siya na ang nagbuhat noon, inayos ko naman ang bag na suot ko at sumunod na sa kaniyang maglakad.

"Para saan ba ito?" Tanong niya, ang dami kase noon, may mga kartolina, cartoon at mga papers ng mga plates ko, gusto ko nalang talagang mamatay sa dami ng requirements na kailangang ipasa ngayong linggo. Patapos na rin kase ang semester at hinihintay na lang namin ang exam kaya rush ang mga prof namin.

"Ano ba sa tingin mo 'yan? Dadalhin ko ba 'yan kung hindi ko gagamitin at walang kwenta?" Irita kong sagot sa kaniya. Tinawanan niya lang ulit ako at sabay na kaming lumabas ng gate.

Pagdating sa kotse ko ay inilagay ko lahat yun sa compartment ng kotse ko, bahala na kung anong mangyari doon mamaya.

"Mauna na ako sa'yo, thank you," sabi ko kay Khad na nakapamulsa ang isang kamay niya sa pantalon at ang isa naman ay hawak ang strap ng kaniyang bag.

"Wait, kain muna tayo," sabi niya.

"Sa susunod na lang, kailangan ko itong tapusin lahat," sagot ko sa kaniya at sumakay na ng kotse ko. Kumaway naman siya sa akin at nginitian ko lang.

Pagdating ko ng bahay ay sinalubong kaagad ako ni Venice pero hindi ko na siya nalaro dahil kailangan ko itong tapusin, sinigurado kong naka-lock ang kuwarto ko para hindi pumasok si Venice baka kung ano na naman ang gawin niya sa pinaghirapan ko.

"Nakakapagod," ibinagsak ko ang sarili ko sa malambot na kama, dinama ko ang lambot at lamig nito nakakatanggal ng stress at nakaka-relax.

Ipinikit ko ang mata ko at hindi ko namalayan ba nakatulog na pala ako. Kaya pagkagising ko ay taranta ako dahil hating gabi na, mabuti na lang at hindi ako inabotan ng umaga.

"Chasty?" Tawag ni Vin sa labas ng pinto ng kuwarto ko.

"Bakit?" Tanong ko pagkabukas ko noon.

"Kumain ka muna, nakahanda na ang pagkain sa baba." Utos niya at tinalikuran ako.

Bastos.

Inis kong sinara ang pinto at sinimulang galawin ang mga plates ko, bakit kase nakatulog pa ako eh, kung sinimulan ko na ito kanina ede sana tapos na ako. Kainis.

Nang kumalam ang tiyan ko ay saka lang ako bumaba, past twelve na siguro yun kaya kumain muna ako. Madilim na sa kusina, pinatay na siguro ni Vin? Binuksan ko yun at dumiretso sa ref para uminom ng malamig na tubig, kumuha rin ako ng pwede kong kainin, nakakita naman ako doon, baka ito yung niluto ngayon ni Vin.

Habang kumakain ako ay nakarinig ako ng kaluskos mula sa likod ng kusina, kaya bigla na lang nagtayuan ang balahibo ko dahil sa takot, baka kase may magnanakaw o kaya naman ay killer na napadpad sa bahay namin. Dapat na ba akong sumigaw? Baka tulog na si Vin, pero lagi pa naman siyang nag-aaral kahit hating gabi na kaya malamang na gising pa yun.

Kabado akong tumayo at nilakasan ang loob ko para tingnan kung ano yun, imposible kaseng si Venice yun dahil malamang na nadoon yun sa kuwarto ni Vin, mula kase ng nagalit ako sa kaniya ay hindi na siya pumapasok ng kuwarto ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod, mabuti ng malaman kung ano ba yun bago sumigaw, makakasigaw naman siguro ako kung masaksak ako 'di ba?

"S-Sino yan?" Kinakabahan kong tanong nang makarating na ako doon, hindi pa nga ako tapos kumain eh, nagugutom pa nga ako.

Nang walang sumagot ay tuluyan na akong lumabas para masigurong wala talagang tao, luminga-linga ako sa paligid pero ako wala akong makita dahil madilim sa paligid, hinanap ko ang switch ng ilaw doon at nang makita ko ay laking gulat ko.

"Ahhhhhh!!" Sigaw ko nang makita ang isang hugis ng tao na may takip na itim na tela, para siyang multo na hindi maintidihan. Hinubad ko ang suot ko na tsinelas at ibinato yun sa kaniya.

"Ouch," reklamo niya at humawak sa ulo na pinagbatuhan ko ng tsinelas.

So, hindi multo? Kundi tao?

"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Vin at hingal na hingal sa tabi ko.

"M-May... May multo." Natatakot kong sagot sa kaniya at itinuro ang nakatabon na yun ng telang itim.

"That's hurt," reklamo ulit nung multo, lumapit doon si Vin at hindi na ako sumama dahil sa takot.

"Remove that thing on your head, Cy." Utos ni Vin.

Cy? Si Cy 'yan?

Dahan-dahan niyang tinanggal ang tela na yun at bumungad sa akin ang nakangiwing mukha ni Cy dahil sa pagbato ko ng tsinelas ko. Halata doon ang pamumula dahil noo ko siya natamaan.

"Ang sakit noon Ate ha," reklamo niya ulit.

"Walanghiya ka," lumapit ako sa kaniya at sinambunutan siya na may kasamang hampas. "Aatakihin ako sa puso ng dahil sa'yong lalaki ka." Hinila ko siya papasok nang hindi binibitawan ang buhok niya.

"Aray Ate!" Sigaw niya.

"Chasty, masakit 'yan," pigil ni Vin habang inaalalayan si Cy.

"Talagang sasakit pa ito kapag hindi ka umalis diyan," sigaw ko din sa kaniya, binitawan niya naman si Cy at itinaas ang kamay na animo'y sumusuko.

"Ate, tama na masakit." Saka ko lang siya binitawan nang mahampas ko siya ng mas malakas, napa 'aray' naman siya.

Umupo ako sa lamesa sa kinakain ko kanina, wala na akong gana kumain pero nagugutom pa rin ako.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya na ngayon ay ginagamot na ni Vin ang noo niya. Namumula pa rin kase yun hanggang ngayon.

"Pinapunta ko siya," sagot naman ni Vin.

"Eh bakit doon ka dumaan sa likod? Wala bang pinto?" Tanong ko ulit. Napayuko siya at hindi nasagot ang tanong ko. "Cy!" Sigaw ko na ikina-igtad niya. "Wala kang balak sumagot!?" Irita kong tanong, nauubusan na ng pasensiya.

"M-May... M-May sasa-"

"This is not the right time Cy, go to my room and sleep, we can talk tomorrow." Pigil ni Vin sa kaniya, tumayo naman ang kapatid ko at naglakad paakyat ng kuwarto.

"Ano yun? Hindi pa oras?" Tanong ko kay Vin, umupo siya sa harapan ko at tiningnan ko ang diretso.

"Kagaya ng sabi ko, hindi pa oras, sasabihin din naman namin sa'yo, ang request ko lang, sana umuwi ka sa bahay niyo para malaman mo kung ano ang pinagdaanan ng kapatid mo," Sagot niya naman sa akin na ikinataka ko. "I'm going to sleep to our room, don't forget that we're pretending." Para akong nabingi sa huling sinabi niya. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari nung isang gabi tapos ito na naman?

Inis akong nagpatuloy sa pagkain, pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa kuwarto ko hindi para matulog kundi para gawin lang ang morning routine ko. Matapos yun at pumunta na rin ako sa kuwarto namin.

Pagpasok ko ay mahimbing na ang tulog ni Vin, nakatalikod siya sa pinto kaya hindi ko makita ang mukha niya. For safety kumuha ako ng maraming unan sa cabinet at inilagay yun sa gitna namin para hindi na mangyari ang nangyari nung isang gabi. Inayos ko na ang hinihigaan ko pero bago ako matulog ay pumunta muna ako sa kuwarto ni Vin kung saan natutulog si Cy.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lang naalala na baka may pinagdadaanan nga si Cy at natatakot lang siyang sabihin sa akin, sa mga pasa niya sa katawan na madalas kong mapansin, sa mata niyang parang takot na takot na humarap sa ibang tao, feeling ko kailangan niya ako ngayon. Kumatok ako sa pinto pero walang sumagot kaya paniguradong tulog na siya, sinubukan kong buksan ang door knob mabuti na at bukas yun, dahan-dahan akong pumasok sa loob. Hindi siya nagpatay ng ilaw, kaya maliwanag na nakikita ko ang kaniyang mukhang maaliwalas na natutulog.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya, pero nagulat ako ng bigla na lang siyang umiwas at may sinabi.

"H-Huwag po... H-Huwag..." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, kaya mabilis ko ring tinanggal ang pagkakahawak ko, napa-upo ako sa sahig habang pinagmamasdan siya. Nakakunot din ang kaniyang noo na para bag takot na takot. "A-Ate..." Tumutulo ba ngayon ang luha niya na ikinagulat ko.

Ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko, pati ako nag-aalala na, gusto ko siyang gisingin pero gusto ko pang malaman kung ano ba ang nangyayari sa kaniya. May hindi ba ako nalalaman? Binu-bully ba siya sa school nila? Tinatakot ng mga kaaway nila Mommy at Daddy? Ano!?

Pati ako naiiyak na din sa takot na baka isa sa mga iniisip ko ay totoo, ngayon naman ay iling siya ng iling at hindi ko na maintidihan ang sinasabi niya dahil umiiyak pa rin siya, hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya lumapit na ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Shhh... N-Nandito l-lang si Ate," pagpapatahan ko sa kaniya, mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at inilagay ang ulo niya sa hita ko, pilit ko siyang pinapatahan kahit sarili ko ay hindi humihinto sa kaiiyak. Ilang sandali pa ay huminto na rin siya, dahil sa kaiiyak namin ay doon na din ako nakatulog.

Kinaumagahan ay wala na akong nadatnan na katabi ko, wala na doon si Cy kay mabilis akong bumangon dahil hindi ko nga pala ito kuwarto, lumabas ako doon at dumiretso sa kuwarto ko, ginawa ko lang ang morning routine ko. Matapos yun ay nag-asikaso na rin ako para sa pagpasok ko, hindi ko pa pala natatapos ang plates ko, bahala na ito mamaya, tatapusin ko na lang sa room.

["Good morning,"] bati sa akin ni Khad sa Video call, pareho kaming nag-aasikaso sa para sa pagpasok.

"Walang good sa morning ko, ikaw ba naman ang bumungad." Sagot ko sa kaniya, napasimangot naman siya sa sinabi ko kaya tinawanan ko.

["Ang sama mo, sana hindi mo na kang sinagot ang tawag ko,"] sabi niya naman habang nakanguso, inaayos niya ngayon sa uniform niya ang suot niyang Id habang ako naman ay naglalagay ng liptint sa labi ko.

"Ganoon talaga, nagsisisi ka na bang ako ang niligawan mo?" Natatawa kong tanong.

["Hindi, papatayin ko na, susunduin na kita, byee-"] hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil malamang na sasabihin niya naman ang salitang ikinaririndi ko kapag sinasabi niya. 'I love you ' sinong hindi maiinis diyan? Kung yung iba kinikilig, ibahin niyo ako.

Bumaba na ako ng hagdan dala-dala ang mga gamit ko, nakita ko si Cy at Vin na nag-uusap sa kusina habang kumakain.

"Ate, kain ka muna?" Nakangiting ipinakita sa akin ni Cy yung platong may itlog at hotdog na nilagyan niya ng design na smiley.

"Doon na lang sa school, aalis na ako," nagkatinginan naman ang dalawa bago tamlay na ibinaba ni Cy ang plato, napailing naman ako bago ibinaba ang mga gamit sa sofa at dumiretso sa kusina para kumain. "Ito na kakain na." Umupo ako doon at nabuhayan naman su Cy, mabilis siyang kumuha ng plato at kutsara bago ibinigay yun sa akin. Nilagyan niya rin ng kanin ang plato ko at ulam.

Nang matapos siya sa ginagawa niya sa akin ay tumabi siya kay Vin at pinagmasdan akong kumain. Sumubo ako ng itlog at nagkunwaring napasamid ako. Mabilis akong kumuha ng tubig at ininom yun.

"Panget ba ang lasa? Nasubrahan sa asin? Mantika? Ano, bakit!?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Cy.

"S-Sino ba ang nagluto?" Itinaas niya ang kaniyang kamay kaya natawa ako.

"Itlog lang ito Cy, pahinging asin, kulang," natatawa kong sagot sa kaniya, pati si Vin ay natawa rin kaya nakasimangot niya akong binigyan ng asin.

Anong pumasok sa isip niya at pinaglutuan niya ako? Pero kahit na ganoon ay nagpapasalamat ako dahil sa ginagawa niya sa akin, I miss him.

________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro