CHAPTER 21
***
"H-Huh? Bakit sa akin?" Taka kong tanong.
"Wala na akong mapag-iwanan eh," nahihiya niyang sagot.
"Wala ka bang kamag-anak or kahit pinsan? kapatid?"
"Wala."
Ano ba namang tao ito?
"Imposible," wika ko.
"Sa susunod ko na ipapaliwanag basta sinabi ko na sa'yo, paki-permahan na lang ito," nakangiti niyang iniharap sa akin ang isang dokomento.
"Para saan naman ito?"
"Patunay na ikaw talaga ang mamamahala ng lahat ng branches ng store ko hangga't wala ako," hindi ko alam pero kinakabahan ako.
"Lahat!?" Gulat kong tanong.
"Lahat." Gusto ko siyang batukan kaya tumayo ako at umikot sa kinauupuan niyang office chair. "Aray ko naman, sandali!"
"Ayaw ko, sa iba na lang," sabi ko ng makabalik sa upuan ko kanina.
Tumayo siya at lumapit sa akin at umupo din sa sofa sa kabilang side. Bakit ako pa? Pwede naman yung iba niyang kaibigan, si Cris pala?
"Hindi nga pwede, ikaw lang ang nakikita kong pwede kong pagkatiwalaan," sagot niya naman sa akin. "And besides I will give you your money once I come back." Nakangiti niya pang sagot.
"Yung sahod ko?" Taka kong tanong. Tumango naman siya. "Ilang linggo kang mawawala? At kailan?" Dagdag kong tanong. Pwede rin yun, dagdag allowance ko.
"Malalaman mo naman kung kailan, basta signed this paper," iniharap niya ulit sa akin ang papel at ang ballpen kaya napatingin ako doon.
"Sige, pero hindi ko maipapangako na wala akong kakainin diyan ha," natatawa kong sabi sa kaniya at tinawanan niya naman ako.
"Sure," sagot niya, oh? Pumayag siya? Nakangiti kong kinuha yung ballpen at pinirmahan yung tinuro niya na may pangalan ko. Naka-ready talaga ha?
"We're settled," tumayo siya humalik sa lamesa niya, inilagay niya yun sa isang folder.
"Pwede mo na akong ihatid sa bahay?" Tanong ko, mabilis naman siyang umiling, huh?
"Kain muna tayo," tumayo siya at naunang lumabas, sumunod naman ako sa kaniya at nakita ko siyang naghahalungkat na sa freezer.
"Chocolate ice cream please," nakangirit kong sabi sa kaniya, napatingin naman siya sa akin bago ngumiti.
"Ayaw mo ng Cookie's and cream?" Umiling ako bago lumapit sa kaniya.
Nang makakuha ako ay dumiretso ako sa counter doon, ako daw muna ang kahera dahil kakain yung babae dito kanina, tanghali na din kase, para rin masanay ako if kailanganin na, bakit kase aalis pa siya? Doon daw muna sa opisina niya si Khad may kailangan daw ayusin. Bilib din ako sa lalaking yun, napapagsabay niya ang pag-aaral at pagnenegosyo.
Ilang saglit pa at tapos ko na rin ang ice cream na kinakain ko ay may pumasok, dali-dali kong inayos ang sarili ko at napansing mga ka-batch mates ko sila.
"Oyy si Chasty pala ito eh," bati ng isang babae.
"Hi," nahihiya akong ngumiti sa kanila at kumaway.
Subrang kaba ko dahil ang akala ko ay aawayin nila ako dahil sa naging issue ko nakaraan, mabuti na lang talagang panandalian lang yun.
"W-We're here to buy some food," sabi naman nung kasama nilang lalaki at base sa kaniyang pananalita ay nahihiya siya, medyo namumula din ang kaniyang mukha at halatang kabado, sinisiko pa siya nung isa niyang kasama kaya masyado silang halata.
"Sure," nang makatapos sila sa pagkausap sa akin ay namili na sila ng mga bibilhin nila, narinig ko pa ang kanilang bulungan.
"Dito ba siya nagta-trabaho?"
"I think so."
"I think dito siya nagpa-part time?"
Bahagya na lang akong natawa sa kanilang pinag-uusapan, nagustuhan ko tuloy na magbantay na lang dito maghapon kaysa makita ang mukha ni Vin sa bahay.
Matapos magbayad ay binalot ko na ang binili nilang snacks, ang dami noon dahil maglalasing daw sila mamayang gabi dahil birthday ng isa nilang kaibigan.
"P-pwede pong magpa-picture?" Nahihiyang tanong nung lalaki.
"Sure." Lumabas ako ng counter at tumabi doon sa lalaki, nagpeace sign kaming dalawa at nang matapos yun ay lumabas na rin sila, inaasar pa yung lalaki ng dalawa niyang kaibigan na babae.
"Balik kayo!" Sigaw ko.
"Talagang babalik siya," tinuro nung isang babae yung lalaki kaya natawa naman ako. Grabe, subrang ganda ko na ba talaga at unti-unti ng lumalabas ang mga taga-hanga ko?
"Tsk, tsk, tsk." Halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Khad na naka-cross arm habang iling-iling na nakatingin sa akin.
"Inggit ka? Gusto mo picture din tayo?" Natatawa kong yaya sa kaniya.
"Siguro marami ng bibili nito sa store ko kase may magandang kahera," natatawa niyang sabi bago lumapit sa akin, kinuha niya za counter yung cellphone ko at bigla na lang nag-selfie. Hindi pa ako naka-ready eh.
"Ulitin mo," inis kong sabi sa kaniya. Sa pagkakataong ito maayos na ang picture naming dalawa. Buti na lang na-save na yung picture dahil biglang nag-shotdown ang cellphone ko. Lowbat pala, hindi ko na charge kanina.
Ilang saglit pa ay may pumasok na naman, bumalik ako sa counter at si Khad naman ang nag assist sa kanila.
"Pwede pong magpa-picture po kami sa inyong dalawa hehe?"
Yan ang karaniwang naririnig ko sa mga bumibili dito sa store niya. Natatawa na lang ako at walang nagawa kundi pumayag na lang, pumunta naman ako sa freezer at kumuha ulit ng ice cream, babayaran ko na lang mamaya, napansin ko rin doon ang isang board.
Freedom wall? Picture wall?
Ang cute noon pero walang laman, nakatago kase. Bakit dito niya kass nilagay, gusto ko oa namang magbasa ng mga saloobin ng mga taong bumibili dito.
"Hoy Khad," tawag ko dito ng mapadaan siya. "Bakit nandito ito? Dapat doon malapit sa pinto." Reklamo ko.
"Huh?" Inirapan ko siya bago itinuro ulit yung wall.
"Ito kako dapat doon malapit sa pinto nakalagay para naman malagyan ng laman," tumango lang siya at hindi na ako pinansin.
Aba, hindi man lang pinakinggan ang suggestions ko, kakainis.
Inis akong bumalik sa counter habang kumakain ng ice cream, hindi bale kapag ako na ang nagbabantay nito aayusin ko lahat at sisiguraduhin kong maayos lahat at magugustuhan niya.
Nung pagabi na ay hinatid niya na ako pauwi ng bahay, nakakapagod pala magbantay doon, may utang pa ako, ang dami kong nakain na ice cream at chocolate.
"Thank you," pasalamat ko ng ibaba niya ako sa harap ng gate ng village namin.
"Anong thank you ka diyan, yung utang mo doon bayaran mo," sabi niya naman.
"Oo na ba, naiwan ko lang wallet ko kaya wala akong pambayad," sagot ko sa kaniya bago padabog na sinara ang pinto ng kotse niya.
"Hoy, masira!" Sigaw niya sa labas ng bintana dahil naka dungaw ang ulo niya doon.
"Buti nga," inirapan ko muna siya bago pumasok sa village. Narinig ko namang umalis na siya kaya natawa ako.
"Naku ma'am, kanina kapa hinahanap ng boyfriend mo," sabi nung guard.
"Boyfriend?" Taka kong tanong, wala naman akong boyfriend eh, oo nga pala ang alam nila boyfriend ko si Vin. "Naku, lumabas po ba siya?" Kinakabahan kong tanong.
"Nasa bahay niyo na po ata, kakapasok niya lang din kase,", tumango na ako dito at nagpasalamat bago tuluyang tumakbo papunta sa bahay, hindi naman kalayuan pero medyo nakakapagod dahil tumakbo ako.
Lagot.
Pagpasok ko ay nakita ko sa garahe ang kotse niya kaya paniguradong nandito na siya sa bahay. Hindi nga pala ako nakapaalam sa kaniya kanina, paano kase busy siya ayaw ko naman siya istorbuhin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay, nakabukas pa rin naman ang mga ilaw kaya kitang-kita ang katahimikan ng sala, wala siya doon, maging si Venice wala din, baka natutulog na sila.
Maingat ko namang sinara ang pinto para hindi makagawa ng ingay, dahan-dahan akong humakbang papunta sa hagdan at napahinto ng mapalingon ako sa sofa. Nakasandal ang ulo ni Vin sa sofa at mahimbing na natutulog, katabi niya si Venice na mahimbing ring natutulog.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at pinagmasdan ang mukha niya, ang salamin niyang wala na sa ayos, ang mga aklat, ballpen, marker at mga papel na nakakalat sa lamesa, yung laptop niyang nakabukas pa rin. Lumapit ako doon at inayos ang mga gamit niya, inilagay ko yun sa isang upuan.
Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay aalis na sana ako kaya lang makokonsensiya naman ako dahil alangan namang iiwan ko lang siya dito ng mag-isa?
"V-Vin?" Bahagya ko siyang inalog para magising siya. "Vin." Mabilis akong napatayo ng gumalaw siya, nabitawan niya yung aklat na hawak niya at medyo nahulog ang salamin niya.
"K-Kanina kapa?" Tanong niya ng makita akong nakatayo sa harapan niya, nilalaro ko ang kamay ko dahil sa kaba, may kasalanan pa rin pala ako, kainis.
"A-Akyat na ako sa taas," mabilis akong tumalikod sa kaniya para makatakas sa mga sasabihin at tatanungin niya.
"Where have you been? I've been looking for your everywhere, and you didn't answer my text and call, I thought you're in danger," mabilis niyang sermon sa akin. Patay.
"A-Ahm... N-Na... N-Na-lowbat kase ako kanina," paliwanag ko na kinakabahan pa rin.
Bakit ba nagpapaliwanag pa ako? Ano bang paki niya kung saan ako punta?
"Sa susunod, magpaalam ka kung saan ka pupunta para hindi ako nag-aalala." Naglakad siya papunta sa hagdan, nilampasan niya lang ako at dumiretso na siya sa kuwarto niya.
Nakanguso naman akong pumasok sa kuwarto ko, kainis bakit ba nagpapaliwanag pa ako sa kaniya? Pero alam ko din namang mali ako, kaya lang bakit ba ganon na lang yung pag-aalala niya?
Inalis ko na yun sa isip ko at ginawa ko na ang night routine ko bago ako natulog.
NANDITO ako ngayon sa room at nakikinig sa prof ko, gusto ko ng matapos ang klase na ito dahil nakakaboring, hindi naman sa pagmamalaki pero alam ko na lahat ng tinuturo nila dahil nabasa ko na yun, lagi kase akong naga-advance reading para hindi na ako mahirapan, kaya ngayon inaantok na ako.
"Class, dismissed." Mabilis ang naging kilos ko ng sabihin yun ng prof namin.
"Inaantok ako kanina pa," reklamo ni Pria, tinawanan ko lang siya bago tumayo.
"Gusto kong uminom mamaya, sasama ka?" Tanong ko sa kaniya.
"Iinom ka na naman, alam mo bang masama yan sa katawan?" Natatawa niyang sabi.
"Nagsabi ang malakas maglasing," sabi ko bago tumayo dala-dala ang bag ko.
Sumunod naman siya sa aking lumabas, alas-singko pasado na rin kaming pinalabas ng prof namin, maaga pero late na yun para sa akin, gusto ko talagang lumabas at magsaya para naman makabawi ako nung subrang stress ako sa plates ko.
"Doon ba tayo sa condo mo?" Tanong ni Pria.
"No way, sa iba tayo," sagot ko sa kaniya.
Akala ko dalawa lang kami ang lalabas at magsasaya pero napairap na lang kami ng makita namin si Khad at Cris na nakasandal sa kotse ko.
"Akala niyo matatakasan niyo kami 'noh?" Natatawang tanong ni Cris.
"Wala naman kaming kasalanan para takasan kayo eh," sagot ko naman.
"Sabi ko nga, pero... Saan ba kayo pupunta?" Taka niyang tanong.
"Iinom, sasama kayo?" Tanong ko.
"Na naman?" Tanong ni Khad.
"Bawal ba? Hindi naman na kami minor eh," sagot naman ni Pria.
"Bawal, lalo na kapag wala kayong kasamang lalaki, mamaya kung ano pa mangyari sa inyo eh," hindi ko na sila pinansing dalawa doon, malamang na mag aaway na naman yun.
"Dito na ako sasakay sa kotse mo," sabi ni Khad.
"Ikaw na mag drive," hinagis ko sa kaniya yung susi at sumakay naman ako sa passenger seat, si Cris daw ang mag dadala ng kotse niya.
Nagsimula na siyang magmaneho at nakasunod lang yung dalawa sa amin, tahimik lang kami at walang nangahas na magsalita. Hanggang sa hindi niya na ata natiis ang katahimikan at nagtanong na siya.
"May problema ka ba? Bakit ka maglalasing?" Tanong niya pero hindi ako binalingan ng tingin.
"Wala naman, gusto ko lang magsaya," sagot ko sa kaniya na nasa harap din ang paningin.
"Bakit, hindi ka ba masaya?" Kunot noo niyang tanong.
"Paano ba maging masaya?" Ani ko.
"Ngumiti ka." Utos niya, taka akong napatingin sa kaniya. "Ngiti." Mabikis ko siyang sinunod at nilabas ang ngipin sa pilit kong ngiti. "Ayan masaya kana."
Amputikkk.
_______________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro