CHAPTER 22
***
"Pwede ba, 'wag mo akong ginagago?" Inis kong sabi sa kaniya at inirapan niya, sarap niya batukan ampt.
Tinawanan niya lang ako ng irapan ko naman siya, hindi na ulit siya nagsalita, ganon din naman ako, mas gusto ko pa ngang tahimik eh. Nakatingin lang siya sa daan habang nagmamaneho, hanggang huminti siya sa isang bar kung saan makikita mong halos walang tao dahil maaga pa.
"Good news, tayo lang ata ang customer," natatawang sabi ni Pria ng makababa kami ng sasakyan. Naglakad na kami papasok ng bar.
"Ede maganda, magsasaya tayo ngayon," sagot naman ni Cris. Masama siyang tiningnan ni Pria pero hindi niya ito pinansin.
Night bar.
Ayan ang pangalan ng bar, night daw pero bukas sa araw, grabe rin ang nag-isip ng pangalan nito eh. Pagpasok namin sa loob hindi namin naamoy na amoy alak dito, hindi kagaya ng ibang bar na nasa labas ka pa lang amoy na amoy mo na kaagad ang alak. Sa amoy pa lang lasing kana eh.
Naghanap kaagad kami ng couch ba pwede naming upuan lahat, pumunta naman su Cris sa counter para umorder ng drinks. Maingay na rin kase hindi pa gabi at wala pa masiyadong tao.
May pailan-ilan na pumapasok pero doon sila sa taas, kami naman ay malapit sa dance floor para kung gustuhin naming sumayaw doon ay madali lang kami makapunta, nang dumating na ang drinks ay nagsimula na kaming uminom.
"Cheers!" sigaw naming lahat sabay-sabay na uminom.
Minsan lang kami magkasama ng ganito, nagsasaya na parang walang problema, pero ang totoo hindi lang namin masabi sa isa't isa kung ano ba talaga ang totoo naming dinadala. Habang patagal ng patagal mas lalo ko na silang minamahal bilang kaibigan, yung pag-aalala, inis, galit, takot at kaba para sa kanila ay pagmamahal.
Habang tumatagal kami sa inuman napapansin kong hindi masiyado umiinom si Khad at namumutla na din siya, kinakabahan na ako kaya hindi muna ako nagpakalasing, si Pria naman ay lasing na at kung ano-ano na ang sinasabi.
Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap kay Khad, tahimik lang siya at hindi nagsasalita, hindi kagaya ni Cris at Pria na ang ingay na, medyo marami na rin ang tao dahil madilim na sa labas, may sumasayaw na sa dance floor at nagtatawanan, may iba naman na naglalabas ng kanilang hinanakit, kaya may kasabihan eh, 'ang alak hindi nagsisinungaling'.
"C-Cr lang ako," paalam ni Khad at dahan-dahang tumayo, hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya ng magsimula na siyang humakbang, kabadong-kabado ako habang tinitingnan siya. Nang humakbang na siya ay napahawak siya sa ulo niya at hindi na balansi ang lakad niya kaya natumba siya.
"Khad!" Sigaw ko at dali-daling lumapit sa kinaroroonan niya, nakahawak lang siya sa ulo niya na para bang subrang sakit noon. Hinawakan ko ang kamay niya at pinipilit siyang tumayo para maalalayan ng maayos. "Cris, si Khad!" Napatingin naman siya sa amin at nawala ata ang pagkalasing niya dahil mabilis siyang nakarating sa amin.
"Anong nangyari sa kaniya?" Mabilis niyang tanong.
"Hindi ko alam, bigla na lang siyang natumba," taranta kong sagot. Taranta niyang binuhat si Khad at halata sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
"Ikaw na muna ang bahala kay Pria, ako na ang bahala sa kaniya." Pagkasabi niya noon ay tumakbo na siya palabas ng bar. Lumapit naman ako kay Pria na sumasayaw na sa gitna, hinila ko siya at sabay na kaming lumabas matapos magbayad.
Sinakay ko siya sa kotse ko at nagdrive na papunta sa bahay nila, paniguradong hinahanap na siya sa kanila dahil gabi na, paniguradong hindi rin siya nagpaalam.
Nang makarating sa kanila ay pinagbuksan naman ako ng guard ng gate kaya mabilis akong nakapasok sa kanila, nag-door bell ako sa pinto nila at sinalubong naman ako ng mga maid, buhat-buhat ko si Pria kaya hirap na hirap na ako.
"Manang, kayo na po ang bahala sa kaniya," sabi ko at binigay si Pria sa kaniya.
"Hay naku kang bata ka, naglasing kana naman?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ko na pinansin dahil mas kailangan ako ngayon ni Khad.
"Mauna na ho ako," paalam ko.
"Salamat ihja." Lumabas ako na ako sa bahay nila.
Pilit kong kino-contact si Cris kung saan niya dinala si Khad pero hindi niya sinasagot at nerereplyan ang text ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang umuwi muna sa bahay.
Pagdating ko sa bahay ay patay lahat ng ilaw, hindi ko din napansin ang kotse ni Vin sa garahe kaya malamang na wala siya dito.
Akala mo kung sino magalit kapag hindi ako nagpapaalam, pero siya din naman hindi nagpapaalam kung saan pupunta. Dumiretso na ako sa kuwarto ko at naligo, medyo nahihilo na pa rin ako dahil sa alak, mabuti na lang talaga at nakayanan ko pang magmaneho pabalik ng bahay.
Matapos kong nagawa ang night routine ko ay dumiretso na ako sa kama hindi para matulog kundi para tawagan si Cris, dahil hindi ako makakatulog ng hindi ko nalalaman kung ano na ang lagay ni Khad. Sa ilang ulit kong pangungulit sa kaniya ay sinagot niya na rin.
"Kumusta si Khad?" Bungad ko pagkasagot niya ng phone.
["H-He... H-He is okay now, 'wag ka ng mag-alala, maayos na siya,"] sagot niya naman, nakahinga ako ng maluwag sa ibinalita niya.
"Mabuti naman kung ganoon," sabi ko sa kaniya.
["Si Pria ba naihatid mo na?"]
"Oo, kanina pa."
Matapos kong masigurong ayos na ang lagay ni Khad ay mahimbing na akong natulog. Akala ko payapa na ang gising ko kinaumagahan pero hindi, naalimpungatan ata ako dahil bigla na lang akong nagising.
Nanunuyo ang lalamunan ko at parang galing ako sa karera at pagod na pagod, wala naman akong matandaang nanaginip ako. Pilit aking bumaba sa kusina para uminom, hindi pa ako tuluyang nakakababa ay may narinig na akong ingay mula doon.
May bisita na naman ba kami?
Dahan-dahan akong humakbang pababa hanggang sa marinig ko ng maayos ang kanilang usapan.
"Anong oras ka uuwi?" Tanong ni Vin.
"Mamaya bago mag-umaga," sagot naman ng kausap niya, familiar ang boses niya.
"Bakit ngayon ka pa pumunta? Pwede namang bukas?"
"Maganda na ito, tulog na si Ate, baka lalo siyang magalit kapag nakita niya naman na ako." Dali-dali akong lumapit sa kanila ng makilala ang boses na yun.
"C-Cy?" Gulat silang napatingin sa aking dalawa, "Anong ginagawa mo dito? Hating gabi na ah?" Tanong ko at nag-aalalang lumapit sa kanila?
Pumunta muna ako sa refrigerator dahil nanunuyo na talaga ang lalamunan ko, miski laway wala na akong malasahan. Nang matapos akong uminom ay ganoon pa rin ang itsura nila, parang nakakita ng multo sa gulat.
"Ano? Hindi ka sasagot?" Inis kong tanong sa kaniya at umupo sa tabi ni Vin na upuan para makaharap ko si Cy.
"A-Ah... A-Ano... K-Kase..."
"Ayusin mo nga," irita kong sabi sa kaniya, napakamot naman siya sa batok niya, halatang kinakabahan.
"Sige na Cy, umuwi kana, baka nag-aalala na ang Mommy mo sa'yo." Utos naman ni Vin.
"Teka, sandali, hindi niya pa sinasagot ang tanong ko eh, hindi ka uuwi, dito kana matulog." Pigil ko sa kanila ng akto silang tatayo.
"P-Pero-"
"Manahimik ka Vin, umakyat ka sa kuwarto mo at pabayaan mo kami dito." Ani ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Hindi pwede, dito lang ako, tama ang ate mo, dilekado na din sa labas kaya dito kana matulog." Napatingin kami sa kaniya ni Cy, ayaw niya talagang umakyat sa kuwarto niya para lng maki-isyuso sa amin.
"Hindi ka rin chismoso ano?" Nakangirit kong tanong sa kaniya. Narinig kong natawa si Cy kaya sinamaan ko siya ng tingin, mabilis naman siyang umayos ng upo, ayaw mapagalitan. "Bakit ka nga nandito?" Tanong ko ulit.
"Wala lang, ang boring kase sa bahay," sagot niya at tumingin kay Vin, napansin ko na naman ang pasa niya sa pisnge, hindi yun masiyadong halata pero kitang-kita ko na pasa yun.
"Anong nangyari sa mukha mo? Araw-araw na lang ba Cy? Bakit ba nakikipag-away ka?" Inis kong tanong sa kaniya.
Gulat naman siyang napatingin kay Vin at hinawakan ang pisnge niya, tinatakpan na akala mo naman ay mawawala kung lagi niyang itatago.
"Huwag mo ng itago nakita ko na, ngayon mo sagutin ang tanong ko, bakit lagi kang may pasa?" Nakita ko ang takot sa mga mata niya, nilalaro niya ang kaniyang kamay at tumingin kay Vin para humingi ng tulong.
"Bukas na tayo mag-usap, Cy doon ka na muna sa isang kuwarto matulog, sa master bedroom kami ng ate mo-"
"Ano!?" Galit kong tanong sa kaniya, pinandilatan niya naman ako ng mata.
Oo nga pala nagpapanggap nga pala kami. Kainis.
"Bukas tayo mag-uusap!" Sagot ko bago pumasok sa master bedroom na pinaka-ayaw kong kuwarto dito sa bahay.
Inis akong humiga sa malaking kama at nagtalukbong, bakit kase nandito si Cy? Mabuting pinilit ko na lang siyang umuwi eh.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya kinabahan ako, hindi pa ako ready makatabi ang lalaki na yun, never in my life na tumabi ako sa lalaki maliban na lang kay Cy.
"Pahinging unan," rinig kong sabi niya.
Inis ko namang tinapon sa kaniya yung unan sa gilid ko, hindi ko pa rin inaalis ang tabon sa katawan ko, ayaw kong makita ang mukha niya.
"Umurong ka doon, wala akong mahigaan," sa pagkakataong ito ay tinanggal ko na ang kumot na tinabot ko at inis na tumingin sa kaniya.
"Talagang tatabi ka sa akin?" Irita kong tanong sa kaniya.
"Bakit hindi? Kung ayaw mong tumabi sa akin dito ka sa lapag, hindi naman kita pinipilit," sagot niya naman at tinulak pa ako papunta sa kabilang bahagi ng kama, mabuti na lang at malaki ang kama kaya hindi ako nahulog, muntik lang.
"Talagang-"
"Talagang-talaga na dito ako matutulog," sabi niya pa at inayos na ang higaan niya.
"Hoyy, hindi tayo pwedeng magtabi." Sabi ko.
"At bakit naman hindi?" Tanong niya sa akin at tumingin talaga siya sa akin ng diretso.
"Baka kase-"
"Asa ka naman, hindi kita type, wala akong gagawin sa'yo, kung ako lang din ang masusunod hinding-hindi ako tatabi sa'yo," putol niya sa akin.
Napasinghap naman ako sa sinabi niya, inis akong tumalikod sa kaniya at pumikit na, sana naman maging payapa ang tulog ko ngayon, wala na nga akong maayos na tulog eh, sana lang din wala siyang gawing masama sa akin, ayaw ko pang ibigay ang sarili ko sa lalaki, I'm not ready.
Tuluyan na akong nakatulog ng ayusin ko ang higa ko, sana naman maganda ang gising ko bukas.
Subrang ganda nga ng gising ko, napaka ganda.
"Good morning, Ate and Kuya," rinig kong bati ng kung sino.
Sino yun? May bisita ba kami? At paano siya nakapasok sa kuwarto ko? Ni-lock ko yun kagabi ah.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, hindi pa nagpa-processes sa utak ko na may nakikita akong itsura ng lalaki. In fairness ang pogi niya, napangiti naman ako dahil doon.
"Ang sweet niyo namang tingnan." Doon na ako tuluyang nagising, nakita ko na lang ang sarili kong nakayakap kay Vin at halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat.
"Ahhhhh!!!" Sigaw ko, nataranta naman si Vin sa sigaw ko kaya napasigaw din siya, ang hinayupak na si Cy tawa lang ng tawa kaya mabilis akong bumangon at chineck ang sarili ko, mabuti na lang at yun pa rin ang suot ko kagabi.
Lumabas na si Cy ng kuwarto kaya mabilis kong binato ng unan si Vin.
"Ang sabi mo wala kang gagawin, bakit mo ako niyakap!?" Inis kong sabi sa kaniya at walang tigil ko siyang hinahampas ng unan.
"Hoy, 'wag kang pilingon diyan, ikaw nga itong nangyayakap eh." Sagot niya naman.
"Hinayupak ka!!" Sigaw ko at patuloy siyang hinahampas.
I can't believe na gigising ako sa umaga na yakap-yakap ko ang lalaki na yan huhu. Hindi ko ma-imagine pero nangyari na, kaya ayaw kong tumabi sa nga lalaki eh, paano na lang kapag mas malala pa dito sa susunod ang mangyari? Hindi na virgin ang katawan ko, nayakap niya na ako kahit hindi ko naman siya mahal, bakit ganoon?
I'm not virgin anymore! I can't believe this!
_______________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro