CHAPTER 23
***
Hanggang ngayon tulala pa rin ako at hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nangyari yun kanina, ang laki ng epekto sa akin noon, sana pala siya na lang ang naunang gumising para hindi ko na nakita na magkayakap pala kami, kainis.
Irita akong tumayo ng lumabas na ang prof namin, wala na naman akong ganang makinig sa kanila, wala na kaming pasok ng hapon, ayaw ko ding umuwi ng bahay dahil hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa sarili ko, bakit kase hinayaan kong gawin niya yun sa akin?
Paglabas ko ng gate ay sakto dahil nakita ko si Khad na naglalakad papunta sa kotse niya.
"Khad!" Tawag ko dito, napalingon naman siya sa akin, ngumiti ako sa kaniya bago tumakbo papalapit sa kaniya.
"Bakit?" Takang tanong niya.
"Doon muna ako sa tindahan mo," sabi ko at tumakbo na papuntang kotse ko para hindi na siya magreklamo.
Nauna na akong magdrive papunta sa store niya, kita ko naman sa side mirror ko na nakasunod siya sa akin, kaya napangiti na lang ako. Wala ka ng magagawa.
Hindi ko pa kayang makita ang pagmumukha ng lalaki na yun, baka masampal ko pa siya ng wala sa oras eh. Nang makarating ako sa store niya ay mabilis akong nag-park, bumaba ako at pumasok doon.
"Magandang tanghali, Miss Cardinal," nakangiting bati sa akin nung babaeng kahera.
"Maganda tanghali din," balik bati ko. Hinintay ko na lang na pumasok sa Khad, dumiretso siya sa opisina niya kaya sumunod ako doon.
"Ano bang gagawin mo dito?" Tanong niya habang inaayos ang gamit niya sa lamesa.
"Tambay? Ako ulit kahera," nakangiti kong sagot sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin bago ngumisi.
"Talagang aagawin mo na naman kay Casandra ang trabaho niya ha?" Natatawa niyang sabi, inirapan ko siya bago nagsalita. Casandra pala name niya?
"Ayaw mo pa noon, maraming bumibili kapag ako ang kahera, sa ganda ko ba namang ito," tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at tumawa.
"Your right, pero bago yun may itatanong muna ako sa'yo," Simeryuso siya at naglakad palapit sa akin, tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang tanong niya, 'wag lang talaga siya magtanong ang walang kwenta baka mapatay ko siya ng wala sa oras. "Pwede ba kitang ligawan?"
Para akong nabingi sa tanong niya, ilang beses niya na ba 'yang tinanong? Ilang beses ko rin ba yung hindi sinagot? Ayaw ko talagang sumagot dahil ayaw kong magbitiw ng salita na hindi ko kayang panindigan.
"Paano kung ayaw ko?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. "At saka ano bang nagustuhan mo sa akin?" Naglakad siya patalikod sa akin at humarap ulit.
"I... I don't know either, basta bigla na lang nangyari na nahuhulog na ako sa'yo, masama ka bang mahalin?" Nakatitig ang tingin niya sa mga mata ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
"K-Kung totoong mahal mo ako, sabihin mo nga sa akin kung ano yung nararamdaman mo para may clue naman ako kung anong feelings ng ma-in love," sabi ko sa kaniya, umupo ako doon sa couch at hinintay ang sagot niya.
"Ito feelings ko lang, siguro iba para sa ibang tao pero alam mo naman first time ko kang ding na in love, ang ganda mo kase tapos matalino kapa, wala ka ding alam sa love kase hindi kapa nagkakaroon ng boyfriend, tapos mabait kahit medyo maldita-"
"Stop! Ang panget ng pananaw mo sa love, hindi 'yan love, crush lang 'yan," sagot ko naman sa kaniya, napa-upo rin siya sa couch at seryusong tumingin sa akin.
"C-Crush? As in paghanga?" Takang tanong niya.
"Oo, kase ang nakikita mo lang is yung mga katangian ko, nagagandahan ka kaya humahanga ka sa akin," sagot ko sa kaniya.
"Pero gusto kitang maging girlfriend," nakanguso niyang sabi na ikinagulat ko.
At talagang hindi siya nahihiya niyan ha?
"G-Girlfriend?" Gulat kong tanong, tinanguan niya naman ako kaya lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
"Eh ayaw ko pa ngang magkaroon ng boyfriend," sagot ko sa kaniya.
"Maghihintay ako, kahit sa susunod na buhay pa yan, bahala ka diyan," tumayo siya at bumalik sa lamesa niya, napasampal na lang ako sa noo ko sa inasta niya.
May ganito siyang ugali?
"Sa'yo lang ako ganito, kaya umayos ka!" Banta niya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Pakialam ko, para namang hindi seryuso ang confession mo sa akin?" Inirapan ko siya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hoy, nag google pa ako para lang makapag-confess sa'yo ha, tapos sasabihin mong hindi seryuso!?" Sigaw niya sa akin.
"Eh sino ba kaseng nagsabi sa'yo na gumamit ka ng google!?" Sigaw ko ding tanong.
"Eh bakit kase maganda ka!?"
"Ede itanong mo sa Nanay ko!?"
"Kasalanan 'yan ng Nanay mo eh,"
"Eh bakit kase na-in love? Sino ba nag-utos sa'yo!?"
Natahimik kaming dalawa ng mapatingin sa pinto, pumasok pala si Casandra na may dalang ice cream, pilit akong ngumiti at dahan-dahang napa-upo sa couch.
"B-Bakit?" Utal na tanong ni Khad.
"Itatanong ko lang po sana kung gusto niyo ng ice cream?" Nahihiya niyang tanong.
"Hindi!" Magkapanabay na sagot namin ni Khad.
"Sabi ko nga po ayaw niyo, sige ituloy niyo lang po 'yang pag-aaway niyo." Sabi niya at lumabas na ng opisina.
Napairap naman ako doon dahil sa kahihiyang ginawa namin ni Khad, inunahan kase kaya ayun tuloy feeling ko na misunderstood niya kami, baka isipin niyang mag-jowa na kaming dalawa at nag-aaway kami.
"Mabuti pa umuwi kana lang muna," sabi niya sa akin.
"Ayaw ko nga, dito lang ako," sagot ko naman.
"Ano ba kaseng gagawin mo dito? Hindi pa naman ako aalis kaya hindi kapa pwede dito," irita niyang sabi sa akin.
"Kailan ka ba kase aalis at bakit ba kailangan mo pang umalis?" Inis kong tanong na ikinatigil niya. Hindi siya nakasalita at umiwas ng tingin, may mali ba kong nasabi? Nagtanong lang naman ako ah?
"B-Basta, kailangan." Sagot niya, hindi niya na ako pinansin o kinausap man lang dahil nagsimula na siyang magsulat sa papel at doon sa computer niya.
Pinagmamasdan ko lang siyang magtrabaho kung trabaho nga ba ang kaniyang ginagawa, medyo namamayat si Khad at namumutla, yung pagkaputi niya hindi na kagaya ng dati. Ano bang ginagawa ng lalaki na 'to? Nagbababad ba siya sa trabaho kaya ang laki ng ipinagbago niya?
"Doon kana muna sa counter kung ayaw mong umuwi, baka matunaw ako sa titig mo at mawalan ka pa ng gwapong manliligaw." Mabilis akong napatayo dahil sa sinabi niya.
"Huwag kang pilingon, hindi pa ako pumapayag," sabi ko at tuluyan ng lumabas ng opisina niya.
Paglabas ko ay may mga bumibili, lumapit ako kay Casandra at sinabing ako na kang doon at siya na lang ang bahala sa nga costumer. Pumayag naman siya kaya pumasok na ako ng counter, kakaupo ko pa lang ay may nagbayad na kaagad.
"150 po," inilagay ko sa paper bag yung binili niya at nakangiting inabot yun sa kaniya. "Thank you po."
Ilang minuto pa ay may nagbayad na naman, ganon lang ng ganon ang ginagawa ko hanggang sa hindi ko napansin na madilim na sa labas, kase bukod sa pagiging cashier at natutuwa ako dahil bawat lumalabas at nag-iiwan sila ng sticky note and pictures doon sa freedom wall and picture wall.
Inayos na pala yun ni Khad? Mabuti naman at pinakinggan niya na ang suggestions ko, at least napapakinabangan na yun ngayon, hindi na siya blangko at walang laman. Napansin ko ring medyo patay ang kulay ng store niya, kulay gray kase yun na may brown kaya walang kabuhay-buhay, paano pa makaka-akit ng costumer ito?
Ilang sandali pa ay napansin kong may tumatawag sa cellphone ko.
"Ano?" Sagot ko pagkasagot ko.
["Nasaan ka? Nandito ako sa bahay niyo."] Para akong nabingi ng sabihin yun ni Mommy, ano na namang ginagawa noon sa bahay? Wala ba doon si Vin?
"N-Nasa school pa ako," pagsisinungaling ko. Maniwala ka please, please.
["Nasaan si Vin? Nasa school din ba?"]
"Hindi ko alam, wala ba siya diyan?" Kabado kong tanong.
["Magtatanong ba ako sa'yo kung nandito siya?"] Napairap ako sa kawalan ng dahil sa tanong niya.
"Wala rin po ako sa bahay kaya hindi ko alam kung nasaan siya." Sagot ko dito.
["Chasty!!"]
"Madami pa PO akong gagawin." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis ko yung pinatay, kahit kailan talaga walang kwentang makipag-usap sa kanila, hindi mo malaman kung pamilya ba talaga kayo eh.
Mas mabuti pa ngang totoo yung sinasabi ni Daddy na hindi niya ako anak baka matanggap ko pa yun, sawang-sawa na ako maging Cardinal, hindi ko man lang minahal ang apilyedo ko na 'yan.
Ikinakahiya ko pang isa akong Cardinal, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil na rin sa trumang naranasan ko, ayaw ko na ring balilan ang dati, masaya naman talaga kami eh, sa pagkakaatanda ko, aywan ko ba siguro nagka-amnesia ako or ini-imagine ko lang na maayos kami kahit hindi naman talaga.
Feeling ko nga mababaliw ako ng maaga eh, lalo na sa mga taong nakapalibot sa akin na kilalang-kilala ang pamilya ko, nakakainis lang dahil wala akong magawa.
Nung wala na masiyadong customer ay pumunta ako sa opisina ni Khad para sabihin ang suggestions ko, kaso nakasalubong ko siya pabalik kaya sinabi ko na.
"Mini store po ito at hindi café," sagot niya ng mag-suggest ako, hindi na naman niya pinakinggan.
Lumabas siya at dumiretso sa likod kaya sumunod ako doon, si Casandra na ang naiwan sa loob may papalit daw sa kaniya mamaya kaya hihintayin na lang namin bago ako umuwi, sana naman pag-uwi ko tulog na si Vin, ayaw ko talagang makita ang pagmumukha niya.
"Bakit, café lang ba dapat ang maganda ang kulay?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya, sa likod ata siya pupunta, anong gagawin niya doon?
"Chasty-"
"Ah basta gusto ko palitan mo." Utos ko sa kaniya, humarap siya sa akin kaya napahinto ako ng paglalakad, walang imosyon niya akong tiningnan na para bang wala akong gana kausap.
"Sure," nakangisi niyang sagot na ikinatuwa ko, kaya lang yung ngisi niya parang gusto niya akong kainin o may gusto siyang masamang gawin sa akin.
"A-Ano yan?" Nginisihan niya pa ako lalo na nagpataas ng balahibo ko, kaya ba kami nandito sa likod at madilim na parte ay dahil may masama siyang binabalak sa akin?
Naku Chasty, masamang nagtiwala ka sa lalaki na 'yan.
"Sa isang kondisyon," nakahinga ako ng kaunti dahil sa sinabi niya, mabuti naman at walang masamang balak, pero nakakakaba pa rin yung kondisyon niya, ano na naman kayang gusto ng lalaki na 'to? Sana lang hindi mahirap ang gusto niyang ipagawa sa akin huhu.
"Ano naman yun?" Mataray kong tanong, nagkunwari akong matapang para hindi mahalatang kinakabahan ako sa sasabihin niya.
Lord, please lang sana naman kaya ko ito at kaya ko ring panindigan ang gagawin ko.
"Pumayag kang ligawan kita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, sabi ko na nga ba eh, kaya pala ako kinakabahan ng subra.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya, I'm not ready pero hindi naman siguro masama na subukan at ma-feel kung ano ying feeling na may nanliligaw 'di ba? Hindi naman masamang sumugal o sumubok? Gusto ko rin namang maramdamang may totoong nagmamahal sa akin mung totoo man yung sinasabi niyang mahal niya ako. Gusto kong maramdaman na special ako sa isang tao.
Kaso naaalala ko si Vin, pwede naman siguro akong magpaligaw 'di ba? Siya nga may girlfriend eh, manliligaw lang naman ang sa akin, anong masama doon? At saka wala naman siyang karapatang malaman kung anong nangyayari sa buhay ko. Pero dapat malaman niya na dahil baka kung ano pang mangyari? Hindi naman porket manliligaw ko na si Khad ay kailangan niya ng malaman ang mga sekreto ko, hindi pa pwede, ayaw ko pa, I'm not ready to tell him about my fake engagement.
"Deal." Nakangiti kong sagot sa kaniya na ikinagulat niya, malaki siyang ngumiti bago tumalon.
"Yes!" Sigaw niya habang tumatalon.
Love here I come.
___________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro