Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20

***

Hindi ko makagalaw ang paa ko sa kinatatayuan ko habang nakatitig at gulat na gulat ng makita ko si Cy na may hawak na cutter at handa niya ng sugatan ang kaniyang sarili, nabitawan ko rin yung hawak-hawak kong regalo para sa kaniya dahil sa takot.

Mabilis naman ang naging kilos ni Vin at nahawakan niya kaagad ang kamay ni Cy kung saan niya hawak ang cutter.

"Cy, what the fuck your doing!!?" Sigaw ni Vin, nakatulala lang si Cy at tamlay na tamlay.

Hindi siya nagsasalita at parang wala ng ganang mabuhay pa, tumulo ang luha sa mata ko habang awang-awa sa kapatid ko.

"C-Cy?" Tawag ko dito habang patuloy na bumubuhos ang luha ko sa mata. Mabilis naman siyang lumingon sa kinaroroonan ko. Bigla na lang siya umiyak at nagmamadaling tumakbo papunta sa akin.

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko ng niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak, dinama ko ang init ng yakap niya na matagal kong hindi naramdaman.

"Ate..." Iyak siya ng iyak at hindi inaalis ang yakap sa akin.

"Shhhh, n-nandito lang ang A-Ate." Putol-putol kong sagot sa kaniya.

"A-Ayaw ko na dito ate." Nagtataka ko siyang inilayo sa akin.

"B-Bakit?" Akala ko sasagot siya pero mabilis siyang umiling, ilang beses siyang umiling na ikinataka ko. Napatingin ako kay Vin na ngayon ay nagtataka rin. "Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?"

Iyak lang ang isinagot niya sa akin, ilang minuto pa rin siyang iyak ng iyak hanggang sa kumalma na siya.

Birthday na birthday niya umiiyak siya.

Habang sila ay nagkakasiyahan sa baba yung celebrant nandito sa taas at iyak ng iyak, gusto ko silang sigawan sa baba pero pinangungunahan pa rin ako ng pag-aalala kay Cy.

Wala bang alam si Mommy at Daddy kung ano na ang nangyayari sa anak nila?

"Bumaba kana doon, Cy." Utos ko, mugto na ang mata niya dahil sa kaiiyak.

"Ayaw ko doon," sagot niya naman sa akin.

"Magtataka na sila kung bakit wala ka pa rin sa party," dagdag naman ni Vin.

"Naghatid lang ako ng regalo ko sa'yo, happy birthday." Nakangiti kong bati sa kaniya bago i-abot ang regalo ko. Napangiti naman siya ng tanggapin niya yun.

Matapos noon ay lumabas na din kami ni Vin, nagpaalam na ako kay Cy at nangakong babalik na lang kapag nagkaroon ng pagkakataon, gusto ko pa sana siyang tanungin kaya lang hindi na pwede dahil lalong magagalit sa akin si Mommy at Daddy, baka si Cy pa ang paginitan nila kaya mabuti nang ako ang umiwas.

Sa likod na kami dumaan ni Vin bago dumiretso sa kotse niya, hanggang ngayon nag-aalala pa rin ako sa kaniya, ang dami kong tanong at pinigilan ko lang ang sarili ko kanina dahil baka nap-pressure si Cy.

"Ayos lang kaya si Cy?" Tanong ko kay Vin habang ang mata niya ay nakatuon lang sa daan.

"I think hindi, kailangan natin siyang bantayan," sagot niya naman, hindi na ako nagtanong ulit dahil mukhang malalim ang iniisip niya.

Baka may alam siya kung ano ang nangyayari kay Cy? Sila naman lagi ang magkasama at isa pa doctor ang course niya, kaya madali lang para sa kaniya kung ano ang kalagayan ng kapatid ko.

Nang maka-uwi kami sa bahay ay mabilis akong umakyat sa kuwarto, it's already eight in evening, pagod rin ang katawan ko kaya mabilis rin akong nakatulog.

KINABUKASAN ay maaga akong gumising, bumungad kaagad sa akin ang painting na binigay ni Cy, tiningnan ko yun bago may naisip na naman.

Matapos magawa ang morning routine ko ay pumunta na ako sa painting room ko dito sa bahay, pagpasok ko ay marami ng gamit doon pero walang painting dahil hindi pa naman ako nagsisimula, bumungad din sa akin yung canvas na malaki na pinapagawa sa akin ni Vin.

Sinimulan ko ng ipag-mix ang mga kulay. Nakaisip kaagad ako ng pwede kong ipinta, kinuha ko ang cellphone ko at ini-stalk si Cy sa Instagram niya. Nang makahanap ako ng good picture niya ay yun na ang ginamit ko. Nakangiti ako habang ginagawa ko yung painting niya. Medyo matagal na din ng huli akong nagpinta.

Bawat painting na ginagawa ko para sa kaniya ay nakaipon lahat doon sa painting room ko sa bahay, hindi ko lang alam kung ipinatapon yun ni Mommy o sinunog, siguro naman hindi papayag si Cy na mawala yun doon.

I was busy doing my things nang biglang bumukas ang pinto ng painting room at iniluwa noon si Vin.

"Hindi ka ba kakain muna? Tanghali na ah, akala ko nga tulog kapa eh," sabi niya, ibinalik ko ang tingin ko sa canvas at nagpaint ulit.

"Bababa na lang ako mamaya, hindi pa naman ako gutom," sagot ko dito, nakita ko sa gilid ng mata ko na naglilibot siya at napahinto siya sa malaking canvas na hanggang ngayon ay wala pa ring paint o kahit kulay man lang.

"I see, kailan mo ito gagalawin?" Patukoy niya sa canvas na malaki.

"Kapag hindi na ako nainis sa'yo." Matapang kong sagot na ikinatawa niya.

"Hindi naman kita ginagalaw ah," natatawa niyang sagot sa akin.

"Tse, lumabas ka na nga, ini-istorbo mo lang ako eh." Natatawa naman siyang lumabas ng room, inirapan ko siya bago bumalik sa pagpipinta.

Kunti na lang matatapos na ako, kaya binilisan ko na dahil kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Akala ko hindi na ako makakaramdam ng gutom eh.

Nang matapos ko ang painting ko ay bumaba na rin ako sa kusina, bumungad naman sa akin si Vin na seryusong-seryuso sa kaniyang tina-type sa laptop niya, hindi niya nga ata ako napasin eh.

Hindi ko na siya pinakialaman at dumiretso na lang sa kusina para kumain, may nakita naman akong pancakes doon kaya yun na muna ang kinain ko, nag timpla din ako ng chocolate coffee. Nagsimula na akong kumain habang nanunuod sa cellphone ko ng k-drama.

Ilang minuto pa ang lumipas at nag-pop sa notification ko ang tawag ni Khad. Mabilis ko naman yung sinagot.

["Where are you?"] Tanong niya pagkasagot ko.

"Bahay? Bakit?"

["Labas tayo, libre ko."] Yaya niya.

"Saan naman tayo pupunta?" Taka kong tanong.

["Ako na ang bahala, sasama ka ba o hindi?"]

"Teka lang naman, ito na magbibihis na, hoy wala akong kain ha, ikaw magpapakain sa akin." Pahabol ko habang tumatakbo papunta ng kuwarto ko.

["Oo sige, sunduin na kita sa village niyo."] Pinatay niya na ang tawag kaya mabilis na akong nagbihis.

Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay bumaba na ako, nandoon pa rin si Vin sa laptop niya, hindi na ako nag-abalang magpaalam sa kaniya dahil ayaw ko siyang istorbuhin.

Mabilis akong tumakbo papunta sa gate ng village baka kase pumasok pa siya at makita niya kung saan ako nakatira, sinabihan ko na rin yung guard na 'wag basta-basta magpapapasok ng sino mang tao lalo na kapag kaming dalawa ni Vin ang hinahanap, dapat tawagan muna kami bago papasukin para na rin sa privacy naming dalawa na ayaw naming makalabas.

Hinintay ko na lang sa labas ng gate si Khad, hindi ko na dinala ang kotse ko para kay Khad na lang ako sasakay, nakakatamad din kaseng magmaneho tapos gutom pa ako, wala pa akong kain.

"Hey," napalingon ako kay Khad ng tawagin niya ako. Inis naman akong lumapit sa kotse niya at sumakay sa passenger seat.

"Ang tagal mo," reklamo ko pagsarado ko ng pinto, nagsimula naman siyang magmaneho na medyo natatawa.

"Parang ang lapit kase ng condo ko sa village na ito eh," sagot niya naman.

"Saan mo ba kase ako dadalhin?" Tanong ko. Napansin ko na naman yung piso sa tenga niya, hindi ba siya nahihiya na lagi yung nandoon? Hindi ba siya nabubungol?

"Ayaw kitang dalhin sa Mall, Restaurant o kahit saan pa, dadalhin kita sa aming bahay, 'di tayo mag-aaway~"

"Kingina mo, ang panget ng boses mo," natatawa kong sabi sa kaniya, paano kase kinanta niya pa.

"Joke lang, basta malalaman mo mamaya," sagot niya sa tanong ko kanina.

"Ang dami mong alam." Tinawanan niya naman ako.

Hindi na kami nagsalita na dalawa at tinuon ko na lang ang paningin ko sa labas, sigurado ako na sa bayan kami pupunta, hindi kase kami lumalayo dahil puro building na matataas pa rin ang nakikita ko.

Ilang minuto pa ay huminto na kami, enexpect ko na sa magandang lugar niya ako dadalhin, kagaya ng restaurant kase nagugutom na talaga ako at wala pa akong agahan.

"Anong ginagawa natin dito!?" Inis kong tanong, dalhin ba naman ako sa museum.

"Basta, mamaya na tayo kakain." Hinila niya na ako papasok.

"Siraulo ka, alam mo ba kung gaano na ako kagutom?" Wala na akong nagawa ng tuluyan na kaming makapasok.

Bumungad kaagad sa amin ang isang malaking sculpture ng lalaki at babae na naghahalikan, sumunod lang ako kay Khad kung saan man siya pupunta. Nakarating kami sa isang room na kung saan maraming painting. Mabilis naman akong napangiti ng makita ang iba't ibang painting doon.

"Ang ganda 'di ba?" Nakangiti niyang tanong na mabilis ko namang tinanguan.

"Yup," wika ko.

"Pero mas maganda ito." Tinuro niya ang isang painting na lalong nagpanganga sa akin.

"P-paanong-"

"Oh, sabi ko na magugulat ka eh," natatawa niyang putol sa sasabihin ko.

Hindi kaagad ako nakasalita dahil sa gulat, paanong napunta dito yung painting ko? Ito rin yung nakita ko sa kuwarto namin ni Vin. Akala ko yun na yung painting ko.

"Original ba ito?" Nagtataka kong tanong at mas lalo pang lumapit doon. Nandoon pa ang perma ko at ang date kung kailan ko natapos ang painting na yun, isa yun sa mga master piece ko na hinding-hindi ko makakalimutan dahil yun ang kauna-unahang panalo ko sa isang competition.

"I think hindi na." Sagot niya naman na ikinataka ko.

"Huh? Nasaan ang original?" Taka kong tanong.

"Aba, malay ko hindi ba ikaw ang gumawa niyan?" Tanong niya naman.

Gusto kong malaman kung original ba kaya mas lalo akong lumapit dahil may palatandaan ako doon, mayroon yung paint sa ilalim na kulay blue dahil aksidenteng nalagyan ni Cy.

Nanghinayang naman ako ng wala akong makita doon, baka nga hindi na ito ang original. Ang ikinatataka ko lang bakit nandito ang painting ko sa museum na ito? Hindi lang naman yung akin ang painting dito, marami pang iba at mas magaganda.

Hindi rin ba original yung nilagay ni Vin sa kuwarto namin? Wala naman ata sa bahay yung original noon dahil hindi ko yun inuwi.

Naglibot pa kami ni Khad sa loob at dahil gutom na nga ako ay hindi na kami nagtagal doon, dinala niya naman ako sa restaurant at nag-order doon, as usual kung ano ang kakainin ko ay yun din ang sa kaniya.

Matapos namin kumain ay lumabas na rin kami, hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit napunta sa museum ang painting ko, at isa pa nasaan ang original noon?

"Ano pala nangyari diyan sa kamay mo?" Tanong niya sabay inangat ang kamay ko na hanggang ngayon ay may benda pa rin.

"Nothing," tipid kong sagot, ayaw kong magkwento.

Sumakay ulit kami sa kotse niya, akala ko ihahatid niya na ako sa village pero hindu dahil papunta sa condo ko ang pagmamaneho niya.

"Saan mo ako dadalhin?" Nagtataka kong tanong.

"Sa store ko, may sasabihin ako sa'yo," mabilis niyang sagot halatang kabado.

"Ano naman yun? Kung ililibre mo ako ng ice cream game hehe." Natawa siya sa sinabi ko bago umuling-iling.

Damot.

Hinintay ko na lang na huminto ang kotse at hindi na nagsalita, ano kaya sasabihin nito? Parang ano naman eh.

Nang makarating kami doon ay pumasok kaagad kami, may isang nagbabantay doong babae yung binilhan ko nakaraan.

"Hi, Sir, ma'am," bati niya sa amin, nginitian ko naman siya bilang ganti.

"Hello, ayos ba binta natin ngayon?" Tanong sa kaniya ni Khad.

"Yes Sir," sagot naman niya, tumango su Khad bago siya nilampasan, sumunod naman ako dito at pumasok siga ng staff room.

Pagpasok niya doon ay may maliit na parang hallway bago bumungad ang isang pinto, may isa pang pinto doon baka yun ang sa mga staff? Binuksan niya yung pinto gamit ang susi niya bago pumasok.

"Come in, this my office." Dahan-dahan akong pumasok sa loob at bumungad sa akin ang napakalinis na opisina, may office table and chair doon, may maliit din na sofa kaya doon ako naupo, meron siyang malaking monitor sa gilid kung saan nakikita ang sa labas dahil CCTV yun.

"Bakit mo ako dinala dito?" Taka kong tanong.

"I-If ever na wala ako ng ilang linggo, sa'yo ko ihahabilin ng store na 'to," nakangiti niyang sagot.

_______________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro